PAPANAWAN yata siya ng ulirat sa mga nangyayari. Hindi niya masisisi si Cedrick kung magalit man ito sa kanya. It was really her fault anyway. Nagpadalos-dalos siya at hindi nag-iisip. Nilapitan siya ni Grace at halos tumabingi ang mukha niya nang malakas na sampal ang ipinadapo nito sa pisngi niya.
“You deserve it! b***h!” nakapamewang pang sabi ni Grace.
Hindi napansin ni Haemie na may naglandas na palang luha sa mga mata niya. Agad niyang hinawi ang luhang iyon at nagtatakbo palayo sa dalawa. Hindi na siya nakapasok sa School. Minabuti na lang niyang umuwi. Nakamukmok lang siya sa loob ng kwarto nilang dalawa ni Kate. Nagkamali siya na nagtiwala at kay Cedrick pa. Alam niyang malaki ang kasalanan niya sa dalawa, dahil sa kanya naghiwalay ang mga ito. Siya ang may kasalanan kaya tama lang naman na matanggap niya ang galit nang mga ito. Pero hindi niya mapigilang umiyak, hindi niya mapigilang mainis sa nangyayari.
Kinuha niya ang cellphone, dinilete niya ang number at binlock na rin ang number ni Cedrick, wala ng dahilan para magkausap at magkita pa sila. Dahil siguro sa pag-iyak kaya maaga siyang dinaluyan ng antok. Panibagong umaga at panibagong karera na naman ang haharapin niya ngayon. Tiyak magpapang-abot na naman sila ni Cedrick. Tulog pa si Kate nang maaga siyang umalis. Kailangan niyang makausap ang kanilang professor dahil hindi siya nakapasok sa School.
Nagtagumpay naman siya na makausap ang professor at mabuti na lang mabilis niya itong napapayag. Lumabas na siya ng opisina kung saan sila nag-usap. Napasinghap siya nang may nakatayo na sa harapan niya. Hindi niya pwedeng malimutan ang amoy nito. Si Cedrick.
“May kailangan ka pa bang sabihin? Oo nga pala, tapos na ang kasunduan natin. Besides, wala naman akong pinirmahang kontrata,” nakayukong sabi niya rito.
“Okay. Naalala mo ba na kailangan kitang singilin? Dahil lumobo na, dapat na akong makapaningil at ikaw ang kabayaran,” nakangising sabi pa nito.
Napaatras siya sa tinuran nito, pakiramdam niya ibang Cedrick na ang kaharap niya. Ibang-iba na ang aura nito kaysa sa huling nakasama niya ito. Biglang hinawakan nito ang braso niya at kinaladkad siya sa likod ng School, kung saan marami ang mga puno at hindi na sila gaano pang mapapansin.
“A-Ano pa bang kailangan mo sa akin?” Pakiramdam niya nanlilisik ang mga mata nito, napaatras siya nang makitang madilim ang anyo ni Cedrick at natatabunan ng buhok ang sariling mukha.
“’Wag ka ng umatras, wala ka ng aatrasan. Pader na ‘yan, sasandal ka na lang diyan. Ano bang gusto mong ganti, masarap o masakit?” nakangising tnong sa kanya nito.
Nagulumihanan si Haemie sa sinabi ni Cedrick, pero isa lang ang tumatakbo sa isip niya.. Ang gantihan siya ni Cedrick at iyon ay makuha ang bagay na mahalaga sa kanya. Siguro.
Hindi na panahon para maging sunod-sunuran siya nito, isa pa aksidente lang naman ang nangyari. Hindi naman niya sinasadya iyon. She needs to be strong at lalaban na siya ngayon. Marahas na ibinakod ni Cedrick ang kaliwang kamay, napapikit siya nang maramdaman iyon, akala niya ay susuntukin na siya nito. Ang isa naman ay mahigpit na nakahawak sa balikat niya at nakadiin sa pader para hindi siya makawala.
Napadilat siya ng mga mata, ngunit maling hakbang pala ang ginawa niya, dahil bigla nitong inilapit ang labi sa kanya at marahas siyang hinalikan. Napasinghap siya at nagpumilas, tila ayaw nitong tumigil. Ramdam na niya ang dalawang kamay nito sa balikat niya dahil sa pagpiglas niya, tila nanggigil ito at gusto talaga siyang turuan ng leksyon. Hindi niya akalaing ito pala ang ganting nais nito.
Kung hindi pa nalasap nito ang lasa ng dugong dumaloy sa labi ng dalaga hindi pa siguro ito titigil.
“Siguro naman nakabayad na ako. Pare-pareho lang kayong mga lalaki, mahirap pagkatiwalaan!” galit na sigaw niya habang puno na ng luha ang pisngi.
Nagtatakbo na naman siya palayo. Akala niya sapat na ang sampal na nakuha niya kay Grace, mas masakit pa pala ngayon dahil lang sa ilang araw na nakasama niya ito ay natuto siyang muling magtiwala. Ngunit maling hakbang pala ang ginawa niya.
Naglandas muli ang mga luhang kanina pa niya pinipigil. ‘Lahat ng lalaki, kahit gwapo mga manloloko’. Nagngingitngit sa inis si Haemie. But she can’t be this weak, she needs to fight back. Kung gusto ni Cedrick ng laban, pwes lalaban siya.
Mabuti na lang at nakahiram siya kay Kate ng make-up, napipilitan pa nga siyang ilahad kung bakit putok ang labi niya. Makapal na dark red lipstick ang inilagay niya sa labi para hindi mapansin nang mga nakakasalamuha niya ang labi niya. Nagpapasalamat na man siya at hindi napansin ng mga ito ang labi niya.
MATAPOS ang klase, nagmamadali na agad siyang lumabas para makauwi. Kagaya nang nakaraan, nakatambay sa harapan ng gate si Cedrick at parang hinihintay siya.
“Don’t worry, you’re fully paid kapag pumayag kang ihatid kita.” Nakangiti ang loko na parang hindi alam kung ano ang naranasan niya kanina mula sa kamay nito at sa mga halik nito.
Hindi siya umimik. Nilampasan niya lang ito. Napatigil lang siya nang pigilan nito ang braso niya.
“Anong akala mo sa akin, uto-uto? Never akong magpapaloko na sa’yo. Manigas ka diyan!” Marahas niyang hinila ang braso sa pagkakahawak nito.
Akala niya ay titigilan na siya nito pero sumakay lang ito ng sasakyan at sinusundan ang paglalakad niya.
“Maraming adik diyan! Sumakay ka na!”
Nilingon na niya ito. “Pwede bang tigilan mo na ako! Get lost!”
Agad siyang pumara ng jeep kahit hindi alam kung saan ang tungo ng jeep. Basta ang nais niya ay makawala sa anino ni Cedrick. Lalo siyang naiinis na makita at makausap ito. Kahit papaano nakahinga siya ng maluwang, kailangan niyang tarayan pa ito ng sobra para lubayan na siya nito.
Mali na naman siya ng akala mas lalo lang palang magiging aggressive si Cedrick na lapitan siya at kausapin, but this time hindi na katulad ng dati pero lagi na niya itong tinatarayan. Naging ganoon ang tema tuwing nagpapang-abot sila—hinihintay siya.
“Bakit ba hindi ka na lang maging sibil muli sa akin and treat me more humanely? TInanggap ko na naman na wala na kami ni Grace at pinatawad na kita sa kasalanan mo,” pagrereklamo ni Cedrick.
“Na pinaghirapan ko. Ngayon, ikaw naman ang maghirap na tanggapin kita,” mataray na ganting sabi niya saka nilampasan ang lalaki.
Sinundan din siya nito. “Sige, deal!”
Nagulat pa siya sa pagngiti, sagad na yata hanggang wisdom teeth nito.
“Gusto ko talagang humingi ng sorry sa mga nangyari, alam mo na. I’m sure wala ka namang kasalanan.”
“Wow! Just wow! Talagang sa’yo nanggaling iyon. Ang kapal din ng mukha mo, ano.”
Napayuko ito sa mga sinabi niya.
“Saka na kita kakausapin kapag nanigas ka na!” Mabilis siyang naglakad patungo sa susunod na klase niya.
Isang semester na lang ang kailangan niyang bunuin at graduate na siya—sila ni Kate. Lalo niyang pinag-iigihan dahil kailangan niyang umabot kahit Cumlaude lang.
Siya na ngayon ang nahihirapan na takasan si Cedrick, palagi itong nakasunod sa kanya, kung anu-ano ang sinusuhol na para bang nililigawan siya. Hindi naman niya iniisip na ligawan siya ng kumag dahil kung ikukumpara sa mga babaeng humahabol dito, wala siyang maipagmamalaki.
Mabuti na lang at nakita niya si Kate kaya natakasan niya si Cedrick.
“Uhuh!That guy, mukhang malakas ang tama sa’yo, Kazin,” pangungutya pa ng pinsan.
“Tigil-tigilan mo nga ako Kate. Basta gwapo, manloloko,” naiinis na sabi niya.
“Let me ask you nga, ayaw mo ba sa kanya? Ba’t di mo na lang sabihin kay Cedrick para hindi na siya umasa,”sabi ni Kate sa kanya.
Lalo yatang gumulo ang nangyayari.
“Kate, hindi naman nanliligaw si Cedrick sa akin. He did it to befriend.”
Hindi yata nakumbinsi si Kate sa mga sinabi niya. “Friends?Saan pa ba patutungo iyon, Kaz. E di sa Boyfriend. Naku! Para namang hindi ko alam ‘yan. Isa pa, boto naman ako kay Cedrick. He came from a good family, may kaya ang pamilya. Gwapo na, sikat, one-woman man pa. Jackpot ka na diyan, Kaz!” exagerated na sabi ni Kate.
Napailing-iling na lang si Haemie saka nag-sip sa inorder na Ice Coffee.
Himalang wala ng nakasunod na Cedrick sa kanila nang umuwi sila ni Kate sa bahay. Pero laking gulat nilang dalawa na nauna pa pala ito sa kanila.
May pulumpon ng bulaklak, tatlong naglalakihang chocolates at may malaking teddy bear na nakalapag sa lamesa nina Kate.
“Iyan ba ang hindi nanliligaw ha, Kaz?” sabi nito nang sumilip mula sa bintana at namataang nakaupo roon si Cedrick habang umiinom ng juice.
Napasilip na rin si Haemie. ‘Ano ba talaga ang problema ng lalaking iyon?Malakas ba talaga ang trip nang isang iyon?’
“s**t! Nababaliw lang talaga siya”
“Sa iyo,” dugtong ni Kate saka sinabayan ng hagikgik. “Oh, ano papasok ba tayo?Alam mo namang wala sina Mommy at Daddy, laging out of the country. I’m sure bukod sa katulong, wala na siyang iba pang makakausap sa loob. Kawawa naman ang manliligaw mo,” muling pambubusko ni Kate.
Mahinang kinurot ni Haemie si Kate sa tagiliran dahil sa kung anu-anong pinagsasabi nito sa kanya.
Napipilitang pumasok sa loob sina Haemie. Napatayo si Cedrick nang makita silang dalawa.
“Gabi na, ano pang ginagawa mo rito?” tanong ni Hamie.
“’Di na kasi ako nakatiis. Gusto na talaga kitang makausap.”
“Ano ba talaga ang sadya mo sa pinsan ko ha Cedrick, nakikipag kaibigan ka ba o nanliligaw?”
“Oo!”
Sabay na napamaang sina Kate at Haemie sa sinabi nito.
“Huh! Alin doon?” naguguluhang tanong ni Kate.
“Iyon nga ang gusto kong sabihin kay Haemie. I like her, kaya ako nandito. Gusto kong pormal na manligaw and it will starts here and now,” sinserong sabi ni Cedrick.
Si Kate naman ang gumanti ng kurot sa tagiliran ni Haemie. “Wow! Hindi pala nanliligaw ha. Sige na Haemie, kausapin mo na siya. Bihis lang ako,” paalam pa ni Kate na sinabayan pa ng kindat sa kanya.
“Cedrick, ano ba talaga ‘to? If you’re fooling me around, stop it. I’m not worth it and you aren’t my type.”
Hinawakan nito ang braso niya.“Bakit? Ano bang ayaw mo sa akin?”
Napipilan si Haemie sa isasagot sa binata, dahil wala naman siyang nakikitang bagay na ayaw rito, lalo na nang makasama ito. Napipilitang mag-imbento siya ng kasinungalingan.
“Because you are the most arrogant, showy and egotistical person I ever—“
Bago pa man niya natapos ang sasabihin, nakapulupot na pala ang braso nito sa baywang niya.
“Bawiin mo ang sinabi mo,” he said while greeted between teeth.
“B-bitiwan mo ako!” pagpupumiglas niya.
Nagulat siya sa tinuran ng binata, mukhang nasagi niya ang ego nito. Nag-iba ang mabait na aura nito, naging mabalasik na parang ano mang oras ay gusto na siyang sakmalin. Binitiwan din naman siya nito.
“I won’t accept any insult at kapag sinubukan mo pang ulitin iyon, I swear, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa’yo.” Madilim ang anyong naglakad ito palabas ng bahay nila Kate.
Niragasa ng kaba ang dibdib niya. Kasalanan na naman niya, naging padalos-dalos na naman siya at hindi nag-iisip. Hindi naman niya alam na malaki pala ang epekto nang sinabi niyang iyon kay Cedrick. Marahil mali ang ginawa niya, pero ito lang ang paraan para hindi na siya nito gambalain at para layuan na siya nito.
Hindi na nakatulog si Haemie sa nangyari, si Cedrick na ngayon ang gumagambala sa nanahimik niyang isipan. Kung tutuusin wala naman itong ginawang masama sa kanya. But she will never lie to herself that she was afraid to fall—kay Cedrick. Isang ring nang phone ang kumuha ng attention niya.
“Hello, Haemie anak.Giatake sa kasingkasing imong Papa, gi kinahanglan ka namo diri sa ospital. (Inatake ang papa mo. Kailangan ka namin dito sa Ospital) ” umiiyak na sabi ng kanyang ina.
Nanginginig na nabitiwan niya ang phone.