"Gimik uli tayo" sabi ni Evan nang matapos ang klase.
"Oo nga tara" pagsang ayon ni Zia.
"Final game na ng AUUP kaya support muna ko kay Zeus" sabi ni Sab.
Basketball player din si Zeus na bf niya.
"Ikaw Des hindi mo ba panonoorin yung Kuya mo?" Tanong pa niya sakin. Hindi ako mahilig manood ng laban ni Kuya sa basketball dahil naiinis lang ako kapag nakikipag-away siya sa court pero this time gusto ko manood.
"Sige tara manood tayo" sambit ko.
"Sama ko" sabi ni Ara.
"Sige na nga sama na din ako" sabi ni Zia.
"Sumabay na kayo sakin pupunta din ako" sabi ni Kiel.
Sumama na din ang iba pang lalake.
"Sakin kana uli sumabay" sabi ni Calix pagdating namin sa parking.
"Ha" napatingin ako kay Kiel na bigla din napatingin sakin nang marinig ang sinabi ni Calix.
"Sige" agad na sagot ko.
Bukod sa gusto kong kasama si Calix, alam kong maiinis dun si Kiel at gusto ko siyang mainis.
Hindi ko na lang siya tinignan. Ayoko salubungin ang mga tingin niya.
Hindi ko alam kung talagang pasaway talaga ko dahil sinabihan na ko ni Paolo na huwag sumama kay Calix at kahit kay Kiel pero heto ako ngayon kasama yung dalawa.
Si Ara at Sab ang sumabay sa kotse ni Kiel. Si Zia naman ay kay Evan.
Panay uli ang kwentuhan namin ni Calix sa kotse kaya nalibang din ako.
Hindi pa nagstart ang game pagdating namin sa Araneta. Nakapwesto kami 5th row mula sa harap. Tinawag ko si Kuya Dexter nang makita ko siyang nagwa-warmup. Kumaway naman siya sakin.
"Hindi ba nakakatakot yang Kuya mo" sabi ni Calix na katabi ko.
"Hindi naman masyado. Yung bf ko parati niyang inuupakan sa tuwing nakikita niya." Natawa na lang ako sa inis.
Nagulat ako ng lumapit si Kiel at ipatong uli ang jacket sa legs ko. Inayos pa niya ang pagkakalagay nun. Pati si Calix at iba pang mga kasama namin ay napatingin din. Hinayaan ko na lang siya dahil ipipilit niya rin naman yun.
Matapos niyang ilagay yun ay bumalik siya sa pwesto niya sa 4th row. Napatingin ako sa mga katabi niya. Katabi niya si Kuya Darwin at iba pang mga kaibigan ni Kuya.
"Sweet" sabi ni Sab na katabi ko sa left side. "May something ba sa inyo aside from being kababata?"
Hindi ko pa nakwento at wala akong balak ikwento sa mga kaibigan ko yung about kay Kiel dahil alam kong puro panunukso lang ang gagawin nila samin kapag magkakasama kami. Baka ma-awkward lang ako.
"Ano ka ba?" Nasabi ko lang kay Sab.
Lumapit sa kanya si Zeus kaya natigil na ang pagtatanong niya sakin.
"Goodluck Zeus" sambit namin sa kanya.
Nag start na ang game kaya focus na kami sa panonood. Proud na proud ako sa Kuya ko dahil nakarami agad siya ng points. Alam kong sobra ang determinasyon niyang manalo. Huling season na niya to ng paglalaro kaya gusto niyang mag champion sila. Natapos na ang first half. Medyo namamaos na ko sa katitili. Nagkakainitan na sa paglalaro pati mga fans ng Lateneo at UPM ay nagbabangayan na rin.
Maya maya ay may nangyari pang komosyon sa taas nang meron mag away na mga fans.
Nagulat kami ng umakyat dun yung isang player si Tyler at kinuha yung isang babae. Namukhaan ko yung babae yung singer yun na nililigawan ni Kuya. Sila ba ni Tyler? Napatingin ako kay Kuya na hindi maipinta ang mukha sa nakikita. Naawa tuloy ako sa Kuya ko.
Malapit na matapos ang game at lamang sila Kuya. Tensyonado na lahat lalo na ko. Gusto kong manalo si Kuya dahil gustong gusto niya yun. At yun nga yung nangyari.
Natapos ang game at team nila Kuya ang nanalo. Si Kuya din ang tinanghal na MVP kaya naiiyak ako sa tuwa. Nakita kong papalapit si Kuya sa mga kaibigan niya kaya agad akong tumayo nilapitan ko siya at niyakap.
"Congrats Kuya" panay ang iyak ko habang nakayakap sa kanya.
"Huwag ka ngang umiyak para ka namang ano eh" hinaplos haplos niya yung buhok ko para patahanin ako. Bumitaw na ko sa pagyakap sa kanya dahil marami pang gustong bumati sa kanya.
May bumungad na panyo sa harap ko. Pagtingin ko inaabot yun sakin ni Kiel na katabi ko. Kinuha ko yun dahil feeling ko basang basa na yung mukha ko ng luha.
"Magcelebrate tayo nanalo school natin" narinig kong sabi ni Miguel habang papalabas kami ng Araneta.
"Sige pero huwag na sa bar. Sa condo na lang ni Zi". Sabi ni Ara.
"Ha. Sige okay lang. Ano gusto nyo ba?" sambit ni Zia.
"I'm in. Gusto ko yan" sabi ko.
"Des ihahatid na kita lagot ka na naman sa Kuya mo pag umuwi ka ng lasing" sabi ni Kiel.
"May victory party naman sila Kuya kaya malamang madaling araw na siya uuwi" agad kong sabi.
"I'm in. Celebrate natin pagkapanalo nila Zeus" sabi ni Sab.
"Baka mastress ka pag nagulo ang condo mo" sabi ni Evan na nakaakbay kay Zia.
"Okay lang huwag lang kayong magulo" natawang sabi ni Zia.
"So ano sa condo tayo ni Zi. Pwede din sakin kung gusto nyo?" Sabi ni Calix.
"Gagu mamaya sumugod si Karen dun yari ka" sabi ni Randell.
"Wala na kami ni Karen ha" sabi ni Calix na tumingin sakin.
"Kila Zi na lang tayo" sabi ko.
Kay Calix uli ako sumabay papunta sa condo ni Zia. Naisip ko kay Kiel pero baka biglang iuwi nya ko sa bahay. Halata tuloy na napilitan lang din siya sumama.
Pagdating sa condo ni Zia umalis uli ang mga lalake para bumili ng pagkain at alak. Hindi ko na napansin si Kiel siguro umuwi na.
Dito din ang condo ni Kiel sa ibang floor lang ang unit niya. Kahit yung condo ni Kuya dito din.
Sinimulan agad namin ang pag inom pagdating ng mga lalake. Sa living area kami. Sa sofa kaming mga babae nakaupo habang ang mga lalake ay sa sahig.
Maya maya ay dumating si Kiel. Naka plain black tshirt siya. Iba sa suot niya kanina. Inalis ko yung braso kong nakadantay sa armrest ng sofa ng umupo siya dun. May dala pa rin siyang jacket at nilagay niya uli yun sa lap ko kahit may unan naman na nakapatong. Hinayaan ko na lang at inalis ko na lang yung unan.
"Akala namin hindi ka na pupunta eh" sabi ni Miguel.
"Dapat bro sinama mo si Maureen" sabi ni Calix sabay inom niya ng alak. Salitan niya kaming tinitignan ni Kiel siguro nakakahalata na din siya.
Umiling lang si Kiel sabay inom niya ng alak.
"Iuuwi kita ng 10 ha" sabi niya sakin medyo malakas yung pagkakasabi niya kaya narinig ng lahat.
Napatingin ako sa oras 9pm na.
"Maaga pa yun" sabi ni Zia
"Kauumpisa pa lang natin brad" sabi ni Evan.
"Ako na maghahatid sa kanya" sabi ni Calix
"Sa unit na lang ako ni Kuya uuwi sa 8th floor lang yun" sabi ko.
Napatingin ako kay Kiel. Mas okay yung expression niya kaysa kaninang sinabi ni Calix na sya ang maghahatid sakin.
Ilang minuto ang nagdaan marami na kaming naubos na alak. Minamalat na din ako sa pagkanta.
Medyo nahihilo na din ako at may mga tama na din ang iba kong kasama.
Pumunta ko sa kusina para uminom ng tubig. Nakita ko dun si Ara at Randell mukhang naghahalikan. Alam ko faithful sa bf si Ara siguro nahawa na samin ni Zia. Dedma lang ako sa dalawa at diretso sa ref.
"Excuse me kukuha lang ako ng tubig" natatawa kong sabi.
"Sige na ituloy nyo na" kinindatan ko si Ara pagkatapos kong uminom.
Nasalubong ko si Kiel na papunta ng kusina.
"Huwag ka na pumunta jan makakaistorbo ka lang" sabi ko sa kanya sabay hawak sa braso niya.
"Ha?" Taka niyang sabi. "Hinahanap lang kita akala ko kung saan ka na naman napunta" inupo niya ko sa sofa.
"Huwag ka aalis jan. Tell me na lang kung may kailangan ka." Tinabihan niya ko ng upo.
Pinatong niya yung braso niya sa sinasandalan ko sa likod kaya parang nakaakbay siya sakin.
Nakakaubos na kami ng alak. Nauna ng umuwi si Miguel sumunod si Sab. Tumayo si Kiel nang magring ang cellphone niya lumabas siya ng unit dahil maingay sa loob.
Tumayo din ako at nagpunta sa CR. Nararamdaman kong hindi na diretso ang paglalakad ko dahil sa dami ng nainom ko. Pagkalabas ko ng CR nakita ko si Calix sa balcony kaya pumunta ko dun. May kausap siya sa cellphone habang nagyoyosi. Nang makita niya ko narinig kong nagpaalam na siya sa kausap niya.
"Nasan na yung bantay mo?" Sabi niya habang tinatago sa bulsa ng pants niya yung cellphone.
"Hindi ko alam" sabi ko.
"Bakit parang bf mo kung umasta yun. Nakakapikon na din mga tingin niya eh" Mukhang badtrip siya kay Kiel.
"Eh kababata ko nga kasi siya parang magkapatid na kami nun. Huwag mo na lang pansinin".
"Mukhang may gusto siya sayo"
"Hindi ko naman siya gusto eh."
"Talaga. Ako i like you" napangiti niyang sabi. Lumipat siya ng pwesto sa harap ko at hinawak ang dalawang kamay sa harang ng balcony kaya parang nakulong ako sa mga bisig niya.
"Do you like me?" Tanong niya. Nakatitig siya sakin nagugwapuhan ako sa kanya. Gusto ko siyang nakakasama kaya siguro gusto ko din siya.
"May bf ako diba" sabi ko na lang sa kanya.
"So what? Pwede naman kitang agawin diba" unti unti niyang nilalapit yung katawan at mukha niya sakin. Alam kong hahalikan niya ko kaya naexcite ako.
Hahawakan ko sana siya sa balikat nang makarinig kami ng sigawan sa loob.
Pagtingin namin nandoon yung bf ni Zia tinulak niya si Evan at gumanti naman ng sapak si Evan. Pumunta dun si Calix para umawat.
Lalo akong nahilo na pinapanood silang nagkakagulo. Pakiramdam ko bumabaliktad ang sikmura ko plano ko sanang pumunta sa cr kaya lang may humawak sa braso ko at hinatak ako palabas ng condo. Nagkakanda-tapilok pa ko sa paglalakad dahil nakaheels ako. Maya maya ay binuhat na lang niya ko. Pamilyar sakin yung katawan at mga kamay na bumubuhat sakin.
"Kiel ayoko pa umuwi. May gagawin pa kami ni Calix". Natigilan ako dahil hindi ko pala dapat sabihin yun.
Expect ko ng titignan niya ko ng masama. Naramdaman kong nasa elevator kami.
"Anong passcode ng Kuya mo" tanong niya. Binaba na niya ko. Pagtingin ko nasa tapat na kami ng unit ni Kuya. Sinabi ko sa kanya yung passcode pero ayaw magbukas.
"Sure ka ba?" Tanong niya
I nodded. Feeling ko matutumba ako sa pagkakatayo kaya umupo ako sa sahig at pumikit.
"Baka nagpalit siya ng passcode."
Narinig kong sabi ni Kiel. Nagmulat ako ng mata nakita ko siyang hawak ang cellphone at nilagay yun sa tenga niya. Tinatawagan siguro si Kuya. Pumikit uli ako. Inaantok na ko kaya gusto ko ng pumasok sa loob.
Naramdaman kong binuhat niya ko. Nabuksan na siguro niya yung pinto. Nagmulat ako ng mata ng maramdaman ko ang hilo sa elevator. Bakit nasa elevator na naman kami. Babalik ba kami kila Zia. Gusto ko sanang magtanong pero walang lumalabas sa bibig ko.
Maya maya ay naramdaman ko yung kama sa likod ko. Minulat ko yung mata ko hindi to unit ni Zia. Hindi din kay Kuya. Pinilit kong bumangon. Nang makaupo ako bigla akong napahiga uli. Hinahanap ng paningin ko si Kiel pero hindi ko sya makita.
Nakita kong nakabukas yung pinto. Maya maya may pumasok. Si Kiel. Sinara niya yung pinto pagpasok niya. Wala siyang damit pantaas. Kahit malabo ang paningin ko dahil sa kalasingan malinaw kong nakikita yung abs niya. May tattoo din siya sa right side ng tyan niya na hindi ko maintindihan kung ano.
Nasa paanan ko siya tinitignan niya ko. Maya maya pumunta siya sa gilid ko at naupo sa gilid ng kama. Nataranta ko ng itaas niya ang dress na suot ko. Hinuhubaran niya ko.
"Kiel anong ...?" Ang dami kong gustong sabihin pero yun lang ang lumabas sa bibig ko. Nilalabanan ko yung hilo at antok ko. Gusto kong bumangon at umalis na sa kwarto na yun pero wala naman akong lakas. Nakaramdam ako ng lamig nang mahubad nya yung dress ko.
Naramdaman ko yung paghalik niya sa noo ko.
"Kiel huwag please" hindi ko alam kung nasabi ko ba yun o nasa isip ko lang. Nagmulat ako ng mata ng maramdaman ko yung braso niyang nakayakap sakin.
"Desiree i like you.. i love you" bulong niya sa'kin.
Tumingin siya sa mga mata ko. Pakiramdam ko tumatagos hanggang sa puso ko yung mga tingin niyang yun. Masarap sa pakiramdam. Nilalapit niya yung mukha niya sakin pero hindi ako umaayaw.
"I love you" huling bigkas niya bago niya ilapat yung labi niya sa labi ko.