Chapter 6-Why?

1114 Words
Bumaba sila ni Kristoff sa may kanto upang puntahan ang videokehan na papasukan nila. "Ma'am Inez,siya po ang sinasabi kong kaibigan ko na gustong mamasukan rito bilang waitress."sambit ni Kristoff sa may-ari ng videokehan. "Ay,kaw pala 'yun ineng! Sige, tanggap ka na! Sa ganda mong bata,magiging lucky charm ka yata ng negosyo."kaagad namang sambit nito.."Bukas na kayo magsisimula ,opening bukas at maraming dadalo rito.Alam mo na ba na dalawang daan ang sweldo kada gabi rito? May dalawang araw kayong day off sa isang linggo ." Tumango naman siya sa Ginang.Malaking halaga na talaga ang dalawang daang piso kada araw.Excited na rin siya dahil makakapag ipon na rin siya para sa pag-aaral niya sa susunod na pasukan. "Maraming salamat po talaga Ma'am.Malaking tulong po talaga sa amin itong trabaho na'to.Pag-iigihan po namin para po matuwa kayo sa'min!".aniya sa Ginang. "Naku,ke bait na mga bata naman! Sige,aasahan ko yan! Basta magtulungan lang tayo !" nakangiting wika ng Ginang. Tumango naman sila ni Kristoff at nagpaalam na sa Ginang. Mabuti na lamang ay kasama niya si Kristoff sa pag-uwi .May kalayuan na kasi ang bahay nila sa labasan.Sina Kristoff naman ay daanan na talaga ang bahay nila.Nasa kabilang ilog Kasi ang maliit na kubo ng pamilya nito.Ang mga magulang ni Kristoff ay tenant rin ng mayamang pamilya na nasa ibang bansa ngayon. Katulad rin nila ng lola niya ay wala silang sariling lupain.Mabuti nga at may trabaho pa ang Lola niya sa mga Mondragon dahil kung wala ay tiyak na wala silang matitirhan. Alas siete na ng gabi nang makarating sila sa bahay . Nagpaalam na rin si Kristoff sa kanya.Masaya siya sa araw na ito dahil bukod sa may trabaho na siya bukas ay naubos rin ang paninda nila . Kinuha niya ang plastic bag kung saan niya itinago ang perang kinita niya.Inilabas niya ang mga barya at mga papel at sinimulang bilangin 'yun .Umabot ng anim na daang piso ang kinita nila kanina.Ang kalahati ay ibibigay niya sa Lola Natty niya at ang kalahati naman ay budget niya para sa personal na binibili niya sa tindahan at iipunin niya para sa pag-aaral. "Ehmmm!" Muntik na niyang mabitawan ang mga barya na hawak niya nang biglang may tumikhim sa likuran niya. "Seryosong seryoso ah? " sambit ni Senyorito Adrian sa kanya. "Sen--Adie pala,ginulat niyo naman ako.Ang laki pala ng kinita natin kanina,six hundred pesos oh!" wika niya rito.Syempre tuwang tuwa siya dahil naubos ang benta nila at may malaking ipon pa siya. "Nice to hear that! So,ano naman ang gagawin mo sa pera?" Tanong nito. "Iipunin ko po katulad ng palagi ko nang ginagawa .Gusto ko po kasing mag-aral at makapagtapos ng nursing!". malungkot niyang sambit. "Ayan na naman tayo sa po at opo! How many times do I have to tell you that were just in the same age era .Hindi nagkakalayo ang edad natin,you see tumatayo ang balahibo ko kapag pino po ako at opo!" Napapailing nitong sambit sa kanya. "Ay sorry nakalimutan ko.Oo ,Adie gusto kong mag-aral .Pangarap ko talagang maging isang nurse eh.Sa susunod na pasukan,ipapangako ko sa sarili ko na makakapag-aral na ako!" wika niya sa lalake. "Ayaw mo bang mag-aral sa pinaka sikat at prestiyisong unibersidad sa bansa?" Malakas siyang humalakhak sa narinig." Mahirap lang po ako,Hindi ko po kayang pag-aaralin ang sarili ko sa isang prestiyisong university.Public school po pwede pa kaya dahil mura lang ang tuition fee." Ito talagang si Sir Adrian,Akala siguro ay sapat na ang ipon niya para mag-aral sa isang tanyag na university.Hindi pa nga umabot sa isang libo ang perang naipon niya. "Well,pwede ka namang mag-aral doon kung gusto mo lang ." anito . Napailing naman siya."Hindi po yata bagay ang dukhang tulad ko sa mga sikat na unibersidad." Mapakla siyang tumawa .Totoo naman ang sinabi niya. "Ikaw ang bahala kung gusto mo talagang paghirapan ang isang bagay edi sige go for it! " sambit nito. "Syempre po pursigido po talaga ako na makapagtapos .Kaya nga po magtatrabaho na kami bukas ni Kristoff doon sa videokehan sa labasan." "Ano?" Tila ba nagtatakang sambit nito. "Opo,bukas ng gavinna nga ang unang araw ng trabaho namin.Pumayag na naman po si Lola .Sayang rin po ang two hundred na kada araw kong sweldo.Opening na po bukas,punta po kayo ah?Para natutuwa si Ma'am Inez kung maraming tao." Natigilan ito saglit."Hindi ako pwede bukas dahil may pupuntahan kami ng pinsan ko." Tumango lamang siya rito. "Iha,nakauwi ka na pala.Naku,kain ka na apo! May sinigang na hipon riyan .Ikaw rin iho,kumain ka na rin,baka naman may gana ka na ngayon.Kanina ansabi mo busog ka pa!" Wika ng Lola Natty niya na galing sa kwarto nito. "Oo nga po Aling Natty.Kakain na po talaga ako kanina nang matiyempuhan ko itong si Lia sa mesa.Sabay na tayong kumain ,Lia!" sambit ni Senyorito sabay upo sa harap niya. Tumayo siya at nagsalang ng kanin at ulam.Kumuha na rin siya ng kubyertos para sa kanila ng amo. "Pasado alas siete na pala.Sige na matutulog na ako ah,maaga pa ang gising ko bukas may lakad raw kayo ni Senyorito Chase." Anang Lola Natty niya. "Opo,Aling Natty!" sagot naman kaagad ni Adie . Nang pumasok na ang Lola niya sa kwarto ay kumain na sila ni Adie . "Are you not afraid to work there lalo na't gabi na matatapos." Umiling naman siya." Hindi naman po , kasama ko naman si Kristoff.Sabay kaming umuuwi." "Medyo malayo itong bahay sa labasan ,bundok na yata ito eh pero para sa inyo parang walking distance lang !" Natawa siya sa sinabi nito."Oo nga eh,malayo na talaga .Halos kalahating oras po kami naglalakad patungo sa labasan eh." Sanay lamang yata siya pero para sa iba ay sakripisyo ang paglalakad patungo sa labasan. "Baka babatusin ka ng mga lasing dun!" "Hindi naman po yata dahil mababait naman po ang mga taga rito sa amin at wala po talagang mga krimen rito sa amin.Zero crime ang barangay namin." aniya. "Mabuti naman kung ganun .Naku wag lang silang magkakamali na----" Natigilan ito nang makita siyang nakatingin rito ng seryoso."Huwag silang magkakamali na maglasing at baka makakatulog sila sa daan.Di ba? Yan ang consequences ng paglasing?" " Ha?Ah o-opo." Naguguluhan niyang sagot rito. " Ang sarap naman ng sinigang ni Lola.Mamimiss ko talaga ito pag-uwi ko sa Manila." Nakangiting sambit ng lalake. Natigilan siya sa pagsubo.Babalik na ito sa Maynila? Ang akala ba niya ay magtatagal pa ito rito sa Probinsya? Bakit kaagad siyang nalungkot nang marinig ang sinabi nito sa kanya .Bakit iisipin pa lamang niya na uuwi na ito ay namimiss na niya ito kaagad? Gusto niyang kurutin ang sarili niya .Bakit ba ganito ang iniisip niya? Bakit may epekto ang bawat pananalita at pagkilos si Sir Adie sa buong sistema niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD