Chapter 13

1030 Words
Pauwi na ako ng Manila pero indi mawala sa isip ko na nakita ko si Aira sa Batangas may kausap na lalaki at may binigay s'yang brown envelope didto. Possible kayang may kinalaman si Aira sa pagkasunog ng coffee farm. Wag kang mag isip ng kung ano Adam.sabi ko sa aking sarili. "Nagkataon lang siguro na nandoon s'ya. Alam kaya ni Ryker kung saan ang girlfriend n'ya at alam kaya n'yang kung anong ginagawa ng girlfriend n'ya?" mga tanong na pumapasok sa isip ko. Simula nang pumasok si Aira sa buhay ni Ryker ang daming hindi magandang nangyari sa negosyo namin. Sana nagkamali lang ako sa hinala ko. --------------- Maaga akong pinasundo ni mom sa bahay ni Marie. Habang nasa byahe kami hindi mawala ang kaba sa aking dibdib. "Relax Stella pagnakita mo mamaya si Ryker act just like walang nangyari" tanging sabi ko sa aking sarili. Nandito na kami sa bahay. Bababa na ako ng sasakyan pagkabukas ko ng pinto narinig ko ang mga boses na parang nagtatalo. Mabilis akong bumaba at pumasok sa loob ng bahay at doon ko nakita si Adam at Ryker na mukhang nagtatalo at may kasama silang isang lalaki na pumagitna sa kanila. Susuntokin sana ni Ryker si Adam, mabilis akong pumagitna sa kanila at pinigilan ko si Adam na handa ring makipagsuntukan kay Ryker. Habang ang isang lalaki naman ay pinigilan rin si Ryker. "Ano ba kayong dalawa parang aso't pusa kayo. Pagnakita naman kayo ni mom aatakehin sa puso sa sobrang nerbeyos dahil sa pinagagawa n'yong dalawa." sigaw ko sa kanila. "Pagsabihan mo yan si Adam Stella sumusobra na s'ya, pag hindi ako nakatimpi __." Hindi na natapos ni Ryker ang sasabihin ng magsalita si Adam. "Bakit Ryker ano ang gagawin mo! pagsabihan mo yang girlfriend mo. Simulang dumating s'ya sa buhay mo, sa buhay natin ang daming masasamang nangyayari!." magsasalita pa sana si Ryker nang magsalita ako "Ryker tama na!" tanging sabi ko, ilang minuto rin ang pagtitigan namin ni Ryker, kita sa kanyang mga mata ang galit. Matalim niya akong tinitigan bago syang tumalikod at sumunod na rin ang lalaki sa kanya na kanina pa nakatitig sa aming tatlo at pangiti-ngiti pa ito. "At ikaw magpaliwanag Ka sa akin!" "Pero!" "Wala ng pero-pero sumunod ka sa aking silid" at tumalikod na ako paakyat sa aking silid. Nasa veranda kami ni Adam dinalhan na rin kami ni Marie ng pagkain. Sumubo muna Ako ng pagkain bago mag salita. "Mag kwento ka." "What!" "Paano ko malalaman kung ano naman ang nangyari sa inyu ni Ryker kung indi ka mag kwento."napabuga s'ya ng hangin. "Na sunog ang coffee farm, mabuti nalang walang nasaktan pero ang laki ng damage n'ya sa ating business." "Ano ang kinalaman ni Aira dito?" "Pauwi na ako ng Manila nang makita ko si Aira na may kausap na lalaki at inabutan n'ya ito isang brown envelope. Kahinahinala ang mukha at kilos ng dalawang lalaki." "Baka nagkamali ka lang ng hinala mo. Malay mo may roon s'yang other transaction at nagkataon lang. Adam hindi kapa sigurado kung ano talaga ang totoo." "Iba talaga ang kutob ko sa babaing yan, ang nangyari sa amin ni Ryker sigurado akong sinadya n'ya yon para magkasira kami ng pinsan ko. Baka ito ang paraan n'ya para makapaghiganti sa nangyari sa mommy n'ya." "Paghihiganti?" takang tanong ko kay Adam. "Never mind!" mabilis niyang sabi. Hinayaan ko nalang, at hindi nalang ako nagtanong ulit kahit nagtataka ang isip ko. Hihintayin ko nalang kong handa na s'yang ikwento sa akin. "Sa susunod Adam kung hindi kapa segurado wag ka munang padalos-dalos, baka d'yan pa lalong masira kayong mag pinsan. Isipin n'yo si mom pag nagtatalo kayo s'ya ang unang masasaktan n'yo. Minsan narinig kong umiiyak si mom." Paliwanag ko kay Adam at seryoso n'ya akong tinignan sa mata at hinawakan n'ya ang aking kamay na nakapatong sa mesa. "Ang laki ng epekto mo kay mama Stella. Simulang dumating ka dito unting-unting bumabalik ang dating mama namin. Ilang taon rin s'yang nalungkot at muntik ng mawala sa sarili sa pagkawala ng pinsan kong si Rica ang nag iisang kapatid ni Ryker. Masakit rin sa amin ang pagkawala n'ya pero mas nasaktan si mama. Dinala ni papa si mama sa state para maiwas sa mating stress na nangyari sa aming pamilya. Naging mabuti naman ang lagay si mama at unting-uti na n'yang natanggap na wala na si Rica, pero minsan hindi ma iwasan maiyak s'ya kung na alala n'ya si Rica. Akala ko tuloy-tuloy na maging ok ang pamilya namin. Pero indi pa pala. Noong una oky naman si mama kay Aira. Pero unting-unting lumalabas ang tunay n'yang ugali at yun ang hindi nagustohan ni mama. Doon uli nag simula ang laging pagtatalo nina mama at Ryker, at nang dumating ka kahit anong problema ang kinahaharap nina mama at papa nakangita at masaya si mama ngayon at yung hilig n'ya sa mga damit at mag ayos ay bumalik nang dahil sayo. Ikaw ang pumapawi ng kanyang pagod at stress. Narinig ko mismo sa kanya." Mahabang kwento ni Adam. "Narinig?"takang tanong ko. "Minsan nakita ko si mama pumasok sa iyong silid. Nakatayo ako sa pinto habang tinitignan ko s'ya na masayang nakatingin iyong magandang mukha. Stella can I ask a Favor?" "Ano yon?" "Pwedeng kahit anong taboy sayo ni Ryker, please wag mong iwan si mama kahit hindi mo permahan ang adoption paper please stay." "Adam __" Hindi kona natapos ang sasabihin ko ng tumayo si Adam at lumuhod sa harap ko habang hawak ang aking kamay. Nabigla ako sa kanyang ginawa at tumayo ako at pinatayo ko s'ya. "Tumayo ka nga Adam!" pilit ko s'ya pinatatayo. "Hindi ako tatayo dito kung hindi ka papayag." "Adam kahit hindi ko hihilingin hindi ko iiwan si mom." pagkarinig n'ya sa sabi ko bigla s'yang tumayo at ang lapad ng mga ngiti n'ya sa labi na s'yang lalong ikinagwapo n'ya. "Dahil kay mom naramdaman kung pagkabuo ng pagkatao ko, pinuno nila ni dad ang kulang sa aking pagkatao." uting-uting pumapatak ang luha sa aking mga mata. "Salamat Adam sa pagtanggap sa aking na maging parte ng pamilya mo." pinunasan n'ya ang aking luha gamit ang kanyang kamay at niyakap n'ya ako ng mahigpit."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD