CHAPTER 13
Agad napabaling ang paningin ni Maxine sa entrada ng kanilang silid nang mula roon ay pumasok si Kurt. Tulad ng nakagawian ay tuloy-tuloy lamang na naglakad ang binata patungo sa bahaging pinagpupuwestuhan nito. Nakasunod pa dito ng tingin si Maxine hanggang sa makaupo na.
The moment Kurt sat on his chair, his eyes instantly darted on her. Nagkasalubong ang kanilang mga mata at hindi maipaliwanag ni Maxine kung bakit bigla ay lumukob sa kanya ang hindi maipaliwanag na damdamin.
It must be uneasiness that she was feeling. Umpisa pa man ay ganoon na ang nadarama niya sa tuwing nakikita niya ang binata. Bahagyang nabawasan lamang iyon nang magsimula silang magkasama dahil sa pagtuturo niya dito.
Pero ngayon ay hindi niya maunawaan kung bakit, matapos nitong umamin sa kanya ng nadarama ay hindi na siya mapalagay isipin pa lang na magkikita silang muli ng binata. Wari ba ay hindi niya alam kung paano aakto sa harap nito.
And despite feeling uneasy right now, Maxine can't take away her eyes off of him. Nanatiling nakahinang ang kanilang mga paningin at hindi niya pa mapangalanan ang emosiyon na nasilip niya sa mga mata nito.
"Max..." untag sa kanya ni Emily dahilan para maputol ang pakikipagtitigan niya kay Kurt. Napaupo na rin siya nang tuwid nang maramdaman pa ang bahagyang pagsiko nito sa kanyang tagiliran.
"Y-Yes?"
"You were not listening. Something's bothering you," saad nito. Mas pahayag iyon kaysa sa tanong.
Agad napalunok si Maxine. Tuluyan na niyang hinarap ang kanyang kaibigan sa kabila ng katotohanan na ang isipan niya ay okupado pa rin ni Kurt.
"Is there something wrong?" usisa naman ni Melissa na nasa kabilang panig niya.
Hindi pa nag-uumpisa ang kanilang klase at naghihintay na lamang sila sa pagdating ng kanilang prof. Dahilan iyon para magkaroon pa sila ng pagkakataon para makapag-usap-usap. Magkatabi nga sila nina Emily at Melissa. Habang ang iba nilang mga kaklase ay abala din sa ibang bagay.
"Ems, Mel, I need to tell you something," aniya sa mga ito.
"Tell us something about what?" si Melissa, sadyang napukaw na ang atensiyon dahil sa mga sinabi niya.
Nag-aalangan man ay sinimulan niyang isalaysay sa dalawa ang naging takbo ng usapan nila ni Kurt noong kaarawan ng ina nito. Hindi niya maiwasang banggitin iyon sa kanyang mga kaibigan dahil pakiramdam niya ay kailangan niya ng makakausap tungkol sa bagay na iyon. And Emily and Melissa were the closest to her. Iyon ang dahilan kung bakit magaan ang loob niyang sabihin sa mga ito ang lahat.
"What?!" halos magkapanabay na tanong ng dalawa nang matapos siyang magkwento. Sabay niya rin sinaway ang dalawa dahil bahagyang tumaas ang tinig ng mga ito, dahilan para ang iba nilang kaklase ay mapalingon sa kanilang direksiyon.
"Seriously, Max?" tanong ni Melissa nang makabawi ito sa pagkabigla. "He told you he likes you?"
"Hinaan mo nga ang boses mo. Baka marinig ka ng iba," saway niya.
"I was just shocked," hirit pa ni Melissa. "I mean, you're beautiful and I won't doubt it if a lot of men would like you. It was just that... hindi ko inaasahan na aamin si Kurt sa iyo. He looked so stiff and confessing to a girl was very out of his character."
"Ano ang sinagot mo sa kanya?" usisa naman ni Emily. Sa dalawa niyang kaibigan ay ito ang mas mahinahon kausap at mas nakabibigay ng magandang payo. Mas seryoso kasi ang personalidad nito kumpara kay Melissa na minsan ay kalog.
Napakibit ng kanyang mga balikat si Maxine. "I wasn't able to answer. Nabigla ako sa mga sinabi niya."
"Hindi kaya ang pagpapa-tutor niya sa iyo ay paraan niya lang para mapalapit sa iyo, Max?" puna pa ni Emily na nakapagpaupo sa kanya nang tuwid.
"How can you say that?"
"Look," tugon nito. "Hindi naman siya bumabagsak sa mga short quizzes natin. So far, nakasasagot naman siya sa tuwing tinatawag ng prof natin. Although, he's not as intelligent and as studious like you. Ikaw, eh, halos magsunog na ng kilay sa pag-aaral kahit sisiw lang naman sa iyo ang mga leksiyon. But definitely, Kurt was not a dumb, Max. Kung tutuusin ay hindi niya kailangan magpaturo sa iyo."
"Pero ginawa niya dahil gusto ka niya. It, somehow, made you closer," susog naman ni Melissa sa mga sinabi ni Emily.
Hindi siya nakatugon. Ngayon lang din pumasok sa isipan niya ang tungkol sa bagay na iyon.
Though, wala namang problema sa kanya kung magpaturo man nga ng mga aralin si Kurt. She would gladly help others. Kahit sa ibang estudyante ay willing siyang gawin iyon. Pero paano kung tama ang mga sinabi ng mga kaibigan niya? Paano nga kung ginawang dahilan lang iyon ni Kurt para mapalapit sa kanya?
Hindi na siya nakasagot pa sa mga sinabi nina Emily at Melissa sapagkat dumating na rin ang professor na magtuturo sa kanila para sa oras na iyon. Agad niya munang iwinaksi sa kanyang isipan ang binata at pinilit na ituon ang pansin sa kanilang leksiyon.
Sa buong durasyon pa ng klase ay hindi maiwasan ni Maxine ang minsang mapalingon sa gawi ni Kurt. At sa iilang pagkakataon na ginawa niya iyon ay nahuli niya rin itong nakamasid sa kanya.
She let out a sigh. Ang ginawang pag-amin ni Kurt sa kanya ay nagdulot ng nakaiilang na sitwasyon sa pagitan nilang dalawa.
*****
"MAXINE..."
Bigla ay napalingon siya sa pinagmulan ng tinig na iyon. Hindi niya pa napigilan ang pag-ahon ng kakaibang emosiyon nang tuluyan niyang harapin ang taong tumawag sa kanyang pangalan--- si Kurt.
May pagmamadali sa paghakbang nito palapit sa kanya. Kasalukuyan na kasi siyang nasa may parking lot ng Montecillo University at naglalakad na palapit sa kanilang sasakyan. Naroon na ang kanyang sundo at naghihintay na para sa kanya.
"W-Why?" tanong niya sa binata nang tuluyan itong makalapit sa kanya.
Sinulyapan pa muna ni Kurt si Mang David na ngayon ay nakatayo sa tabi ng kanilang sasakyan at nakamasid sa kanilang direksiyon. Then, she heard him heaved out a deep sigh as he looked at her again. Kita niya pa ang bahagyang pag-aalangan sa mukha nito bago sinagot ang tanong niya.
"Can I talk to you for a while?"
Naging marahan ang kanyang pagtango. Hindi pa man pero nahuhulaan na niya kung tungkol saan ang pakikipag-usap nito ngayon.
Nevertheless, she asked, "About what?"
"About our last conversation. About what I told you that day," tugon nito sa kanya.
"K-Kurt, kung ano man ang mga sinabi mo---"
"I am serious, Maxine. Seryoso ako nang sabihin kong gusto kita," mabilis na singit ni Kurt dahilan para agad siyang mahinto sa kanyang pagsasalita.
Marahas pa siyang napalingon kay Mang David. Nasa kanyang dibdib ang paghiling na sana ay hindi nito naririnig ang pinag-uusapan nila ng binata.
Mula bata pa siya ay ang matandang lalaki na ang kasa-kasama niya saan man siya magpunta at alam ni Maxine na may mga pagkakataon na nagtatanong dito ang kanyang Uncle Leandro ng tungkol sa mga ginagawa at pinupuntahan niya. At hindi niya gustong malaman ng kanyang tiyuhin ang tungkol sa mga sinabi ni Kurt.
Hindi sa ano pa mang rason pero hangga't maaari ay hindi niya nais bigyan ng dahilan ang mga kinalakihang magulang na maghigpit sa kanya. Alam niyang kapag nagkataon ay uusisain siya ng mga ito, ang mga ito na walang ibang nais kundi ang makapagtapos muna sila ng pag-aaral.
Nakatayo pa rin si Mang David sa tabi ng kanilang sasakyan nang lingunin niya ito. Nakasandal na ito sa tagiliran niyon at naghihintay sa kanya. Base naman sa ekspresyon ng mukha ng matandang lalaki ay waring wala naman itong narinig.
Pumihit siyang muli paharap kay Kurt. Nakatunghay pa rin ito sa kanya at matamang nakamasid sa kanyang mukha.
"I-I... I don't know what to say, Kurt," aniya sa kawalan ng masabi.
"Hindi ko lang gustong mangyari na maging dahilan iyon ng pag-iwas mo sa akin, Maxine. I like you. I really do. Pero kung nanaisin mong ihinto ang pagtuturo sa akin ay maiintindihan ko."
"I never thought of doing that. I mean, you know I'm willing to help you. M-Malapit na ang midterm," saad niya pa.
Kung bakit nasabi niya ang mga katagang iyon ay hindi niya rin maunawaan sa kanyang sarili. Aminado siyang naiilang na siya ngayon sa binata matapos nitong aminin ang nadarama para sa kanya. Pero sa hindi naman maunawaang dahilan ay waring tutol ang isipan niya sa suhestiyon nitong itigil na ang pag-aaral nila nang magkasama. Kung bakit ay hindi niya alam.
Gusto niya pang makadama ng hiya. It was so obvious that she didn't want to end their communication despite his confession the other day.
Marahang nag-alis ng bara sa kanyang lalamunan si Maxine. Bahagya pa siyang yumuko bago muling nagwika.
"Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko tungkol sa... sa inamin mo, Kurt," sambit niya sa mahinang tinig. "Aaminin kong hindi ko iyon inasahan."
Sukat sa naging pahayag niya ay isang tipid na ngiti ang sumilay mula sa mga labi ng binata, ilan sa mga bibihirang pagkakataon ng pagngiti nito.
"If you think I'm not serious at all, then let me prove to you that I am, Maxine," saad nito na naging dahilan ng bigla niyang pagtingala ulit dito.
"What do you mean?"
"I wanna court you," mabilis nitong tugon. "I know I'm out of your league. Gold tier ka, bronze tier lang ako. Pero sana'y hayaan mo akong patunayan sa iyo na seryoso ako sa nararamdaman ko para sa iyo."
Kung ikinabigla niya ang pag-amin nito ng nadarama sa kanya ay mas higit ang pagkabigla niya ngayong naghayag ito ng kagustuhang ligawan siya. She wasn't able to speak. Kahit ang gumalaw sa kanyang kinatatayuan ay hindi niya magawa. Wari siyang ipinako roon at hindi nakaapuhap ng sasabihin dito.
"Maxine..." untag sa kanya ni Kurt.
She cleared her throat. Napahawak pa siya nang mahigpit sa strap ng kanyang bag bago nagsalita.
"Malapit na ang midterm, Kurt. B-Bakit hindi muna ang pag-aaral ang pagtuunan natin ng pansin?"
For a moment, nakita niya ang pagkadismaya sa mukha nito.
"Look, don't get me wrong," agap niya pa. "Hindi ko lang gustong mapabayaan mo ang pag-aaral mo dahil lang sa mas inaatupag mo ang panliligaw sa akin. There's a perfect time for that."
Sukat sa mga idinagdag niya ay nagkaroon ng determinasyon sa mukha ni Kurt. "Kung maipapasa ko ba ang lahat ng exams ay papayag ka, Maxine?" bigla ay tanong nito. "I'll pass it even without you teaching me."
"Gawin mo ang bagay na iyan para sa sarili mo, hindi para sa akin. Ipasa mo ang mga exams mo para sa ikagaganda ng kinabukasan mo, hindi dahil sa babaeng liligawan mo."
"That's what I'm gonna do, Maxine."
"Really? Ginawa mong pangpusta sa panliligaw sa akin ang resulta ng midterm. You want to pass the exams just because of me, not because of yourself."
"Ang sabi mo'y gawin ko ito para sa ikagaganda ng kinabukasan ko," saad nito. "Gagawin ko, Max. Gagawin ko dahil alam kong magiging parte ka balang-araw ng kinabukasan na iyon. So, basically, you are one of the reasons why I want to pass the midterm."
Awang ang mga labing napatanga siya sa harap ng binata. Hindi na niya mabilang kung ilang pagkakataon siyang natigilan habang kausap niya ito.
Since the first day of school year, Kurt has been distant to everyone. Halos walang madalas kasama at kausap. And she didn't imagine him being this vocal to anyone. It was only now that she saw this side of him. At hindi niya maiwasang mamangha sa mga personalidad na unti-unti niyang natutuklasan dito.
"So, is it a deal now, Max?"
Hinamig niya ang kanyang sarili. "Kurt---"
"I'll show you that I can do that. I'll pass the exams and if that happened, you will allow me to court you."
"Teka lang, Kurt. Hindi pa ako pumapaya---"
"Your driver is waiting for you now," awat nito sa ano mang sasabihin niya sabay sulyap pa kay Mang David na ngayon ay waring naiinip na nga sa paghintay sa kanya. Then, Kurt stared at her again. May ngiti pa sa mga labi nito nang muling magsalita. "I'll see you tomorrow, Miss Gold Tier."
Hindi na niya nagawa pang sumagot. Pagkawika kasi nito ay agad nang tumalikod ang binata at naglakad na palayo. Alam niyang patungo na rin ito sa kinapaparadahan ng sariling motorsiklo.
Si Maxine ay halos maitulos sa kanyang kinatatayuan at sinundan na lamang ng tanaw si Kurt. Halos maiwan pa sa kanyang isipan ang ngiting sumilay mula dito. Kung makangiti ang binata'y daig pa nito ang sinagot na niya gayung panliligaw pa lang naman ang pinag-uusapan nilang dalawa.
Would she really allow him to court her? She shrugged her shoulders and started to walk towards their car.
"Kung maipapasa niya ang exam..." she said to herself.