Chapter 3

3563 Words
STAY Thedestinycomecloser#meetstranger *Rei Alexis's Pov* I/E-Samson College-10:00 am Nakatayo lang ako sa harap ng entrance ng school habang tinitingnan ang hindi kalakihang campus ng Samson colleges. Subalit, kung ako ang tatanungin, malaking school na ito kumpara sa dating school na pinapasukan ko sa probinsya. Kung sa probinsya ang lugar na ito, ito na siguro ang pinakamalaking school doon pero dahil nasa syudad ito napaka-normal at isa lang ito sa pinaka maliit na school dito kahit na apat na palapag na ang taas nito. Hindi na ako nag atubili pa at pumasok na ako sa loob. Habang naglalakad, hindi ko maiwasan na isipin na wag na lang ituloy ang pagpasok ko dito dahil hindi rin naman ako magtatagal sa lugar ito at lilisanin ko rin ito agad. Sa paglalakad ko'y naisipan kong huminto at lumingon-lingon muna sa paligid. Walang kahit isang tao ang naligaw sa aking paningin. Sa katunayan, tapos na ang enrollment noong last last week pa pero pinilit lang ako ng nanay ko na ipasa ang mga requirements kahit late na. Iniisip ko nga na wag na lang tumuloy. "Ano pang silbi nang pagpasok ko dito? aalis din naman ako agad. Masasayang lang ang panahon na ilalagi ko sa pagpasok"- Sabi ko ng mahina sa aking sarili. Hindi naman school ang pinunta ko dito. Hindi ang edukasyon na gusto ng mga magulang ko para sa akin kun’di, si Miranda Montano siya lang naman talaga ang rason kung bakit ako nandito. Wala ng iba. Ang akala ng mga magulang ko kaya ako pumayag sa gusto nila ay dahil sa edukasyon, ang hindi nila alam may iba akong pakay dito. Pakay na dapat matapos ko agad kaya wala dapat akong sayanging oras dahil bawat sigundo ay mahalaga dahil bilang na bilang na lang ang mga araw para sa lugar namin sa probinsya. Ngunit habang nakikita ko yung mga naka-post sa bulletin at mga posters ng tungkol sa pangarap kong course napapatitig na lang ako, 'yong course kasi na gustong-gusto ko, napaka imposibling makuha ko. "Imposible nga ba talagang maging isang film director ang isang gaya ko?"- Bumibilis ang t***k ng puso ko kapag nakakakita ako ng mga posters tulad ngayon. "Hay!"- pagbuntong hininga ko. Nagulo na naman ang isip ko. "Bahala na"- Kung ano man ang magiging bunga ng magiging desisyon ko, ako ng ang bahalang managot kay lolo at sa kahihinatnan nito. *Internal- Dean's office Tinuloy ko ang daan kung saan hindi ako sigurado sa tatahakin ko. Alam ko na iiwan ko din ito agad at hindi magtatagal aalis din ako dito pero nag-enroll pa rin ako. Nag-enrol ako sa film course at hindi sa Business Ads na inaakala ng mga magulang ko. Alam kong wala namang magiging problema sa kanila ‘to at maiintindihan nila ako kaya kahit na papaano gusto kong subukan at maranasan ang buhay ng maging isang estudyante sa filming kahit na sandali. Iniisip ko pa lang na isa na akong estudyante ng course na yon labis-labis na ang sayang idinudulot nun, kahit na alam kong itatakwil ako ni lolo kapag nalaman niya na sa film course ako nag-enrol at itinuloy ko pa rin ito. Natitiyak kong hindi lang isang araw na pagiinsayo sa arawan at ulanan ang magiging kabayaran nang pagsuway ko sa kanya kun’di, labis-labis na hirap ang sasapitin ko gayon pa man, buo na ang aking pasya ano man ang magiging kapalit nito tatanggapin ko. "Excuse me, Ms. Kinakausap kita nakikinig ka ba? Kung hindi ka interesado bukas ang pinto pwede ka nang lumabas”- Boses na bumasag sa lumilipad kung isip. Nakalimutan ko. Nandito nga pala ako ngayon sa Dean’s office para sa interview kung ano-ano kasing iniisip ko kaya hindi ko namalayan na nagtatanong na pala siya akin. “Please”- turo ng school Dean sa pinto ng hindi umaalis sa kanyang puwesto habang nakataas ang isang kilay at may pagkamataray na tono ng pagkakasabi. Unang kita ko pa lang sa kanya alam kong masungit na siya paano ba naman kasi. Nakasuot siya ng bilog na salamin, Palaging nakataas ang kilay niyang kasing nipis ng isang guhit ng lapis. Kung titingnan ang itsura niya palagay ko, nasa 50’s na ito. May nakakatakot siyang titig, nakakunot na noo at ilong na parang sa witch. Naka suot siya ng kulay pulang coat na bumabalot sa may katabaan niyang katawan at kung titingnan para siyang kontrabida sa isang drama. Sigurado ako titigan ka pa lang niya aatras kana agad. Siya yung Dean na for sure sinusunod ng mga estudyante, sa ganitong klase ng Dean expected na agad na disiplinado ang bawat estudyanting pumapasok dito. "Paumanhin po"- Nadistract ako itsura niya kaya hindi ko narinig na may sinasabi pala sya sa akin. Hindi ko rin alam kung paano ako makikipagusap sa kanya, pakiramdam ko kasi may kausap akong kontrabida. “THUD!”- Nagulat ako ng ihampas niya yung libro sa lamesa niya. "Bingi ka ba? Hindi mo ba naririnig na may sinasabi ako sa’yo."- "Pasensya na po may iniisip lang ako"- Kinabahan ako bigla ang bilis niyang magalit. Kung nakakatakot si Lolo, mas nakakatakot ang isang ito. Napaghahalataang palaging malamig ang gabi niya para siyang isang matandang dalaga. Ngayon'y alam ko na ang magiging resulta ng mag-isa habang tumatanda. Baka hindi magtagal, lumabas na ako ng may dalawang black eye dahil lang sa hindi ako nakikinig sa kanya. Iniisip ko tuloy ngayon kung paano ko pa siya kakausapin ngayong ginalit ko s’ya. Bigla na lang umusok ang ilong at taenga niya ng dahil sa akin. Ni-hindi ko magawang tingnan siya ng deretso kaya napa-yuko na lang ako dahil alam kong nanlilisik na ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. "Pwede kanang umalis. Bukas ang pinto"- "Po? Hindi po- Pasensya na kayo. Makikinig na ako, may iniisip lang po talaga ako"- Mukha namang nakinig siya sa paki-usap ko kaya napagdesisyonan kong makinig na para hindi na niya ako itaboy palabas at sagutin na lang ang mga tanong niya ng sa ganun ay makaalis na rin ako agad dito. -Fast forward- Matapos akong mainterview ng Dean sa Samson college pakiramdam ko para akong na guidance ng isang buong araw kahit ilang minuto lang akong nandoon. Para tuloy masgugustuhin ko na lang na hindi pumasok kaysa naman makita ko siyang galit araw-araw. "Hay!"- Kasalukuyang naglalakad na ako patungo sa bus station para maghintay ng bus na paparating, kung magta-taxi kasi ako siguradong mapapagastos ako, mahal pa naman ang pamasahe ngayon. Hindi ko naman pweding lakarin pauwi dahil baka bukas pa ako nakarating. Hindi pa ako pamilyar sa lugar na ito at sa mga pasikot-sikot kaya binalikan ko na lang yung daan na dinaanan ko kanina papunta ng Samson College para naman hindi ako maligaw pabalik. Lakad lang ako nang lakad. Madami-dami na din akong nalampasan na mga restaurants at mga shops kaya alam kung malapit na ako sa estasyon. Habang naglalakad ako, pinagmamasdan ko ang paligid. Tinitingnan ko ang naglalakihan at nagtataasang mga buildings at malawak na high way. Napagisip-isip ko na totoong nakakausad-usad na nga ang bayan na ito pero napagtanto ko na hindi rin magandang tumira sa lungsod na ito. Kung dati gustong-gusto kong makita ang mga malalaking buildings na may mga billboards pero ngayong nandito na ako, napatunayan ko na di hamak na masmagandang tumira sa isang probinsya dahil sa lugar na ito, ang mga tao may kanya-kanyang pamumuhay wala silang pakialam sa isa't isa. *Lakad* *Lakad* Sa paglalakad ko, napahinto ako sa tapat ng isang tindahan ng mga damit. Sa window display nakita ko ang napakagandang damit na nakasuot sa isang mannequin, sa sobrang pagkamangha ko sa kagandahan, nilapitan ko ito kahit na nasa labas lang ako. Nanlaki ang mga mata ko, nagkaroon nang ngite ang aking mga labi at nagliwanag ang aking mga mata. "Wahhh!"- Hindi pa ako nakakapagsuot ng ganitong kagandang damit. Hindi ko alam kung ano ang pakiramdam ng isang babae kapag nakasuot ng ganito. Napahawak pa ako sa bubug na nagsisilbing harang sa tindahan. Ang lakas sigurong makaprinsesa kapagsuot-suot ang mo ito, hindi ko man lang ma-imagine ang sarili ko habang suot ‘yan. Sa sobrang pagkamangha ko, hindi ko na pinansin ang mga tao sa paligid ko at tinuring kong nagiisa lang ako sa lugar na ito. “Siguradong mahal ito”- “Aish, Masisira din naman yan kaya bakit pa kailangan ng ganyang kaganda. Ang mahalaga may naiisuot. Tama, yon ang mahalaga.”- Pagkumbinsi ko sa sarili ko. Dahan-dahan na akong umuurong palayo habang yung mga tingin ko nasa magandang damit pa rin. "BEEPPPPPPP-BEEPPPPPP”- "HOY! TUMABI KA!!!"- "UMALIS KA JAN!!!"- Sa hindi kalayuan sa may bandang kaliwa, narinig ko ang sigaw ng isang lalaki kaya natawag nun ang atensyon ko para doon tumingin. *Lumod* Nanlaki na lang yung mata ko. Tila yata nakalimutan kong wala na nga pala ako sa probinsya. Nasa syudad na nga pala ako, na katulad nang sinabi ni lolo mas lubhang napakadelekado. "MISS TUMABI KA!!!"- Hindi ko alam kong anong gagawin ko nang makita ang isang lalaking nagbibisikleta ng sobrang bilis habang papalapit nang papalapit sa may kinatatayuan ko... at mukhang walang preno yung bike na sinasakyan niya. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya pumikit na lang ako. Kapag ganitong biglaan hindi na ako makapagisip ng maayos nawawalan ako ng pagkakataon na kumilos at mag-isip ng maari kong gawin. Na-i-stock na ako sa puwesto ko at para na namang may ugat sa aking mga paa. Kinabahan ako at naramdaman ko ang biglang pagtulo ng nabuong pawis galing sa tabi ng noo ko. "Bike lang naman ‘yan. Hindi naman siguro ito ang magiging dahilan ng maagang pagkawala ko dito sa mundo. Hindi ba? Mapipilayan lang ako ng konte at kaunting dugo. Hindi pa ako mamamatay. Tama hindi pa ako...mamamatay"- sabi ng aking isipan. *Lumod* "Alexis!"- Kinilabutan ako bigla dahil may narinig akong tumawag sa pangalan ko, hindi ko alam kung sinong nagsabi at kung kanino nanggaling. Hindi kaya, tinatawag na ako ni kamatayan? Sign na ba ‘yon? “Kamatayan ikaw na ba ‘yan?”- tanong ko ng hindi naglalabas ng kahit anong salita galing sa aking bibig at tanging sa isip ko lang nanggaling. Baka naman nalilipang na ako kaya kung ano-ano na lang ang pumapasok sa utak ko. Malapit na akong bundulin ng bike kaya sagad na sa buto ang kaba ko. malapit na! malapit na! Sa kasagsagan ng kaba ko napamulat ako, ng bigla na lang may humigit sa braso ko't hinila ako patungo sa isang sulok. Sa sobrang bilis ng pangyayare nagulat na lang din ako "BEEPPP...BEEPPPP..."- Pansamantalang na blangko ang laman ng utak ko habang mabilis na dumaan sa harap ko yung nagbibisikleta. Mabilis naman nagtabihan yung mga taong nakakasalubong nito. "?" Naisip ko lang, ako lang yata yung tanga na hindi naisip tumabi nung muntik na akong masagasaan. Nang makita kong malayo na yung nagbibisikleta, saka ko lang na-realized na may tao nga pala sa may likuran ko at nakahawak pa ito sa braso ko, na hindi ko naman agad namalayan. Lumayo agad ako sa kanya. Saka ako humarap ng magkaroon kami ng distansya sa isat isa. Isang lalaki pala ang nagligtas sa katanghan ko kanina. "Mag ingat ka Alex...." Nakatingin lang ako as kanya at hinihintay matapos ang sasabihin n’ya. "Tumingin ka sa dinadaanan mo"- pagdudugtong niya. Napansin ko na hindi nagkakalayo ang mga edad namin, baka nga magkasing edad pa kami. Medyo matangkad sya, naka suot ng long sleeve na kulay itim, may kagwapuhan ang kanyang mukha at sa katunayan nga mukha pa itong mayaman. "Marami..."- magpapasalamat na sana ako sa kanya, nang mapansin kong bigla siyang napatingin sa kwentas na suot-suot ko at yon ay nagbigay sa akin ng katanungan. Hindi kaya? Itinago ko agad ang kwestas sa ilalim ng damit ko. Napaisip ako bigla sa kanya dahil baka sa kabila ng kabutihang ginawa nya akin may masama pala siyang binabalak. Ganito ba ang itsura ng mga magnanakaw dito? Ayos ah. Mukhang mas may kaya pa sa buhay kaysa sa akin. Totoo nga ang sinabi ni Lolo, lubhang mas napakapanganib nga sa lugar na ito. kailangan kong mag ingat dahil baka magnanakaw pala ang isang ito nagpapanggap lang na tumutulong, nang sa ganuo’y makahanap siya ng pagkakataon upang madukutan ako at baka nga alibi pa nya yung isang lalaking nagbibisikleta. Kung mandurukot nga ang isang ito magkakabalian muna kami ng buto bago niya ako manakawan. "Iniisip mo bang isa akong magnanakaw?...( ngumite) hindi ako tulad ng nasa isip mo"- sabi nito. Paano niya nabasa ang nasa-isip ko? "Ang bilis mong basahin. Halata agad sa expression ng mukha mo ang iniisip tungkol sa akin"- "Kung ganoon, bakit mo ako tinulungan?"- taas noo kung tanong. "Hindi lang katulad niyong namumuhay sa probinsya ang marunong tumulong" sagot niya. Probinsya? teka... "Sandali...Paano mo nalaman na nanggaling ako sa probinsya? Sino ka? kilala mo ba ako?"- tanong ko sa kanya habang mababakas pa sa aking mukha ang pagtataka at napakaraming katanungan. "Prince, hali ka na mahuhuli kana sa flight mo"- sabi nung babae na lumabas mula sa isang restaurant kaya agad akong napatingin doon. Teka... "Yung babaing tumawag sa lalaking kausap ko, ang presidente ng bansa... Tiningnan ko siya ng mabuti dahil baka naman nagkakamali lang ako pero nakumpirma kong totoo ang nakita ko Sya nga 'yon, hindi ako maaring magkamali. Totoo bang nakita ko ang presidente? "Susunod na ako"- sagot nitong lalaking kausap ko Binuksan nang driver ang pinto ng kotseng kulay itim na nakapark sa gilid ng shop saka sumakay ang Presidente. "Sa susunod mag iingat ka"- ‘yon na lang ang nasabi ng lalaking tumulong sa akin at naglakad na rin ito patungo sa kotseng sinakyan din ng Presidente . "Maraming salamat!"- may kalakasan kong boses para kahit naglalakad siya, marinig pa rin n’ya ako. “Hindi muna niya sinagot ang tanong ko sa kanya bago sya umalis. Paano niya nalaman na galing ako sa probinsya? Kilala ba n’ya ako? Imposible naman ata ‘yon.” Habang kinakausap ko ang sarili ko. Napatingin ako sa bubug nung tindahan na nasa may tapat ko, doon ko nakita ang sarili kong repleksyon. Napaisip ako bigla. Dahil ba sa suot ko kaya alam niya na sa probinsya ako nanggaling? Masyado bang halata na probinsyana ako? Badoy ba? Masyado na yata akong nagiging praning kaya kahit mabubuting tao napagdududahan ko. Nangingilala pa lang siguro ako sa lugar na ito kaya ganito na lang ako kung makapagduda. "Hay naku! Masyado ka kasing assuming Rei"- Pinagpatuloy ko na lang ulit ang paglalakad ko at sa pagkakataong ito, hindi na ako tumingin kung saan-saan dahil baka tuluyan ko na talagang makita si kamatayan kapag hindi pa ako nagingat. *I- Church- 4:00 o’clock* Bago ako tuluyang umuwi, napadaan ako sa isang Catholic church kaya naisipan kong pumasok upang ng sa ganoon ay makapagdasal man lang ako. Naupo ako sa isa sa mga upuan, ipinikit ko ang aking mga mata para magdasal upang mabigyan ako ng gabay at protekasyon sa ginagawa kong pakikipagsapalaran sa lugar na ngayon ko lang napuntahan. Mga ilang minuto lang, natapos ako sa ang aking pagdarasal. Bago ako tuluyang umalis ay naisipan kong humiling muna total ito naman ang unang beses na nakapunta ako sa simbahan na ito. "Lord, tulad ng parati kong hiling sa tuwing nakakarating ako sa mga simbahan na unang beses kong puntahan.”- Ang tanging hiling ko lang, na kung sino man yung taong inilaan niyo para sa akin, nawa ay totoong pag-ibig ang maramdaman namin sa isa’t isa. Hindi pa man kami nagkikita sa panahong ito hiling ko na sana ay protektahan ninyo ang kanyang puso, sana ay palagi siyang nasa maayos na kalagayan at tulungan niyo kaming matagpuan ang isa’t isa. Amen" Lalo na at hindi mawala sa isip ko kung anong nangyare sa lalaki sa panaginip ko. Kahit na nabura bigla ang kanyang mukha sa aking alaala, alam kong may kung anong kakaiba sa nararamdaman ko nang gabing nakita ko s’ya. Tuwing nakakarating ako sa mga simbahan na first time kung mapuntahan humihiling ako. Naniniwala kasi ako na maari kang mag wish kapag first time mo lang itong narating. Chavez’s Resident – 10:00 o’clock *Luke Chavez POV* Kakauwi ko lang galing sa bahay ng kaibigan ko dederetso na sana ako sa kwarto ko pero inabangan ako ni Mama sa may pintuan pa lang at alam ko na kung bakit. "Luke, magusap tayo."- "Bukas na lang ma, pagod na ako"- Sabi ko bilang pag-iwas sa paguusapan namin. "Saglit lang ito. Sumunod ka sa akin"- Maglalakad na sana ito pero hindi ko na yon hinayaan. “Kung tungkol ito pagalis ko sorry ma, pero buo na ang desisyon ko sa US na ako kukuha ng degree" "Nakapag-usap na kami ng Daddy mo at hindi siya pumayag sa gusto mo"- "Kakausapin ko si Daddy. Nasaan siya?"- Akmang maglalakad na sana ako upang puntahan siya sa kanyang opisina ng magsalita si mama. "Nasa business trip ngayon ang daddy mo at kahit naman makausap mo pa siya hindi mo na mababago ang kanyang naging desisyon. Kung ayaw mong magalit siya sayo mas mabuting sundin mo na lang ang gusto niya. Ang ipinagtataka ko lang sayo, narito na ang magandang school bakit kailangan mo pang lumayo. kilala mo ang daddy mo pagginusto niya hindi mo sya mapipigilan"- "Kayo? gusto rin n’yo ba ang naging desisyon ni Daddy?- "Desisyon 'yon ng iyong ama. Sundin mo na lang sya para 'yon sa ikabubuti mo"- Tinapik lang ni mama ang balikat ko Saka ito umalis na rin ito. Hindi man lang n’ya pinapakinggan ang mga gusto kong sabihin. "Mama, Ma!"- May kalakasan kong sigaw sa pagtawag ko sa kanya kahit alam kong hindi na s’ya babalik pa para pakinggan ako. Hindi pumayag si Daddy kaya hindi na rin papayag ang Mama ko. Ibig sabihin lang nito kahit gustuhin ko pang umalis dito, hindi ko yon magagawa dahil siguradong naipa-ban na n'ya ang panggalan ko sa kahit saang airport para hindi ako makaalis ng bansa. Nakakainis lang dahil matagal ko ng gustong umalis dito. Gustong umalis sa bansang ito at higit sa lahat, ang umalis sa bahay na ito. Gusto ko na ng sarili buhay dahil simula bata ako sila na ang gumagawa nang desisyon para sa akin and I hate being a puppet of my own parents. Ako si Luke Chavez Law student at against doon ang family ko lalo na ang Daddy ko. Buong buhay ko 'yon lang desisyon na nagawa ko para sa sarili ko, this year graduating na ako and yes nakuha ko nga ang course na gusto ko pero pagdating sa school na papasukan sila pa din ang nasunod. Pumayag si Daddy nakunin ko ang course na yon dahil naisip niya maari niyang magamit ang profession ko sa mga transaction niya, sa huli sarili pa rin n’ya ang iniisip niya. Ang sabi nila napaka swerte ko "DAW" dahil kabilang ako sa angkan ng Chavez. Sa totoo lang natatawa ako pagsinasabi nila ‘yon dahil para sa akin ang apelyedong ito ang tatak ng aking pagkakabilango mula sa ilalim ng aking ama at ng kanyang angkan, na kahit palitan ko ang aking pangala'y nananalaytay naman ang dugo nila sa aking katawan. Nanggaling ako sa mayamang pamilya. May malaki kaming bahay, mga sasakyan at may kompanya ang daddy ko na masasabi kong matagumpay n’yang napalago. Marami siyang mga connection: mga business tycoon, Mga Judges, Lawyers at mga politicians. May kapangyarihan s’ya na magpasunod ng mga tao at magpasunod ng mga empleyado. Ang rangya ng buhay na mayroon kami ngunit lingid sa kaalaman ng lahat, sa kabila ng kayamang aming tinatamasa hindi ‘yon sapat para sa aking ama dahil ang pangarap niyang connection, kapangyarihan at pwesto sa bansang ito ay nasa ibang tao. Hawak ng iba at pagmamay-ari ng iba. Gusto niyang maging una sa lahat ng bagay; gusto niyang maging pinakamayaman, Pinakamaimpluwensya at pinaka makapangyarihan kaya sa sobrang pag-aangkin at paghahangad niya na makuha ang posisyon,kapangyarihan at kayaman ng iba kaya kaming pamilya niya ang nahihirapan at sumusuko sa ginagawa niya. Ayaw kong maging tulad ng aking ama, na naghahangad ng mas mataas pa sa kung anong meron kami ngayon kahit na isa kami sa pinakamayaman sa bansang ito, hindi pa rin 'yon sapat para sa kanya. Ganon siya kadispiradong magkaron ng kapayangyarihan. Napailing na lang ako habang tinitingnan ang mama ko habang naglalakad na palayo. "Sir Luke, kumain na po ba kayo? Mukhang kakauwi n’yo lang ah"- biglang sulpot ni manang galing sa maids quarter. "Kumain na ako sa labas. Manang, binabalak kong umalis na dito, mamayang madaling araw ko binabalak na gawin. Wag mo sanang sasabihin sa kanila"- Sabi ko kay manang bilang biro pero sa nakikita ko sa expression ng kanyang mukha, sineryoso niya ang sinabi ko. "Sir, Mayayari tayo pareho ng inyong Daddy. Sigurado akong, ako ang mananagot sa kanya"- Kabadong sabi nito habang di mapakali. "Biro lang ‘yon. Gusto ko lang malaman kung paano ka mag re-react sa sinabi ko"- Ngumite ako pero sa kabila ng ngiting ‘yon, kalungkutan ang ipinararating. "Higit na mas takot kayo sa aking ama kaysa-" Pinutol ko na agad ang sasabihin ko. Kaysa ang intindihin ang nararamdaman ko. "Mauna na ako sa inyo"- pagpapaalam ko sa kanya at nauna na akong umakyat papunta sa kwarto ko. "Mas mabuti pa nga sigurong matulog na lang" - sabi ko sa aking isip habang naglalakad sa hagdan papunta sa aking silid sa second floor. Sa isip-isip ko ay balak na talaga akong igapos at ikadena ng sarili kong ama sa pamamahay na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD