CHAPTER 8

1244 Words
Tumayo ako at umalis sa dining area. Binitbit ko na lang yung kinakain kong fruit salad tsaka ko bumalik sa kwarto ko. Pagkahiga ko sa kama bigla akong nakahinga ng maluwag. Bumangon ako pagkaraan ng ilang minuto. Kinuha ko yung fruit salad na pinatong ko sa study table. Habang kumakain bigla kong naalala na kinainan ni Kiel yung kutsara. Bigla akong napatitig sa kutsara. Tapos naalala ko yung nilasap lasap niya yung cream sa labi niya. Nasampal ko bigla ang sarili ko. Bakit ko ba yun iniisip?? Shinake ko yung ulo ko para mawala na yun sa isip ko at nag isip ng ibang bagay. Napatingin ako sa poster ng korean actor na si Cha Eun Woo na nakadikit sa dingding. Tama si Ara na hawig nga siya ni Kiel. Habang tinitignan ko yun naisip ko yung mga titig niya sakin kanina. Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko. Hays bakit ganito?? Bakit ba kasi nandito siya?? "I'll make you fall for me" Biglang pumasok sa isip ko yung linya niyang yun. Kaya niya ba ginagawa yung mga yun para paibigin ako??. Ilang minuto pa nang makarinig ako ng busina sa labas. Pumunta ko sa terrace para tignan yun. Nakita ko si Kiel na nakasakay na sa motor niya. Napatingin siya sakin kaya pumasok na ko sa loob ng kwarto. Maya maya tumunog yung cellphone ko. May message si Kiel. Alam kong magsasabi na naman sya ng kung ano anong salita kaya hindi ko yun binasa nilapag ko uli sa kama yung cellphone. Pero hindi ko matiis na hindi basahin kaya kinuha ko uli yung cellphone at inopen yung message niya. Kiel: I will not give up Pagkabasa ko nun narinig ko yung pagbusina niya ng tatlong beses bago siya umalis. Naglalakad kami ni Paolo sa campus ng magka-holding hands. Nakita ko si Kiel sa di kalayuan. Iba ang way na nilalakaran niya pero nang makita niya kami ay bigla niyang binagtas ang daan papasalubong sa amin. Habang papalapit ay napapansin ko ang masama niyang tingin samin. "Malaki talaga yung problema ng gagung to eh." Sabi ni Paolo nang mapansin ang mga tingin ni Kiel. "Ignore him na lang" Hindi naman nakinig sakin si Paolo bumitiw siya sa pagkakahawak sakin at sinalubong si Kiel. "Ano bang problema mong gagu ka" pasigaw na sabi ni Paolo. May ilang hakbang na lang ang pagitan nila. Sa mga tingin ni Kiel ay sigurado akong may hindi magandang mangyayari. Hinawakan ko si Paolo sa braso para pigilan. Inalis ni Kiel ang nakasukbit na bag sa balikat at binagsak sa ground. Nagulat ako sa mga sumunod na nangyari. Walang sali-salita. Sinuntok niya sa mukha si Paolo. Masyadong mabilis yung mga pangyayari na kahit si Paolo ay hindi yun inasahan. Dahil sa lakas ng suntok ay bumagsak si Paolo sa lupa. "Damn Kiel ano to?" pasigaw kong sabi sa kanya. "Ano bang akala mo magugustuhan kita sa ganitong asta mo?" "You should expect this". he glared at me. Susugurin pa niya si Paolo pero buong lakas ko siyang tinulak gamit ang dalawa kong kamay sa dibdib niya. Napaatras siya pero hindi pa rin natinag. Akmang susugurin niya uli si Paolo kaya wala akong choice. Gamit ang natutunan kong self defense kay Kuya ay sinipa ko siya sa mukha. Medyo napalakas yun kaya bumagsak siya. Susugod si Paolo pero niyakap ko siya para pigilan. May paparating na guard kaya hinila ko na siya paalis sa lugar na yun. "So I was right na may gusto sayo yung Kiel na yun" sabi ni Paolo habang nakaupo kami sa isang bench. Narinig niya kasi yung sinabi ko kay Kiel kanina. "So dahil sayo kaya nya ko inupakan nun hindi dahil kay Mau. Nasalubong ko siya kagabi nung palabas ako sa subdivision niyo kaya pala siya pumupunta sa inyo eh. Tangina talaga ng gagung yun." Nagngitngit siya sa galit. "Wala naman yun hindi ko naman siya pinapansin" sabi ko na lang para kumalma siya. "Dapat lang. Ayokong makikitang kasama mo yun ha". Tinignan niya ko ng masama. Paguwi sa bahay bunganga ni Kuya yung sumalubong sakin. "Bat mo naman ginanun si Kiel? Yung self defense hindi yun ginagamit dahil sa gusto mo lang. Tinuruan kita nun para may panlaban ka sa mga gagawa sayo ng masama. Tangnaka talaga eh" "Ano yun sumbungero na siya ngayon sayo". Nainis kong sabi. "Nasalubong ko siya sa parking halatang halata yung pasa niya sa pisngi kaya tinanong ko siya" "Tama lang yun sa kanya. Mas maangas pa siya sayo eh. Bigla bigla na lang siyang nanggugulpi" "Kung ako yung nakakita sa inyo ni Paolo hindi lang sapak ang ginawa ko dun eh. Huwag mong pagdiskitahan si Kiel ako nagsabi sa kanyang bantayan ka" "Ano ko bata na kailangan bantayan. Grabe ka na ha. Tigilan nyo na ko" Nagsasalita pa si Kuya pero tinalikuran ko na siya at umakyat sa kwarto ko. Ilang araw ang nagdaan na hindi ko pinapansin si Kiel panay din ang message niya sakin madalas din siyang nasa bahay pero kahit tignan siya ay hindi ko ginagawa. Friday. Nag spaghetti strap dress ako na color beige. Fitted yun na lagpas tuhod ang haba at may slit na half legs sa magkabilang side. Nag heels din ako. Nasa labas pa lang ng room naririnig ko na yung ingay ng hiyawan at palakpakan ng mga kaklase ko. "Ano kayang nangyayari". Pagbukas ko ng pinto nakita ko si Zia at Ara na panay ang model sa harapan. Lalong lumakas ang ingay pagkakita nila sakin. Hinatak ako ni Ara sa harapan. "Sinasakyan lang namin tong mga to. Makukulit eh. Ikaw naman" Dahil baliw din ako kagaya ng dalawa kong kaibigan agad akong rumampa sa harapan. Panay ang hiyawan ng mga kaklase ko habang palakad lakad ako sa harapan. Dahil may slit sa magkabilang gilid ng dress ko ay lumalabas ang perfect-shaped at nakakasilaw sa kinis kong legs. Panay ang hagod ko sa buhok ko na wavy ang dulo. Natigil ang pagmomodel ko ng dumating si prof at biglang natahimik ang lahat. Agad akong pumunta sa upuan ko. Nakita ko si Calix na nakaupo pangalawang row sa harapan ko tumingin siya sa bakanteng upuan sa tabi ko, tumayo siya at planong lumipat dun pero agad ding bumalik. Pagtingin ko sa tabi ko ay pumupwesto ng upo si Kiel. Dedma lang ako na kunyari ay hindi siya napansin. Naalala ko na naman yung nangyari samin kaya nakaramdam ako ng inis sa kanya. Maya maya ay pinatong niya ang jacket niya sa binti ko. "Pinagtitinginan yan sa likod" bulong niya sakin. "And so? That's why i'm wearing it. Tapos itatago ko." Tinanggal ko ang jacket niya at lalo ko pang inangat ang dress ko. Pinatong uli niya sa lap ko ang jacket niya. "Kapag tinanggal mo yan ibabalik ko uli. Ganyan lang ang gagawin natin hanggang matapos yung klase". Hindi ko na lang inalis yung jacket dahil napapatingin samin si Prof. Wala ang isip ko sa lecture ni Prof. Hindi ako makapag focus. Napapatingin ako sa jacket na nakapatong sa legs ko kaya hindi ko maiwasang hindi maisip si Kiel na nasa tabi ko. Yung lahat ng lalake sa kwarto na yun tuwang tuwa sa ayos ko pero si Kiel kabaliktaran. Para siyang si Kuya overprotective. At least si kuya pamilya ko kaya siya ganun sakin pero si Kiel gaano ba niya ko kagusto para maging ganito siya sakin. Naiinis ako sa kanya at mas lalo akong naiinis sa mga ganitong gesture niya sakin. Naiinis ako dahil parang nagugustuhan ko yun. ♥️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD