Chapter 5

1772 Words
SASAKAY pala ng mga rides ang dalawang magkasintahan nang makarating sila sa lugar kung saan sinundan nila ang dalawa. Hinila nito ang laylayan ng sleeves ng jacket niya. “Pwede bang sundan na lang natin sila, huwag na tayong sumakay?” pakiusap na tanong niya. “Sige,” nakahinga siya ng maluwang sa sagot nito. Nakamasid lang silang dalawa ni Cedrick kayla Grace. Mukhang abala ang dalawa at hindi nila napapansin ang presensiya niya. Kagaya ng pakiusap niya nanood lang nga sila. Nahihirapan din siguro itong manood lang kaya bumibili na lang ito ng kung anu-ano at inaabot sa kanya. Sumasali na rin ito sa mga games na matipuhan at saka iniabot sa kanya ang napapanalunan. Parang tuod lang nga siya na nakatayo lang at tinatanggap lang lahat ng iniaabot niya. Nakatuon lang ang mga mata niya kay Grace. Pakiramdam niya rin kasi nagkatagpo na sila minsan, hindi nga lang niya maalala kung saan. Wala siya sa sarili nang lapitan siya ni Cedrick. “Okay ka lang ba? Kanina pa kasi kita tinatawag,” sabi pa nito na bitbit ang isang malaking teddy Bear. Napatingin siya sa teddy bear. Nasagot naman nito ang iniisip niya. “Sa’yo na ‘yan. Napanalunan ko lang.” malaki na ngumiti ito sa kanya. Mukhang siyang-siya ito na kasama siya kahit wala naman siyang ginagawa. Lumabas na sila sa isang booth sakto naman na patungo sa pwesto nila ang dalawa—si Grace at ang bago nitong boyfriend. “Honey, ang ganda ‘nung teddy bear. Pwede bang kunin mo rin sa’kin ‘yung ganyan,” maarteng sabi ni Grace na nakatingin sa hawak niya. “Oo naman, honey,” pagsang-ayon pa ng lalaki. Hindi niya alam kung ano ba ang nakita ng tinawag na Grace sa lalaking ito. Kung tutuusin wala naman ito sa kalingkingan ng kagwapuhan ni Cedrick. Maganda rin ang built ng katawan ni Cedrick kumpara sa lalaki na mapanga at payatot. Walang laman ang katawan nito, hindi katulad sa katawan ni Cedrick at wala rin siyang makitang asset nito. Kung si Cedrick ay may magandang mga pares ng mga mata na kahit malungkot kapag ngumiti ay natatangay ang mga mata at kung makatitig ay parang siya lang ang natatanging babae. Maganda rin ang ngiti nito at ang labing natural na namumula. Wala siyang maipintas sa mga pisikal na katangiang nakikita niya kay Cedrick. Napasinghap siya sa labis na pagkagulat nang bigla siyang kabigin ni Cedrick, nagtama ang mga labi nila pareho. Nabitiwan niya ang mga bitbit. Umalalay naman ang kamay nito sa batok niya habang ang kabila ay nakahawak sa balikat niya. Hindi siya magaling humalik, ngunit nang sadyain yata nito na kagatin ang ibabang labi niya, bahagyang napabuka ang labi niya dahilan para mabigyan ng access ang lalaki para lumalim ang mga halik nito. “Jeez.. let’s get out of here, Migs,” napapadyak pa ito ng mga paa sa nakita sa kanilang dalawa ni Cedrick. “Get a room, pre!” sabi naman ng tinawag na Migs. Nang maramdamang wala na ang dalawa, dahan-dahan ng tinutulak ni Haemie si Cedrick, ngunit tila nag-eenjoy ito sa ginagawa. Napatigil na lang ito nang marahas na itulak niya ito. “I-I’m sorry. Sorry kung hindi ako nagpaalam. I know it’s beyond the plan,” yumuko ito na parang sising-sisi sa nagawa. “Sorry talaga.” Nakayukong umupo ito sa tabi. Nakasabunot sa sarili at parang hindi alam ang gagawin. “Tingin mo napagselos natin sila?” mayamaya ay tanong nito sa kanya. Pero hindi iyon ang laman ng isip niya kundi ang halik na ninakaw nito kanina lang. It wasn’t her first time but it felt like a first time experiencing it this time and with this guy—Cedrick. “Tapusin na natin ang isang buwan. And about the kiss, sorry but I promise, that will be the first and the last. Hindi na mauulit. I don’t want go beyond that point. Isa pa nagpapanggap lang naman tayo. Ayaw kong pareho tayong masaktan. I respect you. Let’s go, ihahatid na kita.” Tumayo na ito. Hindi nga niya napansin ang pagdilim ng labas. Inalis muli nito ang jacket at ipinatong sa balikat niya. Ayaw raw nitong may mangyaring masama sa kanya o ‘di kaya ay magkasakit siya. She appreciates what he did but not beyond falling. Wala pa rin siyang tiwala sa mga lalaki, lalo na sa gwapong nilalang na ito. Hindi na ito bumaba ng Taxi nang makarating ang cab sa tapat ng bahay nila. Nang makapasok siya sa loob, hindi niya napansing nakatayo at nakabantay roon ang pinsan. “Looks like, you’re busy on your date without answering your so called phone. Bruha ka! Ilang beses na akong nag-message sa’yo, but no replies lang, ignore lang ganun. Maybe it’s about time to tell me why you and Cedrick are dating. Or maybe kayo na?” Ilang beses pa nito paulit-ulit na tinaas ang mga kilay. “Alam ko namang talo ako sa’yo. But to make it clear, it’s business.” “Ow..” umarko pa ang kilay nito at bumilog ang bibig na parang hindi convincing sa sinabi niya. “Business? Or more than business?” “Ewan ko sa’yo Kate. Let’s go on the room ikukwento ko sa’yo ang mga kailangan mong marinig.” Excited naman na sumunod ito sa kanya. Nagkukwento siya habang nagbibihis. Dahil pakiramdam niya napagod siya sa nangyari kanina lang. “Ow! That’s awesome at naka-base na agad siya sa’yo ah. Bilis ah,” nang-aasar pa na sabi nito sa kanya. Sigurado naman siyang hindi na sila lalampas sa limit at iyon ay ang MAHULOG. Wala sa lugar niya ang ganoong mga bagay. Isang tao na siyang nakapag-move on. Pero hindi ang pagmo-move on sa trust, dahil kahit kailan hinding-hindi na niya ipagtitiwala pa ang puso niya sa kahit sinong lalaki. Iyon din ang dahilan kung bakit nawalan na siya ng self confidence, kung bakit sinarado na niya ang isiping hindi siya maganda at wala na dapat magkagusto sa kanya. MAG-IISANG linggo na simula nang magplano sila ni Haemie, tatlong buwan na lang at tapos na ang plano nila. Pakiramdam ni Cedrick ang bilis ng oras. “Nakakapagduda ‘yang mga plano mo, Cedrick,” walang tiwalang sabi ni Marvin. “We know you for years at alam kong may iba ka pang bagay.” “Kung ano man ‘yun mga brod, sa’kin na lang ‘yun. Nakangising sabi ni Cedrick. Nakasakay si Marvin sa kotse ni Cedrick, Ayaw naman nito na makaabala sa ginagawa niyang plano. Kaya nagpaalam na rin si Marvin na ibaba malapit sa School. Pinaghandaan na ni Cedrick ang pagpunta sa bahay ni Haemie. Kanina pa nga niya hindi maalis ang pagtingin sa rear mirror para lang matiyak na maayos ang hitsura niya. Mamaya, pagkatapos mag-uwian ay yayayain niya itong mag fine dinner date. Mabuti na lang at nakakontsaba niya si Kate para mahingi ang schedule niya. Gusto niyang palaging hatid-sundo ang dalaga, naaaliw siya tuwing nakikita niya ito at kahit bihira pa itong ngumiti sa kanya. He doesn’t even know what mesmerize him and always seeing her even his dreams. Basta ang alam niya, masaya siyang pumayag sa inalok sa dalaga. Nakatayo na si Haemie sa harapan ng gate, hindi niya napansin ang presensiya ng isang sasakyan at sa napakapoging lalaking nakasandal sa harapan ng kotse na animo ay model ng branded na kotse. “Mabuti na lang pala inagahan ko,” sabi pa nito na naka-salukap ang mga bisig sa dibdib. “Bakit narito ka?” “Girlfriend kita at bilang boyfriend obligasyon ko na ihatid-sundo ka, papasok sa school o kahit sa pinatatrabahuan mo.” Ngumiti pa ito ng napakatamis. Gusto yata nito tunawin sa pagngiti ang kaluluwa niya o sinasadya lang nito na pakiligin siya. Wala namang epekto iyon sa kanya. Pinagbuksan siya nito ng pinto. Hinayaan na lang naman niya ito. At least hindi na siya makakagastos sa pagpasok at pag-uwi. Matatabi pa niya ang pera at maipapadala na lang sa mga magulang sa Davao. Ipinarada na nito ang sasakyan, hindi naman magkamayaw ang mga taong nakatingin sa kanila specially ang mga girls at gays na may halong pangmamata at galit sa nakikitang magkasalukap na mga palad. Bahagya siyang nailang, hindi man niya tanungin ang mga ito, tiyak nagngingitngit sa galit ang mga ito. Well, sorry na lang sila. Siya ang napili ng kumag. Gusto niyang matuwa sa isiping iyon. Iniwasan na lang niya ang mga matatalim na titig ng mga ito na halos patayin na siya sa paraan ng mga pagtitig ng mga ito. Nang makarating silang dalawa sa harap ng building na pinapasukan ni Haemie, huminto na ito. “Sige dito na lang ako. Hindi na ako aakyat kasama ka. Alam ko namang maiilang ka lang,” ngumiti na naman ito sa kanya. Talagang naging hilig na nito ang pagngiti sa kanya ng ubod tamis. Napapitlag siya ng putulin nito ang namamagitang agwat sa kanilang kinatatayuan. Napasinghap siya nang dumapo ang labi nito sa noo niya. “See you later, Haemie.” Pero hindi pa rin nito binibitiwan ang kamay niya. Kung iba ay kinilig na pero parang wala lang sa kanya, isang natural lang na pagpapanggap. Namanhid na nga ba ang puso niya? Niyakap pa siya nito bago ito tuluyang umalis. “Cedrick, we need to talk!” halos maghisterikal na si Grace sa pagsasalita. Pareho nila itong nilingon. “What for, Grace?” pagtataka ni Cedrick. Alam ni Haemie na baka umuubra na ang bitag nilang plano at mukhang kumakagat na si Grace. Hinihiling niyang sana nga ay makipagbalikan na ito para tapos na ang plano. “Cedrick, you must know the truth.” Nakaramdam ng kakaibang kaba si Haemie sa sinasabing iyon ni Grace. Parang may alam ito at may nais sabihin na hindi tungkol sa pakikipagbalikan. “I know the truth, that you still love me.” Sunod-sunod na umiling si Grace sa sinabi ni Cedrick. “No, Cedrick! Huwag ka ngang mabulagan. That girl is the girl that separates us,” Lalong naguluhan ang isip ni Cedrick. Nakakunot na ang noo nito. Parang may isang flash back naman ang bumalik sa ala-ala ni Haemie na hindi niya malimutan. Nalinawan na siya sa naalala niya. Kaya pala pamilyar ang babae. “That girl is the girl who pours cold water in your head. She is the reason kung bakit tayo naghiwalay. Do you think it is right to trust her? At hindi ko akalaing magkakatuluyan pa kayo.” Pulang-pula na ang mukha ni Grace habang sinasabi iyon. Halos matulos sa kinatatayuan si Haemie. Tama nga siya ng hinala, kaya pala kamukha ng likuran ni Cedrick si Paulo, kasi nga ay magpinsan ang mga ito. Kung nalaman lang sana niya ng maaga nakatanggi na sana siya sa inaalok ni Cedrick at nakaiwas na sana siya sa binata. “T-totoo ba ‘yon Haemie? Ikaw ‘yong babaeng sumira sa relasyon namin ni Grace?” naiiyak na tanong ni Grace sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD