HINDI na nagtaka si Haemie kung kinabukasan ay hindi na niya naabutan pa sa bahay nila si Cedrick, bumalik na raw ito ng Maynila ayon sa kanyang ina. Maging ang mga ito ay nalungkot nang umalis si Cedrick, paano’y spoiled ang mga ito sa kahit anong request na gusto nilang ipabili o gawin ni Cedrick. Kahit kailan nga ay hindi niya ito narinig na nagreklamo kahit siya mismo ang nag-uutos dito.
”Kabalo ka anak, swerte kan kung si Cedrick ang imong mapangasawa, buutan na, may kwarta pa.” (Alam mo anak, swerte na rin kung si Cedrick ang mapangasawa mo, mabait na, may pera pa. Tiyak hindi ka na maghihirap.)
Hindi siya umimik sa sinabi ng ina. Dahil ang totoo ay ayaw niyang iasa sa lalaki ang lahat. Kung magkakanobyo man ulit siya, mas gusto niyang sariling pera ang waldasin—in short mas gusto niyang maging independent.
“Sayang wala nakakit-an ang imong papa sa iya-ha, kung dili lang daw emergency, dili siya mulakaw ug biyaan ka. Gusto niya kuyog mo pabaliksa Manila. Okay man ang imong Papa, maayo unta makabalik na ka para humanon nimo ang imong pag-eskwela. Kanus-a gani ka magbalik?”(Sayang at hindi siya nakita ng papa mo. Kung hindi nga lang daw emergency, hindi siya aalis at iiwan ka. Gusto raw niyang makasabay ka pabalik ng Manila. Okay naman na ang Papa mo, dapat ay makabalik ka na rin para tapusin ang pag-aaral mo. Kailan nga pala ang balik mo?)
Matagal bago siya nakasagot agad. Gusto rin naman niya talagang tapusin ang pag-aaral at dahil okay na rin naman ang Papa niya, pwedeng-pwede na siyang bumalik.
“Ugma na lang siguro, Ma.”(Bukas na lang siguro, Ma)
Itinuloy ni Haemie ang sinabi niya sa ina, kinabukasan. Kumuha narin siya ng medical record ng ama para may excuse siya sa mga professors at sa Food Chain na pinatatrabahuan niya. Bakasyon na nang makabalik siya ng School, isang linggo at second semester na. Mahihirapan na siyang hanapin ang mga professors niya para humingi ng make-up class. Pinagtakhan niya ang mabilis na pagpapakita sa kanya ng mga professors niya at pagpayag ng mga ito na kumuha siya ng make-up class. Marahil ay sa ipinakita niyang excuse letter na may naka-attached na medical record at birth certificate niya.
Maging si Kate ay wala sa bahay nang bumalik siya sa bahay nila Kate, kasama nitong nagbakasyon sa Thailand ang nobyong si Paulo. Nalungkot siya dahil hindi pala niya makakakwentuhan si Kate. Gusto rin sana niyang tawagan si Cedrick o kahit text lang pero tiyak iiwasan din siya nito dahil sa pag-turn down niya sa inaalay nitong pagmamahal.
Nag-umpisa na ang make-up class niya, hindi nga niya akalaing makikitaniya roon ang lalaking unti-unti nang nagpapatibok ng kanyang puso. Nginitian niya ito pero parang hangin nadinaanan lang siya nito nang magkasalubong sila. Hindi pa man sila, nakakaramdam na siya ng pagkirot sa puso niya. Hindi siya dapat magpaapekto, hindi siya bumalik para sagutin ito. Kaya siya bumalik para tapusin ang pag-aaral—iyon ang itinatak niya sa isipan. Hindi na niya ito pinapansin tuwing magkakasalubong sila at kamalas-malasang naging magkaklase sila sa isang subject dahil pareho nilang iniwan ang mga klase nila. Sinubukan niyang magmatigas, ayaw niyang magpaapekto dito.
Mabuti na rin at kahit papaano ay naging maluwang ang klase niya, nakakaya niyang isabay ang make-up class at araw-araw na pumasok sa trabaho. Hindi niya inaasahan ang taong makikita roon—ang taong nagpahiram sa kanya ng payong.
“Hi. Akala ko umalis ka na rito?”
“B-Bakit naman sir?”
Pasara na ang Jollibee at minabuti na niyang kausapin ito dahil palagi raw siya nitong hinahanap ayon sa Manager nila.
“Oo nga pala, hindi pa ako pormal na nagpakilala sa’yo.Ako ngapala si Eiden Apacer.”
Napatingin siya rito. Pamilyar na pamilyar sa kanya ang surname nito.
“Kung kilala mo si Cedrick Apacer, he’s my half brother. Two years ang agwat namin.”
Bahagyang tango lang ang ginawa niya, dahil ang totoo ay ayaw na niyang mapag-usapan ang ano mang bagay tungkol kay Cedrick at ngayon isa na namang Apacer ang gugulo sa kanya.
Gaya ng pag-iwas niya kay Cedrick, ganoon rin ang pag-iwas niya kay Eiden, hindi niya inaasahang mas makulit pa ito sa kapatid nito. Ito na rin ang naging taga-hatid niya pauwi. Wala siyang magawa lalo na kapag pinagtutulakan na siya at tinutukso ng mga katrabaho niya, napipilitan na lang tuloy siyang pumayag. Ibang-iba ang ugali nito sa kapatid, hindi ito mayabang, minsan seryoso ang mukha pero mabilis mapangiti. Hindi rin mainitin ang ulo nito o bugnutin, palaging may pasensya at napaka-down to Earth. Hindi pa niya narinig itong nagmayabang. Ngunit hindi ito makwento, hindi katulad sa kadaldalan ni Cedrick na parang palaging may gustong sabihin at palaging nais siyang asarin.
“Haemie?”
“Hah?” Napahinto siya sa pag-iisip, naalala na naman niya si Cedrick. “M-May sinasabi ka ba?”
“Sabi ko, bakit ka nagpunta ng Davao?”
Kasalukuyan silang kumakain sa isang fine dine-in Restaurant and he treat her more like a Princess. Siyam na katao lang yata liban sa kanila ang laman ng Restaurant dahil sa sobrang mahal ng pagkain.
“Nagkasakit kasi si Papa. Inatake sa puso at kailangan maoperahan.”
“Ah.” Napatingin ito sa plato niya. “Ayaw mo ba ng lasa? Papalitan ko, mag-request ka lang.”
“H-Hindi. Hindi na. I’m going to eat this.” Kahit ang totoo ay wala siyang ganang kumain.
Napalingon siya sa malaking salamin na pader ng Restaurant. Hindi niya alam kung bakit parang nais niyang kumbinsihin ang sarili na naaninag niya si Cedrick na madilim ang anyo at nakatingin sa kanya. Ipinikit niya ang mga mata saka muling sumulyap. Nawala na ang imahe nito, marahil ay namamalik-mata lang siya.
“Haemie, ayaw ko nang magpaliguy-ligoy pa. But I like you since the day we met. Can I court you? Wala naman sigurong magagalit.”
“Mister Apa—“
“Call me Eiden,” putol nito sa sinasabi niya.
“Pwede bang ihatid mo na ako pauwi?”
Kaunti lang ang nabawas niya sa platong nasa harapan, pakiramdam niya wala iyong lasa. Natuwa naman siya at hindi na nagtanong pa ito kung bakit nais na niyang umuwi.
INIHINTO ni Eiden ang sasakyan sa tapat ng gate ng bahay na tinutuluyan ni Haemie.
“Iyong tanong ko kanina kung pwede ba kitang ligawan. May aasahan ba ako?”
“Sorry Eiden. Sa ngayon kaibigan lang ang tingin ko sa’yo. Wala pa akong balak pumasok sa isang relasyon, I still need to finish my studies.”
“How about until your graduation, that’s six or seven months from now? I can endure. Hindi naman matagal iyon.”
“I can’t say yes, pero ayaw kitang paasahin. Ayaw kong masaktan kita.”
“Okay, let’s be friends. For now.” Matigas na sabi nito. Bumaba ito ng sasakyan, umikot at pinagbuksan siya. “Good night.” And he pecks on her cheek.
Hindi niya inaasahan ang ginawa nito, nabigla siya sa paghalik na iyon ni Eiden sa pisngi niya, pero mas ikinabigla niya ang paglumpasay nito sa kalsada matapos igkisan ng isang suntok galing kay Cedrick.
“Ano bang problema mo?” sigaw na tanong ni Eiden sa kapatid.
“Hah! Ako may problema. Ikaw ang problema ko. You tell me, why are you fencing my girl?” tiim-bagang na tanong nito habang hinihingal at mahigpit na nakakuyom ang kamao.
Agad dinaluhan ni Haemie ang pumutok na labi ni Eiden. Hindi ito lumaban, nakaupo lang ito habang hawak ang panga. Nag-init yata lalo ang ulo ni Cedrick sa ginawa niya, hindi na siya naka-react nang hilahin siya ni Cedrick. Pakaladkad siyang isinakay ni Cedrick sa Kotse.
Nakaramdam ng takot si Haemie lalo na sa madilim na anyo ni Cedrick, gusto man niya ito tanungin, hindi na niya magawa. Natatakot na baka siya naman ang saktan ni Cedrick.
“Nililigawan ka ng lalaking iyon ‘di ba?” sa pagkakatanong nito, halata ang galit at tila hindi kapatid ang turing nito kay Eiden.
Hindi niya nagawang imikin si Cedrick.
Mahigpit siya nitong hinawakan sa braso. Ramdam niya ang higpit na iyon na tila babaon na sa buto niya. “Masakit Cedrick.” Pilit niyang kinakalas ang kamay nito.
“Sagutin mo ako Haemie, kayo na ba ng lalaking iyon? Girlfriend ka na ba niya?”
Lalong humigpit ang hawak nito. Napaigik na siya sa sakit habang pabalin-balin ang sulyap nito sa kalsada at sa kanya.
“I’m sorry.” Kung hindi pa yata siya napaiyak, wala itong balak tumigil. “Bullshit!
Sinusundan pa yata tayo ng hayup na ‘yun.”
Napalingon siya sa likuran, nakasunod nga ang kotse ni Eiden sa kanila. But Cedrick was sure smarter than his enemy, mabilis nitong nailigaw ang sasakyan. He messes witha wrong man, a Drag Racer.
“I can’t afford to lose you Haemie, but I can’t let you with Eiden. Hindi siya mabuting tao.”
“’Wag kang judgemental.”
“I’m not just judging for anyone’s concern. I’m saying the truth, Eiden wasn’t a good man and you can’t trust him easily.” Ginagap nito ang palad niya. “Please promise me na hindi ka magtitiwala agad sa lalaking iyon.” Inihinto ni Cedrick ang kotse. Wala ng gaanong kabahayan, at natitiyak niyang maaring nakalabas na sila ng syudad.
Isang sampal ang ipinadapo ni Haemie sa pisngi ni Cedrick. “Don’t play with my feelings, Cedrick. I don’t know what games you’re playing; I’m not your toy.” Akmang bubuksan na sana ni Haemie ang pintuan nang pigilan siya ni Cedrick.
“I’m sorry. Sorry kung iniwasan kita nang magkita tayo sa School. Nahihiya kasi ako sa’yo at nasasaktan pa rin ako sa rejection na natanggap ko sa’yo. I’m a one-woman-man Haemie, there’s no way I’m playing girls for having fun or to flirt, swear. At mas masakit kung malalaman kong si Eiden ang sasagutin mo.”
“I’m tired. Let me get home.”
“Gusto kong mag-usap tayo bukas. May kailangan kang malaman sa kuya ko.”
“Please..”
Wala ng nagawa pa si Cedrick, napipilitang ibinalik ni Cedrick si Haemie sa bahay ng mga Fuentes. Dahil sa haba ng biyahe at kapaguran kaya nakatulog si Haemie. Hinagkan niCedrick ang noo ni Haemie habang hindi pa ito nagkakamalay, saka niya sinunod ng dahan-dahan at may pag-iingat ang labi nito.
Pakiramdam ni Cedrick mamamatay siya kapag hindi niya nagawang hagkan ito, pambawi man lang sa pagseselos na naramdaman niya. Hindi pa siya nakuntento, bahagyang lumapit pa siya para yakapin ito, maibsan man lang ang nararamdaman niyang sakit. Oo, nasasaktan siya lalo na nang makita niya ito sa Restaurant at nakangiting kausap ang mortal niyang kaaway. Hindi lang labis na selos ang naramdaman niya, gusto niyang gulpihin si Eiden para wala na itong mukhang maiharap pa kay Haemie.
Naramdaman ni Haemie ang mabigat na bagay na lumulukab sa kanya. Napadilat siya ng mata at ganoon na lang ang pagkabigla niya. Pinamulahan sila pareho ng mukha.
“S-sorry, nagising ba kita? Hindi na ako nagpaalam na yakapin ka. Miss na miss na kasi kita and I felt that it only means one hug to ease the emptiness.”
Cedrick is sweet and caring, she was nothing to say about him, about how the way he loves, very open when it comes to his feelings, but very protective. That’s the reason she can’t be with him. Ayaw niyang masakal sa inaakala nitong pagmamahal. Natatakot din siyang masaktan ito.
“I-I’m going.” Hindi na hinayaan pa ni Haemie na pagbuksan siya nito ng pinto. Dumiretso siyang pumasok sa loob ng bahay. Napahinto pa siya nang marinig na may kausap si Cedrick at wala ang taong iyon kundi nasa kabilang linya.
“Stop courting her. She’s mine. Naintindihan mo, she’s mine alone at hinding-hindi mo siya maagaw sa akin tandaan mo yan, Eiden!”
Naka-loud speaker ang cellphone ni Cedrick, rinig na rinig niya pa ang malutong na halakhak sa kabilang linya.
“You can’t please anybody my dear brother. I always get what I want, remember that.”
“F*ck you, Asshole!”
“Let’s see kung sino ang pipiliin niya. Be the best man win!”
“f**k you! f**k you! Go to hell!” halos basagin na ni Cedrick ang phone nang patayin ito.