"Lia,okay lang ba ang amo mo?" bulong sa kanya ni Kristoff habang nilalagay sa plastic ang mga talong na binili ng mga customers Kay Senyorito Adrian.May ilang mga babae ang nagpapapicture pa rito.Si Senyorito Adrian naman ay naliligo na sa pawis pero para sa mga tao yata ay mas nagiging attractive itong tingnan sa ganung ayos dahil mas kita ang abs nito na natatakpan ng sando.
"Hindi ko nga alam eh.Kaninang umaga galit yata yan pero ngayon naman ay siya pa ang tumutulong sa atin!" wika niya.
"Baka ganyan talaga siya,yung tipong masungit lang pero mabait naman pala!" dagdag pa ni Kristoff.
"Oo nga,baka naman mas sumasaya siya kapag may natutulungan siyang ibang tao." aniya.
"Pogi, isang kilo nga ng mahahaba at matatabang talong riyan!" sambit ng isang bakla Kay Adrian.Napapailing na lamang siya.Infairness ay mabilis na naubos benta nila .Sa loob ng beinte minuto lang ay ubos na kaagad.Ngayon lang yata nangyari ang ganito sa tanang buhay tindera niya.Magkahalong gulat at tuwa ang nararamdaman niya sa sandaling iyon.
"You see? That's just an example how effective am I when it comes to business and marketing strategy." proud na saad ng amo niya habang itinuturi nito ang naubos nang paninda.
"Naku po Senyorito maraming salamat po talaga sa pagtulong mo sa'min sa pagbenta ngayon.Nakakahiya naman po sa inyo,nagbenta pa talaga kayo ng talong at okra rito sa kalsada." namumula ang pisngi niyang sambit rito.
" That's okay,I never hesitate to help when it's needed.Im so glad na natulungan ko kayo.Di bale ,next time kapag may benta kayo I will come to the rescue again!"
"Salamat po ulit Sir Adrian ,pasensya na po kayo ah wala po talaga kaming maimpambayad sa serbisyo n'yo!" nahihiya niyang sambit sa amo.
"That's okay,hindi naman ako naniningil ." sagot naman kaagad nito.Kitang kita niya ang paglandas ng pawis sa magkabilang sentido ni Senyorito Adrian.Namumula na rin ang magkabilang pisngi nito."Pauwi na rin ba kayo?"
Nagkatinginan sila ni Kristoff atsaka napailing.
"Kakain na po muna kami Sir." si Kristoff ang sumagot rito.
"Where?" Ani Senyorito Adrian
"Ah diyan lang po sa kanto." sambit niya.Kakain lang naman sila ng fish all at tempura ni Kristoff.May magbebenta ng street foods sa kabilang kanto na masarap ang sauce.
"Well,gutom na rin ako baka pwedeng makisabay?" sambit ng gwapong binata.Nahihiya talaga siya rito dahil hindi niya inaasahan na gusto nitong sumabay sa kanila.
"A-Ah sige po Sir." Ani Kristoff sa binata.
"Pasensya na kayo,gusto ko lang kasing maexplore ang probinsya ng Zamboanga.You know,yung pinsan kong si Chase,ayaw namang lumabas nun pero ako,I always want to explore lalo na't napakaganda ng lugar na ito.So,mag kwento kayo ah kung saang maymagandang pasyalan rito or tourist spots para naman masulit ko ang mga araw ng pagbabakasyon ko rito." sambit nito.
Napatango siya kaagad.Kaya naman pala nakikipaghakubilo na ito sa kanila dahil kailangan nito ng mga locals ng Zamboanga para masamahan ito sa mga magandang lugar .
Mga beach ,ilog at mga isla lang naman ang mga pwedeng ioagyabang ang Zamboanga City.
"Ay opo sir,alam po namin ni Lia ang lahat ng mga magagandang tanawin rito sa amin.Pwede po namin kayong samahan kung gusto n'yo po.Di ba besfren?" Baling nito sa kanya.
"Ah eh o-oo!" natarantang sambit niya .
"Wow ganyan ang gusto ko!" wika nito."Sige pagusapan natin Yan habang kumakain tayo.So saan ba kayo kakain? I mean what's the restaurant's name?"seryoso nitong tanong .
Napangiti siya sa narinig.Halatang ang yaman nito ,sa pananalita pa lamang ay sanay na talaga na sa restaurant kakain.Siya? Ni isang beses ay hindi pa nakakain sa namahalin na restaurant o kahit sa mga sikat na fast food sa lugar nila.Paano ba naman ,nasasayangan siya sa pera.Kung gagastos man siya, yun ay kung mahalaga lamang at kailangan talaga.Hindi niya saaayagin ang pera niya para sa isang kainan lamang o sa mga personal na mga damit dahil Ultimo piso ay pinaghirapan niyang makuha.
"Sir,sa kabilang kanto lang po kami magtatanghalian ni Lia.Mahal po masyado ang mga restaurant rito."ani Kristoff rito.
"Well,masarap ba sa kabilang kanto?" tanong nito.
"Opo,paborito nga namin ni Lia diun eh."
"Sige,gusto kong subukan ."
Nahihiya man sa amo ay napilitan na rin siyang isama ito sa magbebenta ng mga street foods na nakabike at malaking payong .
Sakto namang wala pang pumipila kaya wala pang nagaganap na siksikan ng mga tao room.
Bumili siya ng treinta pesos na tempura at beinte pesos na fish ball.
"Aray!" daing ni Senyorito Adrian nang kagatin nitong bigla ang isang tempura."Ang init!"
"Senyorito naman dahan dahan po sa pagkagat.Mainit pa po Yan!" aniya rito.
Sandali itong natigilan bago ulit kinagat ang bagong luto na tempura.
"Hmm, infairness masarap pala." wika nito.Halatang ngayon lamang ito nakakain sa ganitong lugar .Napansin niya ang ibang mga tao na tinitingnan ang binata.Hindi na rin siya nagtataka pa.Bukod tangi ang kinis at puti ng balat nito sa mga taong nandoon. Hindi rin niya maitatanggi na sobrang gwapo ng binata kaya lahat yata ng makakakita sa binata ay kinikilig dahil ang akala yata nila ay artista ito.Mas gwapo pa nga yata si Senyorito Adrian sa mga artistang pinapanood niya sa TV. May telebisyon sa bahay na pagmamay-ari ng mga Mondragon kaya nakakanood siya ng tv.
"Salamat naman at nagustuhan mo Senyorito. Mas masarap po yan kapag kapares ito." Inabutan niya ito ng isang plastic na may straw na may lamang pineapple juice.Limang piso ang kada benta malamig na juice .
"Hmmm, refreshing ! Mukhang madalas na akong sasama sa pagbenta rito lalo na't kapag may libreng juice at tempura pagkatapos." wika nito." I'm just kidding,Lia ...ako ang magbabayad " bawi nito.
"Huwag na po Senyorito Adrian.Ako na po,next time po kayo na." Nagawa niyang sambitin sa binata.
"Talaga? May next time pa? Sinabi mo yan ah!" natutuwang sambit ng binata.
"Ah o-opo..." nauutal niyang sagot.Wala na siyang takas sa amo dahil sinabi na niya na sa susunod ay maaari pa itong sumama.
Teka,seryoso ba ito?Sasama ito ulit sa benta nila?Masyado naman yatang nakakahiya na.Isang Mondragon?Magbebenta ng talong,okra ,sitaw,talbos ng kamote at alugbati? Baka kapag malalaman ng lola niya na isang Adrian Mondragon ang magbebenta ng mga gulay niya ay pagagalitan siya nito.
"Teka po, Senyorito seryoso po ba kayo?" paulit niyang tanong rito.
"Yes,I am so damn serious.Nag-eenjoy ako living here, gusto ko ring naranasan ang simpleng buhay rito sa probinsya and I think, being a street vendor of vegetables is really an exciting and enjoyable hobby!" sambit nito.
So,ayun na nga ang katotohanan.Hobby! Libangan ito para kay Senyorito Adrian pero para sa maghihirap ay hanapbuhay.Ano pa nga ba ang kaibahan ng mahihirap sa mga mayayaman na kagaya ng binata?
"Sige po,kayo po ang bahala Senyorito basta po hindi ko po kayo pinilit."aniya.
"Huwag ka na ngang mag-alala,okay lang talaga sa akin . Nag-eenjoy nga ako,actually kanina nga nang dumagsa ang mga mamimili masyado akong nawili." wika nito.
"So,sabay na tayong umuwi? Kakakuha ko lang ng car sa port kanina .Pinadala ko sa isang pinsan ko from Manila.I think magtatagal ako rito kaya mas mabuti nang naka kotse ako.Tara na?" anito.
As in,nakakahiya talaga pero wala na silang magagawa dahil hindi nila mahindian ang amo.
Napakabango at bagong bago pa ang kotse n dala nito.Nakakahiyang tapakan ang loob ng kotse at baka madumihan lang nila.First time niyang sumakay sa loob ng isang napakagarang kotse na tulad ni Sir Adrian.Ang lamig sa loob dahil anlakas ng air-conditioned.
Halos hindi nga sila makapagsalita ni Kristoff sa sobrang hiya nila Kay Senyorito Adrian . Hindi yata sila bagay sa loob ng kotse nito.
"Oh,ba't napakatahimik n'yong dalawa? It's allowed to speak naman ,hindi naman ito library!" sambit nito na may halong pilyong ngiti sa mga labi.
"Maitanong ko lang pala ulit,ilang taon na pala kayo?" paulit nitong sambit
"Seventeen na po ako,sir.Si Lia naman ay sixteen,malapit na ang birthday n'yan ...sa susunod na linggo na..." si Kristoff ang naglakas loob ng sagutin ito.
"Turning seventeen,ambata pa pala pero hindi naman pala nagkakalayo ang mga edad natin.Huwag n'yo na'kong tawagang Sir or Senyorito baka ang isipin ng mga tao eh napakayaman ko.Just call me by my nickname,Adie." sambit nito .
Napatango naman silang dalawa ni Kristoff.
"Sige po,Sen---A-Adie..." pautal niyang wika.
"Thats good!" tipid nitong sagot."Ayaw ko nang tatawagin akong Adie ah?So Ikaw Kristoff,saan kita itatapon...I mean saan kita ibababa?"
"Sabay po kaming bababa ni Lia dyan lang po sa may kanto,sa may bagong videokehan dahil magaaply po kami."
"Ayan na naman,puro po at opo na naman tayo.Ang sabi ko nga, hindi naman malayo ang agwat natin .Nineteen pa lang ako..." dagdag pa nito.
Gusto niyang matawa sa sinabi ni Adie.Nineteen?Hindi naman yata yun totoo dahil mas mukhang matured ito sa nineteen years old pero mas gwapo nga lang kumpara sa mga mas bata pa rito.
"Sorry,A-Adie..." natatarantang sagot ni Kristoff.
"Ayan,much better!" dinig niyang sambit ni Adie .
Nang tumingin siya sa maliit na salamin sa harapan ay nagulat pa siya nang magtama ang mga mata nila ng binata.Kinindatan ba siya nito?Hindi na niya masabi dahil bigla niyang ibinaling ang tingin sa labas.
Bakit ba sobrang pogi nito? Naiinis na siya sa sarili dahil puro kapogian ni Senyorito Adrian lamang ang naiisip niya. Hindi siya dapat mag-isip nang ganun,wala siyagn karapatan na hangaan ang isang kagaya nito.
Pero paghanga lang naman ng patago di ba?