CHAPTER 2
Agad na sinalubong si Maxine ng kanyang mga kaibigan na sina Melissa at Emily nang makapasok siya sa kanilang silid-aralan. Kanina pa sana siya nakarating roon kung hindi lang sa insidenteng nangyari kanina. Hanggang sa mga oras na iyon ay bumabalik pa rin sa kanyang isipan ang usapang namagitan sa kanila ng binatang muntik nang makabunggo sa kanya.
Hindi niya lubos akalain na may isang estudyanteng makakasagutan niya sa unang araw pa lang ng eskwela.
"Bakit ngayon ka lang?" usisa agad sa kanya ni Emily.
Inakay na siya nito sa katabi lamang ng pwesto ng dalawa. Kaibigan na niya si Emily mula pa ng sekondarya samantalang si Melissa ay naging malapit sa kanila simula nang pumasok sila sa kolehiyo.
Both of them also came from well-off families. Kapwa rin mga gold tier ang mga ito at mula nang unang taon nila sa kolehiyo ay lagi nang silang tatlo ang magkakasama-sama.
"Something just happened," tipid na lamang niyang saad dito. Hindi na niya isinalaysay pa ang mga nangyari kanina.
"Anyway, wala pa naman ang professor natin para sa unang asignatura," wika naman ni Melissa.
"So, how was your vacation?" tanong ni Emily nang nakaupo na silang tatlo.
Dahil sa wala pa ang magtuturo sa kanila nang oras na iyon ay nagkaroon pa sila ng pagkakataon upang kumustahin ang mga naging bakasyon ng bawat isa. Masayang nagsalaysay ang dalawa niyang kaibigan ng mga ginawa ng mga ito nang wala pang pasok. Maging siya man ay nagkuwento ng pagpunta nila ng kanyang pamilya sa New York kung saan may isang branch ang hotel na pag-aari ng mga Sevilla.
Hindi niya alam kung matatawag man nga na bakasyon iyon sapagkat nagtungo roon ang kanyang Uncle Leandro, katulong ang kanyang Auntie Cara, para din sa trabaho. Naging abala pa rin ang mga ito sa hotel branch nila roon habang sila lamang ng pinsang niyang si Zandro ang nagkaroon ng pagkakataon na mamasyal sa naturang lugar.
Masaya siyang nakikipagkwentuhan sa dalawa niyang kaibigan. Maging ang iba pa nilang kaklase ay may kanya-kanya ding pinagkakaabalahan. Ang iba ay may kausap. Ang iba ay abala sa kani-kanilang cell phone. Habang ang ilan naman ay nakaupo lamang at nakamasid.
Hanggang sa mayamaya ay naputol ang kanilang usapan nang may pumasok na isa pang estudyante sa kanilang silid. All the students darted their eyes to the new comer. Maging si Maxine at ang kanyang mga kaibigan ay napalingon na rin dahil sa naging rason ng biglaang pagtahimik ng kanilang mga kaklase.
Hindi na sana iyon papansinin pa ni Maxine. Maaaring isang estudyante na nahuli lamang sa pagdating kaya ngayon lamang nakapasok sa kanilang silid. But Maxine's eyes instantly widened when she saw the student who has just arrived.
Tuloy-tuloy itong naglakad patungo sa upuang nasa pinakadulo. Doon ay naupo ito at tipid na tumango lamang sa ilang kaklase nila na bumati rito.
Agad na napako ang kanyang mga mata sa binata. Ito ang lalaking nakausap niya kanina. Ito ang lalaking nagmamaneho ng motorsiklong muntik nang makahagip sa kanya.
Kaklase niya ba ito? Kaya ba naroon ito ngayon sa kanilang silid?
Ang ilan sa mga kaklase ni Maxine ay bumalik na sa kani-kanilang mga pinagkakaabalahan. Maging sina Emily at Melissa ay muli nang pinagpatuloy ang pag-uusap. Ngunit si Maxine ay halos maipako na sa kanyang kinauupuan. Hindi na niya nagawa pang makisabay sa usapan ng kanyang mga kaibigan.
Naroon lamang siya at nakatitig pa rin sa huling estudyanteng pumasok sa kanilang silid. Ilang upuan din ang pagitan ng kanilang mga pwesto ngunit sapat lamang iyon upang matitigan niyang maigi ang mukha nito.
He looked so serious. Halos hindi ito nakikipag-usap sa mga katabi maliban sa tangong ginawa nito sa isang bumating estudyante kanina. Kung bakit ganoon ang binata ay hindi niya alam.
Mayamaya ay bigla na lamang naitulos sa kanyang kinauupuan si Maxine nang lumingon sa kanyang direksiyon ang binata. Naramdaman marahil nito ang paninitig niya kaya napalingon ito sa kanyang kinaroroonan.
Their eyes met. Seryoso pa rin ang ekspresyon ng mukha nito ngunit alam niya na namukhaan din siya ng binata. She even saw the recognition on his face. Katulad niya ay mataman din na tumitig ito sa kanya.
Until one corner of his lips twisted upwardly in a lopsided smile. Kung para saan iyon ay wala siyang ideya.
Dali-daling binawi ni Maxine ang kanyang paningin at itinuon na lamang iyon sa kanyang mga kaibigan. Hindi na niya masabayan ang usapan ng mga ito. Hindi niya mawari kung bakit naligalig siya nang dahil lamang sa palitan nila ng tingin ng lalaking nasa hulihang parte ng kanilang silid.
What's with him that she felt uneasy just because of his stares?
*****
INIHINTO ni Kurt ang kanyang motorsiklo sa harap mismo ng kanilang bahay. Inayos niya ang pagkakaparada niyon saka umibis at tinanggal ang suot na helmet.
Matagal na sa kanya ang motorsiklo na iyon. It was a Jawa 42, a neo-retro style with matte paint scheme on it. Pag-aari ito ng kanyang lolo na nang mamatay ay siya na ang gumamit. Kumuha siya ng lisensiya at dahil sa bente anyos na rin naman siya ay madali na para sa kanya ang magmaneho ng naturang sasakyan.
Bitbit ang kanyang backpack ay nagtuloy na siya papasok sa kanilang tinitirhan. It was a small bungalow. Namana pa iyon ng kanyang ina mula sa mga magulang nito. Tanging silang mag-ina lamang ang nakatira roon kasama ang isang matandang kasambahay.
Dire-diretso siyang naglakad patungo sa direksiyon ng kanyang silid ngunit bago pa man tuluyang makapasok roon si Kurt ay narinig na niya ang pagtawag ng kanyang ina.
"Kurt..."
He turned to look at his mother--- si Wilma. She's now forty-three years old. Ngunit sa kabila ng edad nito ay bakas pa rin sa kanyang ina ang kagandahan na nasisiguro niya na mas kapansin-pansin noong kabataan nito.
Nakangiti itong lumapit sa kanya. "How was your first day at shool, hijo?"
"It's fine, ma," walang-gana niyang saad dito. Hindi na siya elementarya para alamin pa nito ang mga nangyari sa unang araw ng kanyang klase.
Hanggang sa hindi maiwasang mapatayo nang tuwid si Kurt nang mapagtanto ang tanong ng kanyang ina. How was his first day at school? Isang mukha ang pumasok sa kanyang isipan dahil sa tanong na iyon. A face that he encountered on his first day at school.
"I'm glad to hear that," wika pa ni Wilma sa kanya. "Anyway, Kurt, t-tumawag ang iyong papa. Pinapasabi niya na---"
"Ma---"
"Kurt," maagap nitong putol sa akma niyang protesta. "Bakit hindi mo muna ako pakinggan? Your father has a point. Para din naman sa iyo iyon."
"Hindi ko kailangan. Nasabi ko na iyon sa inyo."
"But it's your right, hijo. At obligasyon din iyon ni Emilio bilang ama mo," giit pa nito sa kanya.
"Natapos ang pagiging ama niya sa akin nang iwan niya tayo para sa ibang babae kaya hindi ko kailangan ng kahit na ano mula sa kanya," matatag niyang sagot sa kanyang ina.
Nakita niya ang pagkatigalgal nito dahil sa mariin niyang pagsasalita. Marahan din itong napalunok dahil sa nakitang determinasyon na nasa kanyang mukha.
"Bakit mo tatanggihan ang mga bagay na para din sa iyo, Kurt? Your father failed to be my husband, but he is still there to be your father."
"And I don't need it, ma. Maayos na ang lahat sa atin. Bakit pa natin kailangan tumanggap ng kahit ano mula sa kanya?"
"I can't afford to make you a gold tier in Montecillo University. But your father was offering, Kurt. Maaari kang pumasok sa unibersidad bilang gold tier kung tatanggapin mo lang ang alok ng iyong ama," mahabang pahayag ng kanyang ina.
"I am fine being just a bronze tier," tanggi niya pa dito. "Hindi ko kailangan ng mataas na antas sa paaralan na iyon."
Bago pa man mag-umpisa ulit ang klase ay muli siyang kinausap ng kanyang ama. Gusto nitong tustusan ang kanyang pag-aaral. Katunayan ay mula pa nang unang taon niya sa kolehiyo ay nag-alok na ito na gastusan ang pag-aaral niya sa Montecillo University, bagay na labis niyang tinanggihan.
Iyon ang rason kung bakit mula first year ay kabilang lamang siya sa bronze tier gayung kung tutuusin ay kayang-kaya ng kanyang ama na gawin siyang gold tier sa naturang unibersidad.
Hindi niya nais na tumanggap ng kahit na ano mula kay Emilio. Mula nang maghiwalay ito at ang kanyang ina dahil sa ibang babae ay kinalimutan na niyang ama niya ito. He hated him for leaving them just for another woman.
Nagmatigas siya. Kinalimutan niya ang maalwan na buhay na nakasanayan niya at hindi kailanman gumamit ng ano mang salapi na mula sa kanyang ama. Tanging ang perang nagmumula sa kanyang ina ang ginagamit niya. Her mother has a salon. Maliban pa roon ay ang halagang namana rin nito mula sa sariling magulang. Hindi man karami tulad sa mayroon ang kanyang ama, ngunit sapat naman iyon upang mabuhay sila nang maayos. At doon nito kinukuha ang pangtustos para sa pagiging bronze tier niya sa MU.
And he was okay with that. Hindi niya kailangan ng mataas na antas para lang makapag-aral. In fact, kung hindi lang dahil sa kanyang ina ay hindi niya na nanaisin pang tapusin ang pagkokolehiyo.
"Kurt," narinig niyang muling wika nito. "Kung tungkol pa rin ito sa nangyari sa amin ng iyong ama---"
"Ma, gusto ko nang magbihis," awat na niya sa pagsasalita nito.
"Gusto ko lang maging maayos ang pag-aaral mo, anak. Bakit hindi mo magawang tanggapin ang alok ng iyong ama? It's for you, Kurt."
"Maayos naman ang lahat, ma. Walang kaso sa akin kahit bronze tier lang ako. It's not as if I care about other people. Hindi ko rin kailangang makipagsabayan sa mga gold tier."
Agad din siyang natigilan dahil sa kanyang huling sinabi. Iyon ang lagi na ay sinasabi niya mula nang unang taon niya sa kolehiyo sa naturang unibersidad--- Hindi niya kailangang makipagsabayan sa mga gold tier. Hindi niya rin naman nais na makihalubilo sa mga ito.
But somehow, one face flashed in his mind. Isa itong gold tier... Hindi niya nga ba nais na makahalubilo ang nagmula sa gold tier?
Agad niyang iwinaglit sa kanyang isipan ang bagay na iyon. Dali-dali na siyang nagpaalam sa kanyang ina. Hindi pa man ito nakasasagot ay tinalikuran na niya ito upang pumasok na sa kanyang silid.