CHAPTER 9
Dumating ang araw ng pagdiriwang ng kaarawan ni Maxine. Alas-sais pa lang ng gabi ay may ilang mga bisita nang nagsidatingan sa kanilang bahay. Sa taon na iyon ay mas pinili nilang idaos ang kanyang kaarawan sa bakuran lamang ng malaking bahay ng mga Sevilla. Nang mga nakalipas kasi ay sa Sevilla Luxury Hotel sila nagdiriwang ng ano mang mahahalagang selebrasyon sa kanilang pamilya.
Kasalukuyan pa siyang nasa loob ng kanyang silid at nasa harap ng kanyang vanity mirror. Tapos na siyang ayusan kanina pa.
She was wearing a light pink off-shoulder dress. Lampas-tuhod ang haba niyon na ang tela ay halos yumakap na sa kanyang balingkinitang katawan. Hinayaan siya ng kanyang Auntie Cara na mamili ng susuotin sa gabing iyon at ang disenyong iyon ang nagustuhan niya sa lahat ng pinagpiliang damit.
She just wanted a simple birthday celebration. Kung siya lang nga ang masusunod ay nais na lamang niya na magsalo-salo sila sa isang espesyal na hapunan. But she doubted if her Uncle Leandro and Auntie Cara would agree on her. Bilang isang kilalang mga negosyante ay inaasahan na niya ang maraming bisitang dadagsa.
Mula sa paninitig sa kanyang repleksiyon sa salamin ay agad na napabaling ang mga mata ni Maxine sa pinto ng kanyang kwarto. Ilang mahihinang katok ang kanyang narinig mula sa labas bago dahan-dahang bumukas ang pinto.
She saw her Uncle Leandro. Tipid itong nakangiti habang marahang naglakad palapit sa kanya.
"How's our birthday girl?"
"I'm fine, uncle," she said, smiling. "Marami na ho bang tao sa labas?"
"Yeah. Nasa baba na ang ilang empleyado ng Auntie Cara mo, maging ang ilang stockholders ng hotel. And of course, your friends," tugon nito sa kanya.
Pagkarinig sa mga sinabi nito ay akmang tatayo na si Maxine mula sa kanyang kinauupuan. Maaga pa man ngunit nais na sana niyang bumaba upang humarap na sa mga bisitang dumating.
But just as when she was about to stand up, Leandro got something from his pocket that made her to stop. Kita niya ang jewelry box na hinugot nito mula sa bulsa ng suot nitong coat. Hindi niya man itanong ay alam niyang mula iyon sa jewelry store na pag-aari ng kanyang Auntie Cara sapagkat kita niya na agad ang pangalan ng Gem Galore sa unahan ng jewelry box.
Leandro handed it to her. "Happy birthday, Max."
"Uncle, you know you don't have to give me anything," wika niya dito sa magalang na tinig. "Ang pagpapalaki niyo pa lang sa akin ni Auntie ay napakalaking regalo na."
"What are you saying?" sansala nito sa mga sinabi niya. "You are like a daughter to us and your presence in our lives is one of the best things that we are very thankful for."
Agad siyang napalunok nang marinig niya ang mga sinabi nito. That was the first time that her Uncle Leandro talked to her about it. Agad ding nanubig ang kanyang mga mata dahil doon na agad niya ring inawat. Tapos na siyang ayusan at hindi na niya nais pang masira ang make-up sa kanyang mukha.
Hindi na muling nagsalita pa si Leandro. Binuksan na nito ang jewelry box at mula roon ay kinuha ang isang gold necklace na alam niyang hindi biro ang halaga.
Naglakad pa ito palapit sa kanya at tumayo sa kanyang likuran. Nanatili siyang nakaupo habang naghihintay na maisuot sa kanya ng kinalakihan niyang ama ang naturang alahas.
"You're a grown up lady now, Max," saad pa nito habang isinusuot na ang kwintas sa kanya. "Balang-araw ay may magbibigay na rin sa iyo ng ganito."
"Uncle, naman," nangingiti niyang sabi dito. Hindi man direkta ngunit alam niya kung ano ang ibig sabihin nito.
"Just make sure he's deserving, Max."
Deserving--- hindi niya alam kung ano ang pakahulugan nito sa salitang iyon. Dapat ba ay katulad din sa kanila na nagmula sa mayamang angkan? Dapat ba ay napapabilang din sa kilalang pamilya?
For some reasons, she wanted to protest as an image came out from her mind. Hindi niya alam kung bakit pero iisang imahe ang bigla ay lumitaw sa kanyang isipan nang marinig niya ang mga sinabi ng kanyang tiyuhin.
*****
MATAPOS ng pag-uusap nilang iyon ni Leandro ay magkapanabay na silang bumaba sa malawak na bakuran ng kanilang bahay. Marami nang tao roon at lahat ay bumati sa kanya nang makita siya. Nagkaroon din ng maikling programang laan para sa kanya na alam niyang ang kanyang Auntie Cara ang nag-abala.
Everyone was enjoying the night. Mayamaya pa ay nagsimula nang mag-serve ng pagkain sa bawat mesa, mga pagkain na mula mismo sa pag-aari nilang restaurant.
Leandro and Cara became busy entertaining their visitors, especially those who were connected on their businesses.
Maging ang pinsan niyang si Zandro ay abala din sa pag-estima ng sariling bisita nito. Kilala niya na rin ang ilang inimbitahan ni Zandro. Alam niya na mga kaklase nito iyon sa Montecillo University.
Maging siya man ay kasama na sina Emily at Melissa. Maliban sa dalawa ay naroon din ang ilan niya pang kaibigan at kaklase. And of course, there were Katie Love and Seth Levi De Asis. Kambal ang mga ito at anak ng business partner ng kanyang Auntie Cara. Malapit sa kanya ang dalawa at ate kung ituring ng mga ito.
Hanggang sa mayamaya ay hindi niya maiwasang iikot ang kanyang paningin sa kabuuan ng kanilang bakuran. Sa dami ng bisita ay iisang tao lang ang pilit na hinahanap ng kanyang mga mata.
She invited him. Nauna mang pinasabi nito na hindi dadalo sa kanyang kaarawan ay inabutan niya pa rin ito ng imbitasyon nang isang araw pagkatapos ng kanilang klase. Walang kibung tinanggap iyon ni Kurt at kung pupunta man nga sa gabing iyon ang binata ay wala itong pasabi.
Nevertheless, she was still expecting for him to come. At kung bakit siya nadidismaya na wala ito ngayon ay hindi niya maintindihan.
"Max? Are you okay?"
Bigla ay naputol ang paglinga niya sa paligid nang marinig niya ang tinig na iyon ni Emily. Kasalukuyan niyang kasama ito at maging ang iba pa nilang mga kaklase sa iisang mesa. Hindi na niya nasundan pa ang mga pinag-uusapan nila dahil sa pagbabakasakali niyang naroon sa gabing iyon si Kurt.
"I-I'm sorry. What were you saying?" hinging-paumanhin niya dito.
"We were just talking about the necklace that you are wearing. It's beautiful," saad naman ni Melissa.
"Thank you. Regalo sa akin nina Uncle."
Napunta pa sa ibang paksa ang usapan nilang magkakaibigan. May ilan pang bisita ang maya't mayang lumalapit sa kanya upang batiin siya. Hanggang sa hindi na nakapagpigil pa si Maxine. Dahil sa katabi niya lamang si Emily at ito naman ang pinakamalapit sa kanya sa lahat ay dito na siya nagtanong.
"Ems, h-have you talked to... to Kurt?" tanong niya dito sa pabulong lamang na paraan. Gusto niya pang makaramdam ng hiya dahil sa tanong na iyon.
"No. Why?" usisa nito.
"I invited him. Wala siyang pasabi kung makakapunta o hindi."
"I doubt it kung makakapunta man siya. You know him, masyadong malayo sa karamihan. Ni hindi nga nakikihalubilo sa atin," wika pa nito sa kanya bago maagap na dinugtungan ang mga sinabi. "Except of course, sa iyo, since tinuturuan mo siya sa leksiyon natin."
Gusto niyang isipin na ganoon nga. Si Kurt ang uri ng tao na halos hindi nakikisalamuha sa karamihan. Mas gusto nitong laging mag-isa kaya naman marahil ay hindi na kataka-taka kung hindi man ito dumating ngayon.
Hindi na niya sinundan pa ang kanyang tanong at nakisali na lamang sa usapan ng iba pa nilang mga kaibigan.
Mayamaya'y saglit pa muna siyang nagpaalam sa kanyang mga kaibigan nang tawagin siya ng kanyang Auntie Cara. Ipinakilala siya ng tiyahin sa isang business associate ng mga ito. Ilang saglit din ang inilaan niya sa pagharap sa dalawa bago muling bumalik ito sa mesang pinanggalingan kasama na ang kanyang tiyahin.
She was also about to go back to the table occupied by her friends when all of the sudden, Manang Rebecca approached her.
"Maxine, hija, may naghahanap sa iyo sa labas," saad nito sa kanya.
"Sino ho, manang?"
"Kaklase mo yata, hija. Pinapapasok ko pero nakiusap na lang na tawagin kita," imporma pa nito sa kanya.
Agad ang pagdikit ng mga kilay niya dahil sa mga tinuran nito. Kung kaklase niya man ang tinutukoy ng matanda ay disin sana'y tumuloy na ito sa pagpasok. Lahat naman ng kakilala na kanilang inimbita ay binigyan nila ng imbitasiyon.
Hanggang sa bigla na lamang napatayo nang tuwid si Maxine nang pumasok ang isang imahe sa kanyang isipan. Sa kabila ng pagbigay niya dito ng imbitasiyon ay duda siya kung tutuloy man nga ito dahil na rin sa mailap nitong pakikitungo sa mga tao.
Dali-dali siyang nagpasalamat kay Manang Rebecca bago tinahak ang daan patungo sa kanilang gate. Abala ang lahat, maging ang mag-asawang Leandro at Cara kaya hindi rin napansin ng mga ito ang kanyang paglabas.
She wasn't mistaken. Paglabas niya nga sa bakal na gate ay agad niyang natanawan si Kurt na kasalukuyan pang nakaangkas sa motorsiklo nito. Hawak na ng binata ang helmet nito na nang makita ang paglabas niya ay agad na napalingon.
Bigla ang pagbagal ng kanyang paglakad. She was slowly walking towards Kurt while her eyes were fixed on him. As usual, maong na pantalon ang suot nito na pinaresan lamang ng isang plain t-shirt. He looked so simple yet there was something on him that will give you a reason to give him a second look.
Agad ang pag-ayos ni Kurt sa pagkakaupo sa motorsiklo nito. Katulad niya ay naglakbay din ang mga mata ng binata sa kanyang kabuuan. Gusto niya pang isipin na paghanga ang nakarehistro sa mga mata nito habang sinusuri ang kanyang hitsura.
"H-Hi..." saad niya dito sa mahinang tinig. "A-Akala ko'y hindi ka na darating."
Tipid itong ngumiti sa kanya. "I just dropped by."
"Why don't we get inside?" alok niya dito sabay lingon sa kanilang gate.
"Hindi na siguro. Dumaan lang talaga ako para batiin ka at ibigay ito sa iyo." He was talking as he stood up from his motorcycle. Inangat nito ang upuan saka may kinuha mula roon.
Agad na inabot ni Kurt sa kanya ang isang regalo. "Happy birthday, Maxine."
She was stunned for a moment. Hindi niya alam kung alin sa dalawa ang naging dahilan kaya siya natigilan. Was it because of the idea that he came there to give her a gift? Or was it because, for the first time, Kurt called her on her first name.
Kapag tinawag na kita sa pangalan mo ay mag-iiba na ang lahat, Miss Gold Tier--- that was his words before. Kung anuman ang ibig nitong sabihin sa mga sinabi sa kanya noon ay hindi niya alam.
Nang hindi siya nakakilos sa kanyang kinatatayuan ay bahagyang niyuko ni Kurt ang regalong hawak pa nito. "Alam ko na hindi ito kasingmahal ng mga matatanggap mo ngayong gabi pero---"
Hindi nito natapos ang mga sasabihin nang maagap niyang inabot ang regalong dala ng binata. "Alam mong walang kaso sa akin, may regalo man o wala ang dumalo ngayon. So, don't ever think that I'm preferring expensive gifts. But t-thank you for this."
Matagal na tinitigan ni Kurt ang kanyang mukha. Wari bang inaarok nito kung nagsasabi siya ng totoo.
"P-Pumasok ka muna," wika niya pa nang manatili itong tahimik.
"I need to go, Maxine. Dumaan lang talaga ako para ibigay sa iyo ang regalo ko."
"But, Kurt---"
Hindi niya natapos ang mga sasabihin nang inayos na ng binata ang helmet sa ulo nito. Bahagya pa siyang napaatras nang sumampa na itong muli sa motorsiklo.
"Bakit hindi ka muna pumasok, Kurt? Maraming pagkain at nariyan din ang iba pa nating kaklase," giit niya pa dito.
But Kurt just smiled at her. "Thank you but I'll go now, Maxine. Pumasok ka na rin. Baka hinahanap ka na ng mga bisita niyo," anito sabay sulyap sa kanilang bahay.
Binuhay na ng binata ang motorsiklo nito. Gusto niya pa sanang ipagpilitan na tumuloy ito sa loob ngunit sa nakikita niya sa mukha ni Kurt ay alam niyang hindi niya ito mapipilit.
Isang tango na lamang ang iginawad niya dito bago nagwika sa mahinang tinig. "T-Thank you for this," aniya sabay angat ng kamay na may hawak sa regalo.
Nagkibit ng mga balikat si Kurt. "I know you'll like it. You've been wanting to have it, anyway."
Nagusot ang kanyang noo dahil sa kanyang narinig. She was about to ask what he meant but Kurt interrupted her.
"Happy birthday ulit. Goodbye, Maxine."
Bago pa man siya makapagsalita ay pinaarangkada na nito paalis ang sariling motorsiklo. Naiwan na lamang siyang naguguluhan sa mga sinabi nito.
Then, Maxine looked down at the gift on her hands. She's been wanting to have it? Dahil sa mga sinabi ni Kurt ay napukaw ang kuryosidad niya sa kung ano ang laman ng regalo ng binata sa kanya.