CHAPTER 5
Dahan-dahang naglakad si Maxine patungo sa direksyon ng library ng Montecillo University. Ilang minuto na ang nakalipas mula nang matapos ang huli nilang klase para sa araw na iyon.
Pagkaalis ng propesora na nagturo sa kanila ay napansin na niya ang agad na pagtayo ni Kurt at paglabas ng kanilang silid. Sa loob ng ilang linggo simula nang mag-umpisa ang school year ay napansin na niya ang pagiging mailap nito sa mga tao. Wala rin siyang natatandaan na pagkakataon na lumabas si Kurt na kasabayan ang iba pa nilang kaklase. Lagi na ay mag-isa lamang ito saan man magpunta.
At kanina nga ay hindi na nawala sa isipan ni Maxine ang mga sinabi ng binata nang nakaraang Sabado. Sa totoo lang ay wala sana siyang balak na katagpuin ito sa library nang araw na iyon. Mang David must be waiting for her outside the campus. Alam nito ang schedule niya at malamang na naghihintay na ito sa labas. Hindi niya rin sigurado kung talagang nasa loob ng library si Kurt. Malay niya ba kung pinag-tripan lamang siya nito.
Pero sa hindi malamang dahilan ay nagpasya pa rin si Maxine na huwag muna lumabas ng unibersidad. Natagpuan na lamang niya ang kanyang sarili na naglalakad na patungo sa lugar na sinabi ng binata kung saan siya hihintayin nito.
Pagkapasok sa loob ng library ay agad na iniikot ni Maxine ang kanyang mga mata sa kabuuan ng lugar. Napakalawak ng library ng Montecillo University. Bilang isang prestihiyosong eskwelahan, ang mga amenities ng lugar ay sadyang naiiba din kaysa sa ibang unibersidad sa bansa.
Library pa lamang nito ay sadyang napakalawak na. Naglalakihan ang mga shelves na naroon na sadyang puno ng iba't ibang mga libro. Marami din ang mesa sa loob ng silid na maaaring pwestuhan ng mga estudyante.
Maxine walked in the room. Ang kanyang paningin ay iginala niya sa paligid sa pag-asam na makita si Kurt, kung totoo man nga ang sinabi nito na maghihintay ito roon para sa kanya.
Maraming estudyante sa loob ng library. Bawat isa ay abala sa mga ginagawa ng mga ito. Sa kabila niyon ay nakita din naman agad ng dalaga ang binatang hinahanap ng kanyang mga mata.
Nakaupo si Kurt sa bandang sulok na ng library. Prente itong nakapwesto roon na wari ba ay talagang hinihintay siya.
Nang makita siya ng binata ay napaupo ito nang tuwid. Samantalang si Maxine ay bigla na lamang bumagal ang paghakbang. Hindi niya maintindihan kung bakit pakiramdam niya ay bigla siyang nailang sa kaalaman na sa kanya nakatutok ang mga mata nito.
Sa tuwing pumapasok siya sa unibersidad na iyon ay lagi naman niyang nakikita si Kurt. Pero hindi pa rin mawari ni Maxine kung bakit kakaiba ang nadarama niya sa tuwing alam niya na nasa paligid lamang ito.
Napabuga na lamang siya ng malalim na buntong-hininga bago pinagpatuloy na ang paglapit sa binata. Naupo siya sa harap nito saka walang pasa-kalye nang nagtanong.
"Why did you want us to meet here?"
"Akala ko'y hindi ka na darating. Why, it's almost forty-five minutes since our last class," saad ng binata na sadyang sinulyapan pa ang suot nitong relong pambisig.
Hindi maiwasang mapaisip ni Maxine. Talaga bang naghintay ito para sa kanya? Paano pala kung hindi siya pumunta roon at dumiretso na nang uwi?
"Tell me what you want, Kurt," wika na niya dito. "Hindi ako puwede magtagal. Our driver is waiting for me outside."
Isang tipid na ngiti ang sumilay mula sa mga labi nito. Gusto niya pang isipin na isang sarkastikong ngiti ang namutawi mula sa binata.
"Perks of being a daughter of a billionaire," anito. "Lagi bang may nakabuntot sa iyo saan ka man magpunta?"
Hindi niya na pinansin ang patutsada nito.
"What do you need? Ang sabi mo ay ngayon mo sasabihin kung ano ang hihingin mong 'kapalit' sa tulong na ginawa mo?" she said sarcastically. Sadyang pinagdiinan niya pa ang salitang kapalit. Hanggang ngayon ay hindi niya maisip kung ano ang hihingin nitong kapalit sa ginawa nitong pagtulong.
"Yeah," saad ng binata. "I know now what I want in return."
"Do you want me to pay you?" Hindi niya maiwasang taasan ito ng kilay.
