CHAPTER 1
Kasabay ng paghinto ng kotseng kanyang sinasakyan ay ang pagbukas ni Maxine ng pinto niyon. Bago lumabas mula sa backseat ay humarap muna siya kay Mang David, ang matagal nang driver ng kanilang pamilya.
"Maraming salamat ho, Mang David," nakangiti niyang saad dito.
Tumango ito sa kanya at gumanti ng isang ngiti. "Babalikan na lang kita mamaya, Max."
Saglit na natigilan si Maxine. Noon pa man ay hatid-sundo na siya ng matandang lalaki. Wala siyang naaalalang naging lakad niya na wala siyang kasama. Iyon ay isang batas para sa kanyang mga kinalakihang magulang. Ang kanyang Uncle Leandro, ang tumayong ama sa kanya, ay mahigpit ang bilin na lagi siyang ipagmaneho ni Mang David saan man siya magpunta.
Iyon ay nakasanayan na hanggang ngayon sa huling taon ng kanyang kolehiyo. She's now on her forth year college and yet, she's like an elementary student who always has a companion wherever she will go.
"O-Okay, Mang David," napipilitan niyang saad dito bago bumaba na ng sasakyan.
She doesn't have a choice. Kung tutuusin ay hindi lang sa kanya ganoon ang kanyang tiyuhin. Ganoon din ang mga ito kay Zandro, ang anak ng kanyang Auntie Cara at Uncle Leandro.
Pinsang buo niya si Zandro ngunit lumaki silang mistula'y magkapatid. Malapit siya dito kahit pa sabihin na halos magkaibang-magkaiba silang dalawa.
Maxine was the submissive type. Lumaki siyang sumusunod sa lahat ng gusto nina Leandro at Cara. Though, wala siyang nakikitang masama roon sapagkat ang lahat ng nais ng mga ito ay para din naman sa kanyang ikabubuti.
Ngunit kaiba niya ang kanyang pinsan na si Zandro. Mabuting tao ito at ramdam din naman niya ang labis na respeto at pagmamahal nito para sa mga magulang. Ngunit madalas ay nagpapakita ng disgusto si Zandro sa mga nais ni Leandro.
Katulad na lamang ng pagkakaroon ng sariling driver. Both of them already knew how to drive. Kung tutuusin ay kapwa sila may student's license. Ngunit si Maxine ay mas pinili na pumayag na maihatid-sundo ni Mang David. Samantalang si Zandro ay nakapagmamaneho na ng sarili nitong sasakyan dahil na rin sa pagsalungat nito sa nais ng ama.
She doesn't have the courage to say no to everything that they want. O marahil ay dahil ayaw niyang may masabi ang mga ito sa kanya. Hindi na niya nais pang magkaroon ng dahilan ang kanyang tiyahin na tuluyang ayawan siya.
Isang malalim na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan habang nagtuloy na sa kanyang paglalakad. Ngayon ang unang araw para sa school year na iyon. Nasa huling taon na si Maxine sa kanyang kolehiyo para sa kursong Business Management, kursong pinili niya para ganap na matulungan sina Leandro at Cara sa pagpapatakbo ng kanilang mga negosyo.
Mula sa main gate ng unibersidad ay ilang metro lamang ang layo ng College of Business and Economics. Doon na ang tuloy ni Maxine para sa kanyang unang asignatura.
But just as when she was about to walk towards the building, Maxine suddenly stopped on her track. Isang motorsiklo na mabilis ang pagmamaneho ang bigla ay sumulpot mula sa kanyang kaliwang panig. Dahil sa malalim din ang takbo ng kanyang isipan ay hindi niya iyon masyadong napagtuunan ng pansin kanina.
Isang malakas na busina ang ginawa ng nagmamaneho niyon, intensyon na patabihin siya sa gilid ng daan. But Maxine was horrified to see the motorcycle. Nakatabi man siya agad ay halos mawalan naman siya ng balanse dahilan para mabitawan niya ang kanyang mga dala.
She hissed on her breath. Marahas siyang napayuko upang kunin ang kanyang shoulder bag at dalawang libro. Nang mag-angat si Maxine mula sa pagkakayuko ay nakita niyang umaatras ang motorsiklo. It stopped just in front of her.
"Kailangan ba talagang natutulala ka habang naglalakad? Paano kung hindi ka agad nakatabi? Sa unang araw pa lang ng klase ay mapapatawag na agad ako sa unibersidad na ito," pagalit na wika sa kanya ng lalaki.
Nakasuot pa ito ng helmet at tanging ang mga mata ang kanyang nakikita. And his eyes mirrored irritation as he was looking down at her.
Dahil sa magaspang nitong pagsasalita ay umahon din ang inis mula kay Maxine. Galit na sinagot niya ang mga sinabi nito.
"Excuse me? Kasalanan ko ba na kung makapagmaneho ka ay parang nasa highway ka? Just to inform you, nasa loob ka na ng unibersidad."
Naupo nang tuwid ang lalaki. Nanatili pa rin itong nakaangkas sa motor nito. Then, without hesitation, the man removed his helmet. Doon na nakita ni Maxine ang mukha nito.
Nagulo ang buhok ang binata, marahil ay dahil na rin sa pagsuot nito ng helmet. The man has dark eyes, mga matang ngayon ay mataman na nakatitig sa kanya. Pinaresan iyon ng maiitim din na kilay at pilik-mata. He has pointed nose and strong jawline.
Nahihinuha niyang kaedad niya lamang ito ngunit kung tititigan ang lalaki ay waring mamang-mama na ito.
Then, Maxine's eyes went down to his lips. Those fuller lips! Hindi niya alam kung bakit nagtagal doon ang kanyang mga mata.
Hanggang sa mayamaya ay tumikwas ang isang gilid ng mga labi nito para sa isang ngiti, kung ngiti man nga na matatawag iyon. It was more of a mocking smile actually.
"Are you done assessing my face?" tanong nito sa kanya.
"Excuse me?" aniya sabay arko ng kanyang isang kilay. Pilit niyang tinatakpan sa pamamagitan ng inis ang pagkapahiyang nadama dahil sa nahuli siya nitong pinagmamasdan ang kabuuan ng mukha nito.
Sa halip na sagutin siya ay bumaba ang tingin ng binata sa kanyang uniporme. Sinundan pa ni Maxine ang hinayon ng mga mata nito. Sa kanyang suot ay nakakabit ang isang gold crown pin at iyon ang pinagmamasdan ng kanyang kaharap.
"Gold tier," anas nito sa nang-uuyam na tinig.
Yes! Gold tier! She belongs to gold tier.
Ang unibersidad na pinapasukan nila ay isang prestihiyosong eskwelahan. Montecillo University is well-known for being a prestigious university for elites and rich people.
The students were categorized by the amount they have donated in the university. Nahahati ang mga estudyante sa tatlong kategorya: ang gold tier, silver tier at bronze tier.
The gold is the highest tier. Ang mga kabilang dito ay ang mga estudyanteng may pinakamalaking donasyon para sa unibersidad. Sinundan ito ng silver tier.
At ang pinakahuli ay ang bronze tier kung saan ang mga kabilang ay ang mga estudyanteng iilan lamang ang ambag para sa paaralan na iyon. Ang ilan pa sa mga ito ay nakapasok lamang sa Montecillo University dahil sa scholarship na inaalok ng unibersidad.
And looking at the man in front of her, alam ni Maxine na alam nitong kabilang siya sa pinakamataas na antas sa eskwelahan na iyon.
Sa muli ay napatingala siya dito. The mocking look was still on his face. Hindi niya alam kung ano ang iniisip nito ngayong nalaman nitong kasama siya sa gold tier.
Then, Maxine looked at his pin. Sa unipormeng suot nito ay nakakabit ang isang... bronze crown pin.
Natitigilang napatayo siya nang tuwid. Kung tutuusin ay walang kaso sa kanya kung saang tier man napapabilang ang mga estudyanteng nakakasalamuha niya sa paaralan na iyon. Ang antas sa buhay ng mga ito ay walang kaso sa kanya. Lumaki man siya sa maalwan na buhay ay hindi siya kailanman nangmata ng mga estudyanteng kabilang lamang sa bronze tier.
But nevertheless, she was speechless. Iyon ay dahil sa kadahilanan na iyon ang unang pagkakataon na may isang nagmula sa bronze tier na kumausap sa kanya sa ganoong paraan. Sa tuwina, ang mga estudyanteng kabilang sa bronze tier ay alangan na makisalamuha sa mga gold tier na katulad niya.
"It seemed that the princess wasn't expecting to bump into someone who only belongs to bronze tier," wika nito kasabay ng pagkibit ng mga balikat. "Ano pa nga ba ang inaasahan ko sa mga katulad ninyo?"
Pagkawika niyon ay muli nang isinuot ng binata ang helmet nito. Muli na nitong binuhay ang motorsiklo at nagmaneho na patungo sa malawak na parking space ng unibersidad.
Wala na ito sa kanyang harapan ngunit natitigilan pa rin si Maxine. Inakala ng binata na ang pananahimik niya kanina ay dahil sa nalaman niyang kabilang ito sa bronze tier. Iniisip ba nito na minamata niya ang antas na mayroon ito sa Montecillo University?