Kabanata 4

3007 Words
Kabatana 4 Maaga akong pumasok ngayong gabi. Tutal ay walang byahe si Itay kaya namasahe ako patungo dito sa Bar. "Psst... " Tawag sa'kin ni Jacky na siya kong ikinalingon. "Kamusta? Ilang araw ka ring absent ha?" Nangalumbaba ito sa lamesa matapos ko iyon punasahan. "Wala naman ako magagawa. Si Calix naman ang may gustong 'wag muna akong pumasok," sagot ko na lumipat sa kabilang lamesa para doon ituloy ang pagpupunas. "In fairness d'yan kay Calixto, masyadong supportive, huh?" Humarap ito sa'kin matapos sumandal sa silya. "Kung ako lang, ayokong um-absent dahil kailangan ko ng pera." "Eh, ano itong bayad raw ang araw na hindi mo pinasok?" Tumaas ang kilay nito nang lingonin ko. "Wala akong nabalitaang ganyan," sagot ko at lumipat muli sa Isa pang lamesa. "Hmm... Patingin ng pay-slip mo sa katapusan ha?" Tumawa pa ito nang bahagya bago na ako talikuran. Naiiling na bumalik ako sa trabaho dahil ilang minuto nalang ay magbubukas na ang Bar. "Cherry! Cherry!" Mabilis akong lumingon sa boses na tumawag sa akin. "Oh, Fernan bakit humahangos ka?" "May mga reporters sa labas hinahanap ka!" Biglang kumunot ang noo ko sa kaniyang tinuran. Sa huli ay napabuntong hininga. "Walang magpapapasok sa kanila, ibilin mo sa bouncer at security!" Nilingon ko si Calixto na biglang nagsalita sa tabi ko. "Yes, boss..." Matapos ay tumalikod na sa amin itong si Fernan. "Good evening, sir!" Bati ko rito na tangkang babalik na sa ginagawa nang magsalitang muli. "Hindi pa rin ba tapos ang issue mo sa bokalistang iyon?" Seryoso itong nagsalita at madiim ang mga titig sa'kin. "Pasensya na kayo, hindi ko naman alam na ganito ang mangyayari," yuko ang ulo kong sinabi. He shook his head. "I will talk to his manager regarding this issue tomorrow morning. Gusto ko sumama ka sa'kin to clear things up. Isasama ko rin ang abogado ko. Hindi pwedeng palagi na lang nandito 'yang mga reporters gayong wala naman katotohanan ang binibintang nila saiyo." Tumitig ito sa mga mata ko na siya kong hindi naiwasan. "I'm sorry... Hindi ko gustong magkaproblema ka pa. Nagusap na kami ni Rexon at sinabi niyang aayosin niya ito." "Then he must do.. I don't want to hear anything again from the media." He glared stonily at me. "I really sorry, sir." Alam kong hindi niya gustong madawit ang pangalan niya sa issue, lalo pa't nali-link ako sa kaniya. Tumango lamang ito sa'kin matapos ay tumalikod na at dumiretso sa kaniyang opisina. Buong gabi ay hindi ito lumabas ng kaniya opisina. Kadalasan kasi ay siya ang tumatao sa mini-bar para magbigay ng mga inumin na hindi nito ginawa ngayon. "Ano nakausap mo naba si Calixto?" Tumabi si Jacky sa'kin habang hinihintay ang order na hiningi ko. "Kanina," tipid kong sagot. "And-anong sinabi?" "Kakausapin niya raw iyong manager ng Logistic at isasama ako bukas, " sabi ko na yumukod sa lamesa. "I mean, yung issue sa inyong dalawa na ayos na ba? Palagay ko apektado yang si Calixto." Napatuwid naman ako nang tayo sa kaniyang tinuran. Tama siya hindi pa nga namin napag-uusapan iyon. Hindi pa rin ako nakakahingi ng sorry tungkol doon. "Ako na ang magdadala nito sa table 3 at itong Juice ikaw naman ang magdala kay Calix," aniya matapos ay malapad na ngumiti sa'kin. Wala na akong nagawa pa nang tumalikod na ito kaya sinundan ko na lamang siya ng tingin. Bumaling naman ako sa baso ng juice na ibinaba nang bartender sa'kin. "Salamat dito, Yul..." Tumango lang ito sa'kin nang kunin ko iyon at dumiretso sa opisina ni Calixto. Mahihinang katok ang ginawa ko bago ko marinig ang boses nito. "Come in..." Pinihit ko ang seradura at sumilip nang bahagya sa awang ng pinto. "Sir, here's your juice." Panimula ko. Sandali pa itong natigilan bago magsalita. "Pasok ka, Cherry." Bumalik muli ang tingin nito sa mga papeles na nasa lamesa. Pagkapasok ay inilapag ko nang tahimik sa lamesa niya ang dala ko at hindi muna umalis. Pinanonood ko lamang siya sa kaniyang ginagawa. Ilang sandali pa ay tumingala ito sa'kin nang mapansing nasa harapan pa rin niya ako. "May kailangan ka ba?" Tumaas ang kilay nito at sumandal na ngayon sa kaniyang swivel chair. "Ah, tungkol sana sa issue-" Naputol ang dapat kong sasabihin nang umigting ang panga nito sa'kin. "Gusto ko sanang mag-sorry..." Pinagsalikop ko ang dalawa kong palad sa harap dala ng matinding kaba. Dagdag mo pa ang tahimik na paligid at ang malakas na pintig ng aking puso. "Issue about what?" Umangat ang likod nito matapos ay siniko ang lamesa at nangalumbaba sa harap ko. "Yung tungkol sa atin. Ano kasi..." Napalunok ako nang bigla itong bumunghalit ng tawa sa harapan ko. Kumibot ang labi ko dahil sa perpekto nitong itsura habang ginagawa iyon. "Are you serious?" Hindi nito mapigilan ang tawa habang sinasabi iyon. Kagat labi akong tumango dito. Bumalik naman muli ito sa pagkaseryoso nang mapansin hindi ako kumikibo. "Okay!" Tumango tango ito sa'kin at ininom ang dala kong juice. "Akala ko hindi ka kagaya nila mag-isip. Gossipers is making story about the personal life of others, but if its not proven yet, it's still just a rumor. So, nothing to worry about, " he said while shaking his head. Hindi agad ako nakapagsalita kaya umangat muli ang labi nito. "How could you even believe that?" Napayuko ako sa kaniyang tinuran, tila binalot ako ng hiya at panliliit sa sarili dahil sa narinig. Mali yatang umasa ako. "Anyways, I'll pick you up tomorrow morning at nine o'clock. Be sure you're ready by that time." Patuloy nito. Tumango lang ako. Hindi na alam ang sasabihin. "Anything you want to asked?" "Hmm... Nothing, sir," wika ko nang makabawi. "You may leave now, Miss Banaag." Bumaba muli ang tingin nito sa mga papeles niya. Napalunok na lang ako sa inakto nito sa'kin. May kaka-iba dito. Hindi naman ito ganito makipag-usap sa'kin dati. Alam niya ang nararamdaman ko sa kanya at alam niyang nasasaktan ako ngayon. Walang pasabi akong tumalikod dito at mabilis na lumabas. It's funny thing na iyakan ko ito pero hindi ko lang talaga mapigilan. Pakiramdam ko ay na busted na naman ako. "Bakit ka pa kasi umasa?" ukil ko sa sarili habang nakasandal sa pasilyo. Ilang minuto pa akong nagtagal doon at kinalma ang sarili bago bumalik sa trabaho. Sinalubong ako nang tingin ni Jacky na halatang kinikilig. "Anong sabi? Nagtapat na ba?" Sinundot pa nito ang tagiliran ko kaya ako napakislot. "Nagusap lang kami," walang lakas kong sinabi. "Then?" Pinanlakihan ako nito ng mata at hinihintay ang sasabihin ko pa. "Wala, wala namang pagtatapat na nangyari. Saan mo ba nakuha iyan?" Pinasigla ko na ang boses dito para maitago lang ang sakit. "Ay akala ko, true to life na yung balita tungkol sa inyo eh." Tila na dismaya ito sa ibinalita ko. "Ano ka ba, baka may makarinig saiyo at kung ano ang isipin..Alam mong hindi iyon totoo." Sumulyap ako kay Yul na naglapag ng bote ng alak sa harapan namin. "Tss .. Si Yul? Eh matagal na niyang alam na may gusto ka kay Calixto, halos lahat kami dito," aniya matapos ay maluwang na ngumiti. "Kahit na, nakakahiya pa rin na pinagpipiyestahan natin ang balita tungkol sa aming dalawa, " pilit kong sambit. "Malay mo naman totohanin niya. Matagal ka na rin naman nagpapalipad hangin sa kaniya, baka lang kasi alam mo na..." Tumitig muna ito sa'kin at sinukat ako ng tingin from head to heels. "Hindi ka naman panget. Pang-model nga iyang katawan mo." Tila nag-iisip pa ito ng sasabihin. Bumuntong hininga na lang ako sa kaniyang tinuran. Tama nga siya, It's been a year mula nang pumasok ako dito pero bakit hindi nag le-level-up ang feelings ni Calix para sa akin? Hanggang friend-zone na lang ba ako? Masakit man isipin pero mukhang iyon nga ang kahihinatnan ko. "Ayoko na lang pag-usapan ang nangyari. Hindi naman big deal sa'kin iyon, " pabula kong sinabi. "Ows, talaga?" Tumaas ang kilay nito sa'kin na alam kong hindi naniniwala. "Oo nga, akina nga iyan saan table ba ito dadalhin?" Kinuha ko ang nilapag na dirty whiskey ni Yul sa counter table. "Sa table six," sagot nito kaya tumalikod na ako. Natapos ang gabing hindi na muli pang nag-krus ang landas namin ni Calixto. Ang ikinababahala ko lang ay ang paghaharap naming muli. Kaya pagka-uwi ko ay natulog na ako para maagang magising para bukas. * * * * "Lipstick? Check! Eyebrows? Check. Blush on? Check na check!" Ngumiti ako matapos ayosin ang alon kong buhok sa salamin. Sinipat ko rin ang high fitted jeans na suot ko at ang plain sleeveless shirt na naka tuck-in sa pantalon ko. Hinila ko ang blazer kong blue sa hanger para suotin. "Mae... Narito na ang Boss mo!" Sunod-sunod na katok ni Itay sa pinto. "Opo Itay susunod na!" malakas kong sagot bago hilahin ang heels ko para huling suotin. Muli akong humarap sa salamin at ngumiti. "Perfect!" Kindat ko sa salamin at hinila na ang sling bag ko para lumabas. Naabutan ko itong kaharap ni Itay sa may salas kaya inayos ko agad ang buhok bago humakbang palapit sa mga ito. "Good morning, sir." Alangan kong bati dito. Tiningala ako nito at mabilis bumaba ang tingin sa suot ko bago muling salubongin ang mga titig ko. Kita kong kumibot ang labi nito bago sumilay ang kiming ngiti. "Shall we go?" Maagap itong tumayo matapos ay bumaling kay Itay. "Thank you ho, mauuna na kami." Inabot pa nito ang kamay ni Itay para magmano. "Mag-iingat kayo," sagot ni Itay sa kaharap na tumango na lamang sa kaniyang tinuran. Pigil ko ang paghinga nang muli itong humarap sa akin pero ganoon na lang ako na dismaya nang bumaba ang tingin nito sa wrist watch niyang suot. "On the way na raw si attorney," aniya attuluyan nang lumabas ng aming bahay. Bagsak ang balikat na sumulyap ako kay Itay na siyang tumango lamang sa'kin. "Mauna na po ako. Iyong gamot n'yo po 'wag kakalimutang inumin." Parati kong bilin dito. "Oo anak, mag-iingat kayo." Paalam nito sa' kin. Sakay nang kaniyang kotse ay binagtas namin ang daan patungo sa Del'torre corp. kung saan kami makikipagkita sa manager ng bandang Logistic na si Dawzon. "I like your outfit today," he phrases after a long dying moment. "T-thank you!" Hindi makapaniwala kong sagot na sa daan lang nakatingin. Pakiramdam ko kasi ay magkaka stif neck ako kapag lumingon ako sa gwapo nitong mukha. "Good," saad lang nito na lumiko na sa parking area ng malaking building. Giniya niya ako pababa kaya walang pagsidlan ang saya ko habang magkadaop ang mga palad namin. Halata rin siguro nito ang pamumula ko dahil pakiramdam ko ay nag-init bigla ang mga tenga ko sa ginawa niya kaya ako pumikit ng mariin. "Watch your steps, " bulong nito bago ngumisi sa'kin. Nagbuga ako ng hangin sa dibdib dahil sa naging reaksyon niya. Damn! Nakakahiya ka Cherry! Pumasok kami ng elevator at dahil siksikan ay hindi maiwasang mapadikit ako sa kaniya. Kunot noo kong tiningala ang ilaw sa itaas na tila 'sing bagal ng pagong kung maglipat ng numero. Paanoy halos yakap na ako nito dahil puro lalaki ang mga katabi ko. Hindi ko alam kung hihinga ba ako oh pipikit dahil sa matinding kaba. Rinig ko din ang mabigat nitong pagbuga ng hininga habang nakayuko sa'kin. Nang sa wakas ay bumukas ang elevator ay saka lang ako nakahinga ng maayos. Diretso na kami sa opisina na agad naman kaming pinatuloy. Tumayo naman si Dawzon at ang Attorney nang makita kami. "Good morning Mr. Fuentes and?" Tumingin ito sa'kin. "Cherry-Cherry Mae Banaag" Pakilala ko na inabot ang kamay ni Dawzon sa'kin. "Oh I forgot.. I'm sorry," sambit nito. "Its okay Mr. Del'torre." Agaw pansin sa amin ni Calixto na sa kamay namin nakatingin. Kaya binawi ko na ang kamay ko rito at bahagyang ngumiti. "Good morning!" bati rin sa amin ng Attorney ni Calixto. "Please sit down." Nahihiya man ay tumabi ako sa kay Calixto. "Mr. Del'torre gusto ng kliyente kong linawin ang kumakalat na issue tungkol sa vocalist ng bandang hina-handle mo. Palagi kasing pinuputakte ng media ang resto-bar ng kliyente ko kung saan naman nagta-trabaho itong si Miss. Banaag and also my complainant Mr. Fuentes." Panimula ng Attorney sa amin. Dawzon curved his lips. Hindi maitatanggi na kapatid nito si Rexon kahit pa medyo kayumanggi ang kulay nito kumpara kay Rexon na medyo masutla ang kulay. "First, I want to apologies personally to Mr. Fuentes ang Miss. Banaag for the damage we had been cause, especially about the Issue of third-party." Dawzon said. "Mas makabubuting 'wag na natin palawigin ang issue about sa false news na kumakalat ngayon," aniya na sa attorney nakatingin. Napagsalikop ko ang mga palad dahil sa paglingon sa akin ni Calix. "Regarding naman sa issue about Miss. Banaag and Rexon mas mabuting si Rexon ang sumagot diyan-Oh nandito na pala siya, " aniya. Tumuon ang tingin nito sa likuran namin. Halos sabay-sabay kaming lumingon dito na nakasuot nang Grey longsleeve at bleach jeans. May suot rin itong sunglasses na agad ring hinubad buhat ng makapasok. "Good morning!" Lumatay ang malapad nitong ngiti pero napawi nang makita ako kaya mabilis akong umiwas ng tingin dito. "So by the way, Rexon and his band has a presscon today. So he can answer all the questions coming from the perspective reporters," patuloy na sabi ni Dawzon sa amin. "Wait-ano to? Bakit sila nandito?" Biglang umangat ang tingin ko sa kanya na tila gulat pa sa nangyari. "I'm Attorney Santos, and my client Mr. Fuentes and-" "I don't care who they are, what I'm asking is, what are you doing here?" Putol nito sa nagsasalitang abogado na sa akin muli tumingin. Napasandal naman ako bigla sa couch dahil sa boses malalim nitong boses maging kung paano n'ya ako titigan ngayon. Gusto ko nang sagotin ito ng pabalang dahil sa kabastosan ng bibig. "Excuse me Mr.Del'torre, hindi yata tamang ganyan mo kausapin ang abogado ko." Salita dito ni Calixto. "Then who are you?" Tila hindi makapagtimpi nitong sagot kay Calixto. Magsasalita pa sana ito pero pinigilan siya ni Dawzon nang itaas dito ang kamay sa ere. "Rex, gusto lang nilang i-clarify mo ang Issue tungkol sa kinasasangkutan mong away noon sa Calixto's Bar ang Restaurant. And the damage we've been cause to Mr. Fuentes ang Miss. Banaag." Dawzon explain patiently. "The hell with that. Yung mga reporters ang nagsulat noon. They're accusing me for having an affair with that woman." Tumalim ang tingin nito sa'kin. Naikuyom ko naman ang mga kamao dahil sa klase ng tingin niya sa'kin at kung paano niya binitiwan ang salitang iyon. "Pati ang third party Issue na hindi naman dapat ay pinalaki nila!" Dagdag pa nito. "Kaya nga nandirito ang kliyente ko para sana ayosin ang Issue. Halos hindi na umaalis sa Bar nila ang mga reportes. And Miss. Banaag is needed to took an absent just to escape those pathetic reporters. Pati trabaho nila ay apektado na." Paliwanag ng Attorney. "Una, hindi ako ang nagkalat ng ganyang balita. Tumulong lang ako. And it's not my problem anymore." Pagtanggi nito na sa akin muli tumingin. "Kaya nga linawin mo ang Issue about sa inyo ni Cherry para lubayan na siya ng mga reporters." Si Dawzon muli. Napabuntong hininga. "Alright." Hindi na ito lumingon pa sa amin at diretso nang lumabas ng silid. "Pasensya na kayo sa inakto ni Rexon, wala pa kasi siyang tulog galing sa Gig." "We understand Mr.Del'torre." Si Calix ang sumagot. Sandali pa silang nag-usap tungkol sa Issue at sa huli ay nauwi sa business matter na alam kong wala na akong kinalaman pa. Mabuti ay nagpasok ng juice at cake ang secretary ni Dawzon kaya iyon na lang ang pinagtuonan ko ng pansin. Sumapit ang oras ng presscon ng Logistic para sa upcoming album nila. Gusto kong marinig ang paliwanag niya at kung paano siya sasagot sa mga Issue na binabato sa kaniya. Naupo ako sa pinakadulo at sulok na upoan kung saan hindi ako masyadong pansinin. Sinulyapan ko si Calixto na kausap pa rin si Dawzon na nasa gilid ng stage habang nakatingala sa mga nakahilerang grupo. Bumalik muli ang tingin ko sa stage. Katatapos lang nilang kumanta at ngayon ay naghahanda sa sa mga tanong ng press. "You can now ask some questions regarding to their up coming album," sabi ng host ng event. "Yes please..." Turo nito sa isang media na nagtaas ng kamay. "Maraming nagtatanong tutal malapit nang i-launch ang album n'yo. Kailan naman kaya ang big concert?" "Actually we're still looking forward for our next project which is out of the country tour. And If we have giving an opportunity then why not, but for now we enjoyed our Gig and Mall shows." Si Jeff ang sumagot. "How about your home coming event, Kailan ninyo ito balak gawin? May exact date na ba?" tanong naman nang isa pang media. "Yes, tuloy na tuloy po iyon. Once na ma-finalize na namin ang schedule for this month ay ire-release na namin ang date." Rexon said. "Mr. Rexon Del'torre, how about your rumored girlfriend? Invited ba siya sa home coming event sa school n'yo?" tanong pa nito. Agad na nagbulongan ang ilang press na nakagawa nang mahinang ingay sa function hall. Ako naman ay biglang kinabahan sa magiging sagot nito. "Gusto ko lang linawin wala pa po akong girlfriend... Sa ngayon," he clarify then he smiled broadly. Lumakas na naman ang bulongan sa paligid kaya nakuha nang Ilang press ang pagkakataon para magtanong pa. "How about the news tungkol sa third party 'di umano sa relasyon n' yo kaya mo ito dine-deny ngayon?" "No, it wasn't true," sagot niya at umiling lang sa mga ito. "How about the girl you depend last time at the resto-bar. Iniisip ng lahat na siya ang girlfriend mo?" Agad na kumabog ang dibdib ko nang magtama ang mga mata namin ni Rexon. "Actually, she's my P.A... My Personal Assistant," aniya sa maslumuwang na ngiti. Tinuro pa n'ya ako mula sa aking kinauupoan kaya sabay-sabay na nagsilingon ang reports sa'kin. Agad naman nadepina ang likod ko sa kinauupoan at hindi nagawang magsalita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD