Chapter 17

1569 Words
Nagising ako na masakit ang ulo ko. Napatingin ako sa pintong bumukas at niluwal si mom. "Good morning mom." "Good morning too Hija." hinalikan ako ni mom sa noo. "Mag ayos ka hija pupunta tayo ng resthouse at suotin natin ang damit na binili natin noong nakaraan." ngiting sabi ni mom at mukhang excited na ito. "Mom baka magalit sila sa suot natin." "Hayaan muna sila anak, mag handa kana pagdumating na ang daddy mo aalis na tayo." pagkasabi ni mom lumabas na rin s'ya ng silid. Iba talaga kapag isang sikat na model ang mommy mo parang mag mumukhang department store ang walk-in closet ko. Bumangon na ako naligo at nag ayos ng mga gamit kong dadalhin. Mabuti nalang isang linggo kaming wala pasok ngayon. Ilang buwan nalang at magtatapos na rin ako. Napangiti akong nakatingin sa salamin. Naka suot ako ng white fashion boutique backless bralette push up bra at naka high waist black short na pinaris ko sa aking Gucci Metallic brown na flat sandal. Naglagay rin ako ng kunting make up at Liptint. "Perfect!" sabi ko at napangiti ako ng makita ko ang kabuohan ko sa salamin Pag labas ko ng aking silid sinalubong ako ni mom na naka ganon ring damit pero black lang ito na lalong kina puti ni mom napatulala ako sa aking napakagandang ina. "A-ng ga-nda-ganda n'yo po." nauutal ko sabi at natawa lang si mom sa aking sinabi. "Ang ganda-ganda rin ng anak ko." " Mom mukhang magkapatid lang tayo." "Hali kana nga binobola mo na ako eh." at sabay kaming tumawa. Pababa na kami ng hagdan ng matanaw namin na nasa sala na sina dad, Ryker , Adam at Diego. Nakangiti kaming bumaba ni mom. Kita ko ang pagkamangha ng apat sa amin pero biglang rin nag iba ang ang awra ng tatlo. "Ba't kanyan ang suot n'yo!" dumadadundong na boses nina Dad, Ryker at Adam at sabay pa talaga silang nagsalita. Pero pansin kong pinipigil ni Diego ang pagtawa. "Magpalit nga kayo mom, stella." diing sabi ni Ryker. "Ma, ganyan talaga ang damit na napili n'yo halos labas na ang mga tiyan n'yo at parang bra nayang suot n'yo." sabi naman ni Adam sa amin. Pero na pansin ko nalang si mom na parang nagpapa cute kay dad. "Hayaan n'yo nalang ang mommy n'yo at ang kapatid n'yo." tanging sabi ni dad at mabilis na pumunta si mom sa tabi ni dad at hinalikan ito sa labi na kinangiti naman ni dad. "Ang landi n'yo naman!" reklamo naman ni Diego at bumuntong hininga nalang sina Adam at Ryker. "Hali kana nga ang KJ mo naman kahit kaylan."sabi ko kay Adam at sabay hawak sa kanyang braso at hinila na s'yang palabas. Palabas na kami ni Adam ng mansyon ng matanaw ko si Aira na papasok sa mansyon. Bigla s'yang huminto nagsalubong pa ang aming mga mata. Napatingin s'ya sa kamay ko na naka pulupot sa braso ni Adam, ang kaninang masaya mukha n'ya napalitan ng matalim na tingin sa akin at naka taas pa ang isang kilay nito. Nagtaka naman ako sa kanyang reaction, mukhang indi naman nakita ni Adam ang reaction ni Aira dahil hindi naman natuon ang attention nito kay Aira at busy ito sa kakapindot ng kanyang cellphone. "Babe! tawag ni Ryker sa kanyang nobya at nawala na ang attention n'ya sa amin ni Adam. Hinila ko na si Adam na bilis bilisan ang paglalakad at tinungo ang kanyang sasakyan. Magkasama kami ni Adam sa sasakyan. Kasama naman ni Ryker ang kanyang nobya. Habang magkasama naman nina mom and dad at si Diego, s'ya na rin ang nagsilbing driver ng dalawa. Habang nasa sasakyan masaya kaming nag kwentohan at tawanan ni Adam. Nang may na daanan kaming Jollibee nag pa drive thru kami ng pwde naming kainin habang nasa biyahe. Patungo kaming Bulacan ngayon, nangyaya si mom na mag bakasyon sa kanilang rest house. Mabuti naman ito para maka relax din katatapos lang ng defense namin pahinga muna. Nasa Batangas rin ang mga kaibigan kong sina Jonna at Marie nagbabakasyon rin. Sasama na nasa ako sa kanila pero hindi ako pinayagan ni mom.May sariling lakad rin pala kami. Excited na akong maka bonding sina mom ito ang unang bonding naming magpamilya. Bored na rin ako sa manila puro shopping nalang ang ginagawa namin ni mom. Napahinto ang sasakyan namin dahil medyo traffic. Medyo naka ramdam na rin ako ng gutom dahil indi ako naka kain kanina ng umalis kami. Binuksan ko ang isang burger at ginagat ko ito habang nasa daan lang ang focus ni Adam Usog- hinto, usog- hinto ang sasakyan naman. Binuksan ko na rin ang isa pang burger at sinubo sa bibig ni Adam nabigla naman s'ya sa ginawa ko at napangiti na rin s'ya sa akin. "Sige na kumain kana rin ako muna ang kamay mo. Alam ko naman na medyo ma hirap kumain habang nag da-drive." ngiting sabi ko. Kumagat na rin s'ya ng burger na sinubo ko. habang ginagawa ko yun ramdam ko na parang may naka titig sa amin. Bukas kasi ang kilid na bintana ng sasakyan ni Adam. Hindi ko nalang muna pinansin. Kumuha ako ng tissue at pinahidan ko ang gilid ng labi ni Adam na may kumalat na mayonnaise. Napatingin ako ng diretso sa labas ng binta ng sasakyan. Una kong nakita si Ryker na matalim na nakatingin sa akin habang si Aira naka taas ang isang kilay nito na nakatingin rin sa akin. Mabilis ko naman kinuha ang kamay ko at ngumiti kay Adam. Napatingin na rin si Adam sa labas ng binta napansin n'ya rin siguro na may nakatingin sa amin . Pero pag tingin ko ulit wala na doon ang sasakyan nina Ryker umusog narin ang ibang sasakyan. Umusog na rin ang sasakyan namin.. "Ang swerte ko naman, Maaga pa nilalandi na ako ng magandang dilag sa tabi ko." ngiting sabi ni Adam habang nasa daan pa rin ang fucos nito. Mabilis ko naman s'yang pinalo sa kanyang braso na ikinatawa n'ya lalo. Habang nasa biyahe kami hindi mawala sa isip ko ang mga matalim na titig ni Ryker sa akin. Mukhang galit na galit ito na hindi ko ma wari. Hinayaan ko nalang baka na bigla lang sa ginawa ko kay Adam, sila pa talaga ang naka kita sa amin. "Oh my G!" baka kong ano na ang nasa isip ni Ryker tungkol sa amin ni Adam kaya ganon nalang ang reaction nito kanina." mahina na sabi ko sa aking sarili. "May sinabi ka Stella?" tanong ni Adam sa akin. "Ahh wala Adam, I mean dadaan muna tayo sa pamilihan ng mga pasalubong na mis ko yong chicharon ng bulacan." masayang sambit ko. Napangiti nalang si Adam. Nang makarating kami sa rest house sinalubong agad ako nina Yasmin at joyce. "Mabuti naman bumalik kayo dito señorita." ngiting sabi ni Yasmin. Habang patungo kami sa hapagkainan. Bumungad sa amin sina Ryker, Aira,Diego, mom and dad na kumakain na. "Para po sa amin yan siñorita? Masayang tanong ni Joyce nang mapatingin s'ya sa bitbit kong plastic at kinuha n'ya ito sa akin at nilagay sa gilid. "Oo ito ang sa inyu, may roon pa sa sasakyan mamaya bibigay ko sa inyu." ngiting sabi ko habang ang dalawa halos mapatalon sa saya sa narinig mula sa akin. "Manahimik nga kayong dalawa d'yan mahiya naman kayo nasa harap n'yo sina madam." paninirmon ni manang susan sa dalawang pamangkin. "Sorry po madam." sabi ng dalawa kay mom. "It's ok mga hija ang saya ko dahil kilala n'yo na si Stella at mukhang magkasundo talaga kayo." sabi ni mom. Naka upo na rin kami nina Adam sa mesa. Kaharap namin nina Ryker, Aira, Diego at manang susan. Nasa bandang dulo naman si dad na katabi si mom. Habang katabi ko naman si Adam, Joyce at Yasmin. "Bakit Stella naka punta kana ba dito? akala ko ngayon ka lang naka punta dito." tanong ni Diego. "Opo siñorito Diego naka punta napo si siñorita dito, dito nga ang first date ng mag jowang yan." kilig na kilig na sabi ni Joyce napakunot ako ng noo at sininyasan si joyce na tumigil pero indi talaga ma awat ang loka. "Mag JOWA?" sabay- sabay na sambit nina Ryker, Aira at Diego. sabay- sabay talaga silang tatlo. "Opo sina siñorita Stella at señorito Adam." pangiti-ngiti lang si mom, mukhang masaya pa s'ya sa mga narinig n'ya mula kay joyce. Hindi naman ako maka pagsalita dahil sumisingit bigla si Diego. "Tita bat mukhang masaya pa kayo, indi po yan pwde dahil magkapatid sila." "Diego mabuti nga yan kong ganon para mapadali ang pagkabit ng apelyedong Lewis kay Stella dahil hanggang ngayon indi pa s'ya naka perma ng adoption paper." ngiting sabi ni mom. "Tita ok lang po ba sa inyu kung sina Adam at Stella ang magkatuluyan?" "Walang problema sa akin, masaya ako kasi alam ko nasa mabuting kamay ang unica hija namin." ngiting sabi ni mom. "Mom nag bibiro lang po yang si Joyce." pagpapaliwanag ko sa aking ina ng maka singit ako sa kanilang pinag-uusapan. Wala namang paki si Adam sa mga naririnig niya at sarap na sarap pa ito sa kinakain n'ya at parang gustong-gusto pa ng loko ang pinag-uusapan. Napatingin kaming lahat kay Ryker ng bigla nalang itong tumayo. Sumunod na rin si Aira. "Anong nangyari don? "takang tanong ni Diego. Habang si mom nag kibit balikat nalang, at pinagpatuloy ang pagkain. Napabuntong hininga nalang ako sa kanilang pinag-uusapan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD