Chapter4

3057 Words
*Third person's POV* @Montano's House/ Chairman's office "Butler Marcos, kamusta na si Lade"- Pagbungad na tanong ng chairman sa lalaking kakarating pa lang at kasalukuyang naka tayo sa kanyang harapan "Hanggang ngayon ay nasa pangangalaga pa rin sya ng kanyang master, subalit hindi namin alam kung na saan na sila ngayon dahil kahit ang mga inutusan ninyong mga tauhan upang sundan sila ay wala na ring maibalita"- Ani ng Butler nasa edad 50's, napaka formal nitong tingnan sa kanyang suotan na coat and tie. Naka yuko ito at hindi magawang tumingin sa matanda "Mahigit 10 taon na simula nung umalis sya dito, sapalagay ko'y ngayon na ang tamang panahon upang bumalik s'ya dito"- ani ng matandang babae "Butler Marcos"- "Ano po yon madam chairman"- Agad na sagot ng butler saka nito ini-angat ang kanyang ulo para tumingin sa chairman. "Pabalikin mo na sya dito, hanapin nyo s'ya at gamitin ang lahat ng connection na meron ako. Bibigyan ko kayo ng isang linggo sapalagay ko'y sapat na ang panahon na iyon upang matuntun nyo ang kinaroroonan niya at pag hindi nyo sya nahanap kayo ang mananagot sa akin, lahat kayo'y matatanggal sa inyong mga kinalulugaran"- May pagbabantang tono ng chairman "Masusunod po"- Muli nitong iniyuko ang kanyang ulo ng ilang sandali ngunit hindi mababakas sa kanyang mukha ang pagkatakot o panggamba sa pagbabantang narinig mula sa matanda, bagkus ay nanatili itong kalmado hanggang sa lumabas ito sa opisina ng matanda. Si Miranda Montano na kung tawagin ay madam chairman, chairman Miranda o mas kilala sa tawag bilang devil Miranda dahil sa pinapakita nitong ugali na hindi nagugustuhan ng halos lahat ng taong nakapaligid sa kanya. Isang syang pure Filipino at sa edad na 70 ay nagagawa pa rin nitong pamahalaan ang kanyang malaking kompanya, sa pangalan din nya nakapaloob ang tatlong naglalakihang negosyo na magkakaiba ng industriya tulad ng BLANC -Tech na kilala sa pinakamalaking gaming company na nag dedeveloped ng mga games and application na talaga namang sumisikat at pumapatok sa tao, hindi lang kilala ang blanc-tech sa loob ng bansa kung 'di maging sa iba pang mga bansa ay kilala ang mga games at applications na kanilang dine-developed. Sumunod na dito ang BLANC- medical hospital kung saan nangunguna sa may pinaka mahuhusay at magagaling na Doctors. Una sa may pinaka maganda't malalaking hospital building, sila rin ang may pinaka mahal na private hospital na may mahigit 20 branches sa loob at labas ng bansa. Kilala ang hospital na ito bilang ospital ng mayayamang tao. At ang pinaka huling negosyo na kanyang naitatag ay ang Blanc & Glxy Brand kung saan kasing lalaki ng shopping mall ang kanilang mga shop, may mahigit 10 branch around the world kabilang na dito ang korea, Japan, China, France, Taiwan, United states, London, Italy at Philippines, isa din sila sa nangunguna sa fashion industry dahil hindi lang sila basta nag bebenta ng mga luxury fashion design garment kundi kabilang din sila sa sumasabak sa mga competitions, magazine at karaniwang famous celebrity model ang nagrerepresenta ng kanilang mga produkto na agad naila-launch sa iba't ibang panig ng mundo. Sila din ang isa sa may pinaka mahal na presyo ng mga damit, sapatos, bag at mga accessories na ang karaniwang nakakabili lamang ay ang mayayamang tao at kabilang na dun ang mga sikat at mayayamang celebrity star. At ang lahat ng 'yan ay nasa ilalim ng pangalang Miranda Montano na tinaguriang Queen of business dahil kompanya nito ang leading company, number 1 biggest company at nangunguna sa pinakamayaman sa bansa at kabilang rin sa pinakamayamang tao sa buong mundo kaya lahat ng nasa industriya ng negosyo ay gustong gayahin ang kanyang pamumuno. Bukod sa negosyo ay meron syang ilang milyong mga empleyado, may malalawak na mga lupain, may apat (4) na private Island, may private plane, yate, mga sasakyan, mga villa at iba pang mga ari-arian na parti ng kanyang kayamanan tulad ng tunilada ng ginto, at mga investment at assets sa iba't ibang negosyo sa halos lahat ng mayayamang bansa"- Dahil na rin kapangyarihang meron sya kaya maraming mga tao ang takot sa kanya, takot sa kaya niyang gawin. Daig pa nito ang presidente ng bansa dahil kapag nag-utos at may ipinagawa ito ay agad siyang sinusunod ng walang angal at reklamo kahit mga business tycoon at politician ay takot sa kanya at walang gustong bumangga o kumalaban dito dahil isang pitik lang nito sa kanyang daliri ay maaari na itong magpapatay ng tao ng walang nakakaalam o di kaya naman ay manira ng buhay ng hindi gumagawa ng kahit na anong ingay. Maraming umiiwas sa kanya at marami rin na 'man ang lumalapit dahil sa kapangyarihang meron sya at pagdating sa connections ay walang tatalo sa kanya dahil bukod sa Queen of business ay kilala din sya bilang Queen of connections dahil halos lahat ng maimpluwensyang tao ay kakilala nya. Nasa 70 years old na ang chairman ngunit hindi mahahalatang ito ay nasa ganong edad na dahil sa mas bata nitong itsura,hindi makikita ang wrinckles sa kanyang mukha ngunit gaano 'man kaganda ang panlabas nitong anyo ay kabaliktaran 'yon pagdating sa kanyang kalusugan dahil batid na nitong sya'y nanghihina na at kung ano-ano ng sakit sa katawan ang kanyang iniinda dala ng katandaan. . . . . . Hindi pa nakalilipas ang ilang minuto nang pumasok naman ang isang lalaking binatilyo na 'mas mukhang formal ang dating at di hamak na mas bata ito ng mahigit 20 taon sa butler na kaninang kausap ng chairman. Kung titingnan ay ito'y nasa late 20's pa lang. Naka tayo habang naka silip sa bintana ang chairman ng ito'y pumasok. "Secretary Madrid "- Ani ng chairman kahit yabag pa lamang ang kanyang narinig mula sa pumasok ay nagbitiw na agad ito ng pangalan na parang siguradong- sigurado na sya sa kung sino ang dumating. "Yes chairman"- ani ng secretary na kapapasok pa lang. "Magpadala ka ng mga tao sa L.A at london upang hanapin si Lade 7 taon na akong walang balita kung nasaan na siya at sampong taon na nung umalis sya dito kailangan nyo na syang hanapin."- chairman, hindi parin ito umaalis at nanatili pa rin sa kanyang pagkakatayo "Sa katunayan ay sinisimulan na naming ipakalat ang mga tao n'yo sa L.A upang hanapin si Lade ngunit bakit pati kailangan nating magpadala ng tao sa london? wala namang record na umalis sya ng bansa "- Dahil sa sinabi ng secretary ay agad na humarap ang chairman dahil sa narinig mula dito. "Magpadala ka ng tao na maghahanap sa kanya sa london yan ang utos ko sayo. Sa ngayon ay nakatitiyak akong nandun sya"- chairman "Subalit chairman, sinubukan na naming kontakin ang lahat ng airlines sa L.A at walang Lade Montano na lumalabas ng bansa kaya ibig sabihin lang noon ay nananatili pa rin siya dun"- Secretary Madrid "Hanggang ngayon ba'y hindi mo pa rin kilala ang anak ni Lazaro? Maliit pa lang ang batang iyon ay makikita na ang kanyang abilidad. Hindi mo ba naisip na maari syang gumamit ng ibang pangalan upang hindi natin sya matuntun?"- Biglang natigilan ang binatang secretary's at napa-isip sa sinabi ng matanda "Kung ganon ay gumagamit sya ng ibang pangalan?"- "Suyudin nyong maigi ang mga lugar na sinabi ko. Ibibigay ko sayo ang permiso na gawin ang lahat ng kaya mong gawin, ipa-wanted mo 'man sya sa mga awtoridad, ipakidnap mo 'man sya o igapos mo man ang paa't kamay nya wala akong pakialam basta gawin mo kung anong sinabi ko sayo nang sa ganon ay mapilitan na syang bumalik dito"- utos ng matanda "Kaya lang chairman... siguradong magagalit si Ms. Victoria kapag nalaman n'ya ito"- "Hindi mo ba narinig ang mga pinag-uutos ko sayo sundin mo kung anong pinapagawa ko wag ka ng umapila pa at kung maari ay wag ka ng marami pang tanong"- "Masusunod"- Kahit gustuhing tumangi ng secretary sa inuutos ng chairman ay wala na itong ibang nagawa kung 'di ang yumuko na lang at sundin ang pinag-uutos sa kanya. "Yung anak ni Butler Marcos, sa pagkaka-alam ko kasama nya si Lade. Alamin mo ang tungkol dun 'mas madali natin syang mahahanap kung kasama nya ngayon si Raiden"- "Masusunod"- "Sige na, pwede ka ng umalis"- Chairman Nag bow na ang secretary at umalis na rin ito tulad ng utos sa kanya. Samantalang ibinalik ulit ng matandang babae ang pagsilip nya sa bintana at tila ba nakatitig sa kawalan kasabay ng pag-iisip nito ng malalim. *Rei's POV* ~9:30 P.M~ @kitchen Maingat akong nangangapa sa dilim dahil hindi ko alam ang bukasan ng ilaw at masyado akong tamad para hanapin pa 'yon kaya hindi na ako nag abala pa. "Hay. Ang dilim"- mahina kong sabi na at tanging sarili ko lang ang nakarinig. Pinagpatuloy ko ang paglalakad ko para makainom na ako ng tubig na yon naman ang dahilan kung bakit ako nangangapa ngayon dito. Nang makainom ako ay naglakad na ulit ako palabas sa kusina ng tahimik at hindi gumagawa nang ingay dahil ayaw ko naman na mabulabog ko si tita Lorrie at yung house mate ko na si Yen. Dahan- Dahan ang bawat hakbang ko hanggang sa makalabas ako sa kusina ay pilit kong pinagagaan ang bawat yabag ko na kulang na lamang ay maglakad na ako sa hangin patungo sa aking silid. Sa kalagitnaan ng aking tahimik na paglalakad ay may narinig akong ingay na mistulang bumasag sa pinananatili kong katahimikan, ito ay ng may nagbukas at pumasok sa pinto galing sa labas ng bahay. "?"- Huminto ako at nagmasid may kadiliman ngayon sa buong bahay kaya hindi ako nakikita sa pwesto ko ganon din kung sino 'man yung pumasok. Hindi ako gumagalaw at patuloy akong nakikiramdam... *footstep* *footstep* Nang marinig ko ang yabag na nagmula taong yon ay nakatiyak agad ako na yabag iyon ng isang lalaki. Hindi ako pwedeng magkamali dahil bawat yabag ay may kabigatan kumpara sa yabag ng isang babae. *footstep* *footstep* Nagpatuloy sa paglalakad yung lalaki patungo sa taas. "Hindi kaya magnanakaw ang taong yon?"- Tanong ko sa aking isipan na tanging sarili ko lang din ang makakasagot. Naisip kong sundan ito dahil nasa taas sila tita lorrie sa kaba kong baka mapahamak ang mga ito. Dahan-dahan akong kumilos at naglakad na parang naglalakad sa hangin ng sa gayon ay masundan ko sya ng hindi nya napapansin. Bago ako tumapak ng hagdan ay sinigurado ko munang may kalayuan na ang pagitan n'ya sa akin dahil na rin bukas yung lamp shade na naka lagay sa may hagdan nalaman kong tama nga ang hinala ko, isa ngang lalaki taong 'yon. Nakatalikod ito kaya hindi ko nakita ang kanyang mukha ngunit masasabi kong may katangkaran ito, nakasuot ng sumbrero at full black outfit. Nakarating na ito sa second floor kaya madilim na uli sa lugar niya. Nagsimula na akong humakbang ng masiguro kong malayo na ang distansya naming dalawa. Sa aking paglalakad ay may nadaanan akong isang walis tambo sa may tabi kaya kinuha ko ito. Nawala na rin agad sa paningin ko yung lalaki ng maka apak na ito sa sahig ng ikalawang palapag. *lakad* *lakad* Hanggang sa makarating ako sa second floor, maingat pa rin ang bawat paghakbang ko at dahil sa dilim ay wala na akong makita kaya huminto na lamang ako at nakiramdam. ?_? Tahimik na ulit. Wala na akong marinig o maramdamang mga yabag. Inikot ko ang aking paningin kahit wala akong makitang kahit ano. hinanda ko na lamang ang walis na hawak ko upang gawing pamalo ng sa ganun ay maging handa ako sa oras na biglang may mangyaring pag-ataki. Sa isip-isip ko'y na nakaramdam na taong yon kaya bigla itong nagtago, nakatitiyak akong nasa paligid lang sya at sa ano mang sandali ay maari n'ya akong atakihin ngayong alam na nyang sinusundan ko sya. Sa mga sandaling ito ay hindi ko maipagkakaila na magkahalong kaunting kaba at kaunting takot ang nararamdaman ko ngunit, hindi ko yon hinayaang manaig sa aking sarili kahit alam kong ang gagawin kong ito ay maaring magdadala sa akin sa kapahamakan. Nabubuo na din sa aking isipan na hindi imposibling may dala itong baril o kaya nama'y matulis na patalim na maaring isaksak sa akin ano mang sandali kaya naman ganun na lamang ang aking pagiingat. Batid ko na nagpapakiramdaman lang kami ng taong ito o di kaya'y isang maling galaw lang ay maari naming atakin ang isat-isa. Hinanda ko na lamang ang tambo na hawak ko at... "PAKSSSSS" "?"- Sa sobrang katangahan ko'y ako pala yung unang nakagawa ng ingay at maling galaw, dahil sa hindi ko sinasadyang pangyayari na sagi ko ang isang bagay na babasagin na naging dahilan kung bakit ito nahulog sa sahig at na basag. "?" May naramdaman akong biglang gumalaw sa likod ko. *Smirk*- ako HULI KA "YAHHHHHHHHHHHHHHHHHHH"- Hindi pa nakakalipas ang tatlong segundo ng atakihin ko sya gamit ang tangkay ng walis na ginamit kong pinaghahampas sa kanya. "ARAY!!! ANO BA!"- Pagrereklamo nung lalaki habang hinahatawan ko sya ng walis na ginawa kong arnis yung handle. Kahit wala akong makita ay alam kung nasasapulan ko sya. "PAKSSSSS" "YAHHHHHHHHH!" "PAKSSSSSS" Hahampasin ko pa sana sya ng napakaraming beses ng bigla nyang nahawakan ang walis na hawak ko, sinubukan ko itong hatakin mula sa kanya ng buong pwersa pero hindi ko yon magawa dahil sa lakas nya. Hanggang sa mahawakan na nya yung braso ko na naging dahilan kung bakit nahuli nya ako at kung bakit nagawa nyang maisandal ang mukha ko sa matigas na pader na kulang na lang ay makipaghalukan ako dito. Samantalang, yung kamay ko naman ay nasa likod ko at hawak- hawak nya. Mukha akong criminal na nahuli ng police sa itsura ko ngayon, isang kriminal pinipilit pa rin na lumaban. "YAHHHHHHHHHHHHHHHH!!!"- Sigaw ko na dumagongdong sa loob ng buong kabahayan. "Sino ka?"- tanong nya sa akin mula sa likod ko na dapat ay sa akin nanggaling. "Ako dapat ang magtanong nyan sayo, sino ka ba?Bitawan mo ako kung hindi...hindi ako magdadawang isip na balian ka ng katawan!"-Pagbabanta ko kanya. "Hindi ba ako dapat ang nagtatanong nyan sayo! SINO KA BA?"- Sabi ng loko "ANO BAAAA!"- Pagpalag ko Hindi pa rin nya ako binibitawan at halos ingod-ngod na nya yung mukha ko sa matigas na ding-ding, masakit na!!! "BUMITAW KAAAA!!!"- Naiinis na ako sa kanya! Pinilit kong tanggalin yung kamay ko sa pagkakahawak nya kaya inikot ko ang aking braso ng sa ganun ay lumuwag ang paghawak niya dito kahit ramdam ko na muntik na itong mabali ay ginawa ko parin sa kagustuhan kong makawala sa mula sa kanya. Nang magawa kong matanggal ang kamay ko ay nagbwelo ako, tinuon ko ang paa ko sa pader at tinulak ko ang aking sarili patalikod. Alam kong nasa likod ko pa rin sya at pagginawa ko 'yon ay makakawala na ako sa kanya... Nang maitulak ko ang sarili ko sa kanya ay agad din itong tumalsik sa kabilang pader na katapat namin... *smirk*- Ako Kahit madilim ay alam ko kung nasaan sya ngayon kaya muli akong nagbwelo at sa pagkakataong ito ay sinipa ko sya na mukhang tinamaan naman sya sa ginawa ko... "AHHHHHH!!!"- sya "Aishhhh!!!"- Hindi ko alam kung paano nya nalaman kung nasan ako pero nahuli na naman nya ako at muling inulit yung ginawa nya sa akin kanina. Sinandal nya ulit ako sa matigas pader at ramdam ko na 'mas humigpit pa ang hawak nya sa braso ko kumpara kanina at yung isa nyang kamay ay nakatuon sa likod ko kaya hindi ako makagalaw "AHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!"- Pumapalag pa rin ako at nagbabakasakaling makawala ulit. "Sino ka ba?"- tanong nito sa akin. Wala na akong kawala sa kanya dahil pinilipit na nya yung braso ko sa likod ko. "AHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!"- Nasasaktan na ako sa ginagawa nya sa akin, sa oras na makawala ako dito humanda sa akin ang taong ito! Hindi na talaga ako natutuwa sa mga nangyayari Bwisit talaga! "ANO BAAAAAA!"- Pagpalag ko at habang ginagawa ko iyon ay may narinig na akong nag bukas ng pinto, kasabay din nun ang biglang pagbukas ng mga ilaw na nagbigay liwanag sa buong kabahayan, sa sobrang kaliwanagan ay mabilis kong naipikit ang aking mga mata sa biglang pagtama nun sa aking paningin. "Ano nangyayari dito?"- Napatingin ako bigla sa kaliwang bahagi ko ng marinig ang boses ni tita Lorrie "?"- Gulat ang sumalubong dito at sa house mate ko ng lumabas sila mula sa kanilang mga silid lalo na nang makita ng mga ito na may mga bubog na nagkalat sa sahig. "Teka... naku!"- Binitawan ako nitong lalaki kaya malaya na ako... At ang unang sumagi sa isip ko ay ang salitang PAGHIHIGANTI humanda sa akin ang lalaking ito dahil hindi isa o dalawa ang sapak na ibibigay ko sa kanya. *evil smile* Tinikom ko ng buong- buo ang aking kamao at nagunat-unat na din ako ng leeg at mga braso. Bago 'man lang sana namin maireport at ipadala sa presento ang lalaking ito ay makaganti ako sa kanya ng 'mas malala sa ginawa nya sa akin kanina. "YAHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!"- Sinimulan ko na syang sugudin at pagpapaluin sa katawan gamit ang kamay ko na kanina pa nangangating gawin yon sa kanya. "Aray! Teka nga lang!"- *PAKSSSSS...PAKSSSSS...PAKSSSSS..."- *suntok* *suntok* "ARAYY!"- Umiiwas na lang sya at sinasalag yung mga suntok na binibigay ko sa kanya... NAKU! Nang gigil ako sa kanya. Halos makipaghalikan na ako sa pader sa ginawa nya sa akin. "Sira ulo ka"- Sabi ko habang hinahampas ko sya "Ano alam mo bang dahil sayo first kiss ko ang matigas na pader na yan"-ako kahit hindi yon lumabas sa asking bibig ay yon ang sinasabi ng bawat malalakas kong pagsuntok sa kanya. dahil sa kanya muntik pang mabali ang kamay ko... "PAKSSSSS...PAKSSSS...PAKSSSSS..." Hindi ko na mabilang kung ilang malalakas na palo at suntok na ang naibigay ko sa kanya basta ang 'mas nangingibabaw sa pakiramdam ko ngayon ay hindi pa ako kuntento sa ginagawa ko sa kanya. "PAKSSSSS...PAKSSSSS...PAKSSSSS" Hindi pa rin ako nakokontento kulang na kulang pa ang pananakit ko sa kanya sisiguraduhin kong malulumpo sya bago makalabas dito. *suntok*- *palo*- "Teka lang..."- Pagsalag nya sa suntok ko "Hindi ba't binalaan na kita kanina"- taas noo kong sambit *palo*- ako *palo*- ako *salag*- sya "ARAYYY"- Pagrereklamo nito ng matamaan sya sa braso ng KILLER PUNCH ko Para sa 'mas ikagagaan ng pakiramdam ko. Pinulot ko yung walis na kaninang hawak ko para ihampas sa kanya. "Teka..."- Pero bago ko pa lang gagawin yun ay biglang lumapit si tita at pumagitan sa aming dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD