CHAPTER 15

2034 Words
CHAPTER 15 Marahang naglalakad si Maxine patungo sa basketball court ng Montecillo University. Ilang araw na lang ay magsisimula na ang university meet at halos lahat ng atleta sa kanilang unibersidad ay naghahanda para roon. Kaya gusto niyang dumaan sa court ng MU sapagkat kasalukuyang naroon ang kanyang pinsang si Zandro at nag-eensayo na para sa palalapit na event. Zandro was the captain ball of Montecillo's basketball team. Kasama nga nito ang mga kagrupo at abala na sa paghahanda para sa mga paparating na laro laban sa ibang unibersidad sa kanilang lugar. If there's one thing that Zandro loves so much, it's his sport. Kaya naman todo suporta din siya dito, pati na rin ang mga magulang nito. Nais niya nga sanang sumaglit pa sa court upang mapanood ito. Ngunit ang tuloy-tuloy niyang paglalakad ay dagling nahinto nang bigla ay narinig niya ang pagtawag ng isang tinig sa kanyang pangalan. "Maxine!" She abruptly turned and saw Kurt almost running towards her. Hinintay niya itong tuluyang makalapit sa kanya saka nagtanong. "What is it again, Kurt?" aniya dito. Hindi na niya mabilang kung ilang pagkakataon na bang nangyari ang ganoon sa kanilang dalawa. Lagi na lang ay bigla na lang itong susulpot at kakausapin siya sa tuwing naglalakad siya sa loob ng unibersidad. "Tapos na ang huling klase natin. Aren't you going home yet?" usisa nito. "Gusto ko lang dumaan muna sana sa court. Naroon ang basketball team ng MU. I wanna watch their practice," tugon niya. Tumango ito. Alam niyang alam naman nito na ang captain ng basketball team ay ang pinsan niya kaya hindi na niya iyon binanggit pa. "Why did you ask?" tanong niya pa nang mapansin na wari ay may nais pa itong sabihin. "Perhaps, you want to have a snack. My treat," lakas-loob nitong aya sa kanya. For a while, Maxine stopped on her track. Sa nakalipas na ilang araw ay pansin niya sa binata ang pagpupursige nitong magbigay ng espesyal na trato sa kanya. He was exerting effort, she could see that. At aaminin ni Maxine na hanga siya sa ipinapakita nito. At the end, she found herself coming with him. Sa halip na magtuloy pa sa court upang manood ng practice nina Zandro ay sumama siya sa binata para magmeryenda. Maraming maaaring kainan sa mismong harap ng Montecillo University. Kung tutuusin ay maaaring doon na lang sila tumuloy ngunit agad pang nag-alangan si Maxine nang mapansing iba ang tinatahak nitong daan. Inakay na siya ni Kurt patungo sa parking lot kung saan nakaparada ang sarili nitong motorsiklo. Muli nitong ipinahiram sa kanya ang extrang helmet na lagi na ay nakasabit sa motorsiklong ginagamit nito. Ikinakabit niya na iyon nang magtanong siya dito. "Kurt, hindi naman sa dati nating pinuntahan tayo pupunta, 'di ba?" alanganin niyang saad na ang tinutukoy ay ang palengke kung saan siya unang dinala ng binata. He chuckled because of her question. "Huwag kang mag-alala, Miss Gold Tier. Sa disente tayong kainan pupunta sa pagkakataon na ito." Sumampa na siya sa may likuran nito. Katulad nang unang beses na nakasakay siya sa naturang motorsiklo ay hindi niya pa maiwasang humawak sa damit ni Kurt. Hindi naman gaano kabilis ang pagmamaneho ng binata pero wari ba ay may kung anong nag-uudyok sa kanyang humawak dito. And the man seemed to be enjoying while she was clutching his clothes! Ilang saglit pa ay inihinto ni Kurt ang motorsiklo nito sa malawak na parking lot ng pinakamalapit na mall mula sa unibersidad na pinapasukan nilang dalawa. Hindi nga ito nagsisinungaling nang sabihin nitong sa mas disenteng kainan siya nito dadalhin sa pagkakataong iyon. Sa baba ng mall ay nakapalipot lamang ang ilang establisimiyento. Sa isang sikat na coffee shop siya inaya ni Kurt. Dahil nga sa nasa baba lamang iyon ng naturang gusali ay may ilang mesang nasa labas na ng kainan at isa roon ang inokupa nila ng binata. Ipinaubaya niya na rin kay Kurt ang pagpili ng kakainin nila. Habang nasa counter ito at bumibili ng pagkain ay hindi maiwasang igala ni Maxine ang kanyang paningin sa paligid. Ang mesang kinaroroonan nila ay nakaharap sa malawak na parking lot ng lugar at hindi kalayuan doon ang pinaghintuan nito ng sariling motorsiklo. Since day one, Kurt has been using that motorcycle. Pansin niya pa ang labis na pagpapahalaga nito roon. Mayamaya ay napaupo siya nang tuwid nang mapansin ang paglalakad ni Kurt palapit sa kinaroroonan niya. Bitbit na nito ang isang tray kung saan naroon ang mga pagkaing inorder nito. Marahan iyong inilapag ng binata sa ibabaw ng mesa at iniusog pa sa kanyang harapan ang pagkaing para sa kanya. Kurt ordered slices of cake for both them. Chocolate flavor ang sa kanya samantalang mocha flavor naman ang para dito. Wala siyang reklamo dahil paborito niya rin naman iyon. Sa drinks naman, sa halip na kape, kung saan sikat ang establisimiyentong pinuntahan nila, ay dalawang lemonade juice ang inorder ng binata. Sinimulan niyang uminom ng juice habang napapalingon pa rin sa motorsiklong pag-aari ni Kurt. Hanggang sa mayamaya ay hindi na siya nakatiis at nagtanong na dito. "Matagal na ba sa iyo ang motorsiklong iyan?" usisa niya. "Yes. Since first year," anito. Saglit din itong napalingon sa naturang sasakyan bago muling tumitig sa kanya. "Though, recently ko lang iyan nagagamit dahil sa wala pa akong lisensiya noon. It was owned by my grandfather before, mother's side. Why?" Tumango-tango pa siya dito kasabay ng pag-abot na niya ng kutsara. Sinisimulan na niya ang pagkuha ng maliit na bahagi ng cake nang muli siyang magsalita. "Nothing. Just curious." Kurt looked at her intently. "Kabawasan ba kung motorsiklo lang ang iminamaneho ko at hindi de-apat na gulong?" "You're being ridiculous," wika niya. "Wala akong ibang ibig sabihin, Kurt. I was just trying to make a conversation." "But you prefer to ride in a car, don't you?" Nagkibit siya ng mga balikat. "Hindi naman sa ganoon. Maybe because since then, e, kotse na talaga ang gamit namin. My uncle also has a motorcycle but of course, he prefers using a car all the time, especially when going to work. Iyon ang rason kung bakit hindi rin ako sanay na sumakay ng motorsiklo." "Well, I am very honor that someone like you is riding on my motorcycle, Miss Gold Tier," naaaliw nitong saad sa kanya. "At least, naranasan mo iyan dahil sa akin." She rolled her eyes upwardly. Hindi niya rin maiwasang mapangiti dahil sa mga sinabi nito. "Kung makapagsalita ka'y para namang napakahalagang tao ko." "You are," mabilis nitong turan. "Mahalaga ka para sa akin." Ang akmang pag-angat ni Maxine sa kutsara upang isubo ng cake ay agad nang naawat nang marinig niya ang mga binitawan nitong salita. Matapang niyang sinalubong ang mga mata ng binata at hindi niya pa maiwasang mailang nang mapagtantong nagsalita ito habang matamang nakatingin sa kanyang mukha. Pumagitna sa kanila ang katahinmikan at ni hindi pa alam ni Maxine kung paano tutugon sa mga sinabi ni Kurt. She tried breaking the silence by putting rumored on it. She chuckled. Pakiramdam niya pa ay naging pagak ang tawang pinakawalan niya. "Sinasabi mo lang iyan ngayon, Kurt. We are still young. Marami ka pang babaeng makikilala. Marami ka pang babaeng maisasakay sa motorsiklo mo at mayayayang kumain katulad nito," saad niya sabay lahad ng kamay upang ituro ang mga pagkaing nasa harapan nila. Napayuko pa si Maxine sa platitong nasa harap niya sabay ng marahang paglaro-laro sa cake na naroon gamit ang kutsarang hawak niya. She was doing it while her mind was still on their conversation. Damang-dama niya din ang paninitig ni Kurt sa kanya kahit pa nakayuko na siya. "You're right. Siguro nga'y marami pa tayong makikilala. But I don't see myself wanting anyone to ride that motorcycle other than you." She raised her head once again. Sa muli din ay nagsalubong ang kanilang mga mata. "Baka hindi lang magtagal ay may ibang sakay---" "Are you really trying to fish for some compliments, Miss Gold Tier?" awat na nito sa mga sasabihin niya pa. He said the words with a smile on his lips. Akmang magsasalita sana si Maxine nang unahan na siya nito. "You were not listening. What I was trying to say was I don't want anyone but you. Kahit marami pa akong makilala ay ikaw pa rin ang gugustuhin kong ipagmaneho at isakay sa motorsiklo ko." Nagkibit ito ng mga balikat bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Though, hindi rin naman maiiwasang may ibang makisakay. Just like my mom and other friends, for example. Pero sa mga pagkakataon lang na ganito ako masaya, Miss Gold Tier... kapag ikaw ang kasama ko." Sa haba ng mga sinabi ni Kurt ay napaawang na lamang siya ng kanyang labi. Hindi niya alam kung ano ang isasagot. Kung gaano ito katahimik nang mga unang araw na makilala niya ito ay siya namang kabaliktaran ngayon. He felt comfortable on telling her his emotion. "Kumain ka na. Babalik pa tayo sa MU. Baka naroon na ang sundo mo," mayamaya ay wika na nito. Niyuko na rin nito ang sariling pagkain at nagsimulang galawin iyon. Habang si Maxine ay nanatiling natitigilan sa kanyang kinauupuan. Hindi mawala sa isipan niya ang lahat ng mga sinabi ni Kurt. Ikinagulat niyang marinig ang mga iyon ngunit aaminin niyang waring nagdulot din iyon kakaibang damdamin sa kanyang dibdib. "Kumain ka na, Miss Gold Tier, nang makabalik na tayo sa MU," wika pa nito nang nanatili siyang walang kibo. "You are calling me Miss Gold Tier again," aniya dito. Napansin niya lang. Pagkatapos kasi ng kaarawan niya ay tinawag na siya nito sa kanyang pangalan. Akala niya ay magtutuloy-tuloy na iyon pero hindi. Every now and then ay naririnig niya pa rin itong tinatawag siya sa paraang tanging ito lamang ang gumagawa. "You don't like it?" tanong nito kasabay ng pagsilay ng isang ngiti. "Don't worry, magbabago din iyan. Who knows, baka mapalitan ng Mrs. Madrigal." Ang huling pangungusap ay binitawan nito sa halos pabulong na paraan. Ganoon pa man ay umabot iyon sa pandinig ni Maxine. And she didn't know what gotten into her but she burst out laughing because of what he said. Ang pagbulalas niya ng tawa ay naging dahilan pa para matigilan ang binata. Manghang napatitig ito sa kanya at hindi makapaniwala sa tawang pinakawalan niya. "Ang yabang mo," tudyo niya dito, halos umaalog pa ang mga balikat dahil sa pagtawang ginawa. "Ni hindi mo pa nga ako kasintahan, Kurt." Mabilis na napausog palapit sa kanya ang binata. Ang dalawang siko nito ay agad pang naitukod sa ibabaw ng mesang nasa pagitan nilang dalawa. Then, he looked at her with so much anticipation in his eyes. "Hindi pa," ulit nito sa mga nasabi niya. Sadyang pinagdiinan pa nito ang salitang 'pa'. "Meaning, may pag-asa na maging tayo?" Agad na natigilan si Maxine. Hindi niya napansin ang mga nasabi. Bawiin niya man iyon ay alam niyang iba na ang pakahulugan ni Kurt sa mga binitawan niyang salita. Besides, gusto niya bang bawiin? She swallowed hard. Mabilis niya pang inabot ang baso ng juice at napasimsim sa straw na nakalagay roon. Itinutok niya rin ang kanyang paningin sa ibang panig at iniwasang masalubong ang mga mata ng binata. Nang ilapag niyang muli ang baso ay nagsalita siya habang nakayuko. "K-Kurt, I... ayokong isipin mo na nagpapaasa lang ako. It's just that---" "I understand. Hindi mo kailangan mailang. Handa akong maghintay, Max," agap nito bago pa man niya matapos ang kanyang pagsasalita. Sa pagkakataon na iyon ay nag-angat na siya ng paningin at pinagmasdan ito sa mukha. Rinig niya pa ang pagpapakawala nito ng isang malalim na hininga bago ngumiti sa kanya. "Ito ang unang pagkakataon na narinig kitang tumawa, Max. Masaya akong malaman na minsan ay napatawa kita," mayamaya ay saad pa nito. Seryoso na ang ekspresyon nito sa mukha habang nananatiling nakahinang sa kanya ang mga mata. Hindi siya nakahagilap ng isasagot. Kahit siya man ay namamangha sa tuwing kasama niya si Kurt. Wari bang nailalabas niya rin ang totoong siya kapag ito ang kanyang kaharap, bagay na minsan ay hindi niya nagagawa sa iba niyang kakilala. 'Ika nga, she's always in her shell. Pigil at waring kailangan tantiyahin ang bawat galaw. Pero 'pag si Kurt ang kasama niya, bakit parang ang daling magpakatotoo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD