SA MGA sumunod na buwan, pareho niyang iniwasan ang magkapatid na Apacer. Ayaw niya ng commitment na sa bandang huli ay siya lang ang masasaktan. Mabuti nga at maunawain si Eiden, hindi na ito nagpakita sa kanya simula nang sabihan niya ito na ‘wag na muna siyang guluhin hanggat wala pa siyang naibibigay na sagot. Kumpara kay Cedrick na matiyagang lumalapit sa kanya kahit ilang beses na niyang iwasan.
Nakapagdesisyon na siya, bago pa man matapos ang buong School year at bago ang graduation kailangan na niyang makausap si Cedrick, handa na siyang magtapat dito. Dalawang buwan na lang naman ay graduation na nila, ayaw niya ring masayang ang lahat. Paano kapag nawala na ang feelings ni Cedrick sa kanya at siya na ang may feelings, paano na siya? Iyon ang bagay na ikinatatakot niya. Cedrick wins her heart.
“Cedrick, pare! Kanina ka pa namin hinahanap. Tumawag sa’min ang Dad mo, gusto ka raw niya makausap kahit over-the-phone,” sabi ni Marvin nang maabutan siyang nagliligpit ng mga libro sa library.
Magdamag na hindi siya nagbukas ng phone, kailangan niyang matapos ang projects dahil may deadlines iyon.
“Sige, lalabas na ako. I’ll call him later.”
Agad tumalikod si Haemie nang madinig ang yabag ng sapatos nito na palabas na ng Library. Palihim na sinundan niya si Cedrick, hanggang makarating siya sa likuran ng School. Dahil puro puno at walang masyadong tao roon narinig niyang naka-loud speaker na ang volume na iyon.
“What! No Dad! Hindi ko pakakasalan ang babaeng iyon.” Napatutop sa sariling bibig si Haemie. Paano na sila? Ang feelings niya?
“You need to marry her. Malulugi na ang kompanya natin at siya lang ang sagot para maisalba ang kompanya Cedrick.”
“I’m sure, idea na naman iyon ni Kuya. My brother is single, why don’t let him marry that girl. I already love someone.”
“Don’t fool me Cedrick, alam kong wala ka pang girlfriend ngayon. Nireto ko na rin siya kay Eiden but she insists she only wants you.”
“Uuwi ako ng maaga, mag-uusap tayo.”
Narinig niyang pinatay na nito ang phone. Mabilis siyang nagkubli sa mga puno para hindi siya nito mapansin. Wala na rin palang pag-asa, ikakasal na si Cedrick. Hindi niya namalayan ang sunod-sunod na luhang lumabas sa mga mata niya.
“Alam kong kanina ka pa diyan at narinig mo ang pinag-usapan namin.”
Agad pinunasan ni Haemie ang mga luha niya nang makitang nasa harapan na niya si Cedrick.
“Don’t worry, I won’t let them win. Ikaw ang mahal ko Haemie, sa’yo lang ako. Just you and I”
“Cedrick..” Nilapitan niya ito, hindi na niya napigilang yakapin ito. “Hindi ko alam. Hindi ko alam na mahal na pala kita.”
“Alam ko. Ramdam ko. Just hold on, everything will be fine. I will talk to my Dad later.”
Nagkasundo silang maging mag M.U. muna, gusto munang makapagtrabaho ni Haemie bago ang makipagrelasyon kay Cedrick. Iginalang naman nito ang pasya niya.
Tuwang-tuwa si Kate sa binalita niya, naisip ni Haemie na sasagutin na niya sa graduation si Cedrick. Ideya ni Kate na huwag ng patagalin pa ni Haemie ang lahat dahil baka iba na ang makinabang.
Matuling lumipas ang ilang buwan, graduation day na. Naglalakad na sa taas ng stage ang lahat ng estudyanteng gagraduate ng kolehiyo. Nagpapasalamat si Haemie na dumating rin doon ang pamilya niya. Maswerteng nakasama siya sa Cumlaude. Labis-labis ang kaligayahan niya. Pero sabi nga lahat ng ligaya ay may kapalit na kalungkutan. If there is a positive, there should be a negative. Ayaw niyang isipin iyon ngunit hindi niya maiwasan ang kabahan.
Patapos na ang Graduation ceremony nang mapansin niyang wala na sa upuan si Cedrick. Kailangan niyang mahanap si Cedrick, balak na niya itong sagutin ngayon mismo.
“I already let you until your graduation, now its finale, Cedrick.”
“But Dad.”
Nakita niya sa likod ng stage si Cedrick kasama nito ang ama.
“You’re going with me in San Francisco. I already packed your things and everything you need including your passport. We’re heading the airport.”
“No Dad,” tutol pa ni Cedrick.
“You don’t have a choice son, besides we’re getting back here after a few years.”
Gusto sana niyang lapitan ang mga ito para sana makausap man lang si Cedrick, ngunit wala siyang lakas ng loob. Nanghihina siya, nanlalambot ang mga tuhod niya lalo pa at nakita na niyang hinihila na ng ama nito si Cedrick pasakay ng kotse.
Umiiyak na nilapitan ni Haemie si Kate. Inilahad niya sa pinsan ang mga narinig.
“Gaga, puntahan natin sa Airport. You can’t just stand here and cry lang ano. Let’s go.” Parang asong napasunod na lang siya sa pinsan nang hilahin nito ang kamay niya. Nag-taxi sila para mas mapabilis, ngunit dahil marami pa ang kinakaing oras ng traffic sa Pilipinas, wala na silang nagawa. Ilang metro pa ang layo nang sabihin ni Haemie sa Driver at kay Kate na tatakbuhin na lang niya patungong airport.
HINIHINGAL na nakarating si Haemie ng Airport, mabilis siyang nagtanong sa Service Desk kung may pasaherong Cedrick Apacer at kung nakaalis na ang eroplano.
Bagsak ang balikat na binalikan ni Haemie si Kate sa pinag-iwanan niya, iyon ang usapan nila na doon na lang siya hintayin. Nalungkot din si Kate sa narinig. Isa na lang ang naiisip ni Haemie para malaman niya ang address na tutuluyan nito sa San Francisco, gusto niyang sundan doon si Cedrick. She won’t let him go, like the way he does. This time, siya naman ang lalaban para kay Cedrick.
Nahihiya man, si Eiden na lang ang nilapitan niya.
“Sigurado ka talagang gusto mong makita si Cedrick?”
“Yes. Naayos ko na ang passport ko at iba pang kakailanganing dokomento. I’m ready to fly.”
“Okay, sige. Sasamahan kita.”
Hindi na nagpatumpik-tumpik si Haemie, nagpaalam siya sa pamilya pati na rin kay Kate. Kailangan niyang matagpuan si Cedrick at magpapasama siya sa kapatid nito.
Buo ang tiwalang hindi siya lolokohin ni Eiden. Walang Cedrick Apacer na nakatira sa suite na pinuntahan nila nang makarating sila sa San Francisco. Nanlulumong napaupo si Haemie. Ayon kasi sa Receptionist, isang linggo lang daw nag-stay roon si Cedrick at umalis na rin kinalaunan.
“Haemie, I’m sorry.”
“Okay lang Eiden. Para hindi naman masayang ang pagpunta ko rito. Naisip kong dito na lang magtrabaho.”
“I help you.”
Napakabuti ni Eiden, wala siyang ano mang bagay na maipintas sa ugali nito. Nagpatuloy ito sa panliligaw sa kanya, gaya niya hindi na rin ito bumalik ng Pilipinas. Ayaw naman niya balewalain ang lahat ng pagod nito kaya ipinasya niyang sagutin ito. Ibinalita pa nga niya iyon kay Kate.
Maging si Kate ay hindi makapaniwala sa ginawa niya, huli na rin naman ang lahat. Wala na siyang Cedrick na babalikan pa, kaya mas mainam na ibaling na lang niya ang atensyon kay Eiden kahit ang totoo’y hindi pa rin lumilipas ang pagmamahal niya rito. Minamahal pa rin niya ito. Masakit man pero parang nagiging rebound na lang si Eiden para kahit paano ay malimutan niya ang pagmamahal niya kay Cedrick. Baka sakaling maibaling na niya sa iba ang pagmamahal niya.
Isang taon ding nagtagal ang contacts nila ng pamilya niya kabilang si Kate. Isang taong naging mabuting nobyo at live-in partner si Eiden. Ngunit ang isang taon na iyon ay may hangganan. Habang tumatagal napapansin ni Haemie ang pagbabago sa mga kilos ni Eiden. Naging mas-aggressive ito, over-protective at napakaseloso. Lahat ay pinagdududahan nito at inaakalang si Cedrick ang kausap niya sa telepono minsan o kaya’y kapag nakikita nitong may kausap siyang lalaki.
Kay Kate nalaman ni Cedrick ang detalye ng lahat. Nalaman niyang nagtungo pala si Haemie at dahil nga hindi na siya matagpuan, sinamantala talaga ng hayop niyang half brother ang pagkakataon na maagaw si Haemie sa kanya. Eiden wins, dahil nalaman pa niyang kasal na sila at magkaka-baby na rin. Labis-labis ang lungkot na nadaramang iyon ni Cedrick. Dalawang linggo lang naman ang inilagi niya sa San Francisco, napilit kasi niya ang ama na bumalik at hayaang i-manage ang business dahil wala itong tiwala kay Eiden. Anak ng ama ni Cedrick si Eiden sa bayarang babae, dahil sa awa sa ina, napilitan si Tiburcio Apacer—ang ama na kupkupin, pag-aralin at ituring na anak ang huli. Lumaki itong may sama ang loob sa kanilang mag-ama tila ramdam nito na walang pagmamahal ang mga ito sa kanya maging ang sariling ama. Hindi naman iyon ang ipinaparamdam ni Tiburcio, ngunit sarado na ang utak nito.
Walang ginawa si Cedrick kundi ang palipasin ang mga gabi sa Beer house o kaya ay malango sa alak pagkatapos ng trabaho. Ganoon ang naging buhay ni Cedrick, pakiramdam niya nadurog at nawasak na ang puso niya at tanging si Haemie na lang ang makabubuo nito. Matuling lumipas ang mga taon na walang ibang iniiisip kundi ang babaeng minamahal niya. Tuluyan nang nawalan si Haemie ng komunikasyon sa pamilya niya, iyon na lang sana ang natitirang paraan para kahit paano ay malaman niya ang buhay nito sa ibang bansa kasama ang mortal niyang kaaway. Labis ang inis niya kay Eiden dahil lahat ng bagay na gustuhin nito ay nakukuha niya, mabuti nga at hindi nito nakuha noon si Grace. Ngunit ngayon si Haemie naman ang nakuha nito. Napakainggitero pa at mahilig manira ng kapwa, may ugaling squatter, kaya lalo siyang nabanas sa kapatid na iyon, simula noon nang magpang-abot sila ay mortal na kaaway na ang turingan nila sa isa’t-isa.
Hindi lubos maisip ni Haemie na maling direksyon ang tinahak niya. Wala na nga yatang sasakit pa kapag nawalan ng komunikasyon sa pamilya at kasalanan iyong lahat ni Eiden. Nang mauso ang blogging, dito na niya naisipang maglabas ng sama ng loob. Madalas siyang nasa bahay lang, asawang may bahay dahil ang asawa niya lang ang tanging nagtatrabaho. Ayaw na ayaw nitong magtrabaho siya. Ultimo ang paglabas niya para lang bumili ay dapat ipaaalam niya. Kulang na nga lang ay ikulong siya nito at parang lagi siyang may mga matang nakabantay sa labas para makita lahat ng ginagawa niya pag wala na ang asawa.
Malayang nailalabas niya ang lahat ng sama ng loob, himutok sa buhay at kalbaryong naranasan niya sa lalaking sinubukan niyang mahalin. Sa takot na malaman ng asawa ang ginagawa niya, patago niya iyong ginagawa at sinigurado niyang hindi nito mabubuksan o maa-acess ang mga blogs niya. Sa blogs ay kinatuwaan niyang may nakilala siyang pwedeng kaibiganin. His codename is Unicorn, twenty seven years old in the present.