Kabanata 5

2255 Words
Kabanata 5 "There she is... Please come over here Miss. Cherry." Kumpas nito sa kamay niya para ako palapitan. Hinintay nila ang paglapit ko kay Rexon na ngayon ay ngiting ngiti habang hinihintay ako. Gusto ko itong sampalin dahil sa ginawa niya. Hindi ito ang inaakala kong sasabihin niya sa lahat dahil wala ito sa usapan namin kanina. Humugot muna ako nang malalim na paghinga at isa-isang sinulyapan ang mga press na naghihintay sa'kin at ang huli ay ang nakakunot na noo ni Calixto at si Dawzon na nasa isang sulok. Humugot muli ako ng malalim na paghinga bago ngumiti nang maluwang at taas noong lumapit sa kinatatayuan ni Rex at ng banda. Sinalubong ko ang nakangising ngiti nito sa'kin na halatang nag e-enjoy na paglaruan ako. Kung inaakala mong ganoon mo na lang mamamanipula ang lahat ay nagkakamali ka, Rexon Del'torre. Bulong ko sa sarili nang makalapit dito. "Hi!" He greeted. Mabilis niyang hinila ang kamay ko palapit sa kanya at hinarap sa mga press na naroon bago ako akbayan. Bahagya pa itong ngumisi sa mga press na sige sa pagkuha ng mga litrato sa amin. "Ano 'to ha?" Hindi ko mapigilang sambitin at pilit na pinipiksi ang kamay sa aking balikat. "Sshh... Just wear your sweetest smile, babe, 'cause I will make you famous," he whispered huskily. "Will you just shut up?" may pagtitimpi kong sambit. Narinig ko ang pagngisi nito sa tabi ko. Humigpit rin ang gagap niya sa balikat ko na siya kong ikinatayo ng matuwid. "Ayaw mo naman sigurong aminin ko sa kanila na totoong may relasyon tayo diba? Or the worst things is... Patotohanan ko ang third party kung saan involve ang boss mo?" Pasimple niyang bulong sa akin na nasa press pa rin ang tingin habang panay ang kaway. Nanlaki ang mata ko sa narinig. He can't do that. Hindi niya pwedeng palabasing may relasyon kami lalo na ni Calixto. "You know it wasn't true!" I said in my tight lips. "Relax, babe! Sa ngayon ito lang muna ang magandang gawin para lubayan na tayo ng mga press," whisper again to my ear. Napa lunok ako sa init ng hininga niya sa'kin kaya hindi ko naiwasang mapasinghap. "Mag-usap tayo mamaya," may diin kong sinabi. Bago humarap muli sa mga press. Sa puntong iyon nila inumpisahang tanongin si Rexon ng kung anu-ano at tama nga siya hindi na inungkat pa ng mga press ang tungkol sa amin. Nakalayo na rin ako sa harapan at tahimik na lang silang pinanood mula sa malayo. "You can't be serious about it Rex! Hindi mo pwedeng panghimasukan ang personal na buhay ng ibang tao at mag desisyon para sa kanila na walang pahintulot!" Dumagundong ang boses ni Dawzon sa loob ng opisina nito. Ako ay tahimik lang na nakaupo sa couch habang katabi si Calixto. Pinagmasadan ko ang reaksyon ni Rexon who is sitting confidently at the couch in front of me. He just hissed at me dimly. "Kahit naman aminin ko ang totoo sa palagay mo ba lulubayan ako ng mga press na 'yan? Hahanap at hahanap' yan ng butas para ma-ugnay ako sa babaeng ito!" He is now glaring at me. "You invaded her personal life. You making out decision without her approval!" Dawzon's voice was full of rage. "But I made the right decision. Para rin naman ito sa ikatatahimik ng lahat. Besides hindi naman na ito lalaki ng husto kapag pumayag siyang maging P.A ko." "What? No!" Bigla ang pagsingit ko sa usapan. "See? She doesn't agree to your f*****g Idea!" Dawzon said sharply. Tila sumasakit na ang ulo sa kapatid. "Then Fine! I'm done!" Bigla itong tumayo at walang pasabi kaming tinalikuran para lumabas na ng opisina. Umiiling na lumakad palapit sa amin si Dawzon at naupo sa harapan namin. Ilang beses muna itong nagbuga ng bigat sa dibdib bago magsalita. "Again, I'm sorry for what happened. He is just a kid," he sincerely said while shaking his head. "It's okay, Mr. Del'torre. We are trying our best to understand his situation. He's very popular at may pangalan na iniingatan. But how about Cherry?" Lumingon muna sa'kin si Calixto bago ituloy muli ang pagsasalita. "I need her." Again he glance back at me kaya ako napalunok sa klase ng tinging ipinupukol niya sa akin. "Kailangan ko siya sa resto-bar ko..." Patuloy nito na siya kong ikinadismaya ng husto. "I understand Mr. Fuentes. Pero mas mabuti sigurong kay Rexon muna siya pumasok para pahupain ang tensyon. It's sounds funny thou but this issue wasn't healthy for all of us kapag hindi pa ito natigil. Masyado nang lumaki ang simpleng issue na hindi naman dapat. Marami na rin na kokompormiso pati na rin kayo." He explained. "She's just my employee and I am not the one who can decide on that matter." Calix clarifies. I bit my lower lip. Ganon na lang iyon? Basta na lang n'ya akong ipamimigay? Sumulyap sa'kin si Dawzon. "How about you Miss. Banaag? Anong masasabi mo?" aniya na tila ayaw patinag sa desisyon ni Calixto. Mabilis akong umiling dito. "Sorry Sir, pero mas gusto kong sa resto-bar na lang at makasama si Calixto," matatag kong sagot. Tumitig muna ito sa mga mata ko bago tumango. "So I guess, this meeting is close." "Thanks for this wonderful day Mr. Fuentes and Miss. Banaag." Tumayo na ito para kami kamayan. "Thank you for your consideration Mr. Del'torre. We're expecting this will not gonna happen again," turan dito ni Calixto na maagap na nakipagkamay. "Yeah, of course! Pagsasabihan ko rin si Rexon tungkol d'yan," anito at sa'kin naman bumaling para ako kamayan. "Thank you," nahihiya kong sambit. Sa daan lang ang tingin ko habang sakay ng kotse ni Calixto. We haven't talk that much, mula pa nang makaalis kami ng Del'torre corp. He didn't bother to ask if I'm okay or not. Kahit pasalamatan ako sa naging desisyon ko na manatili sa resto-bar niya ay 'di nito ginawa. Ilang buntong hininga ang pinakawalan ko at panay ang halukipkip ko dahil tila mabibingi ako sa katahimikan niya kanina pa. "What do you want to eat? For our late lunch." He stare down at me kaya ako umayos ng upo. Bumaba tuloy ang tingin ko sa relo kong pambisig. Pasado ala-una na pala ng tanghali kaya pala nararamdaman ko na ang pagkulo ng tiyan ko. "Kahit ano," kime kong sagot. Hinayaan ko na lang siya kung saan man ako dalhin at humantong nga kami sa isang sikat na restaurant. Gusto kong mapangiti dahil first time namin kumain sa labas ni Calixto. Kung date na nga bang masasabi ito, ako na siguro ang pinakamasayang babae sa mundo. Pero muli nakakabinging katahimikan ang namutawi sa pagitan namin habang kumakakain. Bantulot akong sumandal sa silya at ininom ang Juice na agad kong binaba kaya iyon nakagawa nang bahagyang ingay. Kumibot ang labi ko nang mapukaw nito ang pansin ko. "Hindi mo ba gusto ang pagkain? Pwede tayong um-order ng bago, " he smoothly said. Nagkibit balikat lang ako dito at walang ganang kinuha na lang ang tinidor para lantakan ang sweets na nasa harap ko. How romantic isn't? I laugh at the back of my head. This man is impossible! Manhid ba siya o ano? I just hissed kaya muli itong sumulyap sa'kin. "What is it?" Marahan nitong nilapag ang hawak na kubyertos at bahagyang nang punas ng bibig habang nakatanghod sa'kin. "Nothing..." My voice sounds lazy. "Uhum?" Tila hindi ito naniniwala dahil ngumisi pa ito sa harapan ko na siya kong inirapan. Pero bigla akong napa ayos nang upo at agad umatras nang lumapit ito saakin mula sa kabilang lamesa. Isa-isang umakyat ang pamumula sa muka ko dahil sa ginawa niya. Hindi agad ako nakagalaw, I couldn't breathe and I can't say anything. Ito naba yon? Hahalikan naba niya ako? Saan ba magandang umangulo? Tila nag-uunahang sigaw nang puso ko. Pipikit na sana ako nang bigla itong magsalita. Ganyan kaba kumain? Daig kapa nang bata kung kumain." Bigla ring naputol ang imahinasyon ko dahil pinitik nito ang noo ko at ngumisi saakin. Hindi pa ako naka-huhuma nang dampian niya nang tissue ang gilid nang labi ko kaya ako napa yuko. "Here, punasan mo." Inabot nito saakin ang hawak niyang tissue. "Sa–lamat." Bantulot ko muling sabi. Tumalim ang tingin ko sa Slice cake na nasa aking harapan. Bakit ba kasi ang daming icing nang cake na ito?! "Bukas kana pumasok.." Umpisa nito na sumandal na muli sa kaniyang upuan para ituloy ang pagkain. Tumango lang ako sa bagay na iyon. Pero ang sunod nitong sinabi ang nagpabagal ng mundo ko. "I'll assign you to a morning shift." He said. Hinintay niya muna ang magiging reaksyon ko bago muling magsalita ngunit tikom ang bibig dahil sa matinding gulat. "Eight sharp in the morning dapat nasa Res tau kana." He continued. Sumandal itong muli sa kaniyang upuan at pinagsalikop ang dalawang braso sa kaniyang dibdib. "Bakit?" Hindi ko maiwasang tanong. Tiningala ko siya nang tingin at sinalubong ang mga titig niya saakin. "Why, what? I'm your boss.." He glared. "Damn. I know Calix! what i'm asking is why? Bakit kailangan ilipat mo ako nang shift?" Pilit akong nagpapa kahinahon dahil alam ko kung sino ang kaharap ko pero hindi ko lang mapigilan yung sakit. "Masyado kang mainit sa mga media, ayoko naman makilala ang Bar ko dahil sa Issue mo." "Issue ko? Oh dahil sa Issue saating dalawa?" Tahasan kong tanong. He laughed. "You really mean that?" He laughs again. "Yes!" Matapang kong sinabi. "It is Calixto. Umiiwas ka dahil sa Issue na meron tayong dalawa." I said straightforwardly. Tumigil ito sa pagtawa dahil sa pag seseryoso ko. "No I'm not.." Umiling pa ito saakin saka ininom ang baso ng tubig sa kaniyang harapan. "Kung hindi, bakit?" Gusto ko nang umiyak sa harapan niya dahil sa pambabalewa niya sa nararamdaman ko. "It's just because, business is business. Ayokong masira kung ano man ang inumpisahan ko. Sana alam mo yan, Cherry." Inulit ulit ko ang paglunok pero tila may bikig sa lalamunan ko kaya hindi ako makapag salita. "Don't worry dadaan ako tomorrow morning sa Restau para i-check ka doon. Si Tricia na ang bahala saiyo." Tumitig ito sa mga mata ko, pero talagang hindi ko matagalan kaya pumikit ako at kasabay noon ang pagpatak ng luhang hindi ko na mapigilan. "Excuse me.." Bigla akong tumayo at walang pasabi siyang iniwan. "Cherry! Wait!" Narinig kong tawag nito saakin pero diretso na akong lumabas nang Restaurant at mabilis na pumara nang taxi pauwe. Doon ko ibinuhos ang luhang kanina kopa pinipigilan. Hindi ko pinansin ang paglingon saakin ng driver dahil sa patuloy kong pag iyak. Bakit ba kasi sobrang sakit? Kung tutuosin hindi naman big deal iyon kung ilipat niya ako nang shift, pero yung dahilan kung bakit niya iyon ginawa ay iyon ang humihiwa dito sa puso ko. Hindi man niya aminin pero alam kong iyon ang dahilan. "Tay nandito na ho ako.." Walang gana kong sinabi na dumiretso na sa aking Silid. Mabilis akong nagbihis at lumabas muli para kumuha sana nang malamig na tubig pero ganoon nalang ako nanlumo sa nakita ko. "Itay?" Tila pinawalan ako nang kulay nang makita ko itong naka handusay sa sahig. "Itay! Tulong mga kapit bahay!" Malakas kong sigaw na dumulog dito. "Itay..." Walang pagsidlan ang kaba ko habang naka tingin mula sa labas ng salaming bintana. Hindi ko namalayan ang pag patak nang butil ng luha sa pisngi ko habang awang-awang naka tingin sa kaniya sa hosital bed. "Miss. Banaag?" Pukaw saakin nang Attending physician ni Itay. "Dok ano na po ang lagay ng Itay ko?" Nakita ko ang pagbuntong hininga nito na siya naman nag pasikip nang dibdib ko. "Tatapatin na kita, he is not in good condition. He needs to undergo an operation as soon as possible. Patuloy na lumalaki ang puso ni Mr. Banaag and he needs a heart transplant." Doon na ako napa hagulgol nang iyak at sumulyap kay Itay na naka oxygen at mariin na nakapikit. "Sinabi ko na ito saiyo dati, hindi na siya pwedeng i-uwe sa bahay at doon ituloy ang gamotan. Masyadong risky kung ipag papaliban nanaman ang operasyon niya." Patuloy nitong sinabi. "Wala na po pang ibang paraan?" Pilit kong tanong kahit alam ko na ang sagot sa tanong kong iyon. "Pwede kayong pumirma nang waver. it's all I can do right now." Malungkot nitong sinabi. Nakagat ko ng mariin ang labi ko at marahan iyong tinakpan para sa impit na pag iyak. "Pag-isipan n'yo muna at kung naka pag desisyon na kayo, nasa Opisina ko lang ako.." Bahagya pa nitong hinaplos ang balikat ko bago ako iwanan.. Marahan akong tumango at nagpunas nang luha. Walang lakas akong naupo sa waiting chair mula sa labas ng silid at doon pumikit nang mariin. Saan ako kukuha nang ganoon kalaking pera para sa pag papa opera ni Itay? Kung yung gamot lang nito ay kapos na kami? Doon tumunog ang cellphone ko at napa kunot ang noo ko dahil sa unknown number na tumatawag. Nag dadalawang isip man ay sinagot ko ang tawag. "Hello, sino sila?" "Hi babe!" He's wearing his sexy voice na hindi nakaligtas saakin. Tumindig ang balahibo ko dahil huminga pa ito sa speaker. "Saan mo naman nakuha ang number ko?" Kunot noo kong sinabi nang makilala ang boses nito. "I have my connections. So meet me up tomorrow morning at my house. I'll send you my address." "What?! Wait, no!" Bigla akong napa tayo pero bigla na itong nawala sa linya kaya napa padyak ako sa sahig dahil sa bumangong inis. "Damn you Rexon!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD