Chapter 19

1575 Words
Andito ako ngayon sa likod bahay. Maganda dito may ma liit na parang park may upuan, swing mga puno at mga magagandang bulaklak na lalong nagpaganda ng paligid. Naalala ko ang nangyari kay Aira noong isang araw na inuwi s'ya ni Adam na punit-punit ang ibang bahagi ng damit nito. Kahit hindi kami close nag aalala rin ako sa kanya. Gusto ko s'yang kamustahi pero nangangamba ako na baka hindi n'ya gustong makita ako. Dahil ramdam kong naiinis s'ya sa akin na parang ayaw n'yang maging bahagi ako ng pamilyang ito. Nakatayo ako habang hawak ang mango shake na ginawa sa akin ni joyce na nakatitig ako sa magandang bulaklak na nandito sa harap ko. Na bigla ako ng may naramdaman ako na may humila ng buhok ko. Nabitawan ko ang hawak kong baso. Hawak hawak ko ang buhok ko na hinila ng kong sino. "Ikaw ang may kasalanan ng lahat nato!" sigaw n'ya kaya na bosesan ko s'ya. Pilit ko rin inaabot ng isa kong kamay ang kanyang buhok ng maramdaman ko nalang na unting-unti lumuluwag ang pagkasabunot n'ya ng aking buhok. Nang maka alis na ako sa pagkahawak niya, habang hawak siya ni Joyce at hindi naman mahigpit ang pagkahawak ni Yasmin sa akin kaya na lapitan ko s'ya at sinampal sa magkabilang mukha n'ya, mabilis naman ako ulit hinila ni Yasmin. "Ba't ako ang sinisisi mo sa nangyari sayo, tinulak ba kita na umalis ka ng gabing yon!" naiirita kong sabi. Susugudin na sana ako ulit ni Aira ng biglang pumagitna si Ryker. "Tama na Aira, Stella!" at tumingin sa akin sa Ryker. "Pagsabihan mo yang girlfriend mo na tigilan ya ako at wag n'yang isisisi sa akin ang katangahan n'ya!"galit na sigaw ko at iniwan ko sila. Ramdam ko na nasa likuran ko lang sina Joyce at Yasmin na nakasunod. "Ok lang po ba kayo siñorita?" nag alalang tanong ni Joyce. Tumango lang ako bilang tugon. Pumasok na ako sa aking silid at na ligo na muna dahil nadumiha ang puti kong short dahil sa kagagawan ni Aira. Nang matapos na akong maligo biglang tumunog ang phone ko. Napa kunot ang noo ko sa nabasa kong text message na nanggaling sa unknown number. Nawala ang pansin ko sa text ng biglang may kumatok sa aking silid. Tumayo ako para buksan ang pinto. Pag bukas ko ng pinto na silayan ko ang magandang ngiti ni mom. "May surprise ako anak!" masayang sabi ni mom. "Ano po yon mom?" "Matutuloy na ang vacation bonding n'yo ng mga kaibigan mo." ngiting sabi ni mom. "Ano po ang ibig n'yong sabihin mom." excited kong tanong. "Pupunta tayo ng Batangas bukas, susunod tayo sa daddy mo at kay Adam." "Oh my G Mom! makakasama kona sina Marie at Jonna." sa subrang saya ko napayakap ako sa aking ina.. "Thank you mom!" malambing kong sabi at kumalas na ako sa pagkayakap kay mom. "Your welcome anak!" at hinalikan ako ni mom sa noo bago s'ya tumalikod sa akin. Pumasok na ako sa aking silid at mabilis na tinawagan sina Marie at Jonna. Dalidali akong bumaba, masaya at Excited ako dahil makakabonding kona sina Marie at Jonna. Nang maka baba na ako ready na ang lahat sa pag alis. "Stella kay Ryker ka sumakay may dadaanay pa kasi kami ni Diego kayo na muna ang mauna sa fram." sabi ni mom. Pagkarinig ko noon biglang nagsigbagsakan ang dalawa kong balikat. Ayo kong kasama sina Ryker at Aira. "Mom sayo nalang ako sasama." pamimilit ko sa aking ina. "Sa akin kana sumama dahil may bibilhin tayo na bilin ni mom at ikaw lang ang may alam ng mga yon." "Magpatulong ka sa girlfriend mo!"na iirita kong tugon sa kanya. "Anak samahan muna si Ryker na bumili ng ihahanda tani na pagkain mamayang gabe. Nakalista na ang lahat." tumango nalang ako bilang tugon. Sa ayaw at gusto ko naka set na talaga na s'ya na ang makakasama ko ngayon. Bumuntong hininga nalang ako at naglakad palabas ng bahay. Nagpaalam muna ako kina manang Soñia. Nang maka pasok na ako, agad binuhay ni Ryker ang makina ng sasakyan. "Sandali lang, aalis na tayo! Hindi mo ba hihintayin ang kasintahan mo? sabi ko kay Ryker na pinatakbo na ang sasakyan palabas ng rest house. "kanina pa ng madaling araw umuwi si Aira may emergency sa bahay nila." sabi ni Ryker at bumuntong hininga. Bakas sa tono nito na may problema silang dalawa. Tahimik kaming dalawa habang nasa biyahe, ni isa sa amin walang tumangkang magsalita. Naka tuon lang ang akin attention sa aking cellphone habang ka chat sina Marie at Jonna. Makalipas ng ilang oras bumaba na kami para maka pamili ng dapat naming bilhi. Nakasunod lang si Ryker sa akin habang tulak-tulak ang shopping cart. Habang palabas kami may biglang humila sa akin na kinagulat ko mabilis naman akong hinawakan ni Ryker sa biwang at hinatak. Hindi naman masyadong mahigpit ang pagkahawak ng matanda sa akin kaya nahila agad ako ni Ryker. Isang matandang lalaki ang biglang humila sa akin. "Anong problema mo galit na tanong ni Ryker habang napahawak pa rin sa aking biwang." habang tinitigan kong mabuti ang matanda, parang familiar s'ya sa akin. "Siñorita tulongan n'yo po kami pinapaalis na po kami sa flower farm wala po kaming mapupuntahan." mangiyak ngiyak na sabi ng matanda. Tumingin ako kay Ryker. "Mauna kana sa sasakyan at susunod ako." "Kilala mo ba yan?" diing tanong ni Ryker. "Sige na susunod ako." tugon ko sa kanya at tumalukod naman s'ya. Kinausap ko ang matanda. Na alala kona isa s'ya sa mga tauhan namin sa flower farm. Nang matapos na ang paguusap namin umalis na rin ako at sumakay sa sasakyan pa uwi sa mansyon. Ang kaninang excitement na naramdaman ko. Napalitan ng pangamba. Mga walang hiya matapos nilang ubusin ang yaman ng ama ko nakuwa pa niyang ibinta ang farm namin. Pinapaalis na ang mga tauhan namin sa aming lupain dahil may bibili nito. Napabuntong hininga ako ng may narinig akong boses sa likuran ko. "Ang lalalim naman non!" boses ni Diego ang narinig ko mula sa aking likuran.Nang makarating kami ni Ryker sa bahay dumiretso agad ako sa garden at naupo para maka pag isip. "Bigyan mo ako ng maiinom" sabi ko sa kanya habang nasa likuran ko pa rin sya. "Ayoko!" mabilis na tanggi nito. Tumingin ako sa kanya. "Please!" pa cute na sabi ko sa kanya pero pa iling iling lang ito. "Wag na! ako naman ang papagalitan ng mga pinsan ko." tangging sabi nito. Sumimangot nalang ako at umupo s'ya sa bakanting upu.an na nasa harap ko at tinitigan ako ng mabuti. Napataas ang aking kilay. "bat ganyan ka makatingin?" naiiritang tanong ko. "Tama nga ang ganda mo lalo pag nasa malapitan!" sabi nito at ngumiti ng nakakaloko. Napangiti nalang ako. Kung ano ka seryoso at tahimik sina Adam at Ryker ganito naman ka loko si Diego. Tumayo ako at pumasok sa loob ng bahay, na iwan si Diego na naka upo pa rin sa garden. Napataas ang kilay niyang nakatingin sa hawak kong bote ng alak. "My God naman Stella! ang aga naman nito para malasing ka." pag sesermon niya. "For your information maggagabe na!" bwelta ko naman sa kanya. Napabuntong hininga naman s'ya. Masaya kaming nag iinuman ni Diego. Marami kaming pinag kwentuhan. Dito s'ya lumaki at naging basagulero. Natahimik nalang ako ng sabihin n'ya na sa isang sikat na flower shop s'ya parati bumibili ng mga bulaklak para sa ibat-ibang girlfriend nito. Naalala ko ang flower shop namin. Ito ang tinutukoy n'ya. Isang sikat na flower shop ang shop namin dito sa bayan nato. Kamusta na kaya ito segurado akong napabayaan na ito katulad ng flower farm namin. "My problema ba Stella, bat natahimik ka?" tanong nito sa akin. "Ah wa-la. May na alala lang ako." at nginiti-an ko nalang s'ya. Nabigla ako ng may biglang humatak ng baso ng inumin ko ng tangka ko na itong inumin. "Ano ba!" Pa sigaw na reklamo ko at napatingin ako sa bandang kaliwa ko para makita ko kung sin.o ang kumuha ng inumin ko. Napa awang ang labi ko nang makita ko ang madilim na mukha ni Ryker na nakatingin sa akin. "Sabi kona eh!" mahinang sabi ni Diego pero dinig na dinig ko. "Tama nayan at umakyat kana sa silid mo!" diin nitong sabi sa akin. "Makapag utos naman ito, kala mo." Reklamo ko sa aking isipan "Bigay muna yan sa akin!" utos ko sa kanya. Ininum niya ito at binagsak sa harap ko ang basong wala ng laman. "Ano ba naman yan. Kung gusto mong uminum kumuha ka ng sarili mong baso. Nakakainis naman to! Pagmamaktol ko. "Tama nayan umakyat kana, tignan mo indi ka pa nakapagpalit ng damit mo." sabi nito tumawa lang ako at kinuha ang bote ng alak at nagsalin sa aking baso. Nang kukunin ko na ito bigla niyang nilayo sa akin. Napa busangot nalang akong tumingin sa kanya. Tumayo na ako at tangkang babatukan s'ya ng bigla nila akong binuhat patiwarik na parang isang sakong bigas. Nang dahil sa ginawa n'ya biglang umikot ang paningin ko dahil na rin siguro sa alak na nainum ko. Naramdaman ko nalang na binagsak n'ya ako sa malambot na kama, napakapit ako sa batok n'ya kaya nasa ibabaw ko s'ya. Ang lapit ng mga labi namin, halos naramdaman kona ang mainit itong hininga. Napa pikit nalang ako. Parang nag init ang buong katawan ko ng maramdaman kong dumampi ang kanyang labi sa leeg ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD