Bumalikwas ako ng bangon pagkagising ko. Ang huli kong naalala kagabi ay yung hinalikan ako ni Kiel sa noo at labi. Habang nakaupo sa kama ay nilibot ko yung paningin sa paligid, nakita ko yung dress ko na nakahanger. Naalala kong hinubad yun ni Kiel. Napatingin ako sa sarili ko. May suot akong white shirt. Sinilip ko yung loob nakahinga ko ng maluwag ng makitang suot ko pa rin yung underwear ko. Pinakiramdaman ko yung sarili ko bukod sa sakit ng ulo ay wala naman akong nararamdaman na kakaiba sa katawan ko. Ilang minuto pa ay bumukas ang pinto. Sumilip si Kiel. Nang makita nya kong nakaupo ay pumasok siya sa loob. Hinagis ko sa kanya yung unan sa tabi ko. "Walanghiya ka Kiel anong ginawa mo sakin ha. Bakit mo ko inuwi dito. Bakit mo ko hinubaran. Hinalikan mo ko. Pinagsamantalahan m