Chapter 1

1640 Words
This is an original work of fiction and results of a mind’s imagination. Any Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way without the Author’s permission. You can kindly coordinate to the Author for the copy of the story. Stealing is a crime, please avoid Plagiarism.Thanks Please follow and add this to your library. ❤ to ❤ ********************** MALAKI ang pagkakangiti ni Haemie nang makalabas siya sa malaking Mall nang oras na iyon. Pakiramdam niya nakaganti na siya sa ginawa ng boyfriend na iyon ng pinsan niya na si Kate. Palagi silang magkasama at magkabonding. Infact she was living on her cousin’s house. Hindi kasi niya lubos maunawaan kung bakit sa ilang araw na pagkakakilala ng pinsan niyang si Katelyn ay nahulog agad ang loob nito sa ibang lalaki. In other words, naging sila na sa loob lang ng isang linggo. She was concerned, right. Other than, she was her cousin s***h bestfriend but she knew Katelyn very well. Sanggang dikit na nga sila dahil bukod sa magpinsan ay mag-best friend na rin sila. Ilang beses na rin itong nagkaroon ng mga boyfriends na fling fling lang. It was sad to say that there is no one who is willing to have a serious relationship with her cousin. Ayaw niyang masaktan ito and with Paulo, she wasn't sure about him-wala siyang tiwala rito. She was about to turn on the corner when she was glued on her foot and saw her cousin holding her boyfriend’s hand-Paulo. Napatutop siya sa sariling bibig nang makita ang anyo ni Paulo. Parang walang nangyari dito at mukhang hindi niya pinahiya kanina lang o sadyang nagpapanggap lang ito na walang nangyari. "Oh Haemie, bakit parang nabuhusan ng malamig na tubig 'yang mukha mo?" napapantastikuhang tanong sa kanya ni Kate. Nanlamig ang mga kamay niya at halos mamutla siya nang ma-realize na mukhang nag-enjoy ang dalawa sa date. "M-magkasama ba kayo buong araw?" Papanawan yata siya ng ulirat. "Oo naman,” nakangiti pang sagot nito sa kanya. "Hi. Haemie right?" Nginitian niya lang ng mapakla ang pagbating iyon ni Paulo sa kanya. "Excuse me lang. May I borrow my cousin for a while?" tuon niya kay Paulo. "Sure. Go ahead,” mabilis na sagot nito habang todo ngiti sa kanya. Kinikilabutan talaga siya sa mga ngiti lalo na sa gwapong nilalang na ito, Parang may ibig sabihin. Nang makahalik na si Paulo sa pisngi ng pinsan niya, agad niyang hinila palayo sa boyfriend nito si Kate. She drags Kate somewhere on the nearest Restaurant. Doon niya ito nais kausapin nang masinsinan. "Kate, I think I did something crazy" "What do you mean?" napakunot-noong tanong nito. "I saw your boyfriend not an hour ago. He dated someone at dahil gusto kitang ipagtanggol. Binuhusan ko ng malamig na tubig iyong inakala kong boyfriend mo," lahad niya dito na nakasimangot pa. "Wait a minute, how come you think ba na siya si Paulo?" "Iyong likod niya kasi, parehong-pareho ni Paulo. Promise. I thought he was him." "Hala ka Haemie. What will you do kung magkrus ang landas ninyo? By the way you mean hindi mo nakita face niya and vice versa?" pangungumpirmang tanong pa uli ni Kate sa kanya. "Pwede bang tigilan mo na ako sa pagiging conyo mo. Kinakabahan na nga ako dito eh." "Lagot ka Haemie. Well, its better kung umuwi na tayo. Nakakatakot kung mamukhaan ka pa niya. And partly sure baka nagbreak na sila ng jowa 'nun. Lagot ka na talaga" Parang gusto niyang batukan ang pinsan dahil sa pang-aasar pa nito. Itinaas pa nito ang hintuturong daliri na nagsasabing ‘Lagot ka’ at paulit-ulit na kinakaway sa ere. “We’ll talk it in the house. Ikukwento ko sa iyo ang buong detalye.” Sa loob ng kwarto ni Kate sila malayang nag-uusap. Pareho silang graduating sa College. Dahil hindi naman kaya ni Kate ang course na Financial Accounting kaya Major in Management na lang ang kinuhang course ng pinsan niya. Detalyadong kinuwento niya kay Kate ang ginawa niya. Magmula nang makita niya na may ka-date itong babae na sana ay hindi rin siya nito natandaan. Pagnagkataon na makita siya ng babae tiyak lagot na talaga siya. Mula sa pagbuhos niya ng malamig na tubig na may kasamang yelo sa ulo ng nakaupong lalaki na inakala niyang boyfriend ni Kate hanggang sa pagtakbo niya palabas ng Mall at doon nakita niya si Kate. Napapakamot-ulong hindi makatingin ng diretso sa kanya ang pinsan. Mukhang nag-aalala rin ito sa kanya. Magkaibang-magkaiba ang pamilya na kinalakhan ng dalawang magpinsan. Laki siya sa hirap, dahil mahirap lang ang pamilyang nagustuhan ng kanyang ina, samantalang nakaaangat naman sa buhay ang pamilya ni Kate. Magkaiba man ang pamilya nilang dalawa ngunit napakalapit naman nila sa isat-isa. “Dito ka na lang matulog sa kwarto, total Mommy and daddy weren’t looking for me they are out of town naman eh.” Nginitian niya ang pinsan. Nakakaramdam din siya ng inggit. Kung mayamang pamilya siguro ang pinili ng kanyang ina, tiyak hindi na niya kakailanganing mag-working student sa isang Food Chain Restaurant para makapagtapos ng pag-aaral. Ayaw niyang iasa sa pamilya ni Kate kahit pa pinatutuloy siya ng mga ito. “Haemie, hayaan mo na ‘yun. Let’s hope and pray na lang na hindi ka matandaan ‘nung babae.” Nag-aalinlangang ngiti ang binigay niya kay Kate. Ngayon pa lang ay nakakaramdam na siya ng kaba paano kaya kung sa bawat-araw ay hindi sinasadyang magkita nga sila. Marami ng bumabagabag sa isip niya nang oras na iyon. Pinilit niyang pumasok sa Eskwelahan kahit ang totoo ay laging may kaba sa dibdib niya at may halong pag-aalinlangan. Nababahala siya na baka magkita nga sila, ang lalaking binuhusan niya at ang babaeng nagalit sa lalaki. Ilang linggo na ang nakalilipas, wala naman siyang nabalitaan tungkol sa insidente. At wala namang napag-uusapan liban na lamang sa isang lalaking bagong-lipat ng eskwelahan na nagmula pa sa DLSU. PINASAK ni Haemie ang magkabilaang headset sa loob ng tainga niya. Kanina pa siya rinding-rindi sa mga taong nasa paligid. Walang ibang pinag-uusapan ang mga ito kung hindi ang bagong lipat na galing DLSU. Kesyo, gwapo, gentleman, mabait , matalino at kung anu-ano pa. Pati yata music hindi umepekto sa tainga niya. Minabuti na lang niyang tumayo at uubusin na lamang ang natitirang oras sa loob ng Library. Napadaan siya sa malawak na Covered Court ng Campus. Dahil nadadaanan naman talaga iyon bago makarating sa Library. “s**t pare!” Napahinto siya sa paglalakad. Hindi na lang sana niya iindahin ang pagtama ng bolang iyon sa balikat niya. Nang marinig niya ang mga yabag na papalapit sa kinatatayuan niya. “Dahan-dahan kasi James, tingnan mo lumabas tuloy ‘yung bola.” “Cedrick, nag-sorry ka ba doon sa babae?” “Bakit, nasaktan ba siya?” Umakyat yata sa ulo niya ang sinabing iyon ng tinawag na Cedrick. Nagdudumali na siyang naglakad palayo sa court na iyon. ‘Ang yabang. Ang kapal ng mukha ng ungas na ‘yun’ Halos mag-isang linya na ang kilay niya sa inis. Namataan niya si Kate, malaki ang ngiting nakapinta sa labi nito. Babatiin niya sana ito nang bigla siya nitong lampasan. Sinundan niya ang nilakaran ng pinsan. At ganoon na lang ang pagkadismaya niya nang makitang sa Court ang punta nito. Nag-init yata lalo ang bumbunan niya, nadagdagan pa iyon nang marinig niyang sinisigaw ng pinsan niya ang pangalang Cedrick. Gusto niyang hilahin ang pinsan palayo sa mga tao roon. Ngunit hindi na niya kayang pumunta at ma-bwisit na naman dahil sa tinawag na Cedrick. Sinarili niya ang inis at doon na lamang sa loob ng library nagpalipas ng pagkayamot. Hindi na nga yata siya tinantanan ng pangalang Cedrick, Cedrick Apacer. Pati sa loob ng Library ito rin ang laman ng bulungan. Maging ang mga teachers at ang school librarian. Para matapos na at matahimik ang lahat mabilis niyang kinuha ang mga librong nais niyang ihampas sa mga ito. Pero dahil hindi naman niya kayang ihampas ang mga iyon. Binagsak na lang niya sa sahig, dahilan para magulat at manahimik ang karamihang napapalingon sa kanya. Kaninang maingay, iyon ang epekto ng Cedrick Apacer na iyon. But this time, the crowd— I mean the Library, became this quiet and this is what her effect did. “Sorry,” tamang-usal niya na narinig nang mga naroroon. Umaasang ang Library ay magiging tahimik na silid aklatan na lamang. Isang oras rin yata ang binuno niya sa loob ng Library bago ipinasyang lumabas. Kung hindi lang siya nakaramdam ng gutom hindi siya mag-aaksaya ng panahon na pumunta ng Canteen. Going to Canteen was her worst plan. “Holly s**t!” mariing sambit ng lalaki nang tumilapon ang tray diretso sa Uniforme niya. “s**t Cedrick!” sigaw rin ng isang lalaki hindi kalayuan sa pwesto nilang dalawa ni Haemie. “Hala Cedrick!” Narinig rin niyang sigaw ng ibang naroroon. Holly s**t your face! Madilim na tinitigan niya ito. “Ikaw naman kasi Miss, marami akong bitbit humarang ka pa” Magdidilim yata ang paningin niya at gusto niyang ingudngod ang lalaking ito na hindi man lang naisip ang salitang SORRY. “Kung tinitingnan mo sana ‘yang dinadaanan mo. Hindi ka sana mababangga,” may diin pa niyang binanggit ang mga iyon. Wala na ang gana niya sa pagkain, nawalang parang bula. Napahiya siyang talaga lalo na nang manahimik ang paligid at naagaw na naman niya ang pansin ng mga naroroon. Itinulak na lang niya ang sariling paa palabas ng Canteen nang bigla itong humarang sa harapan niya. “Ganoon na lang ba iyon, how about the tray of food?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD