CHAPTER 16

2010 Words
CHAPTER 16 Dumating ang araw ng pagsisimula ng university meet. Lahat ay naging abala para sa nasabing event lalo na yaong mga miyembro ng iba't ibang kupunan sa kanilang unibersidad. Isa na nga roon ang pinsan niyang si Zandro. Dahil sa ito ang captain ball ng Montecillo University basketball team ay halos maghapon ito kung maglagi sa unibersidad bago pa man mag-umpisa ang university meet. Sa pag-eensayo pa lang kasi ay talagang naglaan na ng oras at panahon ang buong kupunan para sa mga paparating na laban. And their time and effort paid off. Nakapasok sa final game ang MU dahil na rin sa labis na pagpupursige ng lahat ng miyembro. Sa huling laro, ang makakalaban ng kupunan nina Zandro ay ang basketball team na mula naman Juan Ignacio Memorial University, isa din sa malalaking eskwelahan sa Kamaynilaan. At ngayon nga ang araw ng laban ng mga ito. It was somehow convenient for the Montecillians because the final game for the basketball tournament will be happening at their school. Hapon gaganapin ang laro at maaga pa kaysa sa takdang oras ay patungo na si Maxine sa basketball court kasama sina Emily at Melissa. "Bilisan natin para makahanap tayo ng magandang pwesto," excited na saad ni Melissa sa kanila. Hawak siya nito sa isang kamay at halos hilain na sa paglalakad. Si Emily naman ay nangingiti na lamang na nakasunod sa kanila. The three if them were excited. Maliban kasi kay Zandro ay suportado nila ang MU team dahil miyembro din niyon ang matagal nang crush ni Melissa, si Marco. Ka-batch ito ng pinsan niya at bata sa kanila ng isang taon. Ganoon pa man ay hindi maiwasang ma-attract dito ng kaibigan niya dahil sa magandang lalaki ito. Nasa loob na sila ng court nang mamataan niya naman ang binatang halos ilang gabi nang nagpapagulo sa isipan niya. Nakatayo malapit sa isang sulok si Kurt at halatang manonood din ng laro. Katulad niya ay napansin na din ito ni Melissa. And knowing her friend, na sadyang natural na ang kadaldalan ay agad pang tinawag ang atensiyon ng binata. "Kurt!" bahagyang sigaw ni Melissa na ikinalingon nito. "Want to join us? Doon kami mauupo." Itinuro ni Melissa ang bahagi kung saan malapit sa pupuwestuhan ng kupunan nina Zandro. Dahil sa alam ng pinsan niya na manonood sila ng mga kaibigan niya ay ito pa mismo ang nagsuhestiyun na okupahin nila ang bahaging iyon. Kurt stared at her momentarily. Maingay na sa kabuuan ng court dahil na rin sa kanya-kanyang pag-cheer ng mga estudyante kahit na hindi pa nagsisimula ang laro. Sa kabila niyon ay alam ni Maxine na narinig nito ang paanyaya ni Melissa. And she didn't know why but she was anticipating for his answer. Kung bakit nais niyang pumayag ito sa alok ni Melissa ay hindi niya alam. O marahil ay alam niya ang rason pero sadyang itinatanggi niya sa kanyang sarili. "Kurt, let's go," segunda pa ni Emily. Ito na ang nagpatiuna sa paglalakad na agad namang sinundan ni Melissa. Nang makaalis na ang dalawa ay nagsalita siya. "G-Gusto mo bang doon na lang din maupo?" "Sure," anito, may tipid na ngiti sa mga labi. "K-Kung hindi mo abala sa iyo." She just smiled. Nauna na siya sa paglalakad habang ito ay sumunod sa kanya. Halos madama pa ni Maxine ang paninitig nito sa kanyang likuran na naging sanhi ng kanyang pagkailang. Bahagyang nakipagsiksikan pa siya sa ilang estudyanteng naroon habang naglalakad na patungo sa bleacher kung saan nakaupo na ang dalawa niyang kaibigan. Halos puno na kasi ang naturang lugar dahil sa final game ang magaganap. Agad niya pang naramdaman ang paghawak ni Kurt sa kanyang braso upang alalayan siya sa paglalakad. As his palm touched her skin, an electrifying emotion enveloped her. Gusto niyang isawalang-bahala na lamang iyon at nais isaksak sa isipan niya na nagpapaka-gentleman lamang ang binata. But Maxine knew that this man really has an effect on her. Hinding-hindi niya iyon basta-bastang maitatanggi. Sinubukan niyang ituon ang kanyang atensiyon sa paligid nila. Ang ilan sa mga naroon ay mga estudyante ng Montecillo University na mula sa iba't ibang departamento. Ang ilan naman ay mula sa Juan Ignacio Memorial University na sumadya pa roon upang suportahan ang kupunang nagpipresenta ng eskwelahan ng mga ito. Lahat ay nananabik nang manood sa larong magaganap. Ang ibang estudyanye ay sadyang may dala pang mga banner kung saan nakasulat ang mga pangalan ng mga manlalarong sinusuportahan ng mga ito. Sa panig ng mga Montecillians ay karamihang pangalan ni Zandro ang nakikita niya. Marahil ay dahil sa ito ang captain ball ng naturang grupo at masasabi niyang isa nga ang kanyang pinsan sa magagaling maglaro ng basketball sa kanilang unibersidad. Agad niyang itinutok ang kanyang mga mata sa sentro ng court. Kasalukuyan nang nag-eensayo ang dalawang grupo sa magkabilang ring. Mayamaya lang ay alam niyang magsisimula na ang laro. "Good luck sa pinsan mo," narinig niyang saad ni Kurt sanhi para mapalingon siya dito. She turned to look at him abruptly. Nakamasid din sa kanya ang binata at dahil sa magkatabi sila ng kinauupuan ay halos magdikit na ang kanilang mga braso at binti. At wari bang noon lamang iyon napansin ni Maxine. The idea of his skin touching hers sent an unexplainable feeling to her. She could almost feel the warmth from his body. At ang bagay na iyon ay agad na nagbigay sa kanya ng rason para mailang. "Why?" he asked. Wari namang balewala para dito ang pagkakalapit nilang iyon. "N-Nothing. Good luck sa ating lahat. They're playing for the whole Montecillo, anyway," saad niya na sadyang linakipan na ng sigla ang tinig. "I am sure they will win. Malakas ang kupunan ng MU," wika naman nito na may kompiyansa sa tinig. Muli siyang napangiti. Sa pagkakataon na iyon ay nabaling ang kanyang isipan sa mga sinabi nito. Siya man din ay iyon ang hinuha. MU's team did great from their past games. Mabibilang nga lang yata ang pagkakataon na natalo ito ng ibang unibersidad kahit nang mga nauna pang university meet. At sa tingin niya, kahit ngayon ay iyon ang mangyayari. Hanggang sa mayamaya pa ay nagsimula na ang laro. Sa una ay nagsalita pa muna ang facilitator bago inumpisahan na ang jump ball. It was the other team who got the ball first. Umpisa pa lang ay rinig na rinig na ang hiyawan ng mga estudyanyeng nanonood. Maging ang ilang professors ng MU at ng kabilang kupunan ay naroon din para sumuporta. Naroong halos magpalitan lang ng pag-shoot ng bola ang dalawang grupo. Makakausad ang isa habang makakahabol naman agad ang kabila. Dikit ang laban. Hindi na niya iyon pagtatakhan sapagkat kapwa magaling ang dalawang kupunan. Sa kabila ng naging abala na sa panonood ng laro ay hindi man lang nawaglit sa isipan ni Maxine ang presensiya ng lalaking nasa kanyang tabi. Sa dami ng taong naroon ay nakukuha pa rin nito ang kanyang atensiyon. Hanggang sa dumating ang huling quarter ng laro. Ilang saglit na lang ang natitira para sa dalawang kupunan. Lamang ang MU ng ilang puntos lang at dahil doon ay mas naging pursigido ang kalaban para makahabol. But of course, MU athletes didn't allow it. Puspusan ang dipensa, lalo na ng kanyang pinsan. At sa tuwing nakakapasok ang mga tira ni Zandro ay hindi niya mapigilang mapasigaw at mapapalakpak. And she could even feel Kurt's stare every time she would do that. "Why?" nagtataka niyang tanong dito. Hinarap niya pa ito at bahagyang nilakasan ang tinig sapagkat maingay sa kanilang paligid dahil na rin sa mga taong naroon. Hindi niya lang kasi maiwasang mang-usisa sapagkat nagtataka siya sa titig na iginagawad nito sa kanya. "Once in a while, masaya rin palang makita na nag-iingay ka, Miss Gold Tier. Naninibago lang ako," napapangiti nitong saad sa kanya. Isang pekeng irap ang ginawa niya, natatawa na rin. Ibinalik niya pa ang kanyang paningin sa laro bago ito sinagot. "Siguro dahil hindi pa natin lubusang kilala ang isa't isa, Kurt. There are still a lot of things that we will discover on each other." "And I am willing to know everything about you, Max, even if it took me forever to do that... I love you." Marahas ang ginawang paglingon dito ni Maxine. Kasabay ng pagbitaw nito ng mga salitang iyon ay ang pagsigawan ng mga taong nakapaligid sa kanila. Naipasok kasing muli ni Zandro ang bolang itinira nito dahilan para tuluyang manalo ang basketball team ng Montecillo University. Naging sanhi nga iyon para hindi magkandamayaw ang mga estudyante ng MU sa pagbunyi sa kanilang pagkapanalo. But despite that, Maxine's attention was darted on what Kurt has said. Duda pa siya kung may nakarinig na iba sa mga sinabi nito. Halos lahat ay nakatutok sa laro, idagdag pa na nang sabihin iyon ng binata ay bahagya itong lumapit sa kanya at sa mismong malapit sa kanyang tainga binitawan ang mga salita. She froze for a while. Napatingala siya dito at hindi na pinansin pa ang ibang taong masayang nagsisigawan. Ang iba pa sa mga iyon ay bumaba na sa gitna ng court upang kamayan at lapitan ang mga manlalaro mula sa kanilang unibersidad. At kasama na nga roon sina Emily at Melissa na hindi yata napansing naroon pa siya sa bleacher at hindi sumunod sa mga ito. Totoo nga marahil iyong nabasa niya sa isang romance novel na mayroon siya. It says 'When you are in love, the world's population falls to one'. Madalas daw ay natutuon ang buong pansin mo sa taong minamahal mo at hindi mo na nabibigyan pa ng atensiyon ang iba. At iyon ang nangyayari sa kanya ngayon. Hayun at naipanalo na ng pinsan niya ang laro para sa kanilang eskwelahan ngunit ang buong atensiyon niya ay na kay Kurt pa rin. She gasped as she remembered that specific line from a book. 'When you are in love...'? Mahal niya na rin nga ba ito? Pareho na ba ang nadarama nila? "Maxine!" Isang sigaw mula kay Melissa ang nagpangyari upang maputol ang waring nabato-balaning sitwasyon nila ni Kurt. Lumingon siya sa kanyang kaibigan at noon niya lang napansin na naroon na ito kasama ang ibang miyembro ng kupunan nina Zandro. May mga confetti na rin sa mismong court dahil nga sa pagkapanalo ng mga ito. "Montecillo won," narinig niyang saad ni Kurt. "Go and celebrate with your cousin and friends. Congratulations to them." "K-Kurt---" "Kung ano man ang narinig mo ay totoo iyon," sansala nito sa ano mang sasabihin niya. "But we can talk about it some other time. For now, cherish this moment with them. Masaya ako sa panalo ng basketball team." Hindi siya nakasagot. Kahit ang maglakad na at magtungo kung saan naroon na ang dalawa niyang kaibigan ay hindi niya pa magawa. Ang mga sinabi ni Kurt ay mistulang nagpangyari upang maitulos siya sa kanyang kinatatayuan. "Aalis na rin ako. We'll talk again, Miss Gold Tier," anito bago tuluyang nagpaalam. Tumalikod na ito at tinalunton na ang daan palayo sa basketball court. Nanatili pa muna siya roon ng ilang saglit at sinundan ito ng tanaw saka humakbang na rin patungo sa kinaroroonan nina Emily at Melissa. Kunot pa ang mga noo ng dalawa nang tuluyan siyang makalapit. "What took you so long to follow us? At saan na pupunta si Kurt?" magkasunod na tanong ni Emily sa kanya. "He needed to leave already. M-May... May pupuntahan pa yata," dahilan niya. "Whatever! Tara, magpa-picture tayo sa buong team," excited nang sabi ni Melissa na sadyang hinawakan at hinila na siya sa kanyang kamay. Naglalakad na sila patungo sa umpukan ng grupo nina Zandro nang hindi niya pa mapigilang lumingon sa tinahak na daan ni Kurt. Wala na ito roon at kahit likod ay hindi na niya matanaw. Ganoon pa man ay hindi mawala sa kanyang isipan ang mga sinabi nito. Yes, he already said he likes her. Gusto siya nito, iyon ang sinabi nito noon. But knowing he loves her was a different story. Mas malalim na damdamin na iyon dahilan para hindi niya pa mapigilang maguluhan sa kanyang sarili. Why she was happy to hear that from him?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD