Chapter5

1705 Words
"Rei iha tama na yan, anak ko sya"- sabi nito kaya napatingin ako sa kanya kasabay nun ang pagkuha niya ng walis sa kamay ko na kapupulot ko lang at balak ko sanang ihambalos sa pagmumukha ng lalaking ito pero dahil sa narinig kong sinabi nyang " Anak" nya natigilan ako bigla. "Anak...nyo...ito?"- paputol putol kong sabi dahil sa pagod. "Oo Rei anak ko yan, kalma ka lang"- tita Lorrie "Anak...ito?- Sabay turo ko sa lalaking sinabi nyang anak nya na kanina lang ay magnanakaw pa sa paningin ko. "Ang sakit nun ah"- Biglang nagsalita ang anak ni tita kaya binaling ko ang tingin ko dito... "?" "lumod*-ako Namililog ang aking mga mata ng tanggalin nya ang suot-suot nyang sumbrelo kaya nakita ko ang buo nyang mukha na kaninang hindi ko nakita dahil sa dilim at sa suot niyang cup na tumatakip sa kanyang mukha 'TUGDUGS...TUGDUGS...TUGDUGS" "Bakit ang lakas...ang lakas ng t***k ng puso ko?"- tanong ko sa aking sarili ng walang nilalabas kahit na isang letra mula bibig ko. "Okay ka lang ba iha? Ikaw naman kasi bakit hindi ka nagbukas ng ilaw, nasaktan ka ba?"- tanong sa akin ni tita Lorrie "Pasensya kana kong nagulat kita"- sabi ng...anak ni tita "Nasaktan ka ba? Okay ka lang bakit hindi ka umiimik d'yan ?- tita "Okay lang po ako... ayos lang talaga ako"- Sagot ko habang itinatago ang kaba sa boses ko Ayos lang talaga ako... Okay lang ako...at normal ako. Maya-maya lang magiging kalmado na ulit ako. "TUGDUGSSSSES... TUGDUGSSSSSS" Normal ako, dala lang siguro ito ng magkasamang pagod at kaba. Okay lang ako...oo Aish, ano bang nangyayare sa akin? "Hindi ko pala nabanggit sayo na may anak ako pasensya kana. Jorden anak, ito nga pala si Rei bagong boarder natin" Pagpapakilala sa akin ni tita Kung ganon Jorden pala ang pangalan nya. "Nasaktan ba kita?"- tanong nung Jorden sa akin. "Ha? Ah hindi, wala lang yon sa akin"- Pahumble kong sabi samantalang kanina lang nagrereklamo pa ako sa ginawa nya sa akin, anong nangyare ngayon? "Sa tingin ko 'mas nasaktan ata ako sa ating dalawa ang lakas mo kahit babae ka. Paano mo nalaman ang technique kung paano tanggalin ang kamay ko sa braso mo? May alam ko sa martial arts o self-defence?" "Ha? Ah konti lang, pasensya kana pala sa ginawa ko kanina ang akala ko kasi isa kang magnanakaw"- Paghumingi ko ng paumanhin sa ginawa kong pananakit sa kanya. "Okay lang biro lang yon"- "Kaya lang sa tingin ko may kasalanan ka din sa nangyare"- "Amph, (ngumite sya sa akin) Tama ka pasensya kana sa ginawa ko. Ako nga pala si Jorden mukha namang halos magkasing edad lang kayo ni Yen kaya kuya Jorden na lang ang itawag mo sa akin"- sya Mukha ngang 'mas matanda nga sya sa akin ng mga anim na taon siguro. Medyo matangkad sya mga 5' 11 siguro, may matangos syang ilong, maganda ang kanyang mata at at kayumangi ang kulay ng kanyang balat, gwapo sya sa totoo lamang lalo na sa outfit nyang black leather jacket na sumakto sa kanyang pangangtawan. "Bakit nga ba napadaan ka dito ngayon?"- Tanong ni tita Dito "Dito ako matutulog ngayon"- "Ah ganun ba sige na, pumasok kana sa kwarto mo, ako ng bahala dito para naman makapagpahinga kana rin"- Tita Biglang humarap sa akin si Jord...si kuya Jorden "Mag enjoy ka sa pagtira mo dito mapapanatag na ang aking loob dahil alam kung may makakasama na sila mama na tulad mo. ikinagagalak ko na makasama ka dito sa bahay"- kuya Jorden sabay ngite nito "Ikinagagalak ko rin na makilala ka kuya"- ako "Mauna na ako sa inyo"- paalam nito sabay naglakad na din "Oh Yen andito ka rin pala ngayon"- Sabi nito bago nya tuluyang buksan ang pinto ng kanyang silid. "Dito na ulit ako ngayon kuya"- sabi ni Yen, Ang house mate ko na naka tayo pa rin dun sa labas ng kwarto nya, sya yung nerd na maganda, matangkad kasi ito at talaga namang halatang may kaya sa buhay dahil sa malabanos nitong kutis. "Pasensya kana mukhang naisturbo ka yata namin pwede ka ng matulog"- sabi ko dito "Kung kailangan nyo ng tulong ko sa paglilinis andito lang ako"- sagot naman niya... Ang bait nya "Kakaunti lang naman ito, sige na Yen matulog kana"- Pagsingit ni tita Lorrie "Kung ganun ay iiwanan ko na kayo matutulog na po ako"- Hindi na rin nagtagal at pumasok na ito kwarto nya at sinara ang pinto. "Pasensya na po kong nabasag ko ang flower vase nyo"- "Okay lang yan, hindi naman mamahalin 'yang vase na yan. Isa pa hindi mo rin naman gusto ang nangyare pasensya kana sa ginawa ng anak ko ha, ayos ka lang ba talaga?"- Tanong ni Tita habang mababakas pa sa mukha n'ya ang pagaalala kasabay ng pamumulot n'ya nung mga basag na parti ng vase na nakakalat sa sahig. "(ngite) okay lang po talaga ako wala pong problema"- sabi ko sabay pinulot ko na din ang ibang mga naiwang parti ng bubog. "Mukhang nagulat ka sa pagdating ni Jorden hindi ko nga pala nabangit sayo ang tungkol sa kanya pasensya kana pero wag kang mag alala dahil mabait naman 'yon at sigurado akong tulad ni Yen at makakasundo mo rin sya"- "Pero hindi po ba naglalagi dito ang anak nyo? at isa ano po bang trabaho nya?"- Ngumite si tita "Napansin mo bang iba ang galawan ng anak ko?"- tita "Napansin ko lang po kasi parang sanay na sanay syang manghuli ng mga tao"- ako "Si Jorden ay isang lieutenant " "Lieutenant? Sa ganung edad?- ako "28 na sya"- "Kung hindi nyo naitatanong ang field na yan ang pinapangarap ng lolo ko para sa akin"- "Kung kaya napansin nya na mahusay ka sa pakikipaglaban. Mukhang magkakasundo nga talaga kayo ng Jorden ko. Pareho pala kayo ng field of interest "- sabi ni tita na may kasamang ngite. Ngunit, na sa kabila ng ngite nyang yon ay kalungkutan ang ibig sabihin. Gusto ko ang self-defense pero ayaw kong pag-aralan para gawing responsibilidad tama na sa akin ang may alam lang. "Pero parang hindi yata kayo masaya sa tinatahak na landas ng anak n'yo?"- "Tama ka, dahil Lubhang napaka delekado ng trabaho nya nasa bawat sigundo ay hindi maiiwasan na malagay ang buhay niya sa piligro at kasabay ng pangambang 'yon ang pag aaalala na baka hindi na sya magkapamilya dahil puro na lamang trabaho ang nasa isip niya"- Tita "Sa palagay ko'y gusto talaga ng anak nyo ang ginagawa nya pero maiba ako wala po ba syang girlfriend?"- Tanong ko "Wala, 5 taon na rin ang lumipas simula nung isama nya dito ang kauna-unahan at huling babaing dinala niya dito ngunit 5 taon na rin simula nung tapusin nila ang relasyong namamagtan sa kanila"- "Masyado lamang po talagang pina-prariority ng inyong anak ang kanyang trabaho"- "Sa tingin mo ba matatagalan pa sya bago magka girlfriend? Para kasing wala sa itsura nyang interesado sya sa mga babae"- Tita "Parang...imposible naman po yata na interesado sya sa...Kapwa nya di ba "- ako "Hay! Ewan ko ba sa batang yon"- Napabuntong hininga na lang sya ng napakalalim. "Makakaisip din po yon, siguro ay hindi pa lang sa ngayon"- ako "Iniisip ko na lamang na malakas manalangin ng babaing makakatuluyan nya"- tita "?"- Wala akong idea sa sinasabi nya dahil bigla na lamang n'ya iyong na sabi "Ikaw ba nagka-boyfriend kana?"- "Amph...Wala po eh kahit isa"- "May mga bagay talagang napaka tagal dumating hindi ba. Rei, alam mo ba na pinahulaan ko ang anak ko"- "Maari ko po ba malaman kung anong sinabi sa hula?"- Yung tipong hindi na ako makapaghintay sa mga susunod nyang sasabihin. "Sa tingin ko pareho kayo ng aking anak, ang tao kasing makakatuluyan ni Jorden ay malakas manalangin. Ang ibig saibihin lamang nun kung pareho man kayo ni Jorden, ang mga taong yon ay ayaw kayong mapunta sa iba, ayaw nila kayong mapunta sa maling tao, at kahit hindi pa kayo magkakilala pinuprotektahan na nila ang puso nyo hanggang sa dumating na yung tamang panahon nakatadhana na kayong magkita"- "Ganun po ba yon? (napaisip ako bigla) ganun din kasi ako sinasama ko sa panalangin yung taong makakatuluyan ko lalo na pag nakakarating ako sa mga simbahan na first time kong mapuntahan"- Naniniwala kasi ako na pwede kang mag wish dun at isa sa palagi kong wish ay ang lalaking nakatadhana para sa akin. "Kung ganun pinuprotektahan din ang puong may kapal ang puso ng taong iyong makakatuluyan, napaka swerte nya kung ganun"- Napangite si tita habang nakatingin sa akin. "Bakit po?"- tanong ko "Gusto kitang maging anak"- "Gusto nyo akong maging anak?"- pag-lilinaw ko sa sinabi nya "Para tuloy akong nagkaroon ng tatlong mga anak, alam mo ba gustong-gusto ko talagang magkaron ng anak na babae"- "Nawa ay maging katulad mo ang babaing magugustuhan nya"- Bahagyang nagkaroon ng ngite sa aking mga labi ng madinig ang sinabi niya. "Bakit? May mali ba akong nasabi?"- tita "Natutuwa lang po ako na marinig na gusto ng isang magulang ang tulad ko para sa anak nila"- "Bakit? Wala na namang masama sayo maganda ka naman at sa nakikita ko sayo isa kang mabuting babae"- "Maraming salamat po kung ganun"- "Sige na matulog kana, ako na lang bahalang magayos ng mga ito"- "Sigurado po kayo"- Tumango sya bilang sagot "Itatapon ko na lang naman ito, sige na matulog kana"- "Kung ganun papasok na po ako sa aking silid"- Pagpapaalam ko sa kanya Nagtayo na ako at pumunta na sa kwarto ko. . . . . . . Pagdating ko naman sa loob ang aking silid ay humawak napahawak ako sa aking dib-dib upang tiyakin kung ano ng lagay nito. "Normal na ulit ang t***k nito"- Siguro nga'y kinabahan lamang ako kaya parang may tumatakbong kabayo sa loob ng dib-dib ko kanina. "Hay!" Ni-lock ko na lang ang pinto ng aking silid saka ako tuluyang humiga sa aking kama. Kailangan kong matulog ng mahimbing dahil bukas sisimulan ko na ang paghahanap kay Miranda Montano. Kapag na ayos ko na ang lahat babalik na ulit ako sa probinsya upang doon na ulit manirahan. Iniisip ko pa lang na babalik na ako dun labis-labis na ang sayang nararamdaman ko. Ngunit bakit tila yata nagugustuhan ko ng tumira sa bahay na ito? Anong dahilan?

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD