CHAPTER 17

2378 Words
CHAPTER 17 Natapos ang university meet na ang naging overall champion ay ang MU. Dahil sa ang unibersidad kung saan sila nag-aaral ang may pinakamaraming panalo sa iba't ibang sports ay sa Montecillo University iginawad ang naturang parangal. Everyone was so happy about it. Lahat ay nagbunyi, mula sa mga estudyante hanggang sa mga professors at mga school officials ng unibersidad. Maging si Maxine ay labis ang galak. Maliban kasi sa pagiging overall champion ng MU ay nanalo din sa final games ang basketball team kung saan ang pinsan niya ang captain ball. Even her Uncle Leandro and Auntie Cara celebrated the team's victory. Matapos ng huling laro nina Zandro ay nagkaroon sila ng special dinner upang ipagdiwang ang pagkakapanalo nito. Sa ngayon ay ang victory party naman ang inaabangan ng mga Montecillians. Gaganapin ang nasabing event sa golf course ng Azucarera de Valencia, pag-aari ng isa sa mga pinakamayamang angkan dito sa Pilipinas. Katulad din ang mga ito ng mga Sevilla kung yaman lang din ang pag-uusapan. Kilala ng kanyang Uncle Leandro ang mismong may-ari ng lugar na iyon. Just like him and her Auntie Cara, the owner of Azucarera de Valencia were also one of the shareholders of Montecillo University. Ang mga anak ng mga ito nag-aaral din sa unibersidad bilang mga gold tier. Si Zandro ay paniguradong dadalo sa victory party. Bilang captain ball ng basketball team ay hindi ito maaaring mawala roon. Gusto niya rin na dumalo upang masamahan si Celine sapagkat pupunta ito. Maging sina Emily at Melissa ay siguradong naroon din. Napabuntong-hininga si Maxine kasabay ng pagtingin sa labas ng bintana ng backseat ng kanilang sasakyan. Kasalukuyan nga siyang nakasakay sa kanilang kotse at patungo sa isang lugar kung saan sila magkikita-kita nina Emily at Melissa. Ipinagpaalam na niya ang tungkol sa lakad nilang magkakaibigan sa kanyang tiyahin at tiyuhin. It was Melissa who invited her out, bagay na pinaunlakan niya naman. Ayon kasi sa kaibigan niya ay may isa itong kakilala na nangangailangan ng tutor. At dahil sa nalaman ni Melissa ang tungkol sa pagtuturo niya kay Kurt ay inirekomenda siya nito sa tinutukoy nitong kakilala. And it was okay with Maxine. Tulad nga ng nasabi na niya ay walang problema sa kanya ang tumulong sa mga estudyanteng nahihirapan sa mga leksiyon. Ang hindi niya lang maunawaan ay kung bakit gabi ang oras ng pag-aya sa kanya ni Melissa. When she asked her, Melissa just told her that they should have some break and they deserve it after their midterm exam. Kasabay na rin ng gimik na iniisip ng kaibigan niya ay ang pagpapakilala nito sa estudyanteng gustong magpaturo sa kanya. Gusto pa man sanang magprotesta ni Maxine ngunit hindi na niya ginawa. Pinaunlakan niya nga ang paanyaya ng mga kaibigan at dahil ayos lamang sa kanyang tiyahin ay agad na rin siyang nagpahatid kay Mang David sa lugar na sinabi sa kanya ni Melissa. Ilang saglit pa ay narating nga nila ang naturang lugar. Ipinarada pa muna ni Mang David ang sasakyan sa harap ng establisimiyentong tinutukoy ni Melissa. Agad pang napalunok si Maxine nang mapagtanto kung anong uri ng lugar ang naisipang puntahan ng kaibigan niya sa gabing iyon. It was a night bar--- Senang Hati Music Lounge, the bar's name. Sa may parking lot pa lang ay agaw-pansin na ang malaking billboard kung saan nakalagay ang pangalan ng naturang bar. Hindi iyon nalalayo sa Montecillo University kaya hindi na siya magtataka kung alam iyon ng kanyang mga kaibigan, especially Melissa. But, seriously? Doon nito ipapakilala sa kanya ang sinasabi nitong nais magpa-tutor sa kanya? "H-Hintayin niyo na lang po ako, Mang David," baling niya sa matandang lalaki. "Sige, Max. Andito lang ako," saad nito at balewalang inayos ang pagkakaupo sa may driver's seat. Binuksan na niya ang pinto sa may panig niya at saka lumabas ng sasakyan. Gusto niya pang kabahan sa uri ng lugar na kinaroroonan niya ngayon. Hindi siya sanay na pumunta sa mga ganoong establisimiyento. She swallowed hard before opening her bag. Akmang kukunin niya roon kanyang cell phone upang tingnan kung may mensahe sino man sa dalawa niyang kaibigan. Kung wala man ay balak niyang tawagan na ang mga ito upang ipaalam ang kanyang pagdating. Ngunit ang balak niyang gawin ay hindi na natuloy pa. Agad na kasing may tumawag sa kanyang pangalan dahilan para mapalingon na siya. There, she saw Melissa and Emily. Naglalakad na rin ang mga ito patungo sa kanya mula sa kabilang panig ng parking lot. "Max!" Melissa shouted. May malaking ngiti pa ito sa mga labi. "Akala ko'y hindi ka na darating. We've been waiting for you for ten minutes now." Sa halip na pansinin ang mga sinabi nito ay iginala pa ni Maxine ang kanyang mga mata sa paligid bago nagsalita. "Why here, Mel? Hindi mo sinabi na bar---" "This is music lounge, Max," awat nito sa mga sasabihin niya pa. "But still a bar," giit niya. "Disente ang bar na ito. Besides, minsan ka lang namin makasama sa pag-night life so let's enjoy." "She's right, Max," segunda naman ni Emily. "Narito ka na rin naman, might as well enjoy." "Halika na. Nag-text na sa akin iyong tinutukoy ko sa iyo," wika ni Melissa sabay hawak na sa kanyang kamay at paggiya na sa paglalakad. Mula nga sa bahagi kung saan nagparada si Mang David ay inakay na siya ng dalawa sa kabilang bahagi ng parking lot. Maraming sasakyan ang naroon, tanda na marami ang tao sa loob. Siguro ay dahil na rin sa araw iyon ng Biyernes at karamihan na'y walang pasok sa trabaho at eskwela kinaumagahan. Hanggang sa mayamaya ay nakita nila ang sadya. Naroon na nga ang sinasabi ni Melissa na kakilala nito, isang babae at dalawang lalaki. Nang makalapit sila'y agad na bumati ang isang lalaki--- si Conrado. Brusko itong tingnan ngunit malambot kung magsalita. It was only then when she realized that he's a gay. “Guys, this is my friend, Melissa!” baling ni Conrado sa dalawa nitong kasama. "And guys, ito naman si Amira, kaibigan ko at ang manliligaw raw niya, si Fafa Beau!" eksaherada din nitong pagpapakilala sa dalawang kasama nito. “Wait, you are part of the SSG, right?” tanong ni Melissa sa tinawag na Amira. Kahit siya man ay namumukhaan ito. Estudyante rin ito ng MU, maging ang lalaking si Beau. Nang tumango si Amira ay muling nagsalita si Melissa. “I’m Melissa, and these are my friends, Emily and Maxine! We all voted for you!” “Uy, thank you! I’m pleased to meet you!” saad ni Amira. “Akala ko ba'y may gustong magpa-tutor?” hindi pa maiwasang itanong ni Maxine sa kanyang kaibigan sa mahinang tinig. Agad niya pang nahila ang kamay ni Melissa para makuha ang atensiyon nito. “Meron nga, si Conrado!” sagot nito sabay turo sa lalaking unang bumati sa kanila. “Gosh! Cory nga kasi!” eksaheradang saad ni Conrado. He almost rolled his eyes upwardly. “Anyways, tara na sa loob!” dagdag pa nito sabay akay na sa kanila papasok sa bar. Sabay-sabay na nga silang pumasok sa loob. Nang makalampas sa may entrada pa lang ay hindi maiwasang matigilan ni Maxine. Maingay sa loob at halos lahat ng taong naroon ay nakikisabay sa bokalista ng bandang kumakanta. She roamed her eyes around the place. Ang totoo'y iyon ang unang pagkakataon na nakapasok siya sa loob ng isang bar kaya naman hindi niya maiwasang makadama ng pagkailang sa mga taong naroon. Nang lumingon naman siya sa kanyang mga kaibigan, maging kay Cory, ay bakas naman ang excitement sa mukha ng mga ito. Siya lang yata at si Amira ang hindi mapakali habang naglalakad sa papasok. Halatang pareho silang hindi sanay na pumunta sa ganoong klaseng lugar. Dire-diretso silang umakyat sa ikalawang palapag kung saan naroon ang VIP deck. Narinig niya pang sinabi ni Beau na may VIP card ito sa lugar na iyon dahilan para maaari silang pumuwesto sa ikalawang palapag. They occupied one table. Katabi niya si Emily habang si Melissa at Cory naman ang nasa kabila. Sina Beau at Amira naman ang magkatabi. “Grabe ang saya! It’s raining men!” saad ni Cory. “Nothing bad is going to happen, right?” narinig niyang saad ni Amira, bagay na ikinatawa nila. She looked so worried. “Come on, love. You worry too much. Huwag kang mag-alala, okay? Nandito naman ako, eh,” tugon ni Beau. Mayamaya pa'y may alak at pulutan na sa kanilang harapan. Katulad ni Amira ay hindi niya pinaunlakan ang alok na alak ng mga kasama nila. Iced tea lamang ang ininom niya habang nakikisabay sa usapan ng mga ito. Napapangiti pa siya habang nakikinig sa panunukso ni Cory kina Amira at Beau. Hindi siya ganoon kagaling magbasa ng saloobin ng mga taong nakakasalamuha niya. But looking at them right now, she can say that they're good together. Hindi na siya magtataka kung maging totoo man nga ang mga panunukso ni Cory sa mga ito. “Well, anyways, kahit na anong desisyon niyo sa mga buhay niyo, bahala kayo. Kaya niyo na iyan at susuporta na lang ako," saad ni Cory kina Amira at Beau. "For now, since may kasama ka naman, maglalakad-lakad muna ako at baka sakaling dito ko na makilala ang forever ko!” Nagprotesta si Amira pero hindi nagpaawat si Cory. “Ay bet ko iyan! Sasama rin ako. Let’s go!” Melissa exclaimed. Waring natuwa ito sa ideya ni Cory. Napasunod siya ng tingin nang maging si Emily ay tumayo na rin. Nabigla pa si Maxine nang maging siya ay hinawakan ng mga ito sa kamay at akaying sumama sa mga ito. "Where are we going?" tanong niya. "We'll enjoy the night, Max. Let's have some fun," masayang wika naman ni Melissa. "Wait, Mel. Ang usapan natin ay ipakikilala mo lang sa akin ang kaibigan mong nais magpa-tutor. You didn't tell me that we'll go to a bar. Kung alam ko lang na bar ang nasa address na binigay mo---" Naputol ang pagsasalita niya nang agad ay huminto si Melissa sa paglalakad at biglang humarap sa kanya. Sina Emily at Conrado ay nauna na nang bahagya sa kanila. "You're so serious in life, Max. Once in a while, walang masama kung magsaya ka rin. Hindi lang sa eskwelahan umiikot dapat ang mundo mo," malakas nitong saad. Dahil sa ingay sa paligid ay kinailangan nitong lakasan ang tinig upang magkarinigan sila. "I can't see anything wrong on what I'm doing," depensa niya. "You know I'm just doing this for my aunt and uncle. Pasasalamat sa pagpapalaki nila sa akin." "Hindi ko sinabing mali, Max. Pero minsan ba ay may nagawa ka na rin na ikasasaya ng sarili mo? You always think of them. Kailan mo rin pagbibigyan ang sarili mo?" She was taken aback on what Melissa said. She's right. Lagi niyang iniisip muna ang sasabihin at mararamdaman ng tiyahin at tiyuhin niya bago niya gawin ang isang bagay. She always wanted to please them. And maybe it was because of the conversation that she heard several years ago--- ang tungkol sa pagtanggi ng kanyang tiyahin na legal siyang ampunin bilang anak ng mga ito. Mula noon, lahat ng gagawin niya ay gusto niyang ikasasaya ng kanyang Uncle Leandro at Auntie Cara. Gusto niyang isipin ng mag-asawa na karapat-dapat siyang maging anak ng mga ito. She focused on her studies. Iyon lang ang alam niyang paraan upang mapasaya ang mag-asawang Leandro at Cara. Hanggang sa makalimutan niya na rin kung paano bigyang pansin ang sariling kaligayahan. Akmang sasagutin niya sana ang mga sinabi ni Melissa nang mapansin nila ang kaguluhan sa isang panig ng bar. Nang mapagtantong ang gulo ay nagmumula sa mesa kung saan naroon sina Amira at Beau ay dali-dali silang bumalik roon. She didn't know what really happened. Naabutan na lamang nilang may nakaaway si Beau at ilang kalalakihan pa ang kasama nito. Agad pang nakilala ni Maxine ang ibang kasama ni Beau. Pawang estudyante din ng Montecillo University ang mga ito. At base sa naabutan nilang eksena ay tumulong ang mga ito sa away na kinasangkutan ni Beau. She even heard him uttered thanks to them before the other students of MU left. Nang matapos ang naturang kaguluhan ay agad nilang kinumusta si Amira na nang mga oras na iyon ay halatang nahintakutan sa mga nangyari. Noon din ay nalaman nilang binastos si Amira, dahilan para ipagtanggol ni Beau at magsimiula ang kaguluhan. Hanggang sa mayamaya ay nagpasya na sina si Amira at Beau na umalis. Sinamahan pa nila ito sa mismong labas ng bar at doon ay tuluyang nagpaalam. Kasama ng mga ito si Conrado nang magtungo roon ngunit nagpasya itong magpaiwan sa bar. Bago pa man tuluyang makaalis sina Amira at Beau ay nagmamadali nang naglakad pabalik sa bar si Conrado kasama si Melissa. Maxine and Emily followed them. Agad niya pang tinawag si Melissa bago tuluyang makapasok sa loob ng bar ang mga ito. "Mel!" bahagyang sigaw niya dahilan para mapalingon ito at si Conrado. "I need to go home as well," saad niya bago pa man may makapagtanong. "Max, ni hindi pa tayo nakakapag-enjoy." She signed. "Some other time perhaps," wika niya sabay baling kay Conrado. "Kung gusto mo talaga magpa-tutor, magkita na lang tayo sa MU." "Of course, I really want you to teach me. Talagang nahihirapan din akong sabayan ang leksiyon namin. But for now, let's enjoy the night first." Binanggit pa nito ang huling pangungusap sa maharot na paraan. Who would think that he's a gay, e, lalaking-lalaki naman itong tingnan? In the end, nagpaalam na siya sa mga ito. Si Emily ay nagpasya pang manatili ng kaunting oras kasama sina Melissa at Conrado. Nag-alok pa itong samahan siya sa kung saan nakaparada ang kanilang sasakyan ngunit tumanggi na siya. Hindi naman iyon kalayuan sa mismong entrada ng bar at magagawa niyang maglakad patungo roon nang mag-isa. Nang makapagpaalam na ay pumihit na si Maxine paalis. She was just walking alone. Hindi pa mawala sa isipan niya ang naging takbo ng usapan nila ni Melissa kanina. Until all of the sudden, she stopped on her track. Isang pamilyar na bulto kasi ang kasalukuyan niyang makakasalubong na kung saan man nagmula ay hindi na niya napansin pa. "K-Kurt?" "Maxine..." wika din nito. "W-What are you doing here?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD