WALANG sinayang na sandali si Haemie. Nag-iwan siya ng sulat sa pinsan na tutungo siya ng Davao at ipagpaalam siya sa trabaho at mga professors dahil baka hindi na niya mahawakan ang phone niya.
Nine to twelve hours din ang byahe depende sa traffic. Pero dahil madaling araw siya umalis, nakarating siya ng mas maaga sa ten hours. Nanginginig ang mga kamay na binuksan niya ang seradura ng pinto ng kwarto na kinaroroonan ng ama.
“Papa..”
Maraming nakakabit sa kanyang ama bukod sa dextrose.
“Haemie, anak!” mabilis siyang niyakap ng ina na umiiyak na rin.
"Kumusta naman ang kahimtang ni papa?" (Kumusta na ang lagay ni Papa?)
"Naa pa sa pikas room pa ang doktor nga ga atiman sa imong Papa. Unya pa nato mabal an ang result a.” (Nasa kabilang room pa ang doktor na tumingin sa papa mo. Mamaya pa natin malalaman ang result.)
Dumating rin naman ang doktor at dahil gusto niya ring nalaman ang resulta, siya ang unang lumapit sa doktor para tanungin ito kun kumusta na ang kalagayan ng ama.
"Ligtas na si Mr. Arnolfo, pero kakailanganin pa rin ng mahabang gamutan. Mahina na ang puso niya, at kakailanganing maoperahan ito. Mas maaga, mas mainam at maisasalba natin siya ngunit ngayon pa lang sinasabi ko na sa inyo na hindi biro ang kakailangan halaga. Kung tatantiyahin, kukulangin siguro ang isang daang libo plus heart donor.
Napatutop na bibig si Haemie sa mga narinig. Saan naman niya kukunin ang ganoon kalaking halaga? Sa panggastos nga lang sa bahay ay tiyak kulang na kulang na sila, ang pang opera pa kaya. Mabuti na lang at mabilis nakaagapay si Haemie sa ina, halos mabuwal kasi ito nang kamuntik na itong himatayin dahil sa sinabi ng doktor.
"Asa man ta magkuha ug in-ana kadako nga kwarta, anak?" (Saan tayo maghahanap ng ganoon kalaking pera, anak?)
"Huwag na kayo mag-alala Ma, gagawa ako ng paraan," sinabi lang iyon ni Haemie, kahit ang totoo ay hindi niya alam kung saan siya maghahanap o paano gagawan ng paraan ang malaking halagang iyon.
Lumabas na ng Hospital si Haemie habang dala-dala rin ang isang bag na bitbit nang umalis siya galing Maynila. Siya na ang nag-aasikaso sa bahay habang nagbabantay ang nanay at kapatid niya sa Hospital. Si Katelyn ang una niyang naisip tawagan, baka sakaling may maipahiram ito sa kanya.
“Hello Haemie, kumusta na si Tito?”
“Kate..” hindi na niya napigilan ang pag-iyak. “Ligtas na si Papa, kaso..” muli niyang pinutol ang sasabihin saka suminghot-singhot. “Nangangailangan kami ng isandaang libo para sa operasyon ni Papa at heart donor. Kailangan daw niya maoperahan. Pasensiya ka na kung, wala akong ibang malapitan Kate.”
“Okay. I get it, don’t worry Kaz, everything will be fine. I ask my Mom and Dad if they’ll be able to let me borrow the money from my savings even half of it. Pero iyon lang sa ngayon ang magagawa ko. I can’t give you a heart donor, at least okay na ang half, you will find another half na lang.”
Napangiti si Haemie saka suminghot-singhot. “Salamat Kate.”
“I will give you on the next day, bukas kasi ang balik nila Daddy galing Hongkong. Matatagalan ka pa diyan?”
“Hindi ko alam Kate. Siguro. Baka hindi ko na tapusin ang pag-aaral ko, kailangan ko munang huminto ng pag-aaral. Kailangan ako ng pamilya ko dito.”
“Naku, sayang naman.. One sem na lang ga-graduate na tayo, tas di mo pa tatapusin?”
“Hindi ko alam Kate. Magulo ang isip ko ngayon. Sasabihin ko sa’yo kapag okay na ha. Sige, ibaba ko na, wala na akong pantawag. Ite-text na lang kita. Bye.”
Muli na namang naiyak si Haemie matapos maibaba ang cellphone. Ang natitira niyang savings ay kailangan na rin niyang gamitin. Humarap na siya sa kusina para makapagluto ng makakain ng Nanay at kapatid niyang si Lermie.
Nang matapos ay kinakailangan na niyang madala iyon sa Hospital at makabalik muli sa bahay. Madaling araw na nga nakabalik ng bahay si Haemie para muling mag-ayos ng bahay. Pinag-iisipan na nga rin niya ang pagre-resign sa Jollibee na pinapasukan niya, balak niyang manatili na muna sa Davao hanggat hindi pa okay ang lahat at hindi pa nagagawa ang operasyon ng ama.
Marahil sa labis na pagod, nakatulog na si Haemie na hindi naisipan pang magpalit ng damit. Pasado alas siete na nang magising siya. Napapalo pa siya sa sariling noo, dahil tinanghali na siya ng gising. Kailangan niyang makapagluto muli nang makakain ng nanay niya at kapatid. Pumunta muna siya sa Palengke para makapamili ng lulutuin at para sa iba pang pangangailangan sa bahay. Nang makabalik sa bahay, dinoble na niya ang niluto para umabot sa pananghalian. Mabilis siyang naligo, nagbihis at nag-ayos sa sarili saka tumungo sa Hospital.
Dalawang araw ng hinihintay ni Haemie ang ipadadalang pera ni Kate sa kanila. Kailangan kasi munang makapag-down ng kalahati para ituloy ang gamutan at ma-set na ang operasyon ng ama habang naghahanap pa ng heart donor. Siya na ngayon ang nasa Hospital, mamaya ay ang Nanay naman niya ang papalit sa kanya sa pagbabantay. Natawagan na halos lahat ni Haemie na pwedeng hiraman pero ni isa sa kanila ay walang pwedeng tumulong. Umiiyak na umuwi si Haemie, napasubsob siya sa kama, habang umuusal.
“Diyos ko, Panginoon.. saan po ba ako makakahanap ng pera at heart donor ni Papa. Hindi ko na po alam ang gagawin ko?” Muli na naman siyang naiyak.
Pinunasan niya ang mga luha at sinabi sa sarili na kailangan niyang lumaban, kailangan niyang maging matatag. Alam niyang hindi siya pababayaan ng Diyos.
Nasa kalagitnaan na siya ng paglilinis ng bahay nang mag-ring ang cellphone niya. Nang silipin niya ang nakarehistrong pangalan, nanay niya ang nasa linya. Kumabog nang mabilis ang dibdib niya, hindi naman tatawag nang ganoon ang nanay niya kung walang problema. Nanginginig na dinampot niya ang phone at pinindot ang Accept button.
“H-Hello Mama,, unsay problema?” (ano pong problema?)
“Anak, gidala sa operating room imohang papa. Niduol kaginha sa ako ang doktor naa daw nakit-an na heart donor unya fully paid ang bayad sa Hospital. Ikaw ba ang nagbayad anak?” (Anak! Nasa operating room na ang papa mo. Nang lumapit sa akin kanina ang Doktor, mayroon na raw nahanap na heart donor at na-fully paid na ang bayaran natin dito sa Hospital)
Napamaang si Haemie sa sinabi ng ina. “Ma, h-hindi po.”
“Basin ang imong ig-agaw. Sige, ikaw nay bahala makig-istorya sa iyaha unya pasalamat dayon,” (Baka naman ang pinsan mo. Sige, ikaw na ang bahalang kumausap sa kanya at magpasalamat na rin) nakangiting turan ng kanyang ina.
“Opo ma.”
Nakangiting magkasalukap ang dalawang kamay na nagpasalamat siya sa Panginoon. Muli niyang pinindot ang phone at tinext na lang si Kate bilang pasasalamat. Mayamaya din ay nag-ring ang phone niya at si Kate na nga ang nasa linya.
“Hello Kate, salamat sa pinambayad mo sa Hospital ha.”
“T-teka lang Haemie. That’s the reason why I call you. I just want to tell you na hindi ko na matutupad iyong sinabi ko sa’yo. May pinaggamitan kasi sila Daddy. Sorry.”
Nangunot ang noo ni Haemie sa nalaman. “K-kung ganon, sino ang nagbayad ng Hospital?”
“Basta hindi ako. Pero atleast maooperahan na ang Papa mo. All I can do now is to pray for your father. Sige, may klase pa kasi kami nang magtext ka, nang ma-received ko nga tinawagan na kita para ipaalam iyon. And besides I’m sorry kung ‘di kita nasabihan ng maaga. Bye.”
“Bye,” iyon na lang ang nasabi ni Haemie.
Palaisipan pa rin sa kanya kung sino ang nagbayad sa hospital bills at pang-opera ng kanyang ama pati na rin sa Heart Donor. Ayaw na niyang isipin kung sino man ang taong iyon pero gusto niyang magpasalamat sa kung sino mang mabuting nilalang na nagligtas sa buhay ng kanyang ama. May butil-butil ng luha na lumabas sa mga mata niya. Tinapos na niya ang paglilinis ng bahay saka naghanda na para maligo at mag-ayos sa sarili, kailangan niyang pumunta ngayon ng simbahan para magdasal at magpasalamat.
MABILIS na tinapis ni Haemie sa katawan ang tuwalya nang marinig ang kaluskos sa sala, marahil ay dumating na galing sa Hospital ang kanyang ina. Agad siyang lumabas ng banyo. Napamaang ang kanyang bibig nang masilayan ang inaakalang nanay niyang dumating.
“A-anong ginagawa mo rito? Paano ka nakapasok?”
Hindi ito agad sumagot sa sunod-sunod niyang tanong, napatingin ito sa ayos niya at napako ang tingin sa dibdib niya. Agad niyang hinarang ang sariling braso sa tinitingnan nito. Napansin nito ang ginawa niya, kaya mabilis na naghilis ito ng tingin.
Bahagya pa itong tumikhim. “Relax. Wala akong gagawin sa’yo. I’m here for vacation and to continue my courting intention,” nakangisi pang sabi nito.
Nailang siya sa ginawang pagngising iyon ni Cedrick. Hindi nga niya alam kung paano ba ito palalayasin sa pamamahay nila. Kahit hindi naman nila ugaling magpalayas ng tao. Prenteng naupo si Cedrick sa sofa nila.
“Sinlaki lang pala ng kwarto ko sa Bahay ang bahay nyo, pero malinis at maayos ah,” komento pa nito habang inililibot ang mga mata sa paligid ng bahay.
Gumapang ang inis niya mula sa sinabi ni Cedrick, gusto na yata niyang kalimutan ang isiping i-entertain ito. Ngayon pa lang gusto na niyang ipagtabuyan ito palabas.
“Wow. Just wow. You came here para lang laitin ang bahay namin. Eh kung sipain na kaya kita palabas ng bahay namin?” naka-cross arms pa na pagtataray niya.
Dumekwatro ito saka humalakhak. Lalong nainis siya sa ginawa nitong pagtawa. Sa asar niya, ibinato niya ang nadampot na maliit na picture frame sa direksyon nito. Malas namang mabilis itong nakailag. Nakita pa niyang dinampot nito ang hindi naman nabasag na frame saka pinagkatitigan. Agad siyang nagbalik ng banyo para makapagbihis, nakakaramdam na kasi siya ng pagkailang lalo na kung magtatagal pa siya na tuwalya lang ang tapis.
Nakasuot ng blouse at three fourth jeans nang muling lumabas siya ng banyo. Kung kanina ay napamaang siya nang makita ito, ngayon ay nangunot na ang noo niya nang makita ang mga grocery bags na nakalatag sa salas.
“Ano ‘yan suhol?” tanong niya nang makita ang halos sampung plastic bags.
“Pwede rin, nang bumait ka naman sa’kin. At baka pwede mo na akong mahalin.”
Napaikot ang dalawa niyang eyeballs sa sinabi nito. “Take it. I don’t need anything coming from you. And to tell you, you’re not welcome here.”
Napaatras siya sa ginawa nitong paglapit patungo sa kanya.
“Hanggang ngayon galit ka pa rin ba sa akin?” hindi nakaligtas sa mga mata niya ang pait sa mga mata nito. “Wala naman akong kasalanang nagawa sa iyo, besides ikaw itong dahilan kung bakit kami naghiwalay ni Grace.”
“That’s the reason I don’t want to accept your so called ‘courting’”
“Bakit, iniisip mo bang rebound ka?” Ito na mismo ang umatras at bumalik para umupo. “Hindi ko na mahal si Grace. Nalaman ko na ang totoo, pinindeho lang niya ako, noon ko lang nalaman na hindi na niya pala ako mahal at ginawa lang niyang dahilan ang ginawa mo dahil hindi niya alam kung paano ako hihiwalayan,” mapait na sabi nito habang nakayuko. Muli itong tumingin sa kanya. “Nagpapasalamat pa nga ako sa nangyari. Hindi ko ito sinasabi sa’yo para maniwala ka. I’m telling it for you to know what feelings I have. Ikaw ang gusto ko. At kahit maghintay ako kahit gaano katagal, ‘wag mo lang akong pigilan sa ginagawa ko.”
Napatingin siya sa sinabi nito at nagsalubong ang mga mata nila. Hindi niya alam kung bakit nagre-reflect sa mga mata nito ang lahat ng sinasabi at parang napakasinsero ng mga binibitiwang salita.
Sa ngayon, hindi muna iyon ang priority niya at ayaw niyang paasahin ito.
“M-Maghahanda lang ako ng makakain mo,” utal-utal na sabi niya saka dumiretso sa kusina para magtimpla ng juice at maghain ng kakainin nito.
Bitbit na niya ang tray nang dumating ang kanyang ina at kapatid.
“Oh Haemie, may bisita ka pala,” bati ng Nanay niya nang makitang tumayo si Cedrick.
“Magandang hapon po,” bati ni Cedrick dito.
Ibinaba ni Haemie ang tray at nagmano sa ina. Hinintay niyang makapasok ang ina sa kwarto saka muling nagsalita.
“Pwede ka ng umuwi pagkatapos mong kumain.”
“Haemie!” napahinto siya nang sumigaw ang ina. “Psagdii kung magpahulay siya, pwede siya dire hangtod kanus-a niya gusto.” (Hayaan mo siyang magpahinga, pwede siyang dumito kung kailan niya gusto)
“Pero ma—“ Hindi na umabot ang pagtutol niya sa sinabi ng ina.
Nagkibit balikat pa ang walang hiya. “So, paano ba ‘yan Haemie? I guess your mom wants me here,” nakangisi pang sabi nito saka siya kinindatan.