CHAPTER 10
Marahang naupo sa kanyang kama si Maxine matapos niyang makapaglinis ng kanyang katawan. Nakapagpalit na rin siya ng damit pantulog at bago pa man niya patayin ang ilaw sa loob ng kanyang silid para matulog ay naisipan niya munang gawin ang isang bagay na kanina niya pa gustong gawin.
Pasado alas-dies na ng gabi at kanina lamang natapos ang birthday party na idinaos para sa kanya. Bago siya umakyat ng kanyang silid ay muli pa muna siyang binati ng kanyang Auntie Cara at Uncle Leandro. She was so thankful to them for giving her so much than what she needed. Labis-labis din ang galak na nadarama niya dahil sa dami ng taong nagpunta upang makisaya sa kanyang kaarawan.
Pagkapanhik sa kanyang kwarto ay naroon na rin lahat ng regalong natanggap niya. Alam niya na kanina pa naiakyat ni Manang Rebecca ang mga iyon katulong ang asawa nitong si Mang David. Sa dami ng dumalo at sa kaisipan na pawang nagmula rin ang mga ito sa mga may-kayang pamilya ay napakaraming regalo ang nasa silid niya ngayon.
But despite all the gifts, Maxine got only one from them. Bitbit niya iyon hanggang sa pagsampa niya sa kanyang kama. There's no name written on it. Ni wala rin nakalagay na ano mang pagbati sa pabalat ng naturang regalo. But because it was given to her personally, she knew very well whom it came from. Iyon ang regalo ni Kurt sa kanya.
"I know you'll like it. You've been wanting to have it anyway."
Hindi niya alam kung ano ang ibig nitong sabihin sa mga katagang iyon ngunit labis na napukaw ang kanyang kuryosidad sa kung ano man ang laman ng regalong nasa harapan niya ngayon.
Dahan-dahang tinanggal ni Maxine ang balot ng naturang regalo. Ni hindi niya pa magawang punitin na lang ang wrapper na ginamit ng binata. Sa kung ano mang dahilan ay nais niyang alisin iyon nang maingat.
Nang matanggal niya ang pabalat ay tumambad sa kanya ang kahon na kulay tsokolate. She opened it and gasped loudly when she saw what's inside.
Libro!
She's familiar on it. Bigla niyang naalala kung saan niya unang nakita ang naturang libro. Bigla niya ring naalala ang kung ano ang nangyari nang araw na dapat ay bibilhin niya ito.
Ito ang librong nakita niya sa bookstore. She was about to buy it when Kurt suddenly came. Mas inunahan siya nito sa pagkuha niyon at sa halip na magparaya sa kanya ay agad na iyong binayaran ng binata.
And now, he's giving it to her as a present?
"I would give it to someone special"--- hindi ba't iyon ang isinagot ni Kurt sa kanya nang itanong niya kung bakit nito binili iyon? If that is the case, bakit nito iyon ibinibigay sa kanya ngayon?
*****
KANINA pa nakatayo si Maxine sa may parking area ng Montecillo University. Mamaya pa ang unang klase niya para sa araw na iyon ngunit maaga siyang nagpahatid kay Mang David sa naturang unibersidad.
Sinadya niyang agahan ang pagpasok para sa araw na iyon. Nakasukbit pa ang kanyang bag sa kanyang kaliwang balikat habang tangan naman niya sa kanyang mga kamay ang ilang libro. At kabilang roon ang librong natanggap niya mula kay Kurt.
And it was also the reason why she woke up early that morning. She wanted to talk to him. Alam niya na mamaya lang ay darating na rin ang binata sa unibersidad. Ang binata ang dahilan kung bakit siya naroon at naghihintay. Gusto niya itong kausapin tungkol sa regalong binigay nito. At sa parking area niya ito naisipan na abangan. He always went to school with his motorcycle and she knew very well where he often parked.
Saktong nagyuko siya sa relong kanyang suot upang silipin ang oras nang makarinig siya ng ugong ng paparating na motorsiklo. Hindi niya alam kung bakit, sa loob ng ilang linggo ay waring nagiging pamilyar na siya sa tunog ng naturang sasakyan ni Kurt.
And she was not mistaken. Ang binata nga ang bagong dating.
Marahang inihinto ni Kurt ang motorsiklo nito sa pwesto kung saan ito madalas pumarada. He was wearing a helmet but Maxine was so sure that he saw her at once. Nadaanan siya nito kanina at bahagya pang nilinga ang kanyang kinatatayuan bago idineretso ang sariling sasakyan sa pagpaparadahan.
Agad na hinubad ni Kurt ang helmet at umalis mula sa pagkakasampa sa motorsiklo nito. He got his things while his eyes were fixed on her. Puzzlement was even visible in his eyes as he looked on her face.
Maxine instantly walked towards him. "H-Hi. Good morning."
"Morning," tipid nitong tugon habang lumalapit din sa kanya. "What are you doing here? A-Ang ibig kong sabihi'y bakit narito ka pa at hindi pa umakyat sa taas."
"Hinihintay talaga kita."
Sukat sa mga sinabi niya ay agad na nagdikit ang mga kilay nito. "Bakit?"
"I just..." She paused for a while and looked down at the books on her hands, including the one that Kurt gave to her. "I just want to ask you something about... about your gift to me."
Hinayon din ni Kurt ng tingin ang mga librong hawak niya. Nang makita nito ang dala-dala niya ay biglang naging seryoso ang ekspresyon ng mukha nito.
"What about it? Hindi mo ba nagustuhan?"
"No... I-I mean, hindi sa ganoon. It's just that---"
Maxine stopped in midsentence. Ang totoo ay hindi niya talaga alam kung ano ang sasabihin sa binata. She was puzzled because of his gift. Gusto niyang usisain kung ano ang ibig nitong sabihin nang mag-usap sila tungkol sa librong iyon. Pero ngayong kaharap na niya si Kurt ay hindi naman niya alam kung ano ang mga tamang salitang bibitawan dito.
Hindi niya gustong mag-isip ito na nang-uusisa siya ng pribadong buhay nito. At the same time, nahihiya din siyang magtanong sapagkat baka isipin nitong nag-aasume siya ng isang bagay.
"What do you want to ask, Maxine? Mag-uumpisa na mayamaya lang ang klase natin," susog pa nito sa parang naiinip nang tinig.
She was stunned once again as she heard him called her by her name again. Mula nang gabi ng kanyang kaarawan ay sa pangalan na niya siya nito kung tawagin. Saan na napunta ang "Miss Gold Tier" na bansag nito sa kanya?
"Y-You are now calling me by my name," saad niya muna sa halip na mang-usisa sa regalong binigay nito.
"Would you prefer if I call you Miss Gold Tier again?"
"No," maagap niyang sansala dito. "But you told me na kapag tinawag mo na ako sa pangalan ko ay mag-iiba na ang lahat. W-What do you mean by that?"
May kung ilang saglit na hindi nagsalita si Kurt. Nakatayo lamang ito sa kanyang harapan at mataman na nakatitig sa kanyang mukha. Halos gusto pang mailang ni Maxine dahil doon. For some reasons, there was something on the way he looked at her. At kung ano man ang ibinabadyang emosyon ng mga mata nito ngayon ay hindi niya mabigyan ng pangalan.
"Kurt..."
"If you got no issue with the gift, let's go, Maxine. May klase pa tayo," awat na nito sa mga sasabihin niya pa.
Tumalikod na ito sa kanya at akmang mauuna na sana sa paglalakad nang mahinto dahil sa muli niyang pagsasalita.
"About the gift, Kurt," wika niya dito. "You said you would give it to... to someone special. Iyon ang sabi mo nang magtanong ako, hindi ba? If that's the case, then, why did you give it to me?"
Muling pumihit paharap sa kanya ang binata. Ang kaninang seryosong ekspresyon sa mukha nito ay nahalinhinan ng isang damdamin. And for some reasons, Maxine wanted to think that it was amusement that lit his face as he heard what she has said.
"You know what, you're one of the smartest in our class. Or should I say you are really the smartest one," wika nito sa waring naaaliw na tinig. "Pero hindi ko maiwasang isipin kung bakit minsan ay parang tatanga-tanga ka. Ang hirap mong umintindi, Miss Gold Tier."
Awang ang bibig na napatitig siya sa binatang kanyang kaharap. Gusto niyang mainsulto sa pagtawag nito sa kanya ng tatanga-tanga pero sa ano mang kadahilanan ay hindi iyon ang nadarama ni Maxine. She knew very well that it's not his intention to insult her.
Naglalaro pa ang labis na pagkaaliw sa mga mata nito habang nakatitig sa kanya na mistula ba'y isa siyang batang paslit sa harap nito.
At ang muling pagtawag nito sa kanya ng Miss Gold Tier! Oo at nairita siya nang unang beses na tinawag siya sa ganoong paraan ni Kurt. Pakiramdam niya ay laging sarkastiko ito kapag binabanggit ang mga salitang iyon.
Ngunit nang magsimula itong tawagin siya sa una niyang pangalan ay mistula bang mas hinahanap niya pa ang ganoong katawagan nito sa kanya. Kurt was the only one who called her that way. It was like his endearment to her, and for the life of Maxine, she longed to hear it again from him.
Endearment?! Maxine stopped on her track. Paanong pumasok sa kanyang isipan ang ganoong kaisipan?
"W-What... What do you mean by that, Kurt?" nauutal niya pang tanong dito.
Nagkibit na lamang ng mga balikat ang binata bago tuluyan na siyang tinalikuran. He was talking as he started walking towards the building where they're having their first class.
"Kung naiintindihan mo ang napakahirap nating leksiyon, bakit ang mga sinabi ko ay hindi mo maunawaan?" paangil na nitong wika sa kanya.
Mabilis siyang umagapay sa paglalakad nito. Dahil sa malalaki ang mga hakbang ni Kurt ay halos lakad-takbo ang ginawa niya upang makatapat ito sa paglalakad.
"Kurt, why are you so---"
"Bilisan mo na. Magsisimula na ang klase natin. You wouldn't like to be late, would you?"
Ano mang sasabihin niya pa sana ay agad nang naawat nang hawakan na siya ni Kurt sa kanyang kanang braso at iakay na sa paglalakad. Naguguluhan man sa mga sinabi nito ay pinalampas na lamang niya. Hanggang ngayon ay nahihirapan siyang sakyan ang ugali mayroon ng binata.