CHAPTER 7

2324 Words
Photoshoot ko ngayon para sa modeling sa School namin. Isa ako sa limang 'Faces of La Teneo'. Kami yung model student na nakikita sa website at social media sites ng school. Pangalawang taon ko na ngayon na model sa school. Last year accident lang nung napili ako. Model din kasi ang Kuya Dexter ko. Noong may photoshoot sila sa campus ng school nilapitan ko si Kuya tapos nakita ako nung admin na naghahandle sa mga model kaya pinasali ako. Doon din kami nagkakilala ni Paolo dahil isa din siya sa model pero last year sila pa ni Maureen na isa din sa model. Na-crushan ko na noon si Paolo. Sa tuwing nagsasalubong kami sa school parati kaming nagngingitian hanggang sa niligawan niya ko nung naghiwalay sila ni Maureen. Sinagot ko naman siya agad. Magkatabi kami ni Maureen na inaayusan. Light makeup lang naman ang kailangan dahil magmo-model kami bilang estudyante. Naka-uniform din kami. Bigla kong naalala noong nag-bar kami. Kinabukasan inaway ako sa cellphone ni Paolo dahil nalaman niya yung about kay Calix. For sure si Maureen ang nagsabi nun nawala sa isip ko na magkaklase silang dalawa pati yung dalawa pang babae na kasama niya. Sinabi ko na lang na kaklase ko at wala akong gusto kay Calix hanggang ngayon hindi ako pinapansin ni Paolo. Ilang minuto pa dumating si Trixie na isa rin sa model. Ex siya ni Kuya Dexter. 3rd year HRM. Siya rin yung reigning Ms. Lateneo. Binati niya ko pagkakita niya sakin. "Hi Des". Nagbeso kami. "Hi" Bati ko din sa kanya. "How are you? You're so pretty". Alam ko naman na sumisipsip lang siya sakin. "Okay lang. Thank you" nginitian ko siya. "So nice your lashes. I like it. Very pretty" sambit ko. Bet ko kasi yung gamit niyang mascara. Alam ko na yung next niyang gagawin. Ngumiti siya at natuwa sa sinabi ko. Maya maya binuksan niya ang bag niya. "This is what i use" sabay pakita sakin ng chanel brand na mascara. "Ayoko kasi magpa makeup sa makeup artist dito so i did my own makeup..You want? Sayo na. Once ko pa lang yan nagamit". Binigay niya sakin yung mascara at kinuha ko naman. "Thank you" Syempre gustong gusto ko yun. "Wait. Where's your Kuya? He's not yet here" Tanong niya. "Eh busy si Kuya sa practice ng basketball kasi diba malapit na yung final game kaya hindi na siya magmo-model." "What??" Dissapointed siya. Mukhang pinaghandaan pa naman niya ang pagpunta dito. Todo makeup siya kahit sinabihan na kami na light lang dapat. Tinago ko na agad yung mascara sa bag ko baka madamay sa dissapointment niya at maisipan bawiin. Ilang minuto pa dumating na si Paolo. Lumapit siya sakin at hinalikan ako sa pisngi. Saglit na napasulyap samin si Mau habang nagse-cellphone. Tapos na kong ayusan kaya tumayo ako sa kinauupuan ko at lumayo ng konti sa kanila. Sumunod sakin si Paolo. "Galit ka pa?" Tanong ko sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya. Hindi siya sumasagot kaya niyakap ko siya. Niyakap din niya ko. "Promise me not to do that again. Ayoko ng sasama ka kahit sino sa kaklase mong lalaki ha" "Promise" sabi ko na lang para matapos na. Nagalit siya dahil sa pagsama ko kay Calix sa kotse niya. Bigla kong naalala si Kiel na sinabay at hinatid pa ko pauwi sa bahay. Hindi yun alam ni Paolo kaya hindi ko na yun sinabi siguradong madadagdagan ang galit niya. Nang maalala ko yun bigla ko na namang naalala si Kiel at yung mga sinabi niya sakin kahapon sa bahay nila pati na rin yung message niya sakin. Yung kaiisip ko pa lang kay Kiel bigla na siyang sumulpot sa paningin ko at masamang tingin agad niya ang bumungad sakin. Siguro dahil magkayakap kami ni Paolo. Bigla akong kumalas sa pagkakayakap kay Paolo. Bakit nga ba nandito si Kiel? "You're here. Akala ko 4pm ka pa eh" sabi ng handler namin kay Kiel. "Guys since hindi na makakajoin satin si Dexter si Ezekiel yung replacement niya. New student siya dito 2nd year Engineering. Kilala niyo na siya diba". So model din siya. Lumapit si Mau sa kanya. "Akala ko ayaw mo" narinig ko na sabi ni Mau. Naupo si Kiel sa upuan na nandoon. "Natuwa nga ko na nagquit yung Kuya mo. Ito namang isang to ang pumalit". Pabulong na sabi ni Paolo. Bigla siyang na-badtrip. Una kaming kinunan sa studio. May solo shot kami may group at duo. "Diba last year kayong dalawa tapos ngayon kayo na. Exchange gift ba to". Panay ang tawa ng handler naming bakla sa aming tatlo ni Mau at Paolo. Ngumiti na lang din ako kahit hindi ako komportable. After ng shoot namin sa studio sumunod ay sa library. Nasa gitna ako ni Trixie at Paolo habang naglalakad papunta dun. Nag uusap kami ni Trixie. Nasa likod namin si Mau at Kiel. Naalala ko na naman yung mga sinabi sakin ni Kiel kagabi. May gusto siya sakin pero mukhang sila naman ni Mau. Nangangamoy Playboy. Matapos ang photoshoot sa library ay sa campus field naman ang sumunod. Parati kaming holding hands ni Paolo kahit saan kami magpunta. Paminsan minsan na umaakbay din siya sakin at kinakapitan ko naman siya sa bewang. Alam kong nakamasid sa amin si Kiel. Gusto kong ipaalala sa kanya na may bf na ko at isipin niya na walang wala akong gusto sa kanya at yun naman din ang totoo. Matapos ang photoshoot ay bumalik kami sa studio para mag snack. May padeliver na pagkain para sa amin at sa mga crew. "May gusto ba sayo si Kiel? Diba sabi mo kababata mo yun?" Nagulat ako sa tanong ni Paolo habang kumakain kami. Medyo malayo kami sa pwesto ng mga kasama namin. "Ha?" "Parati siyang nakatingin sayo. Iba yung tingin niya sayo eh. Iba din siya makatingin sakin. Nakakaloko mga tingin niya." Yung napapansin ko din yun, umiiwas lang ako ng tingin sa kanya. "Sila ni Mau diba." Sabi ko na lang kay Paolo. Matapos kumain dahil tapos na ang photoshoot ay isa isa na kaming nag alisan. Nauna kaming umalis ni Paolo. Hinatid ako ni Paolo hanggang sa park sa loob ng subdivision namin. Alas-7 na ng gabi. "Kailan kaya tayo magiging legal sa inyo?" Sabi niya nang bumaba ako sa motor. "Eh si Kuya kapag nagtagal naman matatanggap ka rin niya. Parati niya kasing sinasabi na nakikita ka niya dati na iba ibang babae ang nakakasama mo sa bar tapos alam din niyang naging kayo ni Maureen kaya ganun siya sayo" "Mga tropa ko lang naman yung mga nakakasama ko sa bar." Yumakap siya sakin at hinalikan ako sa labi. "Sinasama nga kita sa bahay namin para makilala mo family ko ayaw mo naman." Sa lahat ng naging bf ko ni isa ay wala akong nakilala na pamilya nila. Yung gusto naman nila ko isama para ipakilala sa family nila pero feeling ko ibang level na yun at hindi pa din talaga ko ready sa seryosohang relasyon. Bago magpaalam ay hinalikan ako ni Paolo sa labi. Kinapitan ko siya sa balikat ng mapasarap ang halikan namin. Napasandal ako sa motor niya. Kumalas ako nang makarinig ako ng ingay ng paparating na mga tao. "Babe ayaw mo pa rin ba? I love you. I wanna be with you. I'm so crazy about you". Tinitigan niya ko. "Ha kasi. We'll get there din naman pero- " "We're almost 3 months. Pano naman ako? Mahal mo ba ko?" Napatitig ako sa kanya at nandoon na naman ako sa pakiramdam na lumalambot at parang nalulusaw ang puso ko sa tuwing nagtatama ang paningin namin. Mahal ko si Paolo sa lahat ng naging bf ko sa kanya ako mas nainlove. "Oo i love you. Sige let's do that..i'm ready" Nginitian ko siya. Parang biglang nagliwanag ang mukha niya sa sinabi ko. "Talaga?" "Uhm uhm". I nodded. Kinuha ni Paolo ang helmet. "So let's go. Sa apartment-" "Not now. Almost 8pm na. Hindi ako pwede lumagpas sa curfew ko. Lagot na naman ako kay Kuya" "What? So pano? Sa araw may pasok tayo hindi ka naman pwede lumabas kapag weekend." "Eh alam mo naman kung gaano kahigpit sakin si Kuya" "Okay. Just tell me kung kailan ka pwede" mukhang na-badtrip siya. Nagpaalam na ko sa kanya matapos namin mag usap. Habang naglalakad papunta sa bahay ay may bumusina sa likod ko. Paglingon ko ay si Kiel na nakamotor ang nabungaran ko. "Nasalubong ko yung syota mo eh. Bakit hindi ka niya ihatid hanggang sa bahay nyo?" Tinignan ko lang siya. Sinabayan niya yung paglalakad ko. "Ay oo nga pala bawal hindi kayo legal". Tuwang tuwa siya sa sinabi niya. "Sumabay ka na sakin. Doon din sa inyo ang punta ko eh. At least kapag ako kasabay mo matutuwa pa Kuya mo" Napatingin uli ako sa kanya. Hindi maalis ang ngiti sa mukha niya. "Ayun na yung bahay namin oh" Napatingin ako sa bahay namin sa dulo. "Ang layo pa niyan sa dulo pa eh. Umangkas ka na" pagpipilit niya. "Bakit ka nga ba pupunta sa bahay namin?" "Pupuntahan ko yung Kuya mo" "Wow ha. Kailan pa kayo naging close. As far as i know dati hindi naman kayo close iba nga yung tropa mo eh. Si Alex yung tropa nila Kuya hindi ikaw" "Close na kami ngayon. May usapan nga kami eh" "Anong usapan nyo?" "Secret!" Hindi ko na siya kinausap. Malapit na kami sa gate nang lumabas si Kuya. Nagyoyosi. Napatingin siya samin. "Sabay ba kayong dalawa? Bakit ka naglalakad?" Tanong ni Kuya Dexter. "Diyan lang kami nagkasabay" sagot ko. "Hinatid kasi siya nung Pao- Aray!" Bigla kong nabatukan si Kiel kaya hindi niya naituloy ang sasabihin niya. "Potah ka bakit ka nambabatok. Pumasok ka na nga sa loob". Matalim ang tingin sakin ni Kuya parang gusto din ako batukan. Sinamaan ko ng tingin si Kiel bago ako pumasok ng gate. Pagpasok sa bahay ay kinuha ko ang cellphone ko at minessage si Kiel. Desiree: Don't tell Kuya. Kiel: I already did Shit ka Kiel kainis! "Desiree kakain ka na ba? Kumain ka na daw sabi ng Kuya mo" kinatok ako ng kasambahay namin sa kwarto. Wala sana ko planong bumaba pero bigla akong ginutom. Nasa bar counter si Kuya at Kiel umiinom ng alak. Dumiretso naman ako sa dining table para kumain. "Des kapag pumasok dito sa subdivision natin si Paolo siguraduhin mong hindi ko makikita ha. Sinasabi ko sayo lalabas siyang gumagapang kung maabutan ko siya." Sabi ni Kuya habang umiinom ng alak. Hindi kalayuan ang dining area sa bar counter. "Alam mo kuya ang OA mo na. Tigilan mo na yan." Napatingin ako kay Kiel na napapangiti. Inirapan ko siya nang mapatingin siya sakin. "Hindi ko kayo titigilan. Makinig ka kasi sakin hindi nga lang ikaw ang syota nun." "Kuya yan din yung sinabi mo nun sa mga naging jowa ko" "Oh eh diba totoo. Lahat sila hindi lang ikaw ang syota. Aanga anga ka eh." Bigla ko natahimik dahil totoo. Matapos ng huli kong naging bf ayaw ko na sana magtiwala pa sa lalake pero nakilala ko si Paolo at tingin ko naman ay iba siya. "Iba si Paolo. At isa pa mahal ko siya" pinagdiinan ko yun habang nakatingin kay Kiel. Alam ko naman kaya siya nagsumbong kay Kuya para pilitin na naman ako ni Kuya na hiwalayan si Paolo. Feeling niya siguro kung hihiwalayan ko si Paolo magkakaroon na siya ng pag asa sakin. "Pumunta ka sa Moonsky Lounge makikita mo yung sinasabi ko sayo" Yung bar yun na madalas puntahan ni Paolo at ng mga kaibigan niya. Pag aari yun ng Kuya ng isa sa tropa niya. "Mga tropa lang niya mga kasama niya. Kilala ko nga kaibigan niya pati mga kaibigan niyang babae" "Tropa. Nakapasok yung kamay niya sa loob ng damit nung babae. Ganun ba sila ng tropa niya" "Ano?" Iniisip ko kung sino sa tropa niyang babae ang tinutukoy ni Kuya. "Anong itsura nung babae?" "Short hair may nunal sa kilay" Si Avery. Dalawang beses kong nameet yung babae na yun may bf siya at wala naman akong napansin na something sa kanila ni Paolo. "Wala yun Kuya kaibigan niya yun nagkamali ka lang ng tingin. Malaswa lang yang isip mo." Nagalit si Kuya. "Shunga ka talaga kaya ka parating naloloko eh. Alamin mo sa sarili mo para maniwala ka" Matapos ko kumain pumunta ko sa ref para maghanap ng dessert. "Des maniwala ka kasi sa Kuya mo. Pinagloloko ka lang ng bf mo" Napatingin ako sa likod nang magsalita si Kiel. "Kiel alam mo huwag ka na lang makisali. May tiwala ako kay Paolo praning lang si Kuya." Bumalik ako sa dining table pagkakuha ko sa fruit salad. Sumunod si Kiel at umupo sa tapat ko. Nakatitig siya sakin habang kumakain ako. Napatitig din ako sa kanya pero agad akong umiwas. I can't handle his gaze. Yung feeling na para kong nalulunod sa mga tingin niya. Isa ba to sa paraan niya para paibigin ako. "Gusto mo rin ba?" Tanong ko na lang sa kanya. Kumutsara ako ng fruit salad at nilapit sa kanya para alukin siya. Nagulat ako ng isubo niya yun. "Masarap" sabi niya. Napatingin ako sa kanya na nilalasap yung cream sa labi niya. May kakaiba sa pakiramdam ko habang ginagawa niya yun kaya bigla akong napasubo ng fruit salad. Pagkasubo ko bigla kong naalala na kinainan nga pala ni Kiel yung kutsara pero too late na. Hinayaan ko na lang. "Des yung mga sinabi ko sayo kagabi- " "Diba may gf ka si Maureen? Si Kuya pa mismo nagsabi sakin na nakikita niya kayong dalawa" "Hindi ko siya gf. I swear hindi talaga" sabay taas niya ng isang kamay. "Eh Kiel ako may bf ako may iba akong mahal. Hindi kita gusto". Tinitigan ko siya. Yung sobrang expressive ng mga mata niya na kapag tumatawa siya pati mata niya ay masaya. Nababasa ko sa mga mata niya ngayon yung lungkot. He's deeply hurt. At feeling ko tumatagos sa akin yun. ♥️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD