CHAPTER 4

1668 Words
CHAPTER 4 It was Saturday afternoon when Maxine decided to go to a bookstore. Umaga pa lang ay nakapagpaalam na siya sa kanyang Auntie Cara at Uncle Leandro na pupunta roon. Katulad ng nakaugalian na ay nagbilin pa si Leandro na magpamaneho siya kay Mang David. It was okay with her. Hindi naman siya magtatagal sa labas at talagang may kailangan lang bilhin para sa gagamitin niya sa kanilang eskwelahan. Kung tutuusin ay maaari na lamang niyang iutos iyon kay Manang Rebecca, ang asawa ni Mang David. Ngunit mas pinili niya na siya na lamang ang umalis at mamili. Sakay ng kanilang kotse ay nagtungo si Maxine sa bookstore na matatagpuan sa isang sikat na mall hindi kalayuan sa subdivision kung saan sila nakatira. Mang David will just wait for her at the parking lot. Nagbilin naman siya dito na mabilis lamang ang gagawin niyang pamimili. She headed to the bookstore. Nagtungo agad siya sa bahagi kung saan naroon ang mga kailangan niya. Kasabay ng pagbili ng mga gagamitin niya ay kumuha din si Maxine ng dalawang kwaderno na may kakaibang disenyo sa pabalat nito. She used to collect notebooks with different cover. Maging mga sticky notes na iba't ibang disenyo at kulay ay kinahihiligan niya rin na kolektahin. Marami na siyang ganoon sa kanyang study table. Ang ilan nga ay hindi naman niya nagagamit. She was just happy collecting them. Ang makita ang marami niyang koleksyon ay nakapagpapangiti sa kanya. Hanggang sa mayamaya ay napunta siya sa bahagi kung saan nakalagay ang mga fictional books. Isa din sa mga pampalipas oras niya ay ang pagbabasa. Sa study room sa kanilang bahay ay may malaking shelf kung saan puno ng maraming libro. Those were her Auntie Cara's collection. Lumaki siyang naroon na ang mga iyon kaya marahil ay nahilig din siya sa mga libro. Huminto siya sa paglalakad habang sinisipat ang mga librong nasa kanyang harapan. She was a fan of English novels, lalo na kung mga romance stories. One book got her attention. Kinuha niya iyon mula sa pinaglalagyan at pinasadahan ng basa ang likurang bahagi niyon. The author of the book was one of her favorites. Nag-iisa na lamang ang naturang libro at wala nang ibang kopya. Dahil sa sikat ang manunulat niyon kaya marahil mabenta agad ang bagong labas nitong aklat. She wanted to buy it. Ngunit nang akmang kukunin na niya ito ay napalingon siya sa babaeng nasa kanyang kaliwa. She must be on her late twenties. Sa kabila ng edad nito ay hamak na mas matangkad si Maxine. Pilit na kinukuha ng babae ang isang libro na nasa pinakamataas na bahagi ng shelf. Hindi nito maabot iyon. Out of courtesy, Maxine helped her get the book that she wanted. Binitawan niya muna ang librong hawak-hawak niya upang abutin ang napili naman ng babae. She handed it to her. Nagpasalamat pa ito sa kanya kasabay ng isang matamis na ngiti. Maxine smiled at her as well. Nang makatalikod na ang babae ay inayos na ni Maxine ang pagkakahawak niya sa blue basket kung saan naroon ang mga nauna na niyang napili para bilhin. Agad na siyang lumingon sa pinaglalagyan ng librong balak niya sanang kunin kanina. Dahil sa pagdalo niya sa babae ay ibinalik niya muna iyon sa pinaglalagyan. But Maxine was stunned when she turned to get the book. Isang pamilyar na bulto ang nakita niyang nakatayo roon. Sa mga kamay nito ay ang aklat na balak niya sanang bilhin. "Y-You again," saad niya sa binatang nabungaran sa kanyang likuran--- si Kurt. Lumingon sa kanya ang binata. Hindi ito nagsalita bagkus ay tuluyan nang kinuha ang libro mula sa shelf. Maxine walked towards him. Hindi niya napigilan ang magsalita ulit. "Nauna na akong makapili sa aklat na iyan," saad niya dito. Itinuro niya pa ang bagay na hawak na ng binata. "Nauna?" anito sa antipatikong tinig. "Kung napili mo na ito ay bakit wala sa basket na dala mo, Miss Gold Tier?" "Stop calling me that way!" she snapped at him. "May linapitan lang akong babae kaya binitawan ko muna iyan. But I was really about to get it." "Ganyan ba talaga kayong mga nabibilang sa gold tier? If you want it, you'll get it? Is that the name of the game?" Kurt said sarcastically. Somehow, Maxine wanted to feel embarrassed. Hindi naman siya ganoon. She wasn't a spoil brat. Totoong mayroon siya ng lahat ng kailangan niya. As a Sevilla, madali lang para sa kanya ang makuha ang lahat ng naisin niya. But Maxine knew her limitation. Hindi porke't gusto niya ay pipilitin na niyang kunin. It was just that, she was really the first one to get that book. Binitawan niya lang talaga dahil sa babae kanina. Ang pagkakamali niya lang ay ibinalik niya pa sa shelf sa halip na ilagay na lamang sa basket na bitbit niya. Nang hindi siya nakaimik ay muling nagwika ang binata. "I'll have it, Miss Gold Tier," anito sabay angat pa ng kamay kung saan hawak nito ang libro. Dalawang bagay ang kinaiinisan niya dito. Una, ang uri ng pagtukoy nito sa kanya. Everytime he would call her "Miss Gold Tier", she felt like he was mocking her. Pangalawa sa kinaiinisan niya sa lalaki ay ang pagkaantipatiko nito. Hindi man lang marunong magpaka-gentleman. Naiinis pa rin na napabuntong-hininga na lamang siya nang tumalikod na si Kurt sa kanya. Ilang hakbang pa lang ang nagagawa nito ay muli na itong pumihit paharap sa kanya. She was anticipating for him to give her the book. Kung hindi lang talaga nag-iisang kopya na lamang ang naturang aklat ay hindi siya manghihinayang roon. Ngunit bumagsak lamang ang kanyang mga balikat nang marinig niya ang iba pang sinabi ni Kurt. "Tungkol nga pala sa sinabi ko sa iyo nang nakaraan," wika nito. "Remember? Iyong muntik ka nang mabunggo ng sasakyan?" Agad ang pagtaas ng isa niyang kilay. So, naaalala pa talaga iyon ng binata? "What about it?" "Remember? I told you I want something in return." "Kurt, talaga ba---" "Naisip ko na kung ano ang hihingin kong kapalit," patuloy nito sa pagsasalita at hindi pinansin ang mga sasabihin niya sana. "W-What?" Hindi niya maiwasang kabahan nang magtanong dito. Bakit ba pakiramdam niya ay walang gagawing matino ang lalaking ito? "I'll tell you on Monday. Alas-dos ang huli nating klase, hindi ba? Meet me at the library after our last class." "Wait... Wait. I didn't say yes about it. Bakit ba kailangan mo pang humingi ng kapalit sa ginawa mong pagtulong sa akin?" Kurt just shrugged his shoulders. Sa muli ay hindi naman nito pinansin ang mga sinabi niya. "I'll wait for you there, Miss Gold Tier." Pagkasabi niyon ni Kurt ay tuluyan na siya nitong tinalikuran. Bitbit na ng binata ang aklat nang maglakad ito palapit sa isa sa mga cashiers na naroon. Totoong binili nga ni Kurt ang librong gusto niya. And she can't help but to wonder, talaga bang nagbabasa ng ganoong aklat ang binata? She just heaved out a deep sigh. Hindi niya rin maiwasang isipin ang mga huling sinabi nito. Kakatagpuin niya ba ito? Makikipagkita ba siya dito sa Lunes pagkatapos ng kanilang klase? LUNES NG umaga ay magkakaharap na sa hapag sina Maxine at ang kanyang pamilya. Ang kanyang Uncle Leandro ay nakaupo sa kabisera ng mahabang mesa. Nasa kanan nito ang kanyang Auntie Cara habang siya ang nasa kaliwa ng kanyang tiyuhin. Si Zandro ay katabi naman ni Cara ng kinauupuan. Samantalang siya ay si Celine ang nasa tabi. Celine was Leandro and Cara's adopted daughter. Hindi man legal ngunit ang mag-asawa na ang nagpalaki sa dalagita. Ayon sa kanyang tiyahin ay anak si Celine ng dati niyang tagapag-alaga na si Anika. Nang mamatay ang babae ay sa mag-asawang Sevilla nito iniwan si Celine. Together with Zandro, they grew up together. Though, oftentimes ay lagi nang hindi magkasundo sina Celine at Zandro, kung bakit ay hindi niya alam. Madalas din kasi itong buskahin ng kanyang pinsan dahilan para lagi na ay mapikon dito si Celine. Katulad ng karaniwan nilang mga araw ay papasok na rin sa kani-kaniyang trabaho sina Cara at Leandro. Si Zandro naman ay mayamaya pa ang pasok sa Montecillo University. "Have you bought all the things that you need last Saturday, Max?" narinig niyang tanong ni Cara sa kanya. "Yes, auntie," tugon niya dito. Tumango ang tiyahin niya. Uminom muna ito ng tubig bago muling nagwika. "It's your birthday three months from now. Do you have some plans already?" "It's your twentieth. Why don't we have a small party? You can invite your friends and classmates," suhestiyon naman ni Leandro. Hindi siya nakapagsalita. Ang small party na tinutukoy nito ay panigurado siyang hindi naman 'small'. Magiging magarbo iyon. Sa tuwing may pagdiriwang sa kanilang pamilya ay hindi naman maaaring simple lamang iyon. Lagi na ay malaking selebrasyon ang nagaganap at dinadaluhan pa ng mga business associates ng mag-asawa. She just smiled at them. Pumayag siya sa suhestiyon ng mga ito. Alam niya na ngayon pa lang ay mag-uumpisa nang magplano ang kanyang tiyahin tungkol sa bagay na iyon. Ilang saglit pa ay gumayak na sila sa pagpasok. Muli siyang inihatid ni Mang David sa Montecillo University. Alas-nueve ng umaga ang una niyang klase at agad na siyang nagtuloy doon pagkarating niya ng unibersidad. Nakaupo na siya sa kanyang puwesto nang pumasok ang binatang nagpagulo ng isipan niya nang Sabado. Tuloy-tuloy din itong naglakad patungo sa hulihang parte ng silid kung saan lagi itong nauupo. She can't help but to follow Kurt with her stares. Muli niyang naalala ang mga napag-usapan nila sa may bookstore. Seryoso ba ito sa mga sinabi nito? Would he really wait for her at the library? Nang mapalingon sa kanya si Kurt ay agad niyang binawi ang kanyang mga matang nakamasid pa rin dito. Naupo na siya nang tuwid at mas tinutok na lang ang kanyang mga mata sa unahan ng silid. Hindi niya alam kung seseryosohin niya ba ang mga sinabi ni Kurt sa kanya. Would she meet him at the library after class? Bahala na!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD