NANLALAKI ang mga matang tumayo siya mula sa halos pagkakaupo sa sahig, ni hindi man lang siya nagawang lingunin ni Grace. Tuluyan ng nawala sa paningin niya ang dalawa. Hindi niya namalayang napapalibutan na pala siya ng mga taong umuusisa kung ano ang nagaganap.
Tinawagan niya ang mga kaibigang sina Marvin at Warren. Gusto niyang idaan sa inom ang lahat, gusto niyang isiping panaginip lang ang nangyayari. Sa isang Restau Bar, di kalayuan sa Unit ni Warren ang napili nilang lugar.
Nakakadalawang bote na ng whiskey si Cedrick, pakiramdam niya hindi pa rin siya nalalasing.
“Baka naman matagal ka ng pinipindeho ni Grace,” sabad ni Warren para basagin ang katahimikan niya.
“I am sure, na-brain wash lang ng lalaking iyon ang isip ni Grasya. I know mahal pa rin niya ako," mahinang usal niya.
“Paano nga kung totoong hindi ka na talaga mahal ni Grace? What if her truth says it all at mahal na nga niya ang lalaking iyon?”
Napatingin siya kay Marvin, saka ngumisi habang hawak pa sa kabilang kamay ang baso ng whiskey. “Kayo ba talaga sa’kin kampi o kay Grasya?”
“Wala naman kaming ibig sabihin. Ang sa amin lang, let her go. Kung saan siya masaya, you should be happy too, Cedrick.”
Tinabunan niya ng matalim na tingin ang pagkakasabing iyon ni Warren. Alam naman niyang sa kanilang tatlo ito ang malakas mang-alaska.
“I don’t want any advice coming from you two. I just want to drank, that’s all.” Tinungga na niya ang bote na halos mauubos na niya. Tumuon siya sa Bartender. “Give me a brandy, gusto ko 'tung matapang,” utos niya sa nakatayong Bartender.
Hinayaan na lang ng dalawa ang ginawang iyon ni Cedrick. Nakasisigurado naman sila na mahuhulasan din ang binata. Hindi naman sila Playboys, pero ramdam nila ang sakit na pinagdadaanan ni Cedrick, lalo pa at stick to one ito.
Hindi rin naglaon, tuluyan ng nalasing si Cedrick, hindi na ito makatayo at halos gulapay na nakayukyok na lang sa bar counter.
“Lasing na yan bro, hatid na natin,” pag-aaya ni Marvin.
Walang nagawa ang dalawa kundi mag-alaga ng lasing at ihatid sa Unit ni Warren para doon na ito makapagpahinga.
Kung hindi sa sikat ng araw na nanggagaling sa labas ng malaking bintanang salamin, hindi pa sana balak ni Cedrick bumangon. Nananakit ang ulo niya dahil sa labis na kalasingan kagabi. Wala siyang balak umuwi ng bahay, lalo pa at maabutan lang niya roon ang kapatid niya sa labas. Kahit kailan hindi niya matatawag itong kuya, dahil isa itong bunga ng malaking kasalanan ng kanyang ama. Hindi naman iyon ang nasa isip niya kundi si Grasya pa rin. Dapat pa nga ba niyang ipilit ang sarili sa taong mahal niya. Or he needs to set her free because he still loves her?
Gulong-gulo ang isip ni Cedrick nang tumayo siya sa pagkakahiga. Balak niyang magpa-deliver na lang ng kakainin at mag-stay na lang sa unit ni Warren. Sana pala hindi na lang din siya lumipat ng School para hindi na niya makita si Grasya. Bigla niyang naisip ang babaeng bumuhos ng tubig sa kanya. Kung hindi umeksena ang babaeng iyon, hindi sila dapat maghihiwalay ni Grasya, sila pa rin sana ngayon. Iyon ang unang pumasok sa isip niya, kailangan niyang mahanap ang babaeng iyon para pagbayarin. Malaki ang kasalanan ng babaeng iyon sa kanya. Dahil sa babae, nawala ang tanging Grasyang minamahal niya.
Pinunasan niya ang luhang tumulo sa mga mata niya. God! He was not gay but why is he crying anyway. If Grace doesn’t want him and doesn’t love him no more, he needs to move on, but how?
Nilapitan niya ang Ref ni Warren, puno iyon ng pagkain. It’s thank God, Warren was full of food. He needs to eat and survive. Kailangan niyang magka-energy para makapag-isip ng tama. Ininit na lang niya ang nakita niyang lasagna sa microwave, nagtimpla ng kape at hinaluan ng gatas. Iyon ang ginawa niyang agahan. Saka na siguro siya lalabas mamaya kapag nakaramdam na naman siya ng gutom.
Kinuha ni Cedrick ang phone nang marinig na nagba-vibrate iyon. Si Warren ang laman ng kabilang linya. Nagpaalam itong sasamahan ang nobya sa pagsa-shopping, nang banggitin si Marvin, kasama rin nito ang flirt girlfriend, sa makatuwid, siya lang ang walang date.
Pumasok sa isip niya ang babaeng ilang beses na niyang nakakabangga. Hindi niya maintindihan kung bakit naiintriga siya sa babaeng iyon. Hindi nga kaya ang babae na ang maaring magturo sa kanya para makalimot, para maka-move on. But it was really unfair to her kung gagamitin lang niya ang babae na kahit pangalan ay hindi niya alam. Wala naman sigurong masama kung susubukan niyang ituon ang pansin sa iba at baka sakaling malimutan niya ang nararamdamang sakit.
SIKAT ng araw ang nagpabangon sa kamalayan ni Haemie, nalimutan niyang may pasok pala siya ngayon sa isang Food Chain. She was a two years Service Crew. Kung wala rin siguro ang trabahong ito, hindi niya alam kung paano pa siya makakapagpatuloy sa pag-aaral.
“Shocks! Male-late na ako!” sigaw niya habang nagmamadali sa pagsuot ng uniform.
Double time ang ginawa niya para makarating agad sa pinapasukang fast food. Hindi siya pwedeng ma-late ngayon, magiging pang pito na niya at malapit na siyang mabigyan ng memo ng manager nila.
Eksakto sa oras ang dating niya, napabuntong-hininga siya nang mga sandaling iyon. Sa kitchen siya naka-assign, nasa loob siya para mag-ayos ng mga ihahanda at iluluto.
“Haemie!” Napalingon siya sa tawag na iyon ng manager nila.
“Yes Ma’am!”
“Kulang kasi tayo ng service crew na magse-serve ngayon. Okay lang ba sa’yo kung mag-serve ka muna at pag may time, saka ka na lang bumalik sa kitchen?” pakiusap ng manager.
“Yes Ma’am Agatha,” mabilis na sagot niya.
Kinuha na niya ang papel at ballpen para kunin ang mga orders ng customers.
“Good Morning Sir, welcome to Jollibee. Can I have your order?” nakangiting tanong niya sa lalaking inabot hanggang tenga lang ang tangkad niya.
“Sure,” ngumiti rin sa kanya ang lalaki. “Haemie.”
Napatingin siya sa mata ng lalaki, binasa lang pala nito ang name tag sa kaliwang dibdib niya.
“Nice name Haemie,” sabi ng lalaki matapos maibigay niya ang orders nito.
Nang dumayo siya sa loob ng kitchen, siniko siya ni Mildred, kasama niya sa kitchen. “Girl, mukhang flirt ‘yung lalaking kausap mo kanina. Gwapo pa naman”
Nagkibit-balikat siya sa sinabi. Imposible namang nagpapapansin sa kaniya ang lalaki. Hindi naman siya maganda at hindi siya iyong tipong sa kung napakaraming babae ay agad siyang mapapansin. Wala siyang nakikitang maganda sa sarili. Hinayaan na lang niyang maging palaisipan iyon sa kasama, hindi na niya ginawan pa ng issue iyon.
“Mabuti naman tapos na ang time ko.” Lumabas na ng fast food si Haemie. Hindi niya napansin ang malakas na buhos ng ulan mula sa mga salamin. “Shocks! Ba’t ngayon pa umulan? Wala pa naman akong dalang payong.”
Luminga-linga siya sa paligid baka sakaling makita pa niya ang mga crewmates at sakaling makisabay.
“Hi. Haemie diba?” napatingin siya sa tabi niya. Nakatayo ang lalaking nakausap niya kanina at kinuhaan niya ng order. “Baka hindi mo na ako natandaan. Ako iyong kinuhaan mo ng order,” pagpapaalala pa nito.
Imposibleng makalimutan agad niya ang lalaki. Hindi niya alam kung bakit hindi naman niya napansin ang pagiging presko ng lalaki. Wala siyang nakikitang kayabangan o kahanginan mula sa lalaki.
“Ako nga pala si Rodechill. Call me Rode. Malakas ang ulan, okay lang ba sa iyo kung ihatid na kita?”
Mabilis na iling ang isinagot niya sa lalaki. “Pasensiya na, okay lang ako. Kaya ko namang umuwi mag-isa,” nakayukong sabi niya sa lalaki.
“Hmm.. alam ko namang tatanggi ka. Kung hindi mo mamasamain, ipapahiram ko na lang sa iyo itong payong ko.”
Ibinigay ng nagpakilalang Rodechill ang malaking payong.
“Kung sakaling wala ka, pwede mong iwan sa guwardiya. Kukunin ko na lang,” malapad ang ngiting sabi nito saka patakbong nilapitan ang sariling sasakyan.
Lalong lumaki ang curiosity sa isip niya kung bakit siya tinulungan ng lalaki. Mabilis siyang sumakay sa unang bus na dumaan. Kailangan niyang makauwi ng maaga para magawa ang projects nila. Siya pa naman ang napiling leader na magpe-present sa group nila.
Sa dalawahang upuan siya naupo. Dahil, hindi aircon ang nasakyan niya, masikip ang upuan. Napipilitang kinalabit niya ang lalaking prenteng halos humiga na at natakip ang isang cap sa mukha nito.
“Kuya, paurong naman..” pakiusap niya sa lalaki.
Umurong nga ito na hindi siya nililingon, pero hindi sapat na makalapat ang kabuuhan ng puwitan niya. Hinayaan na lang niya, saglit lang naman ay baba na rin siya.
Nang mag-anunsiyo na ang konduktor mabilis na tumayo na siya, hindi niya napansing nakasunod rin pala sa kanya ang lalaking kinalabit niya kanina.
“Hi, dito ka pala nakatira?” Halos mapalundag siya sa boses na iyon, hindi niya makakalimutan ang boses na iyon.
“Ikaw na naman!” naiinis na turan niya.
“Actually, ako ‘yung katabi mo kanina sa bus.” Nag-init bigla ang ulo niya sa narinig mula sa lalaki.
“Ah, talaga. Kaya pala hirap na hirap akong makaupo.” ‘Kapal ng mukha’ bulong niya ang huli.
Mabuti na lang tumila na ang ulan. Ngali-ngaling gusto niyang ihampas ang payong dito.
“Pwede na siguro kitang singilin. Alam mo na, baka lumaki na ang tubo,” ngumisi pa ito sa kanya.
‘Sarap talagang hampasin ng payong’ sabi niya sa isipan.
“Ba’t di mo na lang sabihin kung magkano ang ibabayad ko sa’yo para matigal ka na sa pangungulit mo?”
Napatitig ito sa mga mata niya. Yumuko pa ito ng bahagya para umabot sa eye level niya.
“Hindi kasi pera ang nais kong ipambayad mo”
Bigla siyang namutla sa sinabi nito. Nagulat na lang siya nang bigla na lang hilahin nito ang kamay niya. Hinila siya nito sa kung saan. Nakarating silang dalawa sa harapan ng playground.
“Pwede ba tayong mag-usap dito?” paalam na tanong ni Cedrick sa kanya.