PAKIRAMDAM ni Haemie nayanig ang buong canteen dahil sa sinabi ng hambog at mayabang na lalaking iyon. Hindi na niya aalamin kung ano ang pangalan nito, dahil buong mundo yata ay pinagsisigawan na ang pangalang Cedrick Apacer na pag-aari nito.
Pumikit muna siya sumandali para bahagyang iwaglit ang namumuong inis at para na rin ikalma ang sarili.
“Mister, sa pagkakaalala ko, ikaw ang unang bumangga sa akin. Sa tingin mo ako pa ang may atraso sa iyo? How conceited.” Nginisihan pa niya ito saka nilampasan at hindi na tinabunan ng tingin.
Imposibleng hindi magkrus ang landas nila ng hambog na iyon. Ito na yata ang kilala niyang SAKSAKAN, SUPER DUPER at UBOD NG YABANG. Marinig pa lang niya ang pangalang iyon, hindi na maalis-alis ang inis sa mukha niya. Sa susunod nga na magkabangga pa sila, titiyakin niyang hindi na siya magtitimpi. Hindi pa siya tuluyang nakakalayo rinig na rinig na niya ang malakas na pag-uusap ng mga ito.
“Looks like your charm has no effect to her,” sabi ng isang lalaking kaibigan siguro nito.
“Cedrick pare, iba talaga ang isang iyon. She’s no good but a Tigress,” dagdag pa ng isa.
Halos takbuhin na niya ang paglabas ng Canteen mahiwalay lang sa grupo ng maangas na lalaking nakabangga niya.
Laking pasalamat ni Haemie at natapos na ang last period niya. Sa wakas makakapasok na siya sa trabaho at pansamantalang hindi na niya mamamataan ang Cedrick Apacer na iyon. Isa pa lang maling hakbang nang sandaling iyon ang paglabas niya. Kasama ng lalaking maangas ang dalawa pa nitong kaibigan at nakatambay sa mismong harapan ng gate ng School.
Hindi niya tuloy malaman kung tatakbo ba siya pabalik o magpapanggap na hindi niya nakita na naman ang mayabang na ito. Gusto na niya yatang ibaon ang sarili sa sahig lalo na nang lumakas sa pandinig niya ang pag-uusap ng mga ito.
“Ano ba ang pangalan niya?” Narinig pa niyang tanong ng maangas na iyon.
“Don’t tell me, susubukan mong paamuhin ang isang iyan?”
She was sure it was her who’s they’re talking about. It wasn’t good talking on a person’s back. Kung pwede lang niyang pagsisipain ang mga ito para makalabas na siya ng gate, kanina pa sana niya ginawa. Mabilis siyang tumalikod at kunwari ay may nalimutan kaya babalik siya ng building.
“Malay natin.” Huli na niyang narinig iyon nang magtuloy-tuloy na ang paa niya pabalik ng Building. Mali palang umiwas siya dahil lalo yata itong lumalapit sa kanya. Huli na para lampasan niya ito dahil nasa harap na niya ang siguradong ayaw niya ang ugali at ayaw niyang makausap.
“Hi. Nagmamadali ka yata. Gusto mo ba, tulungan na kita sa bitbit mo?” sabi pa nito na ang tinutukoy ay ang dalawang librong hiniram niya sa Library.
Hindi niya ito sinagot, lumihis siya ng direksyon ngunit nasa gilid pa rin niya ang lalaki at bahagyang tinatabihan siya sa paglalakad.
“If my mind was still good enough, I remembered ikaw ang may atraso sa akin. Remember about the tray of food at the Canteen?”
Nagmadali siya sa paglakad hanggang maiwan ito. Ngunit kasing kulit ng elementary pupil, nakasunod na naman ito at mukhang wala siyang balak tantanan.
“Hey.” Hindi na siya nakatakbo pa ng mabilis na nahila nito ang braso niya.
“Let me go,” mahinang usal niya. “Wala akong panahong makipag-usap sa’yo,” pagpupumiglas pa niya.
He smirks then let her arms free. “I’m not harassing you anyway. But let me tell you, marunong akong maningil and I won’t let people free without paying the damage.”
Lumaki pa ang pagkakangisi nito na may nais ipakahulugan. Niragasa ng kaba ang dibdib ni Haemie dahil sa sinabing iyon ng mayabang at aroganteng lalaki. Nadagdagan na ang pagkakakilala niya dito. Isa na itong mayabang, maangas at aroganteng hambog na nilalang.
“Magkano ba ang kailangan mo nang makaalis ka na sa harapan ko?” lakas-loob na tanong niya sa kabila ng kabang nararamdaman.
“Hindi mo ba naiisip kung gaano ka kaswerte at nilapitan kita?” mayabang pang usal nito sa kaniya.
Yes, she already knew how famous he was and an arrogant egotistical bigheaded human being. Hindi lang sa mga girls, pati sa professors and even gays. At buong Campus alam na yata ang existence ng kayabangan niya.
“Hindi mo ba naisip kung gaano ako kamalas at nilapitan mo ako?”
Nawala ang ngising nakapasak sa mukha ni Cedrick dahil sa sinabi niya.
“You really have the guts, milady.” Nginitian pa siya nito sa hindi niya malamang dahilan.
Hindi niya tuloy alam kung ano pa bang pang-iinsulto ang kailangan niyang sabihin para lang lubayan siya nito. Instead of insulting him, she calms her self and confronts him.
“Ngayong nasabi mo na ang gusto mong sabihin, pwede bang tigilan mo na ako?”
Hindi na niya hinintay pang sagutin nito ang sinabi niya, tinabig niya ito at diretsong naglakad papunta sa building.
MALAKAS na tawa mula sa mga kaibigan ang nagpabalik kay Cedrick sa pwesto niya kanina.
“Lakas din ng saltik mo Cedrick. Balak mo talagang patulan ang babaeng iyon?” nakangising tanong ni Warren, ang isa niyang ka-team mate sa Basket Ball.
“Let me rephrase your words, Warren. Balak ko lang singilin siya.”
Napansin nito ang ngisi niya. “Akala ko ba one-woman man ka, eh bakit parang may ibang singil ang ibig sabihin ng ngiti mong ‘yan?” puna ni Marvin. Ito ang masmalapit niyang kaibigan.
“Tantanan nyo na nga ang mukha ko.” Tatawa-tawa niya pang pinaghahampas ng bag ang dalawa na nais siyang lutuin.
“Maiba nga kami, ano bang dahilan kaya naisipan mong lumipat dito?” naguguluhang tanong ni Marvin.
“Grasya and I broke up,” malungkot na sambit nito.
“What?” halos sabay na tanong ng dalawa.
“You knew me that I am a one-woman man, kaya nagtataka talaga ako kung sino ang sumabotahe sa relasyon naming dalawa,” seryosong turon niya sa mga kaibigan.
“But we are glad, finally pinayagan ka na ni Tito Ysmael na mag-aral dito,” nakabungis-ngis pa na sabi ni Warren.
Si Ysmael ang Daddy ni Cedrick na tumututol para sundan kung saan pumapasok ang mga kaibigan niya.
“Almost three years na rin kayo ni Grace,” dagdag ni Marvin.
Inaasahan na niyang sisiyasatin siya ng dalawa patungkol sa nangyari.
“I don’t think this is the right place for us to interrogate me.” Gusto niya talagang ikwento ang nangyari pero kung maraming makaririnig isa yatang kahihiyan iyon.
He didn’t imagine that from a simple mistake they can easily broke-up. Isang buhos lang pala ng malamig na tubig ang kapalit ng break-up nila ni Cedrick. Hindi siya ang taong tumatanggap ng pagkatalo. He wants to win Grace's heart no matter what. Kahit pa labagin niya ang utos ng ama.
Noon pa naman niya gustong lumipat para sana makasama ang nobyang si Grace de Leon sa iisang School. Kaya nga lang tutol ang ama niya. Gusto man niyang samahan ang dalawang kaibigan sa School na iyon, wala siyang magawa dahil sa DLSU siya pinag-aral ng ama. At malaking bagay na nagtungo ito sa ibang bansa para asikasuhin ang negosyo nilang Hotel doon, nagkaroon tuloy siya ng pagkakataong makalipat.
How thankful he was when the School credited his other subjects and they knew that he was an MVP player in Basket ball. It earns another point entering the University. Cedrick’s first step is to search Grace’s place.
He was glad he will never search her girlfriend now. He was walking on the Cafeteria’s side walk when he saw Grace’s glimpse. Ganoon na lamang ang pagkadismaya niya nang makita niya si Grace. Mahigpit pa ang pagkakaakbay ng lalaki sa dati niyang nobya.
“G-Grace?” nahihirapang usal niya. Hindi na nga yata niya magawang lumunok dahil sa pagsikip ng dibdib niya nang makita niya si Grace na kasama na ng iba.
“C-Cedrick?” maging ito ay nagulat din nang makita siya. “B-bakit ka nandito?” Napansin nito ang suot niyang uniforme. “Nag-transfer ka?”
“Grace, what is happening here?” Nakaramdam na rin ang lalaking kasama nito at hindi na napigilang magtanong.
“Can you tell me who this guy is?” Lumalim pa ang pagkakakunot ng noo ni Cedrick
“Cedrick, I already told you we’re done. This is Migs, my new boyfriend,” nakangiti pang sabi nito. Ngunit kapalit naman niyon ay sakit sa puso niya.
“You’re joking, right? K-Kailan pa, Grace?”
“Don’t ask me when. Ayaw ko na sa’yo, nasasakal na ako. And I just don’t love you no more”
Hindi niya inaasahan ang lahat ng sinasabi ni Grace, gusto niyang maliwanagan. Tila nanlalabo sa kanya ang lahat. Bigla niyang hinawakan sa magkabilang balikat si Grace.
“No Grace! You’re lying. Ako pa rin ang mahal mo.” Saka pa niya bahagyang niyugyog ang dalaga. “Tell me Grace! Tell me!”
“Stop it!” Napasigaw na si Grace. Iniisip na siguro nito na nababaliw na siya.
Isa na lang ang naiisip niyang paraan, ngunit bago pa man lumapat ang labi ni Cedrick sa labi ni Grace, sumadsad na siya sa sahig nang suntukin siya ng lalaking kasama nito.
“Back off man, she’s not yours anymore!” Agad pa nitong hinila palayo si Grace.