CHAPTER 3

1235 Words
CHAPTER 3 Matulin na lumipas ang mga araw. Ilang linggo na rin simula nang mag-umpisa ang unang semester ng taon na iyon. Every day was just normal for Maxine. Katulad ng mga nakaraang taon ng buhay niya ay sa bahay at eskwelahan lang umiikot ang mundo ng dalaga, maliban na lamang sa mga pagkakataon na nagbabakasyon siya kasama ng kanyang pamilya. Dahil sa huling taon na niya iyon sa kolehiyo ay puspusan ang pag-aaral na ginagawa niya. Hindi niya nais na sa huling taon pa niya ma-disappoint ang kanyang Auntie Cara at Uncle Leandro. Simula nang tumuntong siya sa kolehiyo ay nakatanim na sa kanyang isipan ang pagnanais na paluguran ang mga ito sa pamamagitan ng matataas na marka. Araw ng Biyernes at pauwi na siya mula sa Montecillo University. Katulad ng nakaugalian ay naghintay siya kay Mang David upang masundo nito. Kung tutuusin ay may dorm sa unibersidad na iyon. Kompleto sa amenities ang paaralan at bilang nagmula siya sa gold tier ay madali lang para sa kanya na magamit ang mga iyon. Ngunit duda pa siya kung papayagan siya ng kanyang Uncle Leandro na mag-dorm na lamang kaysa ang umuwi sa kanilang tahanan. Leandro has been so protective to them ever since. At nahihinuha na niyang hindi ito basta papayag na manirahan siya roon. Kasalukuyan na siyang naglalakad patungo sa may parking lot ng unibersidad. Dahil sa hatid-sundo na siya ni Mang David ay alam na niya kung saan hahanapin ang kanilang sasakyan at doon na nga agad ang tungo niya pagkatapos ng huli niyang klase. But just as when she was about to continue walking, her phone rang. Nasa loob iyon ng kanyang bag at nang marinig ang pagtunog ay akma na sanang kukunin ni Maxine ang aparato. Binubuksan na niya ang kanyang bag nang bigla na lamang ay makarinig siya ng malakas na busina. It felt like a déja vu. Nang unang araw ng pasukan ay nangyari na rin iyon sa kanya. Ngunit iba sa pagkakataon na iyon. Nang lumingon siya sa pinagmulan ng busina ay isang kulay pulang kotse ang patungo sa kanyang direksyon. Nagmula ito sa parking lot at palabas na ng unibersidad. At dahil sa patungo naman siya sa may parking ay akma sanang masasalubong niya ito, bagay na hindi niya napansin dahil sa balak niyang pagkuha ng kanyang cell phone. Agad siyang nabalot ng pangamba dahil sa maaaring mangyari ngunit bago pa man tuluyang makalapit sa kanya ang sasakyan ay isang kamay na ang pahablot na humila sa kanyang kaliwang braso. Someone grabbed her and instantly guided her to walk. Naging bahagyang marahas pa nga ang paghila nito sa kanya sa gilid ng daan. Nabigla man ay agad nang napatingala si Maxine sa taong humila sa kanya sa tabi. But only to be stunned as she saw the man who did that. Si Kurt... ang kaklase niyang una na ring muntik nang makabangga sa kanya noon. Natitigilan pa siyang nakatitig sa binata. Hindi siya nito pinansin, bagkus ay ang sasakyan na kulay pula ang binalingan nito. Isang pagtango lang ang ginawa ng binata sa driver ng sasakyan nang ibaba nito ang salamin ng bintana. The driver asked if she was okay. Marahil ay driver din ito ng isa sa mga estudyante sa unibersidad na iyon. Nang masigurong wala namang nangyari ay umalis na ang sasakyan. Noon lamang siya nilingon ng binata. For a moment ay hindi ito nagsalita. Naroon lamang ito at tahimik pa munang nakamasid sa kanya. Kung ano man ang iniisip nito ay hindi niya mahulaan. Gusto niya pang isipin na baka pag-aalala ang nakikita niya sa mukha ng kanyang kaharap. O marahil ay nagkakamali lamang siya. Dahil paglipas lamang ng ilang saglit ay sarkastiko na itong nagsalita sa kanya. "Lagi ka bang ganito? Laging muntik na masagasaan?" paasik nitong wika sa kanya. Ang pag-aalalang nakita niya sa mukha nito kanina ay waring guni-guni lamang sapagkat ngayon ay magkadikit na ang mga kilay na nakatunghay sa kanya ang binata. "Hindi ito ang unang beses na muntik ka nang mabangga," patuloy pa nito sa pagsasalita. "Remember, the first day of class?" "Hindi ko napansin ang sasakyan. I was just about to---" "Katulad ng hindi mo rin napansin ang motorsiklo ko, ganoon ba?" putol nito sa kanyang pagsasalita. "Dito pa lang sa loob ng unibersidad ay ganyan ka na. What more kapag nasa labas ka? Hindi pwede ang aanga-anga sa daan, Miss Gold Tier." "Excuse me?" aniya sa kaharap. "Just because you saved me a while ago didn't give you the right to insult me." "Hindi kita iniinsulto. I'm just stating a fact," bwelta nito sa kanya. "Hindi sa lahat ng pagkakataon ay makakaiwas ka sa mga sasakyan. Paano kung sa susunod ay mahagip ka na talaga?" She was silent for a while. Dahil sa mga sinabi nito ay gusto niyang isipin na totoo ngang pag-aalala ang nakita niya sa mukha ng binata kanina. Napabuntong-hininga na lamang ito nang hindi siya nakaimik. Katulad niya ay hindi na rin nagsalita pa ang binata. Pumihit na lamang ito patalikod upang umalis na. Nasisiguro niyang patungo na rin ito sa motorsiklong pag-aari. Sa loob ng ilang linggo ng eskwela ay iyon ang lagi niyang nakikitang iminamaneho ni Kurt. Ilang hakbang pa lamang ang nagagawa nito palayo sa kanya ay muli nang nahinto ang binata nang magsalita siya ulit. "Thank you," mabilis niyang saad dito. Napahigpit pa ang hawak niya sa strap ng kanyang bag nang lumingon muli sa kanya ang binata. "S-Salamat..." The corner of his lips twisted upwardly. Kung para saan iyon ay hindi niya alam. Ni hindi niya matawag na isang pagngiti ang ginawa ni Kurt. It was like he was mocking her. "So, the princess knows how to thank someone." Kunot-noong napatitig siya dito. Ano ba ang gusto nitong sabihin? Na hindi siya marunong magpasalamat sa mga taong nakagawa rin ng mabuti sa kanya? Gusto niya itong salungatin. Ngunit bago pa man niya maibuka ang kanyang bibig ay muli nang nagwika ang binata. "Hindi ko matatanggap ang pasasalamat mo, Miss Gold Tier," saad nito sa kanya sa seryosong tinig. "W-What... What do you mean?" naguguluhan niyang saad dito. "I want something in return." "What?!" bulalas niya, hindi inasahan ang mga sinabi nito. Hindi niya makuha ang nais nitong ipahiwatig. Gusto ba nitong bayaran niya ang kabutihang nagawa nito? Like as if, napakalaking bagay na ang nagawa ng binata. Nasisiguro niya naman na kahit hindi ito sumulpot ay hindi pa rin siya mahahagip ng sasakyan kanina. Mabagal lang naman ang pagmamaneho niyon at bago pa man iyon makalapit sa kanya ay paniguradong nakatabi na siya. Not that she wasn't thankful for what he did. Pero kailangan ba talaga ay may kapalit ang ginawa nito? "What do you mean by that?" ulit niyang tanong dito. Her eyes were intently looking at him. Sa kanyang mukha din nakatutok ang mga mata ng binata. Nagkibit pa ito ng mga balikat nang sumagot sa kanyang tanong. "Saka na kita sisingilin kapag naisip ko na kung ano ang gusto kong kapalit sa pagtulong na ginawa ko sa iyo," maangas nitong saad sa kanya bago walang paalam na tuluyan na siyang tinalikuran. Naglakad na ito patungo sa direksyon kung saan nakaparada ang motorsiklo nito. Sinundan pa ito ng tanaw ni Maxine. Matagal bago naproseso ng kanyang utak ang mga sinabi nito. Hindi niya man gusto, pero bakit mistula'y kinabahan siya dahil sa uri ng pananalita nito? At ano nga ba ang hihingin nitong kapalit?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD