Kabanata 6 Gabi nang dalawin ako ni Jacky sa Ospital bago ito pumasok sa trabaho. Naibalita ko na kasi dito na nasa Ospital si Itay. "Kamusta raw si Tito?" Tanong nito habang nilalapag sa lamesa ang mga dala nitong prutas at tinapay. "Kailangan na daw operahan sa lalong madaling panahon." Walang lakas kong sambit. "Ano ba kasi ang nangyare? Hindi ba m regular naman ang gamot ni Tito?" "Ewan ko nga Jacky kung bakit nagkaganyan nanaman si Itay, siguro may pagkukulang rin ako dahil hinahayaan ko pa siyang mamasada kahit may sakit na siya sa puso." I whispered weakly. Tumabi ito saakin at marahang ginagap ang palad ko. "Wag mong sisihin ang sarili mo, gusto lang naman ni Tito na magkaroon nang normal na buhay." Aniya saakin. Umiling ako pagkat ramdam ko ang mainit na luha sa mata ko. "