May 'get together' gathering kami kasama ang family namin at ni Kiel sa house nila.
"Dalaga ka na Desiree. You're so beautiful". Niyakap ako ng Mommy ni Kiel.
"Thank you po Tita" sagot ko.
Nandoon din ang mga kaibigan ni Kuya at mga parents nila. Malaki yung garden nila at doon ginanap yung gathering.
Tumabi ako kay Ate Suzet at nakisali sa kwentuhan nilang magkakaibigan. Maya maya ay umalis din ako at naglakad lakad sa garden.
Mas malaki yung bahay nila na yun kaysa sa bahay nila noong kapitbahay pa namin.
Akala ko noon magbe base na talaga sila sa California may construction company sila doon na pinamana ng lolo ni Kiel sa Daddy niya ang pamamahala.
Pero ngayon nagdecide ang parents nila na ituloy na dito ang negosyo. Makikipag partner sila sa Chavez Corp real estate na pag aari ng family ni Kuya Marc.
Habang naglalakad lakad ako sa garden. Nalibang ako panoorin yung fountain.
Biglang sumindi yung mga ilaw sa fountain. Colorful yun kaya ang gandang tignan. May sensor siguro yung mga ilaw kaya biglang sumindi.
Naalala ko si Kiel. Narinig ko kanina yung sinabi ng Mommy niya kay Kuya na may pinuntahan siya. San kaya siya nagpunta? Sunday ngayon walang pasok. Baka may date sila ni Maureen. Seryoso kaya siya sa mga sinabi niya kahapon.
May gf na siya at alam niyang may bf ako ano kayang gusto niyang mangyari.
Babalik na sana ko sa gathering ng makarinig ako ng music.
? Doesn't matter anyway
In the night, we'll take a walk, it's nothin' funny
Just to talk
Put your hand in mine
You know that I want to be with you all the time
You know that I won't stop until I make you mine
You know that I won't stop until I make you mine
Until I make you mine ?
Yun yung music na narinig ko sa story ni Kiel. Tumingin ako sa paligid at hinanap siya pero hindi ko siya makita.
May nakita akong nipa hut sa dulo parang doon nanggagaling yung music kaya pumunta ako doon. Binuksan ko yung pinto.
"Ay siomai" bigkas ko ng gulatin ako ni Kiel pagbukas ko ng pinto. Tawa siya ng tawa sa kalokohan niya.
"What's funny!" Nainis kong sabi sa kanya.
"I'm just happy!" He chuckled.
"Pano ka nakapunta jan hindi naman kita nakitang dumaan." Tanong ko.
"May daan dun". Tinuro niya yung kabilang side na ang lagusan ay sa swimming pool area.
"Ah okay. Ang ganda ng house nyo"
"Si Mommy walang ginawa kundi pagandahin to."
"So nice. Ang galing ni Tita Estella. Sobrang ganda". Nakangiti kong sabi habang tinitignan ang paligid.
"Sobrang ganda talaga"
I looked at him staring at me.
Nailang ako bigla kaya lumayo ako sa kanya. Sumunod naman siya sakin. Gusto ko iopen yung tungkol sa mga sinabi niya sakin pero huwag na lang baka mas lalo lang akong mailang.
"I'm serious". He suddenly said.
Nasa likuran ko sya at sinusundan ako. Napahinto ako sa paglalakad.
"I like you Desiree. Please give me a chance..." Bigla kong tinakpan yung tenga ko at nagmadaling umalis.
Ayokong marinig yung susunod niyang sasabihin. Magkaibigan kami at wala akong feelings sa kanya.
Bigla siyang humarang sa harapan ko. Lumiko ako sa gilid pero humarang pa rin siya. Tumalikod ako para bumalik sa kaninang dinaanan namin pero humarang pa rin siya sa harapan ko.
"Kiel bakit ka ba ganyan. May bf na ko diba. Magkaibigan tayo. Diba may gf ka rin."
"Wala naman akong gf eh. Ikaw ang gusto kong maging gf. So what kung may bf ka."
"Anong wala. Si Maureen. Nakipag away ka nga kay Paolo dahil sa kanya eh."
"That's because of you" tumitig siya sakin.
"Ano?"
"I told you that before bago kami umalis na pagbalik ko dapat wala ka pang bf at kung meron man magugulpi ko siya."
Bigla kong naalala yung tagpong yun.
"Usapang bata lang natin yun dati ah. Seryoso yun?"
"Tsk usapang bata" bigla siyang napangisi.
"Ang childish nung reason mo para gulpihin si Paolo. Babalik ka dito para pangunahan yung buhay ko. Wala kang pake kung may bf ako o wala." Nainis ako sa kanya kaya hinawi ko siya para makadaan ako at dire diretsong naglakad.
Sumunod pa din siya sakin.
"It's not like that. Sorry if you feel that way".
Hindi na lang ako nagsalita at dire diretsong naglakad pabalik sa gathering.
"Des" panay ang sambit niya sa pangalan ko habang naglalakad kami pero hindi ko siya pinapansin.
"Sorry Kiel kaibigan lang ang tingin ko sayo. May bf na ko". Huminto ako sa paglalakad nasa bandang swimming pool na kami at malapit na kami sa lugar ng gathering.
Feeling ko masasaktan siya pero sinabi ko na rin. Ganito naman ako eh kapag hindi ko gusto agad agad kong sinasabi dahil ayoko nung kinukulit ako. Isa pa hindi naman siya yung kung sino sino lang na lalake. Kaibigan ko siya.
"May bf ka. Eh si Calix bakit sumasama ka sakanya ano yun flirt lang"
Sinamaan ko siya ng tingin sa sinabi niya.
"Sorry. Sorry". Napakamot siya ng batok. "I just don't understand."
"Yeah you're right I have a bf pero nakikipag flirt ako sa iba."
Narealize ko na tama naman siya eh ganun naman talaga ko kahit dati pa i'm always like that.
"If you want i'm okay din.... Okay lang din sakin.... Kahit flirt lang it's okay... You can flirt with me...if you want....hay damn it". Pautal utal niyang sabi.
Pinatong niya ang dalawang kamay sa ulo niya. Sinipa niya yung maliit na bato sa paanan niya.
"Ano?" I can't believe na sasabihin niya yun. Hindi ko alam kung napilitan lang siya sabihin yun o desperado na siya.
"Ganyan talaga yung tingin mo sakin".
Alam ko naman na totoo yun pero masakit din pala kapag merong nagpapamukha nun. Hindi ko naman siya masisisi kung ganun ang tingin niya sakin dahil nakikita niya.
"Hindi. Hindi sa ganun. Sorry. If that's the only way... I just really like you." Umalis na ko sa harap.
Bumalik ako sa lugar ng gathering. Sumunod siya pero doon siya sa group nina Kuya, sumali siya sa inuman. Hindi na siya uli lumapit sakin hanggang sa umalis kami.
Nakareceive ako ng message niya bago ako matulog ng gabi.
Kiel: Sorry for what i said kanina. Forget it. I don't want that flirt thing. Gusto ko ako lang. I'll make you fall for me. Just give me a chance.
Kiel: I'm not asking for your permission. I will just do it.
♥️