Chapter 18

1200 Words
Ryker POV Tumayo ako kanina habang kumakain pa silang lahat, pumunta agad ako sa kwrto para makapagpahinga. Habang naka higa ako hindi mawala sa isip ko ang nakita ko sa sasakyan nina Adam . Masaya silang dalawa. Sinusubu-an pa s'ya ni Stella, at ang kaninang sina sabi ni Joyce. Napabuntong hininga nalang ako. Napatingin ako sa bumukas na pinto at niluwal doon si Aira. Hindi ko nalang s'ya pinansin at pinikit ko nalang ang aking mga mata. Naramdaman ko nalang na tumabi s'ya sa akin at hinahalikan ako sa leeg habang ang isang kamay nito nasa gitna ng aking dalawang hita. Naramdaman ko nalang ang pagtigas ng aking alaga. Hinalikan n'ya ako sa aking labi, tumugon ako sa mga halik n'ya habang ang mukha ni Stella ang lumilitaw sa balintataw ko. Bigla ko nalang s'ya tinulak. Pagdilat ko ng mga mata ko sumalubong sa akin ang galit na mukha ni Aira. Nagmadali itong tumayo at inayos ang sarili at lumabas sa aming silid. Napa buntong hininga na lang ako. Naguguluhan ako sa aking sarili. Naiinis ako pag nakikita ko sina Adam at Stella na masayang magkasama. Alas sais na ng gab.e pero indi pa bumabalik si Aira. Kanina pa ako tumatawag sa kanya pero indi n'ya ito sinasagot. Pagkababa ko nakita ko silang lahat nasa pool side masayang nag ku-kwentohan. "Anak nasan si Aira hindi ko s'ya nakikita kanina pa? takang tanong ni mom. "May pinuntahan lang po mom." walang gana kong sagot at lumabas na ako ng pinto at dali-daling sumakay sa aking sasakyan. Nasa Woka Lounge Rooftop Bar ako ngayon. Magulo ang isip ko. Si Aira ang kasama ko pero hindi mawala sa isip ko si Stella. Bumabalik sa isipan ko ang magandang hubog ng kanyang katawan. Kahit anong suotin n'ya bagay na bagay sa kanya. Parang magkapatid lang sila ni mom. kung buhay lang si Rica ganon na ganon rin ang bonding nila ni mom. Pero minsa nagagalit ako kay Stella sa sobrang malapit nila ni mom sa isat-isa. Baka nakalimutan na ni mom si Rica dahil kay Stella. Hindi ko gusto na mawala ng lubusan ang alaala ni Rica sa pamilyang to ng dahil lang sa pagdating ni Stella. Pero minsan na isip ko na nakakabuti na rin ng dumating si Stella dahil sa kanya bumalik ang dating sigla ni mom. Napapansin ko simulang dumating si Stella ang saya-saya ni mom. Yan ang hindi ko kayang ipagkait sa kanya. Ang gulo-gulo ng isipan ko, lalong-lalo na hindi mawala sa isipan ko si Stella habang ang kasakasama ko ay si Aira. Maganda si Aira at sexy, ganon rin si Stella pero iba ang naramdaman kong karisma kay Stella kapag tinitigan s'ya. "Sabi ko na nga ba dito lang kita makikita ." napa-angat ako nga ulo ko ng marinig ko ang familiar na boses. Hindi ako nagkamali si Diego nga ang nasa harap ko at malapad na nakangiti sa akin. "Ano naman ginagawa mo dito?" walang gana kong tanong sa kanya at umupo s'ya sa harap ko. "Malamang Hinahanap ka! Ba't hindi kayo magkasama ni Aira?" "Umalis s'ya at hindi ko alam kong nasan s'ya." sagot ko sa kanya at tinungga ang hawak kong beer. "Indi kayo magkasama na dalawa, hindi mo malang s'ya hinanap? Parang naninibago ako sayo bro." at tumawa pa ang gunggong. "Nagpunta kaba dito para inisin ako?" nainis kong tanong. "Nandito ako bro para sunduin ka umuwi na tayo dahil ang girlfriend mo muntik na mapahamak." seryoso nitong sabi sa akin sa pagkabigla ko tumayo ako at mabilis na tinungo ang sasakyan ko. Nang makarating na ako ng bahay tuloy-tuloy ako sa taas pa punta sa kwarto namin ni Aira. Halos hindi kona pinansin nina mom na nasa sala dahil sa pag alala kay Aira. Binuksan ko ang pinto ng aming silid bumungad sa akin ang magandang mukha ni Aira na nakahiga sa kama at may bandage ang kanyang noo. Hindi ko namalayan na nakasulod pala si mom sa aking likoran. "Anak saan ka ba galing, akala ko hinanap mo si Aira? Mabuti nalang napadaan si Adam kong nasaan si Aira at muntik nalang gahasa-in ng tatlong lalaki." nakatulala lang ako sa mukha ni Aira. Na konsensya ako sa nangyari sa aking kasintahan. Puro nalang ang sarili ko ang inaalala ko at ang damdamin ko para sa walang kwentang mga bagay. Nakalimutan kona ang babaeng mahalaga sa akin. Natauhan nalang ako ng tapikin ako sa balikat ni mom. "Mom iwanan n'yo po muna kami." pakiusap ko sa aking ina. "Ok anak ayusin n'yo yan na dalawa." "Mom akala ko hindi n'yo po s'ya gusto para sa akin." at hinarap ko ang aking ina na deretsong nakatingin sa kanyang mga mata. Hinawakan ni mom ang aking pisngi. "Anak hindi purket hindi ko gusto si Aira para sayo ay kaya kunang pabayaan s'yang mapahamak. Ang akin lang anak hindi ko gusto na lokohin ka ng kahit sinong babae kahit anak payan ng kaibigan ng daddy mo." seryosong sabi ni mom. Tumango nalang ako at tumalikod s'ya palabas ng pinto. Hindi pa s'ya nakalabas ng pinto ng mag salita s'ya ulit habang nakatalikod sa akin. "Pero anak kong s'ya talaga ang mahal mo at gusto mong makasama habang buhay hindi kita pipigilan." at tuluyan na lumabas sa pinto ang aking ina. Umupo ako sa kilid ng kama ni Aira at tinignan ang magandang mukha nito. "I'm so sorry babe hindi kita na protektahan. Promise after this ang lahat ng attention ko sayo na ulit. I love you." hinalikan ko s'ya sa kanyang noo at tumabi na ako sa kanya para makapagpahinga na rin ako. --------------- Kina-umagahan maaga ako nagising at nagpatulong kay manang soñia na ipaghanda ng agahan si Aira. Pangbawi naman sa pagpapabaya ko sa kanya. Hinanda kona ang pagkain na dadalhin ko sa silid namin ni Aira ng may narinig akong nagsalita sa likoran ko. "Wow ang sweet naman. Parang ka gabe lang mukhang nahahati ang puso mo. Pero ngayon umaga mukhang na buo na. Nagising na ba ulit ang puso mo para sa kanya o may side pa rin sa puso mo na nagpabulag-bulagan para sa isa." naningkit ang mga mata kong tinignan si Diego matapos n'yang sabihin ang mga katagang yon. "Wala ka talagang ibang gagawin d'yan! ang aga mo naman para inisin ako. Wag mong sirain ang araw ko Diego!" bitbit ang tray ng pagkain, binangga ko si Diego sa balikan ng aking balikat. Nabangga ito. Himbis na magalit sa ginawa ko tumawa pa ito ng malakat. "Ini-inis talaga ako." gigil kong sabi sa mahinang boses. Umakyat na ako sa amin silid para maka kain na si Aira. Buong maghapon nasa loob ng silid lang si Aira. Mula kaninang umaga hanggang ngayon hindi ako kinikibo. Hinahayaan ko nalang sa muna. "Babe labas muna ako." pagpapaalam ko sa kanya. Hinalikan ko s'ya sa noo bago lumabas pero indi pa rin n'ya ako kinikibo at naka tulala lang s'yang nakatingin sa labas ng binta. Lumabas muna ako ng aming silid. Nakasalubong kopa si mom sa hallway na may bitbit na tray ng pagkain. "Anak dadalhin ko muna to kay Aira." sabi ni mom at ngumiti s'ya. "Thank you mom." ngiting sabi ko at humalik muna ako sa pisngi ni mom bago bumaba ng tuluyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD