‘HEY SAPPHIRE, are you still there. Akala ko dumating na ang asawa mo. Iyon kasi ang mahirap pag nag-aasawa. They are very protective.’
‘Bakit Unicorn, wala ka pa rin bang asawa hanggang ngayon?’
‘Wala pa. May babae kasi akong hinhintay. Umaasa akong magkikita pa kami kahit alam kong may sarili na siyang pamilya.’
‘Ang swerte naman ng babaeng iyon.’
‘Ganoon ko siya kamahal. Kahit umabot ng kabilang buhay basta makasama ko lang siya. Naniniwala akong magkikita rin kami, in the right time.’
Tumagal ang kanilang kwentuhan sa messenger. Dito na rin siya nakakapaglabas ng sama ng loob at hinanakit sa asawa.minamaltrato na kasi siya ng asawa at madalas bugbugin. Hindi na rin siya nito hinahayaang gumamit ng telepono kahit pamilya ang nais niyang kausapin. Nagkaphobia ata ang asawa niya Kay Cedrick at parang laging takot sa pangalang iyon at laging may duda. Sobrang naaawa na si Unicorn sa kanya ngunit kagaya niya, wala rin naman siyang magawa. Nabanggit pa niya na dalawa na sana ang kanilang anak, ngunit dahil sa pambubugbog, parehong nalaglag sa sinapupunan niya ang anak na magbibigay sana sa kanya ng pagmamahal. Hindi katulad ng pagmamahal na binibigay nito sa kanya.
Pilitin man niyang tumakas ay laging nakakandado ang gate at wala na siyang pwede pang madaanan dahil sa mga barb wire na nakapalibot dito. Sa mga nasabi niya saka lang niya naisip na isa na pala siyang battered woman. Minsan na rin siyang nagtangkang magpakamatay, pero napigilan pa siya ng asawa. Sirang-sira na ang buhay na meron siya, ang buhay na inaasam niyang maganda.
Pinutol na ng asawa ang kable ng telepono, ngunit miss na miss na talaga niya kahit ang pinsan. Tanda pa naman niya ang numero ng telepono ng mga Fuentes. Sinamantala na niyang piliting pagdugtungin ang mga kable para makausap si Kate. Swerteng gumana naman ito at si Kate ang unang nakasagot ng phone. Mabuti at wala ito sa trabaho. Sa pagkakaalala niya, dito na ipinamana ang business na dating mina-manage ng mga magulang nito.
“Kate, Kate ikaw ba ‘yan? Si Haemie ito.”
“Oh my God Haemie! Anong nangyari sa’yo? How are you? Okay ka lang ba diyan? Nag-aalala na talaga ang pamilya mo sa’yo,” sunod-sunod na sabi nito na wala yatang balak siyang pagsalitain.
“O-Okay naman ako. Pakisabi sa pamilya ko, I’m fine. Busy lang talaga kaya wala akong oras.”
“Si Cedrick, hindi mo ba kukumustahin? He still single, hinihintay ka talaga niya, kaloka ang haba ng hair mo day!”
“Matagal ko na siyang nakalimutan, I already have my family. Sige. Ibaba ko na, dumating na kasi ang asawa ko.”
Naaktuhan nitong ibinaba niya ang phone. Mabilis na hinila nito ang phone para hindi na siya makatawag pa. Patayong hinila nito ang buhok niya.
“Sinong kausap mo? Si Cedrick ba?!”
“You’re crazy! Paano kami mag-uusap, matagal na kaming walang komunikasyon. Aray, Eiden tama na. Masakit.” Napakapit pa siya sa braso nitong nakasabunot sa buhok niya.
“Sumasagot ka pa. Itong bagay sa’yo.”
Napaigik siya sa labis na sakit nang suntukin siya nito sa tiyan at sikmurahan.
“Dapat sa’yo magtanda. Talagang masasaktan kapag ‘di ka sumunod”
Mahigpit na napahawak si Haemie sa sariling tiyan, pakiramdam niya umiikot na ang paligid. Hinila nito ang braso niya at kinaladkad siya papasok ng kwarto.
“Mabuti na lang pala hindi ako umalis.”
“Tama na Eiden. Please..” pagmamakaawa niya dito. Halos maghalo na ang luha at uhog niya sa labis na iyak.
“Akin ka lang Haemie. Tandaan mo yan!” Itinulak siya nito pahiga sa kama.
“Ano pa bang kailangan kong gawin? Hindi pa ba sapat na ibinigay ko sa’yo ang katawan ko?” pinilit na niyang magsalita para labanan ito.
“Oo! Dahil kahit nasa akin na pati ang kaluluwa mo. Si Cedrick pa rin ang laman ng puso mo at kahit kailan hindi ko nakuha ang puso mo Haemie.”
“Ano pa bang nais mong gawin ko?”
“Bigyan mo ako ng anak!”
“Ibinigay ko na sa’yo, pero dahil sa’yo namatay din sila at—“
Nang magtaas ng tinig si Haemie, sampal ang nagpaputol sa sinasabi niya. Parang papel na pinilas nito ang T-shirt na suot niya. Halos warakin din nito ang pants na suot niya hanggang tuluyan nang wala ang mga damit na tumatakip sa katawan niya.
“You’re still beautiful. You’re body is a wonderland, honey. Let’s make love..” punong-puno ng pagnanasang sabi nito.
Napalitan ng pagnanasa ang napopoot nitong mga mata. Marahas na hinalikan siya nito, at walang kahandaang ipinasok nito ang naghuhumindig na kargada. Ramdam niya ang kapunuan na umabotna yata sa bahay bata niya. Manhid na yata ang buo niyang katawan para mag-react sa lahat ng ginagawa nito. She can’t even moan, she can’t feel anything but the pain inside her heart. There is nothing broken outside but her heart. He manages to give three rounds without contentment. She feels at ease when Eiden felt sleepy. Nakatulog itong nakabaon ang mukha sa balikat niya. Marahan niya itong tinulak, agad na hinila ang kumot, ibinalot sa katawan at nagsumiksik sa head board.
“HAYOP ka Eiden! Hayop ka! Damn you Asshole! Labis kong pinagsisisihan na nagtiwala ako sa’yo.” Umiyak lang siya ng umiyak. Bahagya na rin niyang nararamdaman ang hapdi mula sa pumutok na labi nang sampalin siya nito.
Narinig yata nito ang paghikbi niya, nagising ito at nilapitan siya. “Haemie, why are you crying?” Umayos ito ng higa at hinaplos ang pisngi niya. “Sorry I can’t control my emotion. Sorry kung nasaktan kita. Please Haemie, I need you, paligayahin mo ulit ako. I love you so much, honey.”
Kabisadong-kabisado na niya ang linyang iyon, dahil ito ang lagi nitong sinasabi na pampalubag-loob at hindi na siya tinatablan.
Humirit pa ito ng another rounds, parang manikang sumusunod lang siya rito. “Please bear with me. I promise this will never be happened again.” Narinigna niya iyon. “I want to hear your voice, sexy as you moan. I want you to moan as the way I entrust and fill it inside you.”
Napipilitang sumunod siya dito, dahil tiyak makakatanggap na naman siya ng suntok o sampal. Hinayaan na naman niyang gawin nito ang lahat ng naisin sa kanya. Patuloy lang at walang patid na lumalabas ang luha niya. She felt soar, this was the first time she felt very soar and aching inside. He might over use him, until she can’t even walk. Sinadya yata nito iyon para hindi na siya makabangon.
Hindi na nakatulog sa sobrang sakit at hapdin na nararamdaman si Haemie, wala namang ibang gagamot ng mga sugat niya kung hindi siya.
“Good morning.” Hinalikan pa siya nito sa labi. Nakasuot na ito ng pants at may bitbit ng tray ng kakainin nila. “Oh, before I forgot, we might land on the Philippines. Prepare your self. That’s one week from now.”
Kahit paano ay nagkaroon ng tingkad ang mga mata niya sa sinabi ng asawa. Sa wakas ay makikita na niya ang pamilya, pati si Kate. Buong sandali na hindi siya bumangon. Hirap na hirap pa rin siya kahit ang pag-upo at pag-ihi sa bowl. Nang maramdamang kaya na niyang tumayo, inihanda niya ang bathtub, inihiga at iniligo ang nananakit na katawan. Kahit paano ay nagkaroon siya ng pagkakataong buksan ang Yahoo messenger niya para basahin ang mga chat ni Unicorn.
Sunod-sunod na messages ang nabungaran niya. Excited na tumipa siya sa keyboard.
‘I’m so happy! :)’
‘Bakit? Buntis ka na ba? O bumait na ang asawa mo?’
‘Hindi ‘yun. Kasi, sa wakas makakatuntong na ako ng Pilipinas sa isang linggo.’
‘Talaga. Magandang balita nga ‘yan. Mabuti nga at nagkaroon ka ng time para bisitahin ang yahoo messenger mo, ‘nung isang araw pa kita hinihintay na mag-chat eh. :(‘
‘Ganoon ba. Busy kasi masyado.’
‘Ako din may ibabalita. I think I found her.’
‘Talaga, good news ‘yan.’
‘Magandang balita ba sa’yo ‘yun? Paano kung nalaman mong...’
‘Nalaman na ano?’
‘Na I’m falling for you. Ewan ko ba, mula nang maka-chat kita, palagi na lang akong nakaabang sa chat mo. Pakiramdam ko matagal na kitang kilala. I love you, Sapphire at gusto kitang makita kapag nakarating ka rito sa Pilinas.’
Ilang minutong hindi siya nakareply, nabigla siya sa mga pinagsasasabi nito. Hindi siya naniniwala sa long distance relationship, lalo naman sa hindi pa nakikita at in-love na.
‘Hey Sapphire, are u still there?’
‘Nagulat ako sa message mo. Pero may asawa na kasi ako.’
‘Sorry. Baka nabigla lang ako. Alam kong ‘di mo ‘yun inaasahan. Basta hahanapin kita dito sa Pinas. Sigurado akong magkikita tayo. Basta I’m always here to support and listen whatever you heartbreaks is.’
’Thank you verymuch. You’re always being the best friend for me.’
Hindi pa rin mapakali si Haemie, excited siya na muling masilayan at makayakap ang halos anim na taong nawalay na pamilya. Minadali niyang bilangin ang araw sa daliri, wala siyang bagay na sinuway para kay Eiden. Nais niyang tuparin nito ang inaasahan niya na makita ang pamilya.
Nakatuntong na ang eroplano sa NAIA. Malapad ang ngiti na nakapasak sa mukha ni Haemie nang kunin nila ang bagahe. Dumiretso ang taxi cab sa Two Star Hotel. Doon daw muna sila tutuloy sa loob ng isang linggo. Ngunit kagaya nang pagtira nila sa America, ganoon rin kahigpit ang ginagawa nito. Bago pa umalis ay sinisigurado nito na naka-lock ang pintuan ng unit. Kaya walang paraan para makalabas siya ng bahay. Sinubukan niyang maghintay, hindi niya ito kinulit dahil baka nakalimutan lang nito. Ngunit lumipas na ang halos limang araw na paghihintay niya, wala man lang itong binanggit sa kanya.
Patulog na sila nang maisipan niyang kausapin ang asawa. Sinadya niyang lambingan ang boses para ma-approach ito ng maayos.
“Den, hubby, hindi ba natin bibisitahin kahit ang mother ko?” Sinubukan pa niyang ilingkis ang mga kamay sa balikat nito.
Iritado pang inalis nito ang braso niya. “Inaantok na ako, bukas na tayo mag-usap. I’m tired.”
Hinayaan na niyang makatulog ang asawa. Hinintay niyang dumating ang sumunod na araw. Pero kagaya ng mga nauna, wala itong anumang ibinanggit sa kanya. Hindi niya maatim na ngayong malapit na sa kanya ang pamilya niya, hindi man lang niya ito makakausap. Ipinagkait nang lahat ni Eiden ang kaligayahan para sa kanya—ang pagmamahal ng isang ulirang asawa at ngayon ang pagmamahal ng pamilya niya.
“Eiden, kailan ba natin bibisitahin ang pamilya ko?”
“Hindi ba ‘yan makakapaghintay? Dalawang araw na lang tayo rito, and I don’t think we have enough time visiting your family.”
Parang ginumos na papel ang mukha niya, nagtubig ang mga mata niya. “Pero Eiden, dalawang araw na nga lang, hindi ko pa sila makikita?”
“Narinig mo ang sinabi ko diba? Basta ‘wag ka ng marami pang angal, mamaya masapak pa kita,” iritableng turan nito saka ibinalik ang mga mata sa laptop. ‘Itimpla mo ako ng kape,” sigaw pa na utos nito.
Dumating ang hating gabi, hindi na niya naikubli ang nararamdamang panghihinayang at kalungkutan kaya si Unicorn ang una niyang naisipang paglabasan ng sama ng loob.
‘Grabe! Sagad hanggang buto talaga ang ugali ng asawa mo. Dapat diyan binibitay!’
‘Akala ko pa naman makikita ko na sila. Miss na miss ko na sila.’
‘I’ll help you. But this time, we really need to meet.’
Si Unicorn na lang ang pinanghahawakan niyang pag-asa na makita at makasama ang pamilya, pagkatapos niyon ay hinding-hindi na siya babalik sa mga kamay ni Eiden. Sinamantala na niyang mahimbing na nakatulog ang asawa dahil sa inilagay niyang sleeping pills sa kape nito. Kinuha niya ang susi sa bulsa nito, dinala ang ilang mga damit at kinuha na rin ang pera at mga alahas na itinabi niya. Hinding-hindi na siya magpapauto at magpapaloko.
Sa isang Convenient store, pitong milya ang layo mula sa unit na pansamantalang tinutuluyan nila ang napag-isipan nilang tagpuan. Kailangang hindi siya makita ng asawa dahil paniguradong makakatikim na naman siya ng kamay na bakal.
“Pare, are you sure, dito kayo magkikita ng ka-eye ball mo?” naiinip na tanong ni Marvin habang tumitipa sa keypad ng cellphone.
“Oo.”
“Sabi mo, bantay sarado ng asawa. Malamang naharangan na ‘yun.”
“Kung ayaw mong maghintay. Pwede mo naman akong iwan dito. Ako na lang ang maghihintay,” naiinis na turan nito kay Marvin.
“Fine. Bahala ka sa buhay mo. Swear! Hindi na ‘yun magpapakita pa sa’yo.”
Nanatili lang ito roon at hinihintay si Sapphire, buo ang kumpiyansang magtatagpo sila.