"Save your money, Miss Gold Tier. Hindi ko kailangan iyan," wika nito sa seryosong tinig. Gusto niya pang isipin na galit ang dumaan sa mga mata nito nang magsalita.
She didn't mean to insult him. Pero kung may hihingin man itong kapalit sa ginawa nito ay wala siyang ibang maisip kundi ang pera.
"Then, what do you need?" usisa niya pa dito.
"You're smart," pahayag ni Kurt sa kanya. Sa pagkakataon na iyon ay bahagya na ulit lumambot ang ekspresyon sa mukha nito. "Gusto kong turuan mo ako sa ilang asignatura natin. Be my tutor, Miss Gold Tier."
"What?!"
"Hanggang alas-dos lang ang klase natin tuwing MWF. We can meet on that days," patuloy nito sa pagsasalita na hindi man lang pinansin ang pagkagulat niya dahil sa mga sinabi nito.
Tigalgal na napatitig siya dito. She wasn't expecting that from him. Ilang linggo na rin mula nang mag-umpisa ang klase at masasabi nga niyang isa si Kurt sa mga estudyante na hindi gaanong nagseseryoso sa pag-aaral.
Hindi ito katulad niya na halos gawin na ang lahat para lang maipasa ang kanilang mga asignatura. Totoong hindi naman mabababa ang mga nakukuhang grado nito sa kanilang mga pagsusulit, ngunit wari ba'y sapat na para sa binata ang maipasa lamang ang mga iyon.
"Are you serious?" tanong niya pa dito.
"Yes."
HUMINTO ANG SASAKYANG kinalulunaran ni Maxine sa harap ng Montecillo University. Inayos na niya ang kanyang mga gamit at akmang bababa na nang bigla ay balingan niya muna si Mang David.
"I'll be late later, Mang David. May kailangan lang ho akong gawin sa library," wika niya sa matanda.
Miyerkules at hanggang alas-dos lamang ang pasok nila. Ngunit dahil nga sa napag-usapan nila ni Kurt ay kinailangan pa ni Maxine na manatili sa eskwelahan para katagpuin ito at maturuan.
Hindi niya alam kung bakit siya pumayag sa nais nito. In the first place, para sa kanya ay hindi dapat ito humihingi ng kapalit sa pagtulong sa iba. Maliit man o malaking bagay, dapat ay bukal iyon sa loob nito.
At first, she wanted to protest. Una na sa lahat ay hindi niya nais ang ideya na magiging madalas ang pagsasama nila ni Kurt. Not that she hates the man. Hindi niya lang mawari sa kanyang sarili kung bakit sa tuwing alam niya na malapit lamang ito sa kanya ay nagugulo na ang kanyang sistema.
Ngunit sa huli ay sinang-ayunan na rin ng dalaga ang hinihiling nito. Tutal, wala namang masama kung sakali man nga na magpatulong ito sa kanilang mga leksyon. Baka nga talagang nahihirapan ito at kailangan ng magtuturo.
At ngayon nga ang unang araw ng pag-tutor niya sa binata. Nang tumango sa kanya si Mang David ay agad na rin siyang lumabas ng kanilang kotse upang pumasok na sa Montecillo University.
The day went on. Pinasukan niya ang lahat ng klase niya para sa araw na iyon. Ang iba pa roon ay kaklase niya si Kurt. Sa kabila ng usapan nila ay hindi man lang sila nagpansinan ng binata sa loob ng kanilang silid-aralan. It was as if they didn't know each other.
Hanggang sa dumating ang alas-dos ng hapon. Tulad ng nakaugalian ni Kurt ay ito ulit ang kauna-unahang lumabas ng silid na kinaroroonan nila. Kung patungo na ito sa library ay hindi niya alam.
"Max, want to come with us? Let's have some snack," narinig niyang saad ni Melissa.
Inaayos na niya ang kanyang mga gamit para sa kanyang paglabas. Si Melissa ay nakatayo na sa kanyang harapan habang katabi pa si Emily. Kapwa nakatunghay ang mga ito sa kanya at mistula pa'y hinihintay siya para makasabay sa pagbaba.
Maxine cleared her throat. "M-May... May kailangan lang kasi akong daanan?."
"Samahan ka na namin," suhestiyon pa ni Melissa.
"Next time na lang siguro, Mel, Em. May pupuntahan pa kasi ako," saad niya sa mga ito bago tuluyan nang nagpaalam sa dalawa.
Nagtataka man sa kanyang mga ikinikilos ay hindi na nagtanong pa ang dalawa. Sanay ang mga ito na umuuwi siya agad pagkatapos ng kanilang klase. Unlike her, Melissa and Emily have social lives. Minsan ay inaaya pa siya ng dalawa na sumama sa mga ito na gumala, bagay na bihira niya lamang mapaunlakan.
Hindi niya nais na masita ng kanyang Uncle Leandro at Auntie Cara. Hangga't maaari ay nais muna ng mga ito na makapagtapos sila ni Zandro ng pag-aaral. Naiintindihan niya ang bagay na iyon, marahil ay dahil na rin sa siya rin naman ang uri ng tao na hindi sanay na magliwaliw.
Ilang hakbang na lamang siya bago makarating sa may library ay disimulado pang iginala ni Maxine sa paligid ang kanyang paningin. Hindi niya nais magsinungaling sa kanyang mga kaibigan. Naisip niya rin namang sabihin sa mga ito ang naging usapan nila ni Kurt.
Alam niyang ikabibigla iyon ng dalawa. Kurt was so distant from all of them. Ano kaya ang magiging reaksyon ng mga ito kapag nalaman na heto't nagtatagpo sila kapag tapos na ang klase?
Agad siyang lumapit sa binata nang makita niya ito. Nakaupo ito sa parehong pwesto sa library kung saan sila nag-usap nang Lunes.
Nang tuluyang makalapit dito ay agad na nagtanong si Maxine. "Saang subject tayo mag-uumpisa?"
"Your choice," tipid nitong sagot sa kanya.
She chose Math. Karamihan naman ay doon nahihirapan. Binuklat niya rin ang librong pag-aari niya. Mas pinagtuunan niya ng pansin ang leksyon na katatapos lamang ituro sa kanila kanina. Malamang na sariwa pa iyon sa isipan ng binata kaya madali na lamang para sa kanya na i-review iyon.
Magkatabi silang nakaupo. She explained to him the lesson that they have. Mahaba-haba na ang nasasabi niya habang ang kanyang mga mata ay nakatutok sa librong nasa kanilang harapan.
Nang bigla ay natigilan si Maxine sa pagsasalita nang mapalingon siya sa kanyang katabi. Nahuli niya itong nakatitig nang mataman sa kanyang mukha.
"Are you listening?" she snapped at him. Mistula ba kasi'y wala naman sa kanyang mga sinabi ang pansin ng binata.
"Of course."
"Okay," aniya sabay kuha ng yellow pad. Doon ay naglagay siya ng sample equations na maaaring sagutan ng binata. "Try answering this. Madali lang ito kung nakinig ka sa turo kanina, pati sa mga sinabi ko ngayon."
Nababagot na kinuha ni Kurt ang papel mula sa kanya. Gamit ang sarili nitong ballpen ay nagsimulang sagutan ng binata ang ibinigay niya.
Until now, she's still wondering. Kailangan ba talaga nito ng tutor? Nahihirapan ba talaga ito sa pagsabay sa leksyon?
Habang sumasagot ito ay hindi niya maiwasang isipin ang araw na makita niya ito sa bookstore. Katulad niya ba'y mahilig din ito sa mga libro? The book that he bought was actually a romance story. Nagbabasa ba noon ang binata?
The genre of the book didn't even suit his personality. Brusko at antipatiko ito kung kumilos, pero nagbabasa ng love story?
Marahan siyang napatikhim. Dahil sa ginawa niya ay napalingon sa kanya ang binata.
"Why?"
"K-Kurt," nag-aalangan niyang saad dito. "About the book that you bought last Saturday..."
Kunot-noong napatingin ito sa kanya. Alam niyang naalala nito ang tinukoy niya. Nang hindi ito nagsalita ay nagpatuloy siya sa pang-uusisa.
"Have you read it? Mahilig ka ba sa ganoong babasahin?"
"No and no," sagot nito sa dalawa niyang tanong.
Sa pagkakataon na iyon ay siya naman ang napakunot ang noo. "Then, why did you buy it?"
Hindi naman pala nito binasa, bakit hindi na lang hinayaan na siya ang makabili niyon?
"I would give it to someone... special," anito. Tuluyan na nitong hininto ang pagsagot at hinarap siya.
Wari naman ay may nagbara sa kanyang lalamunan dahil sa naging sagot nito. Special? Sa nanay kaya o kapatid? O kasintahan? She didn't have a clue.
"W-Why? Kaarawan ba?" tanong niya sa kawalan ng masabi dito.
"Hindi ko alam," seryoso nitong saad sabay baling na ulit sa pinapasagutan niya.
"Hindi mo alam?" ulit niya sa mga sinabi nito.
Wari namang naiinis na lumingon ito muli sa kanya. "Hindi ko alam kung kailan ang kaarawan niya. I just knew that she would like the book if she could have it. Bakit ba ang dami mong tanong?"
"Why, I was just asking!" she hissed at him. Pilit na pinipigilan niyang huwag tumaas ang tinig dahil sa pag-aalalang baka masita sila sa library.
Bakit ba ang sungit ng lalaking ito?