CHAPTER 11
Lumipas ang ilang araw at hindi na muli pang napag-usapan nina Maxine at Kurt ang tungkol sa mga sinabi ng binata. Maging ang tungkol sa regalo ni Kurt ay hindi na nausisa pa ni Maxine. Though, deep inside ay naroon pa rin sa kanyang dibdib ang maraming katanungan pero mas pinili na lamang niyang sarilinin.
The gift really gave her a lot of speculations. Ayon na rin kay Kurt noon ay hindi ito mahilig sa ganoong mga libro. Inamin din nito sa kanya na balak nitong ibigay ang naturang bagay sa 'special someone', someone na hindi na nito pinangalanan pa.
She did not want to assume, pero paanu kung siya ang tinutukoy nito? That question kept her thinking for how many days. Pero kalaunan ay iwinaksi din naman ni Maxine ang kanyang mga naisip.
Kung ganoon nga ay bakit walang sinabi sa kanya si Kurt? Idagdag pa na hindi naman nagbago ang pakikitungo nito sa kanya. He was still that distant guy that she met since the first day of school.
Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang pumasok sa kanyang isipan. Gusto pang kastiguhin ni Maxine ang kanyang sarili dahil sa pag-iisip ng ganoon. Was she expecting Kurt to feel that way for her? Bakit ba gusto niyang isipin na may nadarama din ito para sa kanya?
Din? Maxine abruptly stood up from her chair because of that thought. Where did that question come from? Ganoon na rin ba ang nadarama niya para kay Kurt?
Ang marahas niyang pagtayo ay naging sanhi pa ng paglingon sa kanya nina Emily at Melissa. Nasa loob pa sila ng kanilang classroom at akmang pauwi na. Hinihintay na lamang niya ang dalawa na matapos sa pagligpit ng mga gamit ng mga ito.
"Is there something wrong, Max?" Emily asked. Nasa mga mata nito ang pagtataka.
"N-Nothing. May naalala lang ako," dahilan niya dito.
"May problema ba?" usisa naman ni Melissa. Katulad niya ay nakatayo na ito at nakasukbit na ang bag sa balikat.
Umiling siya sa mga ito bilang sgaot. Hindi na nagtanong pa ang dalawa at nag-aya nang lumabas na sila. Iilan na lang sila sa loob ng classroom. Lahat ay pawang pauwi na rin. Ang iba naman ay kanina pa nakalabas at kabilang nga roon si Kurt.
Dahil sa alam na ng dalawa ang pagtuturong ginagawa niya kay Kurt ay alam na rin ng mga ito na tutuloy siya sa library nang araw na iyon. Sabay-sabay na silang naglalakad sa may pasilyo nang bigla ay natigilan siya. Ilang hakbang pa lang ang nagagawa nila nang mamataan na niya si Kurt na wari ay may hinihintay.
Nang makita sila ng binata ay agad na itong napatayo nang tuwid.
"Oh, he was waiting for you," Emily said. Hindi pa maitago ang ngiti sa mga labi nito.
Mula nang malaman ng mga kaibigan niya ang tungkol sa pagtuturo niya kay Kurt ay wala siyang narinig na ano mang negatibong bagay mula sa dalawa. That, somehow, made her guilty for not telling them about it right away. Hindi niya ikinahihiya kailanman ang pagsama sa isang bronze tier kaya naman hindi niya rin maunawaan sa kanyang sarili kung bakit hindi niya agad naipaalam iyon kina Emily at Melissa, samantalang alam niya na katulad niya lamang din ang mga ito na hindi mapagmata sa kapwa.
Mayamaya ay marahan na silang naglakad palapit kay Kurt. Wala din naman choice sapagkat madadaanan din talaga nila ito.
"Mauna na kami, Max," saad ni Emily. "Since, mag-aaral pa kayo ay mauna na kaming umalis ni Melissa. May kailangan din kaming daanan. I hope next time makalabas ulit tayo. You can come with us." Ang huling pangungusap na binanggit nito ay laan para kay Kurt.
"Next time," narinig niyang sabi naman ng binata.
Nang tuluyang makaalis ang mga kaibigan niya ay hinarap na niya ito. "Bakit dito ka naghihintay?"
Hindi niya maiwasang magtaka. Lagi naman ay nauuna na itong magtungo sa library at doon siya hihintayin. Ngayon lamang nangyari na sa labas pa lamang ng classroom ay sabay na silang maglalakad ni Kurt.
"Is there something wrong? Alam na rin naman ng mga kaibigan mo na nagkikita tayo para maturuan mo ako, hindi ba?"
"Alam mong walang ibang kahulugan ang tanong ko," saad niya dito saka nagpatiuna na sa paglalakad.
Kurt followed her. Umagapay na ito sa kanyang paglalakad at hindi na muli pang nagsalita. Nang makarating sila sa ibaba ay agad siyang inakay ni Kurt patungo sa ibang daan. Sa halip na sa library ay nagtuloy-tuloy sila papunta sa may parking lot ng unibersidad.
"Kurt, where are we going?"
"You were asking me kung bakit sa may corridor ako naghintay sa iyo," anito kasabay ng paglapit nila sa sarili nitong motorsiklo. "Para hindi ka na magtuloy sa library. May pupuntahan lang tayo."
"Huh?! B-But where?"
Sa halip na sumagot sa kanya ay sumampa na si Kurt sa motor nito bago siya inaya na sumakay na rin.
"Kurt, baka mamaya ay dumating na si Mang David," giit niya pa sa binata.
Sa tuwing nagkikita sila ni Kurt ay lagi siyang nagbibilin sa kanilang driver na bahagya na lamang magpahuli sa pagsundo sa kanya. Ang dahilan niya ay kailangan niyang dumaan sa library at mag-aral.
Sa bagay na iyon ay hindi naman siya nagsisinungaling. Talaga namang pag-aaral ang sanhi ng paglalagi niya sa kanilang unibersidad. But of course, she did not tell Mang David about Kurt. Nangangamba siyang mabanggit nito iyon sa kanyang Uncle Leandro at Auntie Cara at kung ano pa ang isipin ng mag-asawa.
"Hindi tayo magtatagal, Maxine," wika pa nito.
May pag-aalinlangan man na umalis kasama ang binata ay natagpuan niya pa rin ang kanyang sarili na sumampa na sa motorsiklo nito. Sa ikalawang pagkakataon ay sumama siya sa binata sa pag-alis ng Montecillo University. Kung saan man sila pupunta ay wala siyang ideya.
Tahimik lamang sila sa buong durasyon ng biyahe. Nakapwesto siya sa likuran nito habang marahan na nakahawak sa magkabilang tagiliran ni Kurt. Hindi niya man gustong aminin pero may kakaibang dulot sa kanya ang pagkakalapit nilang iyon at ang katotohanan na halos nakayakap na siya mula sa likuran ng binata.
Hindi pa nagtagal ay inihinto na ni Kurt ang motorsiklo nito sa harap ng isang bungalow na bahay. Nang umibis siya mula sa sasakyan ng binata ay nakatutok ang kanyang mga mata sa bahay na nasa kanilang harapan.
Maganda ang istraktura ng bahay. Sa kabila ng halata na ang ilang parte na nangangailangan ng bagong pintura ay masasabi niyang maayos at maganda pa rin itong tingnan. Malaki na ito kumpara sa ibang bahay na nadaanan nila ngunit masasabi ni Maxine na wala pa ito halos sa kalahati ng bahay ng mga Sevilla.
Hindi na niya namalayan pa ang pagtayo na rin ni Kurt sa kanyang tabi at katulad niya ay nakamasid din sa naturang bahay.
"It is just small, isn't it?" narinig niyang wika nito.
"Who cares? For as long as it serves the purpose to those who live in it. For as long as it is a home than just a house."
Sukat sa mga sinabi niya ay marahas na napalingon sa kanya si Kurt. Maging siya man ay napatingala dito dahilan para masalubong niya ang mga mata ng binata. There was an expression in his eyes that she could not even give a name.
May ilang segundo silang nakatitig lamang sa isa't isa. Bandang huli ay si Maxine na rin ang unang nag-iwas ng kanyang paningin mula sa binata. Muli niyang itinutok ang kanyang mga mata sa bahay na nasa kanilang harapan.
"It is beautiful, Kurt. Kaninong bahay ba ito at bakit tayo narito?"
"Welcome to our home, Maxine," saad na nito habang naglalakad palapit sa gate saka binuksan iyon.
Awang ang mga labi na napasunod siya dito ng tingin. He opened the gate before he looked at her again.
"B-Bahay niyo ito? Bakit mo ako dinala dito?" nagtataka niyang saad sa binata.
"It is my mother's birthday. Hindi siya talaga naghahanda pero sa pagkakataon na ito ay humiling ako na magluto siya kahit papaano dahil may bisita akong darating. Let us go inside."
Nagpatiuna na ito sa paglalakad. Walang nagawa si Maxine kung hindi ang sundan ang binata.
Kurt was really something. Basta na lamang siya nito dinala roon saka sasabihin na kaarawan ng ina nito? Bago man lang sana sumapit ang araw na iyon ay sinabihan na siya ng binata, katulad na lang ng pag-imporma niya dito nang kaarawan niya.
Nang makapasok sila sa may sala ay agad na iginala ni Maxine ang kanyang mga mata sa kabuuan niyon. Maayos sa loob at bakas ang kalinisan. Naroon ang isang set ng sofa at tv. Sa dingding ay nakasabit ang ilang naka-kwadradong larawan na ang iba ay litrato ni Kurt ang laman. Sa iba naman ay kasama nito ang isang babae na nahihinuha niyang ina nito.
"Let us go. Baka nasa kusina si mama---"
"Kurt..." pigil niya dito nang akmang aakayin na siya patungo sa may kusina. "Why didn't you tell me that it's your mom's birthday. Sana'y nakapagdala man lang ako ng regalo."
"I told you, hindi naghahanda ang mama sa kaarawan niya. Madalas ay nagkakaroon lang kami ng special na hapunan o kaya ay lalabas kaming dalawa kapag may nagdiriwang ng kaarawan sa amin. Ngayon ko lang siya inudyukan na magluto because I wanted to invite you."
Sa haba ng mga sinabi nito ay hindi niya maiwasang pagtuunan ng pansin ang ilang nabanggit ng binata. "Kayong dalawa? W-Where is your father?"
Bigla ay nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Kurt. Naging seryoso ito at wari ay hindi nagustuhan ang naging tanong niya. Pero saglit lamang iyon sapagkat mayamaya lang ay napabuntong-hininga ang binata. Akmang magsasalita ito nang bigla ay lumabas ang isang babae mula sa kusina.
"Kurt..."
"Ma," wika ni Kurt sabay harap sa ina. "Happy birthday, ma. Si Maxine, my visitor that I'm telling you. Max," baling naman nito sa kanya. "...my mother, Wilma."
"H-Happy birthday ho," nahihiya niyang sabi sa ginang.
"Salamat, hija," she said, smiling genuinely at her. "Kararating niyo lang? Patuluyin mo siya, Kurt."
Agad nang tumalikod ang ina nito upang mauna sa kusina. Sumunod silang dalawa ni Kurt at nang makapasok sa kusina ay agad na bumungad sa kanya ang isang pang-animan na mesa. Sa ibabaw niyon ay nakalatag na ang ilang lalagyan kung saan naroon ang mga inihanda nito.
Agad na siyang inaya ni Wilma na maupo. Si Kurt naman ay agad siyang inabutan ng pinggan saka naupo naman sa kanyang tabi.
It was a simple birthday celebration. Hindi karamihan ang handa at wari niya pa ay talagang nagluto lamang ang mga ito dahil sa kanya, just like what Kurt told her a while ago. Nevertheless, Maxine can't explain why she was contented eating with them.
Ang selebrasyon ng mga ito ay kaibang-kaiba sa magarbong pagdiriwang ng kanyang kaarawan nang nakaraan lang, ganoon na rin sa mga nadaluhan niyang pagtitipon noon.
But Kurt's mother was very accommodating. Kinakausap siya nito at nagtatanong ng tungkol sa kanya. Sa buong durasyon na iyon ay nakangiti ito at halatang palakaibigan. And Maxine knew that it was authentic. Hindi pagkukunwari o pakitang-tao lang.
Mayamaya pa ay nagpaalam sa kanila si Wilma. Ayon dito ay dadalhan nito ng pagkain ang ilang kasamahan sa salon na pag-aari nito. Noon niya rin nalaman na iyon ang negosyo nina Kurt.
Nang maiwan silang dalawa ay nag-aya itong magtungo sila sa may harapan ng bahay. Doon ay makikita ang isang pahabang bakal na upuan na wari ay laan para tambayan. Nakaupo doon si Maxine habang si Kurt ay nanatiling nakatayo sa kanyang harapan.
Mayamaya ay plano niya na rin na magpahatid dito pabalik sa unibersidad. Baka naroon na si Mang David at naghihintay sa kanya.
"Your mom is nice. I like talking to her," pag-amin niya dito.
Tipid itong ngumiti sa kanya. "She is. Palakaibigan talaga si mama."
"Ang papa mo? Kanina'y hindi mo na nasagot ang tanong ko," usisa niya dito.
Kurt walked towards her. Naupo ito sa kanyang tabi bago nito sinagot ang tanong niya.
"Hindi dito nakatira ang papa ko. They separated when I was just in highschool."
"I... I'm sorry to hear that."
"Matagal na iyon. Okay naman kami ng mama. May bagong kinakasama na rin ang ama ko ngayon," anito pa sa kanya.
She smiled bitterly. "May mga relasyon talagang hindi nagtatagal, 'no? But at least, you're still lucky to have your parents. Buhay sila at ano mang oras ay makikita at makakasama mo. While mine died even before I got the chance to know them. I was just one when they died because of an accident."
Agad na napalingon sa kanya ang binata. Alam niyang hindi nakaligtas dito ang lungkot sa tinig niya. She can't help it. Sa tuwing naiisip niya na hindi siya kailanman nabigyan ng pagkakataon na makilala at makasama ang kanyang mga magulang ay hindi niya maiwasang malungkot. Isang taon pa lang siya nang mamatay ang mga ito, ni wala man lang siyang ganoong oras kasama ang mga magulang niya.
"Hindi rin sa lahat ng pagkakataon, Maxine."
"What?" saad niya sa nagtatakang tinig. Hindi niya nakuha ang mga sinabi nito.
"I can't say I'm lucky to have my father. Hindi ko gustong maging tulad niya," pag-amin nito.
"What do you mean?"
"He left us for another woman. Maswerte nga bang matatawag iyon?"
Hindi nakahuma si Maxine sa kanyang kinauupuan nang marinig niya ang mga sinabi nito. There was loneliness as he said it. Noon lamang nalaman ni Maxine ang tungkol sa mga magulang ni Kurt at base sa pagsasalita nito ay alam niyang nasaktan ito sa paghihiwalay ng ama't ina.
She heard him smirked.
"It happened already. Hindi na rin naman maibabalik pa sa dati ang pamilya ko. But when my father left us, I promised one thing to myself."
"A-Ano 'yon?" she asked out of curiosity.
"Hindi ko gagawin ang ginawa ng papa. I would marry the woman that I love. At kapag nakapag-asawa ako, hindi ko iiwan ang babaeng pinakasalan ko. I will stand by her 'til the end..." wika nito sa seryosong tinig bago siya nilingon. "Iyon ay kung magugustuhan niya rin ako."
He added the last sentence in a low voice. Maxine can't find the words to say. To think na may nagugustuhan itong babae ay waring nagpabilis ng t***k ng kanyang puso.
Marahan siyang ngumiti bago ibinaling ang mga mata sa gate ng bahay ng mga ito. "Bakit naman hindi? You're a nice guy. I'm sure magugustuhan ka ng... ng babaeng gusto mo."
"Really? Does it mean magugustuhan mo ako?"
Dahil sa kanyang mga narinig ay marahas siyang napalingon at mulagat na napatitig muli kay Kurt.