CHAPTER 12

2218 Words
CHAPTER 12 "W-What do you mean?" naguguluhang tanong ni Maxine kay Kurt. "I like you, Maxine," lakas-loob nitong saad sa kanya. "Hindi ko alam kung papaano sabihin ito sa iyo. But I'm serious, I really like you." Dahil sa magkatabi silang dalawa ay kitang-kita niya ang mukha ng binata. Gusto niyang humanap ng ano mang senyales na nagbibiro lamang ito, ngunit nang magkaharap silang dalawa ay seryoso ang ekpresyon ng mukha ni Kurt, patunay na walang halong pagbibiro ang mga binitawan nitong salita. Awang ang mga labing napatitig siya dito. Gusto niya pang isipin na baka nagkamali lamang siya ng rinig. But she knew it was impossible to happen. Halos magkalapit lamang silang dalawa at kahit siguro mahina lang ang tinig nito'y maririnig niya pa rin. Agad nga ang pagdaan ng nakaiilang na katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Si Kurt ay mataman siyang pinagmamasdan sa mukha at wari ba'y naghihintay ng kanyang magiging reaksyon. Si Maxine naman ay mistulang naipako sa kanyang kinauupuan at hindi malaman kung paano tatanggapin ang mga sinabi nito. He likes her! Iyon ba ang ibig nitong ipahiwatig sa kanya nitong mga nakalipas na araw? Sa ilang pagkakataon kasi ay kakaiba ang mga naging kilos nito. Dahil ba iyon sa gusto nga siya nito? Tulad na lamang nang ibigay nito sa kanya ang librong nabili nito sa bookstore. Nang minsang magtanong siya, ang sabi ni Kurt ay ibibigay nito iyon sa 'someone special' nito. Siya ba ang tinutukoy ng binata? Kaya ba nito binigay sa kanya ang naturang regalo? And the way he called her. Ang sabi ni Kurt, kapag tinawag na siya nito sa kanyang pangalan ay magiging iba na ang lahat sa kanilang dalawa. Dahil ba sa aamin na ito ng nadarama para sa kanya? Iyon nga kaya ang nais ipahiwatig sa kanya ng binata? Abruptly, Maxine stood up. Hindi makapaniwalang niyuko niya si Kurt na nang mga oras na iyon ay kasalukuyan pa rin nakaupo. "K-Kurt, hindi ko---" "Hindi ko sinasadyang biglain ka, Maxine," putol nito sa ano mang sasabihin niya. Katulad niya ay tumayo na rin ito. "Y-You are just joking, right?" "No," mabilis nitong sabi sa kanya. May riin pa sa tinig nito nang magsalita. "I like you, Maxine. The first time I saw you, I got attracted to you." "N-Nang unang araw ng klase? Nang muntik mo na akong mabangga?" Kurt softly smiled at her. "Hindi iyon ang unang beses na nakita kita. I saw you before at the hotel own by your family. You were with them, kumakain sa restaurant ng hotel. For some reason, you got my attention, Max." "S-Sa... Sa MU... I mean---" "I don't know," wika nito bago pa man siya matapos sa kanyang pagsasalita. "We became classmates and being my tutor led us to this." Marahan siyang napailing. Ni hindi siya makaapuhap ng ano mang sasabihin. Ang marinig ang mga sinabi nito ay mistulang nagpaurong ng dila niya dahilan para hindi siya makapagsalita. "I just want to be honest, Maxine. Hindi ko hinihiling na tugunin mo ang pag-amin ko," wika pa ni Kurt nang manatili siyang walang imik. "Alam ko namang imposibleng magkaroon ng katugon ang nararamdaman ko para sa iyo." "And how can you say that?" tanong niya sa naghahamong tinig. "'Cause you are from gold tier," sagot nito. "Samantalang nagmula lang ako sa bronze tier." "At sa tingin mo ay tumitingin ako sa---" "Hindi ba, Max?" "Of course not," maagap niyang sabi. "Why do I have this feeling that you always think the worst of me, Kurt? Nang una ay inisip mong ikinakahiya ko sa mga kaibigan ko ang tungkol sa pagkikita nating dalawa. Ngayon naman ay iniisip mo na tumitingin ako sa estado ng buhay sa pagpili ng gugustuhin?" "Is there a chance for you to like me then?" "Kurt..." aniya dito. Akmang may sasabihin siya ngunit muli din niyang itinikom ang kanyang bibig. Ano nga ba ang isasagot niya dito? May tiyansa nga ba na magustuhan niya din ang binata? O sadyang may nadarama na rin siya para dito? Agad pang kinapa ni Maxine ang damdamin niya para kay Kurt. Hindi niya maitatangging sa tuwing kasama niya ang binata ay nakadarama siya ng kakaibang damdamin. Ni hindi niya kayang pangalanan ang nadarama niya sa tuwing nasa malapit lamang si Kurt pero iisa lang ang nasisiguro niya--- kay Kurt lang siya nakadarama ng ganoon. She swallowed an imaginary lump in her throat. Wari bang isang realisasiyon ang nabuo sa kanyang isipan. Siguro nga... Siguro nga ay may nadarama na rin siya dito at kung ano man iyon ay hindi niya matukoy. ***** MULA SA TAHIMIK na pagkakaupo sa labas ng kanilang bahay ay agad na napalingon si Kurt sa may pintuan nang mula roon ay lumabas ang kanyang ina na si Wilma. Banayad pa itong ngumiti sa kanya bago humakbang palapit sa kanyang kinauupuan. Pasado alas-otso na ng gabi at naroon siya sa labas, nakatambay sa pwesto kung saan sila nagkausap ni Maxine kanina. Hindi niya pa maiwasang balikan ang naging takbo ng usapan nila. Hindi niya alam kung bakit bigla ay inamin niya dito ang kanyang nararamdaman. Totoo ang mga sinabi niya sa dalaga. Gusto niya ito. Baka nga mas malalim pa sa damdaming iyon ang nadarama niya para kay Maxine. The first time he saw her at the hotel, she already got his attention. She's simply beautiful and for some reasons that he can't understand, Kurt can't forget her. Naroon siya sa restaurant na iyon nang minsang mag-aya ang kanyang ina na lumabas sila. Ang buong akala niya ay silang dalawa lamang ang kakain doon ngunit bigla ay dumating ang kanyang ama. Iyon ang ilan sa mga pagkakataon na sinubukan ng kanyang mga magulang na mapapayag siyang tanggapin ang ibinibigay na sustento ng kanyang ama. Mas umusbong pa ang atraksiyon na nadarama niya para kay Maxine nang naging magkaklase sila at araw-araw niya itong nakikita. She's different from other women that he has met. He likes her being the smart, prim and proper kind of a woman. At kanina habang nag-uusap silang dalawa, hindi niya alam kung ano ang nag-udyok sa kanya para sabihin dito ang nararamdaman niya. Alam niyang ikinabigla iyon ng dalaga. Ni hindi ito halos nakapagsalita na. Matapos nga ng ilang saglit na pag-uusap nila ay ito na ang humiling na ihatid na niya pabalik sa Montecillo University. Awkward moment followed. Habang nasa biyahe pabalik sa unibersidad ay halos walang namagitang usapan sa kanilang dalawa. Naghihintay na sa MU ang driver ni Maxine nang makarating sila roon. Kita niya pa na nadagdagan ang pagkabahala ng dalaga nang makita ng matandang lalaki na sakay ito ng kanyang motorsiklo at galing sa kung saan. Mabilis nang nagpaalam sa kanya si Maxine. At sa kabila ng nakaiilang na sandaling namagitan sa kanilang dalawa kanina ay nakuha pa ring magpasalamat ng dalaga sa pag-imbitang ginawa niya dito. He wasn't expecting anything, actually. Sapat na sa kanya na alam na nito kung ano ang nadarama niya at kung bibigyan man siya nito ng pagkakataon ay labis niyang ikagagalak. Pero posible nga ba? Sa kabila ng namulat din naman siya sa maalwan na buhay dahil sa may kaya din naman ang kanyang ama ay masasabi ni Kurt na malayo na ngayon ang agwat ng estado nila ng dalaga. Hindi siya katulad noon na maayos ang buhay. Tinalikuran at tinanggihan niya ang lahat ng mayroon ang kanyang ama. Ano pa ngayon ang maipagmamalaki niya kay Maxine? She came from a very wealthy family. Kurt did a research about the Sevilla because of Maxine. Noon niya lang nalaman na pamilya nito ang nagmamay-ari ng hotel kung saan niya ito unang nakita. Kilalang-kilala ang hotel, hindi lang dito sa Pilipinas kundi maging ang mga branches sa ibang bansa. Maliban pa roon ang ibang negosyong pag-aari ng mga ito. Her family's wealth could even last her a lifetime. Samantalang siya? Mas pinanaig niya ang pride at mas piniling tumayo sa kanyang sariling mga paa. He refused the wealth his father was offering. Mas gusto niyang magsumikap nang hindi umaasa sa kanyang amang nang-iwan sa kanila. "Bakit narito ka pa? Hindi ka pa ba matutulog?" Naputol ang lahat ng mga tumatakbo sa isipan ni Kurt nang marinig niya ang tinig ng kanyang ina. Napabaling siya dito. Nakaupo na ngayon si Wilma sa kanyang tabi at matamang nakamasid sa kanya. "Hindi pa ako inaantok," tipid niyang saad. Wilma sighed. Itinutok nito ang mga mata sa harap ng kanilang bahay saka muling nagsalita. "She's beautiful, Kurt. Magalang din makipag-usap. I like her." Agad na napalunok si Kurt. Hindi man pangalanan ng kanyang ina ay alam niya kung sino ang tinutukoy nito. Wilma turned to look at him again. "Kailan siya ulit papasyal dito? She seems to be a nice girl." "Hindi ko alam, ma," saad niya sa mahinang tinig. "Baka hindi na ho." "What do you mean by that?" "I told her I like her," pag-amin niya saka nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga. "For sure, she'll avoid me now." Sukat sa kanyang mga sinabi ay napaupo nang tuwid ang kanyang ina. "At bakit naman, Kurt? Hindi naman---" "She came from a well-off family, mama," maagap niyang awat sa pagsasalita nito. "Napakalayo ng agwat ng estado ng mga buhay naming dalawa. Paniguradong hindi magugustuhan ng pamilya niya na makahalubilo ang isang tulad ko." "Why are you degrading yourself, Kurt? At ano ang gusto mong ipakahulugan sa mga sinabi mong 'isang katulad mo'? You're a fine man. Alam kong napalaki kita nang maayos." Hindi niya mapigilang mapangiti nang paismid. "Alam kong alam mo kung ano ang ibig kong sabihin, mama. Galing sa isang napakayamang pamilya si Maxine. Ano ba ang maipagmamalaki ko sa kanya?" "You are your father's heir. Kung tatanggapin mo lang ang---" Hindi na natapos pa ng kanyang ina ang mga nais nitong sabihin nang bigla ay marahas na siyang tumayo. "And we are back to square one, aren't we?" mariin niyang saad. "Kurt, bakit ba kailangan natin laging pagtalunan ang tungkol sa bagay na ito? Ama mo pa rin si Emilio. Ano man ang mangyari ay hindi iyon magbabago. At nariyan ang iyong ama para tugunan pa rin ang responsibilidad niya para sa iyo sa kabila ng hindi naging matagumpay ang pagsasama naming dalawa." "If I don't know you, iisipin kong gusto mong maghabol sa kung ano ang mayroon si papa, mama," wika niya dito. "But I know you better than that. Nagtataka lang ako kung bakit sa kabila ng ginawa ng papa ay nanatiling maayos pa rin ang lahat sa pagitan ninyong dalawa." Naging mailap ang mga mata ni Wilma. Bahagya itong napayuko bago muling nagsalita sa mahinang tinig. "Just like you, your father was a fine man, Kurt. Wala man marahil si Aura ay hindi pa rin magiging matagumpay ang pagsasama naming dalawa." Ang Aura na tinutukoy nito ay ang babaeng kinakasama na ngayon ng kanyang ama. Iilang beses niya pa lang nakita ang babae. Halos kaedaran lamang ito ng kanyang mga magulang at kung sa ibang pagkakataon ay gusto niyang isipin na mabuting tao ito. She looked so demure and has a soft feature. Hindi mo aakalain na papayag itong maging kabit ng kanyang ama. But looks can be deceiving. Ano ang malay niya sa totoong pagkatao nito? Nagusot pa ang kanyang noo dahil sa mga sinabi ng kanyang ina. "A-Ano ang ibig mong sabihin, mama? Ano ba ang---" "Nakaraan na iyon, Kurt," sansala nito sa kanya. Tumayo na rin ito habang hindi pa rin inaalis ang paninitig sa kanyang mukha. "Ano man ang kinahinatnan ng relasyon namin ni Emilio ay hindi iyon kabawasan ng pagiging magulang namin sa iyo. Give your father a chance. Huwag mong isara ang puso mo para sa kanya. You wouldn't know, baka dumating ang araw na ikaw lang din naman ang lalapit sa kanya." Hindi siya nakapagsalita. Dama niya na umiiwas ang kanyang ina sa pagsagot sa kanya. Alam niya na may hindi ito sinasabi sa kung ano ang totoo tungkol sa nangyari dito at sa kanyang ama. At kung ano man iyon ay sisiguraduhin niyang malalaman niya. Humakbang na si Wilma patungo sa may entrada ng kanilang bahay at akma na sanang papasok sa loob nang bigla ay muling lumingon sa kanya. "Alam kong hindi basehan ang estado ng buhay para magustuhan ng babae, Kurt," saad nito na ikinalingon niya. "But you don't have to worry about that. You are a Madrigal and if ever you want to pursue her, hindi ka kailanman magiging alangan sa kanya." Tuluyan na siyang iniwan ng kanyang ina. Pumasok na ito sa loob pagkatapos magbilin na sumunod na rin siya at magsara na ng mga pinto. Pero hindi agad natinag si Kurt sa kanyang kinatatayuan. Dalawang bagay ang sadyang gumugulo sa isipan niya ngayon. Una, ang tungkol sa totoong dahilan ng paghihiwalay ng kanyang mga magulang. Ever since they separated, Kurt has been blaming his father and Aura. Pero bakit waring iba ang ipinahihiwatig ng kanyang ina? Ano nga ba ang totoong nangyari sa mga ito? At the same time, he was thinking about Maxine. Tama ang kanyang ina. Hindi basehan ang estado sa buhay para magustuhan ng isang tao. Pero tulad nga ng sinabi nito, kung sakali man, hindi alangan ang katayuan niya dahil sa isa siyang Madrigal. Pero magagawa niya bang kalimutan ang ginawang pang-iiwan ng kanyang ama para lang makapantay sa kung ano ang mayroon si Maxine?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD