(Kiel's POV)
I joined them at the bar not because I wanted to have fun but because desiree was also there.
Lalapitan ko sana siya para sakin sumabay papunta sa bar pero naunahan ako ni Calix. Sa kotse niya ako nakasunod pero nang magpa gas siya nauna na ko. Matagal bago sila dumating sa bar.
Naiinis ako sa mga biruan nilang nagbiglang liko sila.
Sa kabilang table pumwesto si Desiree pero kaharap ko siya. Uminom agad siya ng alak pagdating niya. Mukhang sanay na sanay siya sa alak. Siguro madalas siyang uminom.
Panay ang tingin ko sa kanya habang nagiinuman kami. Katapat ko lang siya pero ni hindi man lang niya ko tinignan kahit isang sulyap lang.
Busy siya sa pakikipagkuwentuhan sa mga kaibigan niya.
Nainis ako ng tumabi sa kanya si Calix. Panay ang tawanan at bulungan nila. Inakbayan siya ni Calix pero gustong gusto pa niya.
May bf siya pero ganun siya kumilos. I can't believe she's like this now.
Tulala ako habang pinapanood siyang sumasayaw. Ang sarap niya panoorin. She's so damn gorgeous. Parang nayayanig ang mundo ko sa bawat galaw ng katawan niya.
Hay Desiree anong gagawin ko sayo nakakabaliw ka!
May lumapit sa kanyang lalake parang gusto siyang isama at parang sasama naman siya.
Tumayo ako para lapitan siya pero naunahan na naman ako ni Calix. Pinaghihilahan nila si Desiree. Lumapit ako ng marinig ko ang pag aray niya.
Tangna nitong dalawa para saktan si Desiree.
Paglapit ko hinawi ni Desiree ang kamay ng dalawa at umalis. Nabangga niya ko pero dire diretso siyang naglakad.
Sinundan ko siya pero nilapitan ako ni Maureen.
"Let's go to your condo. Doon uli ako matutulog." Kumapit siya sa braso ko.
"No. Go ahead may pupuntahan pa ko." Umalis ako para sundan si Desiree pero hindi ko na siya nakita.
Tinanong ko si Sab na paalis na kasama si Ara.
"Ha hindi ko alam. Baka kasama ni Calix" sagot ni Sab.
Tangina talaga!
Bumalik ako sa pwesto niya. Nandoon pa ang bag niya kaya hindi pa siya umaalis. Kinuha ko na lang ang bag niya at hinanap siya.
Nakita ko si Calix na palakad lakad na parang may hinahanap hindi niya kasama si Desiree. May hawak siyang cellphone. Tinatawagan niya siguro si Desiree dahil naririnig kong nagriring ang cellphone sa bag niya.
Nagmadali ako sa paghahanap. Alam ko na yung karakas ng gagung Calix na yun alam kong plano niyang iuwi si Desiree.
Umakyat ako sa taas dahil baka sinama siya nung gagung lumapit sa kanya kanina pero wala siya doon.
Halos mabaliw na ko sa kahahanap sa kanya. Nag aalala ko na baka kung saan na siya napunta baka may nagyaya sa kanyang iba at sumama siya.
Nakita ko si Calix na palabas na ng bar. Bumalik ako sa pwesto namin. Nakita ko si Desiree na nakahiga sa couch.
Pinagtitinginan siya ng mga lalake habang nakahiga. May papalapit sa kanyang lalake. Kaya nagmadali akong lapitan siya.
"Where the hell have you been?" Halos masigawan ko na siya sa inis ko.
Hindi na siya makatayo dahil lasing na lasing na siya kaya binuhat ko na lang siya. First time kong mahakawan ang katawan niya. Napakalambot niya. Parang ayaw ko na siyang bitawan.
Hinigpitan niya ang kapit niya sakin at hinilig ang ulo sa balikat ko. Damn Desiree sakin ka na lang.
Nang maisakay ko siya sa kotse hindi ko na nakontrol ang galit ko sa mga nasaksihan kong pinaggagawa niya.
"So that's how you are now. You have a bf and yet sumasama ka sa kung kani-kaninong lalake"
"What do you think of me now?" Tanong niya.
Tinignan ko siya. I like her so much. She's my first crush. No. My first love. Bata pa kami noon kaya hindi ko sineryoso yung feelings ko.
Sa States nagka girlfriend din ako. Ilan din yung naging gf ko dun kaya nawala na siya sa isip ko. Pero pagbalik namin sa Pilipinas. The first time i saw her bumalik agad yung feelings ko para sa kanya. Gusto ko siyang parating nakikita. I really like her.
"I still like you" nagconfess na ko sa kanya. Kailangan kong kumilos. May bf siya pero wala akong pakealam. Wala din akong pake kung ano na siya ngayon.
"I still like you too" natuwa ako at nagulat.
"I like you. You're my childhood friend. Bestfriend. You're like a brother to me."
Damn bakit ang sakit dapat expect ko na yun eh. Pero naumpisahan ko na kaya wala ng sukuan.
"I like you. 9 years but i still like you" Hindi na siya nagsalita mukhang nakatulog na siya. Pinaandar ko na ang sasakyan at hinatid siya sa bahay nila.
(Desiree's POV)
"Ouccchhh" daing ko sa masakit na ulo paggising ko. Bumangon ako. Marami yung nainom namin kagabi dahil panay ang order ng alak ng mga kasama naming lalake.
Parang noon lang ako nalasing ng ganun na halos hindi na ko makalakad. Mabuti na lang kasama namin si Kiel.
Napangiti ako ng maalala na binuhat ako ni Kiel at hinatid sa bahay.
Tumayo ako ng makita ang oras tanghali na pala nagugutom na ko. Mabuti saturday ngayon walang pasok.
Pumunta ako sa dining table nandoon si Kuya kumakain. Tumalikod ako bigla para bumalik sa kwarto alam ko na ang mangyayari kapag sasabayan ko siyang kumain.
"Huy huy huy saan ka pupunta halika dito." Bumalik uli ako. Gusto ko na rin kumain dahil nagugutom na talaga ko. Pag upo ko sa mesa sumandok agad ako ng pagkain at sunod sunod akong sumubo.
"Gutom ka noh. Panong hindi ka gugutumin lahat yata ng kinain mo kahapon nilabas mo. Sinukahan mo si Kiel nakakahiya ka hinatid ka na nga dito eh"
"Sinukahan ko si Kiel" bulalas ko.
Bigla kong naalala yung pangyayaring yun na habang buhat niya ko papasok sa bahay ay nasukahan ko siya.
"Pinahiram ko na lang ng damit para makapagpalit siya. Bakit ba nagpakalasing ka ng ganun tangna mo naman eh 2nd year ka pa lang eh"
"Kanino pa ba ko magmamana edi sayo" lalong nagalit si Kuya.
"Inaka at least ako lalake ako. Ikaw kababae mong tao nagpapakalasing ka ng ganun. Mabuti si Kiel kasama mo. Kung ibang lalake yun kung saan ka na dinala buset ka. Mula ngayon hindi ka na iinom kung hindi mo kasama si Kiel ha. Kahit umuwi ka ng lasing wala kang maririnig sakin basta si Kiel ang kasama mo." Dire-diretso niyang sermon sakin.
"Talaga"
"Mabuti si Kiel may taste yun sa babae kaya siguradong hindi ka papatulan"
Bigla kong naalala yung sinabihan niya ko ng 'i like you'.
"Pero Kuya parang sinabihan niya ko kagabi ng 'i like you'.
He laughed. Nasamid pa siya at naubo sa katatawa. "Lasing ka lang kagabi huwag kang assuming. Nakikita ko yung babaeng parati niyang kasama sa School eh. Yung model sobrang ganda. Nakasabay ko pa sila sa elevator sa condo. Dinadala niya dun."
"Talaga" si Maureen yung tinutukoy niya.
"Alam ko ex yun ni ungas eh. Mabuti siya natauhan agad. Ikaw kaya kailan?"
Sinamaan ko siya ng tingin at hindi na lang nagsalita pa. Tingin ko tama si Kuya na lasing lang ako kagabi. Naiba siguro ako ng rinig sa pagkakasabi ni Kiel.
Matapos kumain bumalik ako sa kwarto. Nag open ako ng f*******:. Tinignan ko yung mga uploaded photos ng mga kaibigan ko sa bar kagabi.
May pinost si Kiel sa my day niya viniew ko yun. Sa unang picture yung bote ng Jack Daniels. Natawa ko dahil naextra pa ko sa likod.
Sa second picture medyo blur yung kuha hindi ko alam kung anong kinukuhaan niya pero nandoon uli ako tumatawa.
Sa pangatlo ay picture ko sa kotse habang natutulog ako may sticker gif pa na peppa pig. Hanggang ngayon ba hindi pa rin niya nakakalimutan yun. Nagreact ako ng angry tapos minessage ko siya.
Desiree: Hoy bakit may peppa pig hindi ka pa rin ba nakakamove on dun ?
Typing....
Kiel: I don't know how to move on from it.
Bakit parang ang serious ng sagot niya.
Desiree: Why so serious?
Kiel: Sa seryoso talaga ko
Desiree: Thank you sa paghatid mo sakin kagabi. Sorry dahil nasukahan kita.
Kiel: Don't say thank you and sorry. May bayad yun. Sisingilin kita. Just wait.
Desiree: Grabe naman may bayad parang hindi naman tayo friends ?
Kiel: Hindi talaga.
Desiree: What? Ayaw mo na ko maging friend.
Kiel: Yes
Desiree: ???
Kiel: I want more than that.
Bigla akong napabangon sa pagkakahiga.
Ano yun?? So tama ako ng pagkakarinig sa sinabi niya kagabi. Seryoso ba siya. Hindi ko alam ang isasagot ko kaya hindi ko na siya nireplyan. Maya maya ay may pinost uli siyang music.
(Make you mine by:Public)
Put your hand in mine
You know that I want to be with you all the time
You know that I won't stop until I make you mine
You know that I won't stop until I make you mine
Until I make you mine
You need to know We'll take it slow
I miss you so We'll take it slow
Para ba sakin yun? Nataranta ko ng mapindot ko yung heart react.
Desiree: Accident kong naheart ?
Kiel: Sana kahit accident maheart mo din ako.
Hala bakit ako kinikilig.
Tumigil na lang ako sa pagreply sa kanya. Hindi ko gusto na kinikilig ako sa mga banat niya. We're friends and I only think of him as my friend.
♥️