CHAPTER 4

2399 Words
Dress or jeans? Friday wash day today kaya pwede kami mag casual attire. Sinuot ko yung dress pero hinubad ko uli parang trip ko na lang magjeans. Pinili ko yung blue skinny jeans at white knitted croptop. Nang maisuot ko yun ay nagpaikot ikot ako sa salamin para tignan ang kabuuan ko. "Woah ang sexy ko". Fitted ang suot ko kaya litaw na litaw ang shape ng katawan ko. Kinuha ko ang medida at sinukat ang vital stats ko. Matagal na yung huli kong sukat at feeling ko mas nagcurve pa ang katawan ko. 33'25'34. Sinukat ko din yung height ko feeling ko tumangkad pa ko. 5'5. Nagheels ako kaya mas lalo pa ko tumangkad. Perfect! Bumaba na ko pagkatapos ko mag ayos. Mabuti umalis na si Kuya. Nagagalit kasi siya pag pasexy ang outfit ko. Busy siya lately sa nililigawan niyang singer sa School kaya bihira na lang niya ko mapansin. Magkikita kami ni Paolo sa 711 at sabay kaming papasok. Pagdating sa 711 nakita ko agad siya nakangiti at nakatitig siya sakin habang papalapit ako sa kanya. "Why so pretty and sexy babe. Parang gusto na lang kita tuloy iuwi" Niyakap niya ko at hinalikan sa labi. "Huwag na lang kaya tayong pumasok" nakangiti siya sakin habang namumungay ang mga mata na nakatitig. "Ano ka ba? Tara na baka malate na naman tayo" pumwesto na ko ng angkas sa motor niya. Pagdating sa school ay pinilit niyang ihatid ako hanggang sa room ko kaya wala na kong nagawa. "Babe next time mag tshirt ka na lang. Naiinis akong pinagtitinginan ka eh" sabi ni Paolo habang naglalakad kami ng nakaholding hands. Hindi na lang ako nagcomment sa sinabi niya. Pagdating sa tapat ng room namin sa PolSci ay nagkiss muna kami bago kami maghiwalay. Nakita ko si Kiel na padating nang kumalas na kami ni Paolo sa pagkakayakap. Sinamaan niya kami ng tingin. Papasok na sana ko sa room pero magsasalubong sila ni Paolo. Naalala ko yung sinabi ni Kiel nung isang gabi na gugulpihin niya si Paolo kapag humarang sa dadaanan niya. Maangas silang nagtinginan nang magsalubong. Nakahinga ko ng maluwag nang makalampas sila sa isa't isa. Pagkalampas ni Kiel kay Paolo ay ako naman ang tinignan niya ng masama. He stared at me from head to toe. Unti unting nag iiba ang tingin at expression niya habang papalapit sakin. Hanggang sa napangiti na siya at nagspark ang mga mata. "Hala bakit ganito to makatingin" Pinihit ko agad ang doorknob at pumasok sa loob. "Wooaahh" "Wow" Bungad ng mga siraulo kong lalakeng kaklase. Nagpapalakpakan pa sila, nagsisipulan at naghihiyawan habang naglalakad ako papunta sa upuan ko. Hindi ko alam kung maiinis ako o matatawa sa kanila. Nakita ko ang mga kaibigan ko sa 3rd row kaya agad akong lumapit. Yung bakanteng upuan sa gilid ang inupuan ko. "Ang lakas din ng trip ng mga kaklase natin eh lahat ng mga babae na pumapasok pinapalakpakan nila" tumatawang sabi ni Ara. "Puro lalake kasi sila sa Engineering kaya dito lang sa atin nakakakita ng babae." Tumawa din ako. Pagkaupo ko dahil croptop ang suot ko ay umangat pa yun kaya naexpose ng slight ang tummy at likod ko. Paglingon ko sa likuran ay doon nakatingin ang mga kaklase ko. Bigla tuloy ako nagsisi kung bakit yun ang sinuot ko. Hindi ako komportable. Bakit ba hindi ako nagdala ng jacket. Dumaan si Kiel at huminto sa side ko. Maya maya ay lumuhod siya para ayusin ang sintas ng sapatos niya. "Please hold". Inabot niya sakin yung jacket niya para ayusin ang sintas ng sneakers niya. Hinawakan ko naman yun. Biglang dumating ang Prof namin kaya tumahimik ang mga kaklase ko. Pagtingin ko sa gilid ay wala na si Kiel. "Nasan na yun iniwan niya yung jacket niya." Napatingin ako sa likod. 2nd to the last row sya nakaupo. Nakita ko siya na hawak ang cellphone niya may sinesenyas siya sakin pero hindi ko maintindihan. Narinig kong tumunog ang cellphone ko pagtingin ko may message si Kiel. Kiel: Wear my jacket Desiree: Bakit? Kiel: Just put it on. Alam mo na ngang siraulo mga kaklase natin magsusuot ka ng ganyan. Ano to parang si Kuya version 2.0. Sinuot ko na lang yung jacket dahil sa likuran ko nakatingin yung mga kaklase kong lalake. Grabe ang bango ng jacket niya ano kayang pabango gamit niya. Sininghot singhot ko pa yun dahil ang sarap amuyin. Nagpunta kami sa canteen ng mga kaibigan ko. Pagpasok namin sa loob nakita ko si Kiel kasama uli si Maureen at mga kaibigan nila. Lumapit si Sab sa boyfriend niya na nasa isang table na katabi ng table nila Kiel at sumama kami doon. "Sab pakilala mo naman kami sa mga kaibigan mo" sabi ng isang lalake na nasa harapan ko. "Hindi pa ba kayo magkakakilala eh magkaklase lang tayo sa PolSci" sabi ni Sab. "Sila kilala namin pero kami hindi nila kilala" sagot naman ng isa pang lalake. "This is Desiree, Ziamara, Arabella. Girls this is Calix, Evan, Randell ". Pakilala ni Sab samin. Nakipag shake hands sakin si Calix. "Hi i'm Calix you're Desiree right?" "Yes" sagot ko. Nakipagshake hands din yung dalawang lalake kila Ara at Zia. "Kaya lang guys hindi na sila available ha. May mga bf na sila" natatawang sabi ni Sab. "So what?" Sabi ni Calix na hindi maalis ang tingin sakin. "Okay lang" sabi ko. Bigla akong kinilig dahil ang gwapo ni Calix. Hindi naman malalaman to ni Paolo. "Huy huy ano yan. Girls huwag kayo magpabola sa mga yan mga bolero yan" sigaw ni Miguel na katabi ni Kiel na nasa kabilang table. "Gagu akala nyo kayo lang masaya jan" tumatawang sabi ni Calix. "Tara night out tayo. Weekend naman bukas walang pasok. Sakto 6pm na" sabi ni Randell "Bright idea come on girls sama kayo" Yaya ni Evan "Sige sige join kami jan." Sabi ni Zia. Naexcite din ako. "Let's go" sabi ko. "Yown tara" sabi ni Calix. Pagtayo namin lumapit muna ko kay Kiel para ibalik yung jacket niya. "Thank you" "Sayo na muna yan. Isuot mo" sagot niya. "Hindi. May pupuntahan kami hindi ko na - " hindi ko natapos ang sasabihin ko ng magsalita siya. "Just wear it. Hubarin mo na lang paguwi mo sa bahay." Napatingin ako sa paligid, mga tahimik na nakamasid yung mga kasama ni Kiel samin. "I won't wear it na" nilagay ko na lang sa lap niya yung jacket tsaka ko umalis. "Magba bar kami wanna join?" pagyaya ni Zeus sa group nila Kiel. "Tara go sama tayo" agad na sabi ng isang babae. "Let's join. You like?" Tanong ni Maureen kay Kiel. Napatingin si Kiel sa mga kasama namin at tumingin sakin. "Sure" Bigla akong natuwa na sasama si Kiel. Nagtayuan na din sila at sabay sabay kaming pumunta sa parking. "Bahala na kayo girls kung kanino nyo gustong sumabay" sabi ni Zeus samin. "Dito na lang kayo Des sa car" sabi ni Sab habang pasakay sa kotse ng bf na si Zeus. Sumakay si Zia sa motor ni Evan. Kami ni Ara ay plano sumama kila Sab. "Des dito ka na lang" sabi sakin ni Calix nang pasakay na ko sa kotse ni Zeus. Tinulak ako bigla ni Ara na nasa loob na ng kotse at sinara ang pinto. "Go girl dun ka na" sabay tawa nila ni Sab. Dahil no choice lumapit ako kay Calix. Nakangiti siya habang pinagbubuksan ako ng pinto ng kotse niya. Pagupo ko sa loob napatingin ako sa kotse sa harap. Kotse yun ni Kiel nakita kong pasakay doon si Maureen. "Mahilig ka ba sa music" tanong ni Calix habang binubuksan yung stereo. "Hindi masyado" sabi ko. "Ah ganun ba so hindi ko na lang bubuksan" pinatay niya uli yung stereo. "Grabe ganito pala yung feeling kapag angkas mo sa kotse yung crush mo" sabi ni Calix na nakangiti sakin kaya nginitian ko din siya. Maya maya ay nagriring ang cellphone niya. Nakita kong 'babe' ang nagregister na name ng caller. Kinancel niya yung tawag. Ilang beses nagring pero paulit ulit niyang kinancel hanggang sa ioff niya yung cellphone. "Grabe ka gf mo hindi mo sinasagot" i teased him. "Hindi ah. Wala akong gf." Sabi niyang hindi makatingin sakin. Napatingin ako sa upuan sa likod may damit doon na pambabae. So what kung may gf siya may bf din naman ako. Bigla akong napangiti. "Paguwi mamaya sabay uli tayo ha i'll take you home" "Ha sige" napangiti kong sabi. Panay ang kwentuhan namin sa sasakyan kaya medyo mabagal siya magdrive. Ilang minuto pa ay nagtetext sakin sila Zia tinatanong kung nasaan na kami dahil kami na lang ang wala doon sa bar. Pagdating sa bar ay napatingin sila samin. "Akala namin par nag biglang liko ka na eh" biro ni Miguel kay Calix sabay tawanan nila. Umupo ako sa bakanteng upuan sa tabi ni Zia. Dalawang table ang ginamit namin dahil marami kami. Hiwalay kami sa grupo nila Kiel na nasa katabing table naman. Inabutan ako ni Sab ng alak. Agad kong ininom yun dahil nakaramdam ako ng uhaw. Dahil sa panay na kuwentuhan at inuman hindi namin namalayan ang oras. May mga tama na kami. Nagkayayaan kaming mga babae na sumayaw sa gitna. Habang sumasayaw napatingin ako sa paligid. Bigla kong naalala yung last time na nag bar kaming magkakaibigan hindi ko alam na nandoon din ang Kuya ko lumapit siya sa sakin sa dance floor piningot niya ko sa tenga at hinatak palabas ng bar grabe ang kahihiyan na inabot ko sa mga kaibigan at kasama namin. "Clear wala si Kuya". Habang sumasayaw napamasid uli ako sa paligid. Natuwa ako ng makita ang ilang pares ng mga mata ng mga kalalakihan na nakatingin sakin kaya mas lalo akong ginanahan sumayaw. Panay ang pag-sway at paghagod ko ng mahaba kong buhok na nakalugay habang sinasabayan ko ng paggiling ng katawan. I want them to see how sexy and beautiful I am. Ilang minuto pa ang lumipas may ilang lalake ang pumuwesto sa likuran namin. Maya maya ay kinausap ako ng isa. "Hi. Sorry I can't take my eyes off you. You're so gorgeous. May I know your name? I'm Vincent?" "I'm Desiree" nakipagshake hands siya sakin. "Nice name. Where you from? I'm from LeSealle." "Lateneo" "Oh nice I have a lot of friends there" "Ah really!" "My friends wanna know you also. They're upstairs. Can I take you there?" napatingin ako sa taas ng ituro niya. May balcony doon may mga kumakaway samin siguro yun yung mga kasama niya. Hinawakan niya ko sa braso para akayin. "Ha? eh..!" Syempre kahit gwapo siya ayokong sumama. "Des!" napatingin ako sa likod ng dumating si Calix. "Take a rest na muna sa table natin" Tinignan niya ng masama si Vincent at humawak sa braso ko. "Come on Desiree!" hinigpitan ni Vincent ang hawak sa braso ko. "Brad gagu ka ba hindi siya sasama sayo" hinigpitan din ni Calix ang hawak sa kabilang braso ko at hinatak ako. Hinatak din ako ni Vincent. "Araaayyy!" sigaw ko nang parang mapuputol ang braso ko sa paghatak nilang dalawa. "Let me go" Hinawi ko ang mga kamay nila at umalis doon. Nang makawala ay para akong gumegewang sa paglalakad. Bigla akong nakaramdam ng pagkahilo siguro dahil sa dami na ng nainom ko at sumayaw pa ko. Pumunta ko sa cr feeling ko babaliktad ang sikmura ko. Pinipilit ko buksan yung pinto ng cr pero parang nakalock. Paalis na sana ko nang bigla yun bumukas at lumabas si Zia kasama si Evan. "Damn girl anong ginawa nyo". I chuckled. "Ssshhhh huwag ka maingay" kumindat at ngumiti sakin si Zia tapos umalis na sila ni Evan. Pumasok naman ako sa loob. Ano kayang feeling ng nakikipagsex? Madalas magkwentuhan ang mga kaibigan ko about dun kaya curious ako. Ano kaya kung gawin ko na. Kay Paolo? Si Calix kaya? I think he's more hot pagdating sa bed. Bigla akong natawa sa iniisip ko. Feeling ko bumabaliktad ang sikmura ko pero wala namang lumalabas. Naghilamos na lang ako ng mukha. Ilang minuto pa kong nagstay doon. Nirelax ko ang sarili ko bago ako lumabas. Pakiramdam ko lumilindol habang naglalakad ako. Umiikot talaga ang paningin ko. Pumunta ko sa table namin pero walang tao dun. Nasaan na sila. Iniwan ba nila ko. Pumuwesto ako sa couch at humiga. May natatanaw akong lalake na palapit sakin. Dahil nahihilo ako ay hindi ko yun makita ng maayos pero yung bulto pa lang ng katawan niya ay kilalang kilala ko na. "Kiel!" sambit ko paglapit niya. Napapapikit ako dahil nahihilo ako. "Where the hell have you been? Kanina pa kita hinahanap." Halos pasigaw niyang sabi. Bakit siya nagagalit? "Nasan na yung kadate mo. Nasan na ba silang lahat?" Tanong ko. "Umalis na sila. Get up. I'll take you home". Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako. "Ano ba nahihilo ako. Huwag mo kong hilahin" Maya maya ay naramdaman ko ang mga kamay niya sa likuran ko. Nararamdaman kong umaangat ako. Napamulat ako ng mata at mukha ni Kiel ang una kong nakita. Buhat buhat niya ko habang papunta sa parking. Hinilig ko ang ulo ko sa balikat niya at kumapit ng mahigpit. Mabuti na lang kasama si Kiel kundi saan kaya ako pupulutin? I feel safe. Napapikit uli ako. Maya maya ay nakaupo na ko. Napatingin ako sa paligid nasa loob ako ng kotse. Nakita ko si Kiel na paupo sa driver's seat. Nilagay niya yung bag ko sa lap ko. Nawala na yun sa isip ko. Mabuti na kay Kiel. "So that's what you are now!" "Ha?" Napatingin ako sa kanya. Napahampas siya sa manibela at panay ang iling. Parang dissapointed siya. Nakapikit ako pero nakikinig ako sa kanya. "You have a bf and yet lahat ng lumalapit sayong lalake sumasama ka. Fvck!" "So what do you think of me now?" Siguro badgirl ang tingin niya sakin. "I still like you!" Sambit niya. Napangiti ako. "I still like you too!" "What?" Para siyang nagulat. "I like you. You're my childhood friend. Bestfriend. You're like a brother to me." Matagal siyang natahimik. Sobra na kong inaantok kaya plano kong matulog muna. "I like you. 9 years but i still like you!" Bakit parang may iba sa pagkakasabi niya. Wala nako sa wisyo dahil sa kaantukan at kalasingan pero naririnig ko yung sinasabi niya. Narinig ko yung pag start ng kotse at naramdaman ko ang pag andar nun. Yun na yung huli kong naalala bago ako makatulog. ♥️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD