CHAPTER 14
Mula sa kanyang binabasa ay agad na napaangat ng kanyang ulo si Maxine nang bigla ay may maglapag ng isang pirasong papel sa kanyang harapan. Isinara niya ang librong hawak-hawak at wala sa loob na kinuha ang papel habang nakatingala pa sa nag-abot niyon--- si Kurt.
"W-What's this?"
"I listed down all my scores from our midterm exams," tugon nito kasabay ng pag-upo sa upuang nasa kanyang harapan.
Kasalukuyang nasa loob ng library si Maxine. It was their free time. Ugali niya na maglagi sa loob ng library habang naghihintay ng kasunod nilang klase. Mas nais niya kasing palipasin ang oras habang nagbabasa ng libro kaysa ang gumala kung saan.
Kanina ay kasama niya pa sina Emily at Melissa. Katulad niya ay nanalagi din doon ng ilang saglit ang dalawa. Mayamaya ay nagpaalam din sa kanya si Melissa sapagkat nakatanggap ito ng mensahe mula sa isang kakilala na estudyante din ng Montecillo University at nais na makipagkita sa kanyang kaibigan. Kung ano man ang dahilan ay hindi na niya inalam pa.
Si Emily ay nagpasyang sumama na kay Melissa. May kailangan din kasi itong bilhin. Inaaya pa siya ng dalawa ngunit nagpasya siyang magpaiwan na lang. Mayamaya lang din ay magsisimula na ang susunod nilang klase kaya doon na lang sila magkikita-kitang magkakaibigan.
Nang marinig ang mga sinabi ni Kurt ay bigla niyang niyuko ang papel na iniabot nito. Naroon nga ang lahat ng markang nakuha nito mula sa exam na ibinigay sa kanila.
It has been days since then. Siya man din ay alam na ang mga markang nakuha. And she was so glad to know that she passed all the subjects given to them. And looking at Kurt's results, Maxine can't suppress a smile. Pasado din lahat ng markang nakuha nito.
Tulad ng sinabi ni Kurt, hindi ito nagpaturo sa kanya. Itinigil niya ang pag-tutor sa binata dahil iyon ang gusto nito. Gusto nitong maipasa ang midterm exam nang hindi niya tinutulungan.
Hindi niya alam kung sinasakyan niya lang ba ang mga sinabi nito o kung ano man. Sabi nga ni Emily, pakiramdam nito ay hindi naman talaga kailangan ni Kurt ng magtuturo dito. He was not that slow learner at all. Katunayan, kung magseseryoso lang talaga ito sa pag-aaral ay talagang magagandang marka ang makukuha nito sa lahat ng asignatura.
Kaya naman, alam ni Maxine na kahit itigil niya ang pag-tutor dito ay makapapasa pa rin ang binata. Pero kung bakit hinayaan niya lang itong gamiting rason ang markang makukuha sa midterm upang makapanligaw sa kanya ay hindi niya rin maunawaan sa kanyang sarili. Was she also anticipating for him to court her officially?
Nag-alis siya ng bara sa kanyang lalamunan bago ito tinitigan sa mukha. "Congrats," totoo sa loob na bati niya.
"And?" he countered.
"And what?" balik-tanong niya dito.
Kurt leaned closer to the table. Itinukod pa nito ang dalawang siko sa ibabaw ng mesa bago siya matamang pinagmasdan sa mukha.
"We have a deal, Maxine."
"K-Kurt---"
"Liligawan kita kapag naipasa ko ang lahat ng exams natin," patuloy pa nito at ni hindi pinansin ang sana'y sasabihin niya. "I did it, Max. Please, give me a chance to prove to you that what I feel for you is serious."
Hindi siya nakahuma. Sa tuwing babanggitin nito ang tungkol sa nadarama para sa kanya ay lagi pa rin siyang natitigilan. Tulad nga ng mga sinabi nina Emily at Melissa, napakalayo ng personalidad ni Kurt sa kung ano ang nakikita niya dito ngayon. Tahimik lamang ito sa kanilang klase pero heto ito ngayon at walang pakundangang ipinapahayag ang nadarama para sa kanya.
"H-Hindi pa ako kailanman nagkaroon ng nobyo, Kurt. At hindi ko alam kung paano pakikitunguhan itong mga sinasabi mo," saad niya dito. "I'm sure my aunt would not agree about this. All she wanted for us is to finish our studies first."
"Malinis ang intensiyon ko sa iyo, Maxine. Hindi ko rin naman nanaisin na masira ang pag-aaral mo... ang pag-aaral nating dalawa. Ang hinihiling ko lang naman ay ang mabigyan mo ako ng pagkakataon na ipakita sa iyo na seryoso ako sa nararamdaman ko."
"Kurt---"
"Ate Maxine..."
Agad siyang nahinto sa ano mang sasabihin sa binata nang bigla ay may tumawag sa kanyang pangalan. Sabay pa silang napalingon ni Kurt sa pinanggalingan ng tinig at mula sa kaliwang panig ng library ay nakita niya si Celine na naglalakad palapit sa kanila.
"Hi, ate," wika pa nito nang makalapit sa mesang kinaroroonan nila. Hindi pa nito maiwasang mapalingon kay Kurt na ngayon ay napaupo na nang tuwid.
Maxine looked at Celine. May bitbit itong dalawang libro na malamang ay hiniram din nito sa naturang library.
Malapit sa kanya si Celine. Simula nang magkaisip silang tatlo nina Zandro ay sa kanya na malapit ang loob nito. Katulad niya ay itinuring din itong anak ng kanyang Uncle Leandro at Auntie Cara. At katulad nila ni Zandro ay nakakapag-aral si Celine bilang gold tier sa unibersidad na iyon dahil sa kanyang tiyahin at tiyuhin.
Sa kanya ay walang kwestiyon sapagkat legal pa rin naman siyang Sevilla. Kadugo niya sina Leandro at Cara. But Celine was a different story. Anak ito ng dati niyang babysitter na nang mamatay ay kinupkop na ng tiyahin niya. Nevertheless, Celine was treated like their family. Malapit ito sa kanila maliban lang sa pinsan niyang si Zandro.
"W-Why are you here, Celine?"
"May kailangan lang ho akong gawin," tugon nito.
Tumayo si Kurt saka marahan nang tumikhim. "Malapit nang magsimula ang susunod nating klase. I'll just see you there," saad nito. "Think about what I said, Maxine."
Hindi pa man siya sumasagot ay tumalikod na si Kurt. Bago iyon ay nakita niya pa ang marahan din nitong pagtango kay Celine saka tuluyan nang naglakad patungo sa may entrada ng library.
Nang makaalis na si Kurt ay binalingan niya na si Celine na katulad niya ay napasunod din ng tingin sa binata.
"I-I need to go, Celine. May klase pa kami," paalam na rin niya sa dalagita.
Marahan itong tumango. "Okay po," anito, waring may pagdududa pa sa tinig.
Hindi niya ito masisisi. Kilala siya nito. Alam ni Celine na hindi siya ganoon kalapit sa mga kaklase niyang lalaki. Madalas ay sina Emily at Melissa lang talaga ang kasama niya. At ang makitang kasama niya ngayon ang binata ay alam niyang nagdudulot dito ng ibang kaisipan.
Isang ngiti pa muna ang iginawad niya sa dalaga bago tuluyan nang nagpaalam dito. Ayon pa kay Celine ay tapos na ang pasok nito para sa araw na iyon. She just needed to do something that's why she went to the library.
Tumango na lamang siya saka humakbang na rin palabas ng library. Naglalakad na siya patungo sa sunod niyang klase ngunit ang isipan niya ay okupado pa rin ni Kurt. Hanggang nang mga sandaling iyon ay gumugulo pa rin sa kanya ang pagnanais nitong manligaw.
She just heaved out a sigh and continued walking towards their classroom.
*****
TAHIMIK NA kumakain si Maxine kasalo ang kanyang pamilya. Lahat sila ay nasa harap na ng hapag at maliban sa marahang tunog ng kanilang nga kubyeryos ay tanging ang palitan ng usapan ng kanyang Uncle Leandro at Auntie Cara ang maririnig sa komedor. Pinag-uusapan ng mga ito ang nangyaring meeting sa Sevilla Luxury Hotel kung saan nagpaplano ang kanyang tiyuhin na i-renevote ang ilang amenities ng nasabing lugar.
Just like her, her cousin Zandro was not talking. Patuloy lang ito sa pagkain at hindi pa nakaligtas kay Maxine ang panaka-nakang pagsulyap nito kay Celine na nakaupo sa kanyang tabi. Kung nag-away na naman ang mga ito ay wala siyang ideya.
"By the way, how was your midterm exam?" wika ni Cara pagkaraan ng ilang saglit. Para sa kanilang tatlo nina Zandro at Celine ang naging tanong nito.
"M-Maayos naman ho, auntie. Pasado ho ako sa lahat." Si Celine ang unang sumagot. Nakangiti pa ito nang magsalita.
She didn't doubt it. Katulad niya ay seryoso sa pag-aaral ang dalaga. Nang minsang magkasabay pa sila sa pag-review sa may verandah ay nabanggit nito ang kagustuhang suklian ang pagpapalaki ng mag-asawang Leandro at Cara sa pamamagitan ng pag-aaral nang mabuti.
Somehow, they were the same. Hindi ba't ganoon din naman ang nais niya kaya siya nagpupursige lagi sa pag-aaral? Ang tanging kaibahan lang nila ay kadugo't kamag-anak pa rin naman siya nina Leandro at Cara kaya kung ano man ang mayroon siya ngayon ay karapatan niya iyon bilang isang Sevilla.
But somehow, just like Celine, she wanted to thank them for raising her so well. And she could only do that by excelling in her studies.
"How about you, Zandro?" baling naman ni Cara sa nag-iisa nitong anak.
"Everything's fine, mom," tipid na sagot ng binata. Nagsalita pa ito habang hinihiwa ang karneng nasa plato.
Cara almost rolled her eyes. Ganoon lagi si Zandro. Napakaseryoso lagi kapag kausap. Nevertheless, she could always feel his respect and love for his parents. Sadyang ganoon lamang talaga ang personalidad nito.
"And you, Max?" Cara asked her.
"I passed the midterm, auntie."
"That's great. All of you are doing well at MU," saad pa ni Cara. "Hopefully, you could maintain that. Especially you, Maxine. Graduating ka na."
Nahinto si Maxine sa pagkain at tumitig sa mukha ng kanyang tiyahin. Hindi siya tumugon bagkus ay tumango na lamang sa mga sinabi nito.
"Of course, Max can do that," singit naman ni Leandro sa usapan. "Nabanggit sa akin ni David na may mga araw na naglalagi ka nang mas matagal sa unibersidad kahit tapos na ang huling klase mo. You're staying at the library to study?"
Agad pang nabitawan ni Maxine ang kutsara't tinidor na hawak-hawak niya bago sinalubong ang mga mata ng kanyang tiyuhin. Leandro was just asking a question. Ni walang halong pandududa sa tinig nito.
Ganoon pa man ay hindi maiwasan ni Maxine ang matigilan. Alam niya kasi sa kanyang sarili na naglihim din siya sa mga ito. Yes, she was staying at the library to study but no one of them knew that she's always with Kurt. Kahit si Mang David ay hindi alam ang tungkol sa bagay na iyon.
"Why do you still need to stay at the library, Max? We have internet here. You can always use it to research. Kung sa libro naman ay mayroon sa ating study room. Kung sakaling wala ang kailangan mo, you can tell us. We can always buy what you need," mahabang pahayag ni Cara.
Tumikhim siya bago nagsalita. "I'm with my classmate, auntie," sagot niya. Sa bagay na iyon ay hindi rin naman siya nagsisinungaling. Kaklase niya naman talaga si Kurt.
"Oh, you're studying with someone!" bulalas nito. "That's nice. Si Emily ba ang kasama mo o si Melissa?"
She swallowed hard. Waring naitulos siya sa kanyang kinauupuan dahil sa naging tanong nito. Alam niyang sa pagkakataon na iyon ay hindi niya makakayang magsinungaling dito. Ngunit paano niya naman sasabihin dito ang totoo? Paano niya sasabihin na si Kurt ang kasama niya sa tuwing naglalagi siya sa library?
For sure, both her uncle and auntie would ask her a lot of questions. Hindi kilala ng mga ito si Kurt. Kapag nalaman ng mga ito na ang binata ang madalas niyang kasama sa library sa halip na sina Emily at Melissa ay aahon ang ibang pakahulugan mula sa mag-asawa.
Cara looked at her as if waiting for her answer. Nagbuka siya ng kanyang bibig upang sana'y magsalita nang sakto namang lumapit sa kanila si Manang Rebecca.
"Excuse me, ma'am..." anito, sa kanyang tiyahin mas lumapit. "May tawag ho kayo sa telepono."
Naibaba ng kanyang tiyahin ang kubyertos saka binalingan na ang kasambahay. Narinig niya pa ang pagtanong nito kay Manang Rebecca kung sino ang tumawag. Nang malaman na konektado sa jewelry store na pag-aari ang natanggap na tawag ay magalang itong nagpaalam sa kanila, partikular na sa kanyang Uncle Leandro. Tumayo na ito saka tinungo ang sala upang kausapin ang kung sino mang nasa kabilang linya.
Maxine almost let out a sigh of relief. Wari namang natuon ang pansin ng kanyang tiyuhin sa pagtayo ng kanyang Auntie Cara. Sinundan pa nga nito ng tingin ang pagtungo ng asawa sa kanilang sala.
While Zandro just continued eating. Alam niya naman na balewala lamang para dito ang pinag-uusapan nila kanina. Sa kanila kasing tatlo nina Celine ay ito ang mistulang may sariling mundo at madalas ay mahirap sakyan ang mga trip sa buhay.
Bigla ay inabot niya ang baso ng tubig at doon ay uminom. Pinagpasalamat niya na may natanggap na tawag ang kanyang tiyahin at nawala sa isipan nito ang tungkol sa kanilang paksa. Hindi niya rin kasi kayang magsinungaling dito.
Nang maibaba niya ang baso sa ibabaw ng mesa ay napalingon siya kay Celine. Nahuli niya pa itong matamang nakamasid sa kanyang mukha. Then, Celine smiled at her. Ang ngiti nito ay mistulang nagsasabi na nauunawaan nito ang ikinikilos niya. And that she didn't need to worry because she won't tell anything... that she saw her talking to Kurt.
With that, she exhaled a sigh.