MARAMOT ang antok sa kanya ng gabing iyon lalo nang maalalang nasa kabilang kwarto lang si Cedrick. Hindi pa rin niya lubos maisip kung ano ang pinakain nito sa kanyang ina para hayaan siya nito. Kung sa bagay, likas na ma-entertain at mabait talaga ang kanyang ina. Yamot na tumayo si Haemie, lumabas siya ng kwarto. Suot ang pajama nagtungo siya sa terrace, humiga siya sa duyan at pinagmasdan ang mga bituwin sa langit.
Kamuntik pang mahulog si Haemie sa pagkakahiga sa duyang gawa sa malalaking sinulid nang makita kung sino ang paparating. Nagpatay-malisyang naupo siya sa duyan para hindi mapansin nito ang pagkagulat niya.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Cedrick nang tuluyang makalapit at makaharap sa kanya.
“Hindi ba dapat ako ang magtanong niyan sa’yo?”
Kakamot-kamot sa ulong ngumiti ito sa kanya. “Hindi ako makatulog, sanay kasi akong naka-aircon.”
‘Ang yabang talaga ng walang hiya,'usal ni Haemie sa sarili.
“Hindi ako makatulog, naiinitan lang ako,” sabi niya rito saka lumihis ng tingin.
“Bakit, hindi ka ba sanay matulog ng walang damit para hindi ka mainitan?”
“Bastos ka talaga!” nag-iinit ang ulo at pisnging usal niya dito.
“Well, it’s just an opinion. Hindi rin naman ako sana’y matulog ng walang suot na brief” saka pa sinundan nito ng nakakalokong tawa.
Masamang tingin ang pinukol niya rito, parang gusto niyang ihulog mula sa terrace si Cedrick.
“Siguro para pareho tayong makatulog, mabuti pang magtabi tayo diyan sa duyan,” suhestisyon nito na nakaplaster ang pilyong ngiti.
“Sira ka ba? Hindi pa sira ang ulo ko para gawin iyon.” Sa totoo lang nanginginig na ang kamay niya sa labis na inis. Wala yata itong balak tumigilsa pang-aasar sa kanya.
“Kaya nga sisirain ko na para magawa na natin.” At akmang tatabihan na siya mula sa pagkakaupo sa duyan.
“Ano ba! Kung gusto mo, ikaw na lang ang matulog diyan. Babalik na lang ako sa kwarto ko.” Saka siya tumayo na agad nahapit naman nito ang baywang niya.
Nagulat siya sa ginawa nitong pagyakap sa kanya saka umusal. “Hindi mo ba ako namiss? Miss na miss na kasi kita, Haemie. I miss your kiss, your smell and everything about you, pati ang pagtataray mo.”
Nagpipitlag siya at pilit kinakalas ang mahigpit napagkakayakap ni Cedrick sa kanya. Pero hindi siya hinayaan ng binata, ginapanganng bolta-boltaheng kuryente ang buong katawan ni Haemie nang maramdaman ang hininga nito sa leeg niya at ang ginawa nito. Malakas na natulak niya ito dahilan para tuluyan na itong kumalas sa kanya.
“Anong ginawa mo? Baka nakakalimutan mong nasa pamamahay ka namin. Kaya kung pwede lang ‘wag mong dalhin dito ang kamanyakan mo!” nakakuyom ang mga palad na singhal niya.
“Ang sama naman ng tabas ng dila mo.”
“Dahil ikaw ang gumagawa niyon.Maniac!”
“Sige, kung totohanin ko na lang kaya ang pagka-maniac ko, besides I already planting you a hickey, that means you’re mine.” Akmang lalapit na naman ito sa kanya. Agad siyang napaatras.
“Ikaw ang tao nga dili nako masaligan.”(Ikaw talaga ang taong hindi ko pwedeng pagkatiwalaan.) Gusto pa sanang sampalin iyon ni Haemie nang maisip niyang wala siyang kawala dahil silang dalawa lang ang nasa terrace.
Hinihingal na bumalik siya ng kwarto, agad niyang tiningnan ang sinasabi nitong marka sa leeg niya. Tama ito, minarkahan nga siya ng mokong. Lalong nag-init ang pisngi niya sa inis. Gigil na gigil siya, lalo lang tuloy na hindi siya makakatulog.
Napipilitan ding pumasok si Cedrick sa kwartong pinagamit sa kanya ng ina ni Haemie. Napatingin siya sa salamin ng kabinet. “Ano ba naman itong bibig at kamay ko? Kung anu-ano ang sinasabi at ginagawa lalo na pagkaharap siya. Lalayo lang ng tuluyan ang loob niya sa akin. But I like the way her face becomes red as an apple and I love teasing her. Domodoble ang ganda niya lalo na pagnapipikon.” Napasuklay si Cedrick sa sariling buhok at pahigang ibinagsak ang katawan sa kama. “Ah, Haemie Clemente, no one will stop me liking you. Sa akin ka na,” muling sumilay ang ngisi sa labi niya nang maalala ang ginawa niyang mark sa leeg ni Haemie.
Yes he was desperate this much, it was challenging to know that the lady he likes doesn’t like him. Katulad ni Grace, hindi rin siya nito gusto ‘nung una, kaya niya ito nagustuhan. Cedrick is different from other man, meron siyang kakaibang hilig at iyon ay ang magustuhan ang mga taong wala o hindi nagkakagusto sa kanya, kaya naagaw ni Haemie ang attention niya. It hurts a little to know that even a simple appreciation, Haemie can’t give it. But he enjoys a part of it. He was odd and out of his mind lalo na nang hayaang tumuloy siya sa bahay nina Haemie. May tutuluyan naman siya dahil meron silang resthouse sa Davao pero hindi niya magagawa ang plano kapag hindi niya makikita o makakasama si Haemie.
NAPIPILITANG pumayag na magpaiwan si Haemie, wala raw makakasama ang bisita nila kung sasama pa siya sa Ospital para dalawin ang ama. Isang linggo na lang ay maari na rin namang lumbas ang ama dahil successful ang operasyon. Hindi siya makatiis na makita lalo na ang makasama ito. Hindi mawala sa isip niya ang ginawa nito noong nagdaang gabi, mabuti nga at hindi nang-usisa ang nanay niya at naniwalang nakagat siya ng lamok—malaking-malaking lamok.
“Saan ang punta mo?” tanong nito nang makitang may bitbit siyang shoulder bag.
“Hindi ba obvious, edi aalis.”
“Wait! Sama ako!”
‘s**t!’ napamura siya sa isipan, kaya nga siya aalis para layuan ito at iwasan. Tapos ngayon ay sasama pa ito.
“Hindi pwede! Dito ko lang. Walang magbabantay sa bahay kapag sumama ka.” Pinakalma niya ang boses para maniwala ito.
“Wala namang magbabantay sa’yo kapag maiiwan ako,” parang batang turan nito.
‘Hindi nga pwede. I’m going to church. Dito ka lang.”
“Church lang pala. Sige na, sama ako. Please..” Walang sinabi ang mga mata ni Boots ng Shrek sa pangungumbinsi ni Cedrick.
Pakiramdam ni Haemie lalo itong gumagwapo sa paningin niya at kaunti na lang mahuhulog na siya sa binata, but in the end mas pinili niyang hindi pa rin ito payagan. Nakahinga siya ng maluwang nang hindi na ito nagpumilit.
Nang naglalakad na siya patungong Simbahan, bigla siyang kinutuban. Kakaibang ngiti kasi ang ipinakita sa kanya kanina ni Cedrick matapos na hindi ito magpumilit na sumama. Hindi pa man siya nakakapasok ng Simbahan nang mag-ring ang phone niya.Yabang ang nakarehistrong pinangalan niya kay Cedrick. Pero nabigla siya ng pangalang Mahal ang lumabas doon.
“Wait, kaninong pangalan ito?” Ini-expect na kasi niyang tatawag sa kanya si Cedrick dahil binilinan niya itong tumawag kung may kailangan. “Leche!Kaya pala iba ang ngiti niya kanina.”Padabog niyang sinagot ang tawag nito. “Hello! Oh, anong kailangan mo?”
“May nabasa ka bang nakarehistrong name?”
“Kapal din ng mukha mo noh, MAHAL.” Sarkastikong sabi niya sa huli.
Narinig na naman niya ang nakakalokong halakhak nito. “’Wag mong babaguhin ‘yan hah, kung hindi—“
“Kung hindi ano?”
“Dadagdagan ko ‘yang hickey sa leeg mo. Gusto mo ba sa dibdib naman? Magandang ideya ‘yun.”
‘Stop it! Hindi ka na nakakatuwa. Kung wala ka ng sasabihin ibaba ko—“
“May videoke ba kayo?”
Napakunot siya sa tanong nito. “Nabo-bore kasi ako.Kung babalik naman ako sa School, marami na naman kaming gagawing projects.”
“What? Ibig sabihin hindi ka nakabakasyon?”
“s**t! Nadulas.” Narinig pa niyang mahinang usal nito. Wala na rin itong nagawa kundi umamin. “Nakakatamad kasing pumasok ng School, wala ka naman ‘dun, ano lang gagawin ko? Magvi-videoke na lang ako.”
“Meron. May stereo diyan, check mo na lang iyong mike.”
“Sinong kasama mo? Ba’t may lalaki?”
“Malamang nasa simbahan ako kaya may maririnig ka. Sige na. bye.”
Sinaylent na niya ang phone para ‘di na ito makaabala. Wala pang limang minuto nang maramdaman niyang nagba-vibrate na naman ang phone niya. Nagtataka rin siya kung paanong nabuksan nito ang phone niya, siguro dahil kay Lermie, close na kasi sila ng kapatid nito. Hindi nga niya alam kung bakit pati kapatid niya ay pakiramdam niya kinikiliti ang puso sa kilig tuwing nasisilayan si Cedrick Apacer. Kesyo gwapo na, mabait pa raw. Hindi naman niya nakikita ang kabaitan nito, puro yabang kamo.
Kada limang minuto yata kung mag-vibrate ang phone niya. At nang masilip niya ang twenty text lahat ay galing dito at puros tanong. Kesyo nasaan ang pitsel, nasaan ang mike, nasaan ang C.R. kung anu-anong tanong lang para lang guluhin at inisin siya. Naisip na lang niyang tuluyang patayin ang phone para hindi na siya maabala. Ipinagdasal niya ang taong tumulong sa kanila sa operasyon at gastusin ng papa niya. Nang matapos ang misa, palabas na sana siya ng simbahan nang mapansing malakas ang ulan. Napatutop siya sa sariling noo nang maalalang wala siyang dalang payong.
Mangilan-ngilang tao na lang ang naiiwan sa simbahan pero hindi pa rin tumitila ang ulan. Hindi niya alam kung bakit nahihipnotismong napatingin siya sa direksyon ng gate. Nakita niyang nakatayo ang pamilyar na bulto ng tao—si Cedrick. Pero paano nito nalaman ang Simbahan?
Tumakbo ito sa direksyon niya saka hinihingal na nginitian siya. “Let’s go home, mahal.”
Sa inis, bigla niya itong binatukan. Himalang hindi ito nagreklamo at ngumiti pasa kanya. “Sweet ko ‘diba?”
“Yabang!” mahinang usal niya. Nakaramdam na naman siya ng kuryente nang magdikit ang mainit na balat nito sa balat niya. Hindi nga niya alam kung nararamdaman din ba nito ang ganoong infact nito sa kanya.
Hindi niya napansing huminto na rin pala ang ulan nang muli itong umimik. “Paano mo malalaman itong pag-ibig ko sa’yo?” Napatingin siya rito nang kunin nito ang kamay niya at hinagkan. “Paano mo mararamdaman ang t***k ng puso ko? Kung lagi kang kinakabahan na ika’y masasaktan.”
“C-Cedrick, anong ginagawa mo?” Pero hindi siya nito sinagot. Nagpatuloy lang ito sa pag-awit. Saka lang niya napansin na may gamit pala itong lapel. Nagpatuloy lang ito sa pagkanta at seryosong nakatutok ang mga mata sa mata rin niya.
“Pangako ko ang puso mo, hindi pakakawalan. Paano mo maiintindihan na ako’y nananabik? Kailan ko kaya madarama ang tamis ng iyong halik kung lagi mong inaatrasan ang sugod ng nagmamahal? Sana nama’y pagbigyan mo hiling ng puso ko. Subukan mong magmahal o giliw ko. Kakaibang ligayang matatamo. Ang magmahal ng iba’y di ko gagawin, pagkat ikaw lang tanging sasambihin.”
Napasinghap siya nang bigla siya nitong kabigin at yakapin.“Naririnig mo ba? ‘Yan ang t***k ng puso ko para sa’yo Haemie. I will do everything for you, just say it.”Kumalas ito ng yakap saka muli itong nagpatuloy. “Paano mo malalaman itong pag-ibig ko sa’yo? Paano mo mararamdaman ang t***k ng puso ko? Kung lagi kang kinakabahan na ika’y masasaktan. Pangako ko ang puso mo, hindi pakakawalan. Subukan mong magmahal o giliw ko. Kakaibang ligayang matatamo. Ang magmahal ng iba’y di ko gagawin, pagkat ikaw lang tanging sasambihin ‘Wag ka ng mangangamba, pag-ibig ko’y ikaw, wala ng iba..”
Si Haemie na mismo ang nagbaba ng payong, bahagya pa siyang nahiya nang mapansin ang mga taong mangilan-ngilan na ang nakapaligid sa kanila.
“Mahal kita Haemie, mahal na mahal. I will wait, how long you want, but I will not accept a NO for an answer."
“Cedrick..”Yumuko si Haemie. Hindi yata niya kayang tingnan ito sa mata ngayon dahil nasasaktan siya. Hindi na rin niya kayang itago ang nararamdaman. Ilang araw na nagkasama sila ay natutunan na niya itong magustuhan at meron na rin siyang nakareserbang espasyo para sa binata. “I can’t.”
Napayuko rin si Cedrick.“ You can say it for now. But I will make sure, you will say YES after,” may kompiyansang sabi pa nito.