Chapter 15

878 Words
"No! hindi maaari to! baka ito pa ang babaeng to ang sisira ng lahat ng plano ko, hindi to pwede. Hindi pwedeng maging kahati ko s'ya sa yaman ng mga Lewis. Kailangan mapaalis ko s'ya sa buhay ng mga Lewis." "Dad wag kang mag-alala kunting panahon nalang ang pagtitis natin makakaganti din tayo sa lahat ng sakit na dinulot ng pamilya to sa atin at dahil sa kanila naging meserable ang buhay ko, buhay natin! " Naka wheelchair ang daddy ko habang tulalang naka tingin sa labas ng veranda ng aming mansyon. Higit ilang taon ng ganito ang daddy ko, indi naka pagsalita laging tulala. He had a stroke after what happened to mom. Kasalanan to lahat ng mga Lewis. "Andyan lang pala kayong dalawa." "Hija bilis-bilisan mo namang kumilos mukhang maging kahati mo pa ang babaeng yon. Kailangan maalis mo sya sa landas mo." "Opo! ako na ang bahala." "Kailangan na nating makuwa ang yaman ng ma Lewis. Ayosin mo ang pag arte mo ang laki na ng gastos ko sa walang kwenta mong ama at palugi na ang companya n'yo!" Matapos n'yang sabihin yon umalis na rin s'ya. Napatingin ako sa aking ama ng may pumatak na luha sa kanyang mga mata. Napayuko ako upang maging pantay kami ng aking ama. "Dad kung ako ang inaalala n'yo wag kang mag alala sa akin kaya koto. kunting tiis nalang dad aalis tayo sa puder ng hayop na lalaking yan. Kunting panahon nalang dad kaya magpalakas ka dad ipunin mo ang lahat ng lakas mo para gumaling ka na lalo." at hinalikan ko ang noo ng aking ama. --------------- " I would like to introduce to all of you my daughter Stella Lewis. Kung ano mang respeto ang ipinakita nyo sa amin gusto ko ganon rin ipakita nyo sa anak namin. Maraming salamat sa lahat na dumalo sa special na araw nato. Ilang years na ring pumapayagpag ang ating shipping company. Kaya maraming maraming salamat sa lahat sa mga tauhan natin lalong lalo na sa mga riders natin na humahatid nga mga products umulan man o umaraw. Kaya enjoy the party." mahabang salaysay ni mom at naghilawan na rin ang mga bisita. Nakakapagod rin ngumiti. Feeling ko sa bawat taong kaharap ko dito indi totoong ngiti ang pinapakita nila sa akin. Baka katulad rin sila ni Ryker na indi ako tanggap maging parte ng companyang to. Nakababa na rin kami ng stage ni mom busy na rin sila ni dad na nakikipag- usap sa mga business partner nila. Bumalik na ako sa aking upuan at ka harap ko si Aira ang girlfriend ni Ryker. Kanina ko pa napapansin na iba ang tingin n'ya sa akin at kung magtama man ang aming mga mata na dalawa tinataasan n'ya ako ng kilay . "Adam punta muna ako nga restroom." pagpapaalam ko kay adam at tumango lang sya. Nang matapos na ako lumabas na ako ng toilet cubicle at nag hugas ng kamay . "Alam mo indi ka bagay sa lugar na to kong ako sayo umalis kana sa buhay ng mga Lewis." Napatingin ako sa babaeng nasagilid ko indi ko namalayan na nasa gilid ko pala si Aira. "Kung may hindi bagay dito sa lugar nato Ikw yun." mataray kong sabi habang naghuhugas ng gamay. Bigla naningkit ang kanyang mata na nakatingin sa akin. Sinalubong ko rin s'ya ng tingin. "Matapang ka! tignan natin kung hanggang saan ang tapang mo! diin n'yang sabi sa pagmumukha ko. "Hindi kita uurungan!" ngiti kong sabi nakita ko ang pagkainis sa mukha n'ya at dalidali na rin s'yang lumabas ng restroom. Lumabas na rin ako at nag tungo ng parking lot. Nawalan na ako ng gana na bumalik sa loob tatawagan ko nalang si mom na mauuna na akong umuwi. Nang nasa bahay na ako dalidali akong umakyat sa aking silid para maligo feeling ko ang lagkit kona. Nang makatapos akong magbihis umupo ako sa aking study table at binuksan ko ang aking laptop. Napansin ko na may message ang aking sss, binuksan ko ito bigla akong nanghina sa nabasa kong mensahi galing sa family lawyer namin. Nakasaad doon na nakasangla ang aming Flower Farm at kailangan ko itong tubusin bago pa mawala ito sa akin. Walang hiya talaga ang madastra kong yon. Matapos n'yang ubuson ang pera ng daddy ko pati ang lupa at ang mansyo sinangla pa. Mabuti nalang hindi n'ya pwedeng galawin ang perang iniwan sa akin ng mga magulang ko. Pero paano to indi pwdeng mawala ang lupa at bahay namin yon nalang ang tanging alaala ko sa mga magulang ko. Kahit ipangbayad kopa ang perang naiwan sa akin nina mama't papa indi pa rin sapat. --------------- Maaga akong nagising pumasok agad ako sa silid ni Ryker para ihanda ang mga susuotin n'ya papuntang opisina. Pagkapasok ko walang tao halos indi nagalaw ang kama mukhang hindi s'ya natulog dito kagabe. Kinuha ko nalang ang mga damit na susuotin n'ya at nilapag ko sa ibabaw ng kanyang kama. Nang matapos ako lumabas na rin ako at naghanda na rin para pumasok. Habang nasa byahe ako naiisip ko kung hindi umuwi si Ryker sigurado akong magkasama sila ni Aira. Naiisip ko ang mga bagay na pwde nilang gawin na dalawa, parang kumikirot ang puso ko. Hindi to pwde, hindi koto dapat maramdaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD