Chapter 14

861 Words
"Ryker tama na yan kanina kapa umiinom!" "Pabayaan mo nga ako Diego!" "Bakit kaba umiinom dahil ba na nalaman mo, naniniwala kana ba kay Adam? or dahil apektado ka sa nakita mo kanina?" "Nandito kaba para inisin ako at pagtawanan." inis kong sabi sa pinsan ko na pangiti-ngiti sa harap ko. "Hindi na ako mag tataka kung isang araw mainlove si Adam sa kanya sa ganda n'yang yan Lalo na yung mapupulang labi n'ya Kay _ _ _."Hindi kona natapos ang aking sasabihin ng kwenelyohan ako ng pinsan ko at nginiti-an ko lang s'ya at binitiwan naman n'ya ako kagad. "Umalis ka nga Diego sa harap ko baka masapak kita ng di oras!" "Relax bro ako lang to! Pero bro payong kapatid para sa akin bro maganda si Stella kisa kay Ai_ _ ." Hindi kona natapos ang aking sasabihin ng humarap sa akin ang pinsan ko na madilim ang mukha at handang sugurin ako. Bago pa n'yang gawin ang binabalak n'ya tumakbo na agad ako. --------------- Nasa Mall kami ngayo ni mom. After ng pag uusap namin ni Adam tumawag si mom na samahan ko s'ya mag Mall. "Mom ang dami ko nang damit yung iba nga hindi kopa na suot." "Sigurado akong bagay sayo to anak." "Mom naman masyado naman pong reveling yan." reklamo ko kay mom at tumawa lang sya. Halos ilang oras rin ang ginawa naming ikot dito, ikot doon, sukat dito, sukat doon. Halos na pagod na ako sa ginawa namin ni mom at s'ya naman ay enjoy na enjoy na parang walang kapaguran. Medyo ma dilim na ng makarating kami sa bahay. Pagkababa ko ng sasakyan umakyat agad ako sa itaas papasok sa aking silid ng biglang may humawak sa aking braso napatingin ako sa aking likuran at doon ko nakita kung sino. "Ryker lasing ka ba?" Indi n'ya ako sinagot bagkus kinaladkad n'ya ako papasok sa aking kwrto. "Ano ba Ryker nasasaktan ako lumabas ka sa aking silid." at tinulak ko s'ya. "Pinapaalis mo ako Stella pero si Adam pwedeng pumasok sa silid mo." unti- unti s'yang lumalapit sa akin hanggang nakasandal ako sa pader. "Kung ano man ang iniisip mo, mali yang iniisip mo tungkol sa amin."paliwanag ko sa kanya pero hindi s'ya nakikinig sa aking sinasabi.Patuloy pa rin s'ya sa paglapit sa akin, hinawakan n'ya ang dalawang kamay ko at tinaas at dinikit sa pader unti-unting lumalapit ang kanyang labi sa aking labi. Gusto kong tumutol pero walang lakas ang aking katawan hanggang naramdaman ko nalang na gumalaw ang kanyang labi sa aking labi." "Stella anak"tawag ni mom mula sa labas ng aking silid at natuhaan ako at buong lakas ko s'yang tinulak para maka alis sa ganoong posisyon. Pinangdilatan ko s'ya ng mata na parang nagsasabi na wag s'yang maingay. Baka Kong ano pa ang isipin ni mom pagnakita s'ya na nasa aking silid. Binuksan ko ng kaunti ang pinto ng aking silid para masilip ko si mom. "Yes mom" "Anak ang mga binili nating mga damit nakalimutan mo i-akyat kaya pinadala ko nalang kay Tonio. Tonio ipasok mo ang mga yan sa loob." "Mom Wag!" "May problema ba anak?" "I mean ilagay mo nalang d'yan mang Tonio ako na ang magpasok sa loob." "Anak hayaan mona si Tonio na tulungan ka." "Mom kaya kona, nahihiya kasi ako mom makalat ngayon ang aking silid." pagdadahilan ko kay mom. "Oky ikw ang bahala, sige mag papahinga na ako." "Oky mom I love you." malambing kong sabi "I love you to anak"sabi rin ni mom at hinalikan n'ya ako sa aking noo bago pumunta sa kanyang silid. "Mang Tonio ilagay n'yo nalang d'yan lahat ako na ang bahalang ipasok sa loob." "Opo siñorita." Pinasok kona ang lahat ng pinamili namin ni mom. pagkatingin ko nakita ko si Ryker na naka higa sa aking kama na nakapikit pa ang mga mata. Hinayaan ko nalang muna at pumasok na muna ako sa aking wilk-in closet at nag bihis. Paglabas ko pinuntahan ko agad si Ryker na nakahiga sa kama. "Ryker umalis kana d'yan sa kama ko at lumabas sa aking silid!" sigaw ko sa kanya habang ina-alogalog ko ang katawan n'ya para ma gising. Nabigla nalang ako ng hilain n'ya ako at mahigpit na niyakap. Nakapatong ako sa kanyang ibabaw. Nabigla ako sa kanyang ginawa. Pinikit ko ang aking mga mata at ninamnam ko ang sarap ng kanyang yakap at inamoy-amoy ko ang kanyang bango. Ilang minuto rin na ganoon ang aming posisyon. Tumayo ako pinilit kong maka alis sa kanyang mga bisig kasabay non ang pag mulat rin ng kanyang mga mata. "Umalis kana nga Ryker." tumayo na rin s'ya at nilapit n'ya ang kanyang mukha sa mukha ko. "Indi ko gusto na pumasok pa ulit si Adam dito sa silid mo at ipaalala ko sayo ang kasundu.an natin baka nakalimutan muna." "Oo na umalis kana!" pagtataboy ko sa kanya at hinalikan n'ya ako sa labi bago s'ya lumabas. Ilang minuto rin akong hindi maka galaw sa aking kinatatayo-an. Nabigla ako sa aking sarili. Nang maka labas s'ya sa aking silid napa sabunot ako sa aking buhok. Ano ba ang nangyayari sayo Stella? Hindi to pwde, hindi ko to dapat maramdaman. Mali to, Mali!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD