Chapter 2

3652 Words
STAY #Starlight tears: The brightest tears *Rei Alexis’s POV* " Rei! Rei..."- Kung gaano kabilis na napunta ako sa lugar na 'yon, ganoon din kabilis na naglaho ang lahat na parang bula nang marinig ko ang boses ni lolo na tinatawag aking pangalan mula sa nakakahibang na panaginip. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata, bahagya kong naitakip ang aking kaliwang kamay sa bandang taas ng aking mukha upang salagin ang liwanag ng araw na tumatama sa aking paningin. "Nakatitiyak akong hindi 'yon isang normal na panaginip lang. Sa tingin ko, nag-lucid dream ako dahil nakaramdam ako nang sakit kahit ako’y natutulog pero ang nakapagtataka, bakit hindi ko na-control ang lahat ng nangyayare sa akin sa loob ng aking panaginip? Ano kayang ibig sabihin noon? Ano ang gustong ipahiwag ng masamang pangitain na ‘yon o baka naman isa ‘yung babala? - naitanong ko na lang sa aking isipan. "Rei!"- Sa pagtatakip ko sa aking paningin, doon ko lang napansin na may basang parti pala sa ilalim ng aking mata tila, umiyak yata ako habang natutulog. "Bumaba kana d'yan. Aalis na tayo!"- ani ni lolo. Nang mapansin kong nasa may tabi ko ito, agad akong umiwas nang tingin upang patagong punasan ang aking mga luha. Naging dahilan na rin ‘yon upang gumalaw sa nakakangawit kong posisyon. "Aray! ang likod ko"- May pagkainis kong sabi kasabay nang pagunat ko sa aking mga braso habang hindi pa umaalis si lolo sa aking tabi. Sa aking paguunat ay siya din namang lingon ko sa paligid upang tiyakin kung ako ba ay nasa reyalidad na. Kasalukuyan namang nasa tapat kami ng aming bahay ngayon. Ibig sabihin, ito na ang nagpapatunay na nasa reyalidad na nga ako. "Ang sakit ng katawan ko!"- Sa sobrang pagod ko sa paglalabas ng gamit namin sa bahay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako sa likod ng mini truck. "Alexis, pasado alas nueve na. Tapusin mo na ‘yan aalis na tayo!" – May kalakasang sigaw ni mama na nanggaling pa mula sa may pinto ng bahay namin. "Papunta na!"- sigaw ko. Saka ako tumalon mula sa likod ng sasakyan na pinagpahingahan ko para makababa’t para tapusin na rin ang paghahakot sa mga natitira pa naming gamit. “Mahal ko”- Boses na narinig ko sa loob ng aking utak. Nang makababa ako. Hindi na muna ako kumilos, bigla na lang kasing sumagi sa aking isipan ang nangyare sa aking panaginip. "Nakakatawang panaginip napakalayo sa katotohanan."- Napangite ako ng bahagya habang inaalala ang napaka-weirdo kung panaginip. Sa palagay ko, mabilis ko rin naman ‘yung makakalimutan sa paglipas ng mga araw. "Anong panaginip ang sinasabi mo?"- tanong ni lolo "Wala po yon. Isa lang yung panaginip na nakakatawa."- ngumite ako kasabay nang paghawak ko sa aking dibdib sa katapat ng aking puso. Kahit na alam kong hindi totoo ‘yon at malayong mangyare sa hinaharap nakakaramdam pa rin ako ng sakit. "Kung minsan ang mga panaginip ay may ibig sabihin, maaring ito ay maganap, maari din namang hindi at maaring ito ay na ginawa lang ng iyong malawak na imahinasyon."- "Sapalagay ko, hindi naman talaga mangyayare sa akin ang bagay na 'yon."- Sigurado ako dun dahil ang mga nangyare lang ang tanging naaalala ko maliban doon hindi ko na maalala kung anong itsura nung lalaking nakita ko sa panaginip ko. "Kung maayos na ang lahat ng ‘yong mga gamit, umalis na tayo. Malayo pa ang ating byahe patungo sa bago mong lilipatan"- Lolo "Rie, umalis na tayo. Mata-trafic tayo sa daan paginabot pa tayo ng tanghali"- sabit naman ni papa na nauna nang sumakay sa loob ng mini truck upang imaneho ito. Hindi nagtagal, sumunod na rin agad si lolo at si mama na sumakay sa loob. Bago ako sumunod sa kanila. Tumayo muna ako sa tapat ng aming bahay at pinagmasdan ito sa huling pagkakataon bago namin ito tuluyang lisanin. Totoo nga. Walang kahit na anong permanente sa mundong ito ang tanging permanente lang ay ang pagbabago. Kasama na ang bahay na ito na nagpapatunay lang na kahit gaano mo pa ito katagal na kasama, paulit-ulit nang dinaanan ng maraming problema at mga bagyo, gaano man kadaming ala-ala ang nabuo sa tahanang ito at gaano man ito kaimportante saiyo darating na lang yung araw na mawawala na lang ito ng ganung kabilis. Napakahirap lisanin ng tahanan kung saan buong buhay mo doon lang ang inuuwian mo. Ang apat na sulok ng pader na tanging nakakasaksi sa lahat ng nangyayare at ginagawa mo. Tanging sa alaala ko na lang muling mababalikan ang tahanang ito, ayaw ko mang lisanin ang lugar na ito hindi naman pwede dahil kailangan. Sa aking pagtayo, umikot muna ako upang pagmasdan ang mga bahay na naririto, na ngayo’y halos lahat ay nakasarado na at halos wala nang makikitang mga taong naninirahan. "Ang dating masayang lugar ngayon ay nababalot na ng kalungkutan. Lilisanin ka muna namin ng pansamantala ngunit wag kang mag alala kami'y muling magbabalik at sa pagbalik namin, hindi na kami muling lilisan pa. Pangako ‘yan."- Habang inililibot ko ang aking paningin. Nakita ko ang pagalis ng ilan sa aming mga kapit bahay na akay ang kanilang kaliliitang mga anak. "Rei, hali kana! "- pagtawag muli sa akin ni Papa mula sa bintana ng sasakyan "Papunta na!"- Hindi ko na sila pinaghintay pa kaya sumakay na rin ako agad nang tawagin ako ni Papa. Nang makapasok ako sa loob ay pinaandar na rin niya ang sasakyan. Si Mama't si lolo ang nasa likod at kami ni papa ang magkatabi dito sa unahan dahil si Papa ang magda-drive ng sasakyan. Habang umaandar ang sasakyan, nasa maiiwang bahay pa rin namin nakatingin ang aking mata nasa paglipas ng sigundo'y dahan-dahan nang naglaho sa aking paningin dahil sa paglayo ng mini truck na sinasakyan namin. Ako nga pala si Rei Alexis Valdemar. Laki ako sa probinsya, 20 years old, kasalukuyang nag-aaral ng college at kumukuha ng kursong Business Management na second option ko lang dahil wala dito ang dream course ko. 2 years na lang graduate na ako pero dahil kailangan naming lumipat ng matitirahan sa tingin ko, hindi pa ako makakagraduate after 2 years dahil kailangan ko din na lumipat ng school at magsimula ng panibagong taon sa pag-aaral ng kolehiyo. Dalawa kaming magkapatid, ako ang panganay at ang sumunod naman sa akin ay 12 years old na lalaki. Hindi naman siya kasama ngayon dahil nauna na itong pumunta sa bago nilang lilipatan ni Lolo at ako kailangang kung humiwalay sa kanila at magsarili. Si lolo na ang nagpalaki sa akin at si mama naman ang nagpalaki sa kapatid ko pero palagi pa rin kaming nagkikita’t nagkakasamang magkapatid kaya malapit parin kami sa isa't isa. Bata pa lang ang kapatid ko nang magtrabaho si mama sa malayo kaya't kasakasama niya ito sa tinitirahan niya. Parehong malayo sa akin ang trabaho ng mga magulang namin at mahigit sampung taon na rin simula ng maghiwalay ang mga magulang ko. Dalawang beses ko lang halos nakakasama ang mga magulang ko sa loob ng isang taon kaya't sanay na akong palagi silang wala. Kahit na pareho silang may stable job, hindi sapat ang kanilang kinikita upang itaguyod kaming magkapatid dahil hindi naman pang-Professional ang kanilang mga trabaho na sumasahod ng malaki kaya naman, habang lumalaki ako ay natuto akong magbanat ng sarili kong buto at maging madiskarte sa buhay dahil ayaw ko na iasa parati ang sarili ko sa kanila. Ordinaryong babae lang ako tulad ng karamihan na may ordinaryong buhay kaya siguro wala akong arti sa katawan. Common ang lahat sa akin, 5'2 ang height ko, hanggang dibdib ang kulay itim kong buhok at pagdating sa mukha hindi ako pang-pageant. Sakto lang ang katawan ko hindi ako mataba at hindi rin naman payat ang kagandahan lang siguro sa akin ay ang natural na may pagkamakapal kong kilay at manipis kong labi na natural na pinkish. Simple lang ako. Hindi matalino, hindi kagandahan, hindi mayaman at may kaibahan ang style ko kumpara sa isang normal na style ng babae dahil simula bata, hindi pa ako nakapagsuot/pinagsuot ng lolo ko ng mga dress, heels at skirt dahil sinanay n’ya ako na puro pantalon, T-shirt at mga rubber shoes ang palaging suot kaya pag may mga events sa school tulad ng ball mas pinipili ko na lang hindi na uma-attend. Para sa isang babae napakanormal lang na maging parti nang kabataan nila ang makapaglaro ng mga barbie dolls. Subalit, ako na isang babae aminado akong ni-minsan hindi pa ako nakapaglaro at nagkameron ng kahit isang barbie doll noong kabataan ko, sa halip na manika ay puro armas at sandata ang madalas na hawak ko dahil sa lolo ko na nagtuturo sa akin kung paano ko maproprotektahan ang aking sarili kaya kahit ako'y isang babae kaya kong pangalagaan ang sarili ko. Bilang tradisyon natin sa mundong ito, ang mga kababaihan ay nasa loob lang ng kanilang mga tahanan upang gawin ang mga gawaing bahay na nakaatang para sa kanila at hindi kabilang doon ang gumawa at magtrabaho nang mabibigat na gawain. Bukod sa gawaing bahay ay puro pagaalaga na sa kanilang mga sarili ang mas pinagtutuunan nila ng pansin tulad; nang pagaalaga sa makikinis nilang palad na normal lang naman lalo na sa mga katulad kong binibini pero ako, ako, na isa din namang babae, hindi ko maipagkakailang may kalyo ang aking kamay dahil sa mga armas na palaging hawak- hawak ko na hindi naman normal para sa isang dalagang pilipinang tulad ko, na umaraw o umulan ay nagiinsayo sa malawak na parang. Lumaki ako sa probinsya kaya hindi na bago sa akin ang makasalamuha araw-araw ang pagmumukha ng iba’t ibang uri ng mga hayop at makakita ng mga kabundukan. Ngayong kailangang ko ng magsarili sumagi na naman sa aking isip ang paulit-ulit na paalala ni Lolo. "Mahina ka kaya kailangan mong maging malakas, protektahan mo ang sarili mo bilang isang babae."- narinig kong boses ni Lolo sa aking isip. 'Yan ang paulit-ulit na sinasabi niya sa akin dahil katuwiran niya, "kahit na babae ka matuto kang protektahan ang sarili mo dahil hindi sa lahat ng oras ay may lalaking handang promotekta sayo.”. Kaya sa halip na manika'y armas ang pinahawak niya sa akin. Hanggang ngayon nakatatak pa rin sa akin ang paulit-ulit n’yang pinaalala dahil simula noong maliit pa lang ako sinasabi na niya sa akin ang mga bagay na ‘yan kaya, tinatak ko sa aking isipan na ‘wag idepende sa iba ang kaligtasan ko kaya kahit isa akong babae kaya kong lumaban at alagaan ang sarili ko. *silence* Nagmistulang parang malamig na yelo ang aking mga katabi. Ang lalamig nila sa isa’t isa at para akong walang mga kasama. Habang kami’y nasasasakyan wala niisang nagsasalita sa amin. Gayon pa man, hindi na bago sa akin ang ganitong klase ng sitwasyon. Sanay na akong ‘pagmagkakaharap o magkakasama kami sa iisang lugar, para kaming mga hindi magkakakilala. Ang awkward ng pakiramdam, siguro hanggang ngayon bitter pa rin ang mga magulang ko sa isa’t isa kaysa nga naman magsumbatan ay masmabuti ng magsawalang kibo at manahimik na lang. Sa sitwasyong ito, nakatitiyak akong hanggang sa makarating kami sa aming distinasyo’y walang iimik sa kanila. - Fast forward- Makalipas ang humigit kumulang siyam na oras na byahe, mula probinsya hanggang dito sa syudad ay narating namin ang bahay na aking pansamantalang tutuluyan. Pagkahatid sa akin ng pamilya ko, umalis na rin sila agad upang si lolo naman ang maihatid nila sa bago nitong lilipatan kasama ng kapatid ko. Ito ang unang beses na titira ako sa syudad. Alam kong mag-aadjust talaga ako at magiging isang hamon ito para sa akin dahil hindi ko pa nasusubukang mamuhay sa ganitong klase ng lugar noon. Nakikita kong ibang-iba ang uri ng pamumuhay dito kumpara sa kinasanayan ko. Sa totoo lamang pinangarap ko rin na manirahan sa ganitong lugar noon pero hindi sa ganitong paraan. Hindi ko rin inaakala na mangyayare ang ganito dahil sa biglaang pangyayare sa buhay namin kaya nagdesisyon ang magulang ko na dito na ako patirahin dahil kinakailangan. Ito ang gusto nila kaya hindi na lang ako tumutol. Wala rin naman akong magagawa dahil pinaghandaan na nila ang pagtira ko dito, maging ang school nga na papasukan ko ay sila na rin humanap. Aminado akong gusto nilang mapaganda ang buhay ko dito pero sa kabilang banda'y hindi ko naman gusto na manirahan dito siguro nga, may sarili lang akong dahilan kaya pumayag na lang ako sa gusto nila at pumayag sa sinabi nila. Pero sa oras na magawa ko na ang pakay ko dito, babalik na ako sa amin pero sa ngayon tiis-tiis lang muna kasabay ng pakikipagsapalaran ko dito ng walang kasiguraduhan. Nasa tapat na ako ng pansamantalang tutuluyan kong bahay. Dala ko na rin ang ilang malalaking bag na may laman na mga gamit ko. Malayo-layo ang lugar na ito sa kalye, kapag wala kang sariling sasakyan kailangan mo pang maglakad papasok. Hindi masyadong malalayo ang pagitan ng mga bahay at dahil subdivision ang lugar na ito medyo malalaki at mga sementado ang mga bahay dito. "ding-dong...ding-dong" Tunog ng doorbell ng ito ay aking pindutin. Dahil wala pa naman na nagbubukas ng pinto ay pinagmasdan ko muna ang kabuuhan/ harapan ng tutuluyan ko; may dalawa itong palapag, may terrace, may tatlong bintanang bubug, kulay white and brown bricks ang kulay ng bahay, may grahe at may mangilan-ngilang halaman sa may gilid. "ding-dong...ding-dong" Pagpindot kong muli sa doorbell pero wala pa rin nagbubukas kaya tiningnan ko ulit sa cellphone ko yung address para tiyakin kung tama nga ba ang napuntahan ko. "ding-dong...ding-dong" Pagpindot ko sa doorbell sa ikatlong pagkakataon. Hindi na rin nagtagal, may nagbukas na rin ng pinto at bumungad sa akin ang nasa 40's na babae, may kagandahan yung mukha n’ya, may saktong pangangatawan at winelcome n'ya ako ng napakaganda n'yang ngite. "Magandang araw po" - pagbati ko sa kanya. "Ikaw ba si Alexis iha?"- tanong n'ya sa akin. "Ako nga po"- "Hali ka pumasok ka. Welcome dito sa bahay Alexis"- nakangite n’yang binukasan ng malaki ang pinto, lumapit s’ya sa akin at kinuha n'ya yung iba kong dala na mga bag at saka n’ya ako pinasok sa loob ng bahay. "Welcome Alexis "- "Rei na lang po itawag n'yo sa akin"- "Okay "- Ngumite ulit s'ya akin. Pagpasok pa lang namin sa loob ay inilibot ko na agad ang aking paningin upang makita ang lugar. Masmaganda naman ito kaysa sa inaasahan ko, mukha din itong normal na bahay at hindi mukhang boarding house na walang laman. Maraming magaganda at mamahaling gamit tulad ng sofa, table, mga displays at mga appliances. Maganda ang bahay na ito at halatang may kaya ang nagmamay-ari dito. "Hindi ganito ang bahay na inaasahan mo, tama ba ako"-pagtatanong niya sa akin. "Tama kayo"- 'yon na lang ang tanging naisagot ko sa kanya at tinigil ko na ang paglibot ko ng tingin sa lugar. "Sa katunayan, hindi naman talaga ito paupahan gusto ko lang talaga ng may makakasama. Dalawa kayong boarders ko pareho kayong babae...Ako nga pala ang mayari ng bahay. Lorrie Evangeslista ang pangalan ko, tita lorrie na lang ang itawag mo sa akin"- "Rei Alexis Valdemar...po"- inabot ko ang kamay ko sa kanya para makipag shake hands at inabot din naman n'ya 'yon sa akin. "Hali ka maupo ka muna sandali, sasabihin ko lang sayo ang konteng mga paalala sa pagtira mo dito"- Nauna na itong umupo sa sofa kaya sumunod na rin ako sa kanya, naupo ako sa bakanting upuan sa tapat nya. "Wala naman akong ibang rules dito kun'di, igalang ang bahay. Yung house mate mo pasulpot-sulpot lang ‘yon kung umuwi kaya baka hindi mo pa s’ya makilala agad. Wala tayong maid dito dahil dito rin naman ako nakatira. Ako ang nagluluto at naglilinis kaya wala ka ng ibang proproblemahin pa"- pagpapaliwanag ni tita Lorrie. "Wala pong problema"- "Ituring mong parang sarili mo itong tahanan. Okay lang na magpapunta ka ng mga kaibigan, pwedi mo rin na papuntahin ang boyfriend mo pero, hanggang dito lang sa baba bukod dito, bawal na lalong-lalo na sa kwarto mo. Okay ba yon?"- tita Lorrie "Wala pong nagiging problema wala naman po akong boyfriend"- sagot ko "Wala kang boyfriend? Hay! (buntong hininga) Sayang naman ang kabataan mo. Ilang taon kana ba iha?"- tanong pa nito. "21 na po ako"- "Ang sabi nila, kapag 21 years old dapat nahanap mo na yung the one mo at kapag nakalipas na ang taon na 'yon ibig sabihin may possibility na maging single kana forever at naka tadhana ka para mag-isa."- Tita lorrie. "Marami nga po akong naririnig na tungkol doon pero hindi po ako naniniwala. Kalukuhan!"- "Talaga? Maraming nagsasabi na totoo 'yon."- Tita lorrie "Para po sa akin mas mahalagang hintayin na lang yung taong para sayo kaysa hanapin mo na hindi ka naman sigurado"- Dahil produkto ako ng broken family naging-aral na rin para sa akin ang nangyare sa mga magulang ko. Sila ang naging halimbawa ng dahil sa pagmamadali, hindi nila nakilala ng buo ang isa’t isa at habang tumatagal 'yong mga bagay na hinahanap nila hindi nila nakita. Ayaw ko rin ng pabigla-bigla dahil once na nagpadala ako sa temporary emotion ko hindi ko na mababago ang magiging desisyon ko. "Pareho tayo, dahil hindi rin ako naniniwala doon, 17 ako nang nagpakasal ako sa nobyo ko"- "17 years old kayo?"- medyo na gulat kong ulit sa sinabi n'ya. "That time mas inuna ko ang puso ko kesa sa isip ko hindi ko inisip noon na, paano kaya sa mga susunod na araw ang magiging buhay namin basta ang mas nangibabaw noon ay ang pag-ibig namin ng asawa ko."- "Sa tingin ko naging maayos naman po ang buhay nyo bilang mag-asawa. Nasaan na po ba s'ya ngayon?"- "Ayon sumakabilang bahay na"- may pagkabiro niyang sambit pero hindi ko na yata dapat na inungkat pa ang bagay na yon. "Sya nga pala nabangit ng magulang mo na hindi ka daw mahilig gumimik magpunta sa mall o sa mga parties"- tita lorrie "Nagpupunta naman po ako kaya lang maki-bahay po talaga ako. Wag po kayong magalala hindi naman po ako pasaway"- "Simula ngayon ituring mong parang sarili itong bahay at wag ka sanang mailang sa akin ha, excited na akong makasama ka dito ng matagal."- tita Lorrie. "Maraming salamat po"- Wala na akong ibang masabi kun'di ang magpasalamat kahit alam kong hindi magtatagal aalis din ako agad dito. "Mukhang pagod kana. Hali ka, ihahatid kita sa kwarto mo"- Umakyat kami sa second floor para pumunta sa kwarto na pagtutuluyan ko ng pansamantala. Nang maihatid na n'ya ako’y, hinayaan na rin muna n'ya akong mapag-isa para magpahinga. Kulay pink ang wallpaper ng buong kwarto at halatang pang babae talaga ang silid na ito; may kama, study table, cabinet, book shelf, display cabinet at malaking salamin. Kalahati lang nito ang kwarto ko sa probinsya hindi na rin masama dahil maganda naman ito, komportable't malawak kahit hindi ganito yung style ng room na gusto ko. Binaba ko na ang lahat ng gamit ko at humiga muna sa kama para magpahinga. Napatitig na lang ako sa kesame habang binabalikan ang mga bagay na naging dahilan nang pagpunta ko dito. Sa aking pagiisip, bigla sumagi sa isip ko ang mga sinabi ni lolo bago kami magkahiwalay. *flash back* [dalawang araw bago namin lisanin ang probinsya.] Sa gitna ng nagbabagang araw ay nagiinsayo ako ng arnis sa malawak na parang. "Mahusay"- Pagpuri sa akin ni lolo habang hawak nito ang kanyang paburitong pat-pat na inihahaya at ipinangtatakot sa akin sa tuwing hindi ako nagseseryoso o di kaya nama'y may mali akong galaw na nagawa. "Pahinga muna Lo. Napapagod na ako"- Humiga ako sa damuhan upang magpahinga kahit na sobrang sakit ng tama ng araw sa aking balat ay tiniis ko na lang dahil sa sobrang pagod. Tagak-tak na aking pawis at nanghihina na rin ang aking mga tuhod "Tumayo ka d'yan at mag-insayong muli ng sa pagpunta mo ng syudad ay maging handa ka"- "Syudad lang ang pupuntahan ko, hindi naman ako sasabak sa isang giyera kaya bakit kailangan ninyo pa akong pahirapan ng ganito!"- Napaupo na lang ako habang nagmamaktol. "Ang syudad ay ‘di hamak na mas mapanganib kaysa sa isang probinsyang katulad nito. Magulo at higit na dapat kang mag ingat, mauunawaan mo ang lahat ng sinasabi ko sa oras na makarating ka doon. Alam kong ayaw mong umalis dito maging ako man ay hindi ko din 'yon nais ngunit kailangan nating umalis dahil pilitin man nating manatili ay hindi maari."- "Hindi ako makapaniwala na sa inyo mismo ng gagaling yan"- "Rei, makinig kang mabuti. Tulad ng tao, ang mga bagay o lugar ay nawawala din, lumilisan kaya kahit mahirap at masakit ay kailangan mong tanggapin dahil nakaayon ito sa tadhana."- "Tadhana? Lolo, hindi tao ang gumagawa ng tadhana. Ang paglisan natin dito, tao ang may gawa nun at hindi ang tadhana."- pangangatuwiran ko. "Kung minsan, tao ang nagiging dahilan kung bakit lumalapit ang tadhana at sa pagtungo mo sa syudad, nakatitiyak akong may matinding dahilan."- "Tama kayo. May dahilan nga ang pagtungo ko doon at ‘yon ay para babawiin kung ano ang dapat ay sa atin. Pupunta ako sa syudad para maibalik ang lupang ito at hindi para doon na manirahan."- "Gawin mo kung ano ang iyong nais, ngunit sa oras na ikaw ay mabigo tanggapin mo na ang katotohanan na ang mga nangyaring ito ay gawa na ng tadhana. Nakatitiyak akong may dahilan ang mga ito at ‘yon ang kailangan mong matuklasan."- Lolo "Tumayo kana diyan at tama na ang maraming sat-sat kung ayaw mong abutin ka ng dilim dito"- * End of flash back* Noong mga panahon na ‘yon, hindi ko din alam kung anong tadhana ang pinagsasasabi ni lolo dahil maging ako man ay hindi ko maintindihan. Ayaw ko na lang isipin ang kanyang mga sinabi. "Magbabalik ako sa probinsya at sa pagbabalik ko, sisiguraduhin kong nabawi ko na ang lahat"- Pagpapalakas ko sa aking loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD