Naging abala siya sa pagsisilbi sa videokehan. Halos puro mga kalalakihan ang kanilang customer sa gabing 'yon.
Nagkakantahan at nag-iinuman na ang karamihan. Isang videoke lang naman ang meron.Kagaya nga ng sinabi ni Ma'am Inez ay marami ring taga ibang barangay at maski na taga siyudad ay dumayo sa videokehan.
"Lia,dalhin mo itong pulutan sa table six .Pagsilbihan mo ng mabuti si Boss Greg ha,naku baka malaki ang tip na ibibigay nyan! "sambit sa kanya ni Ma'am Inez.Kinuha niya ang tray na may lamang sisig .
"Sir,ito na po ang sisig." sambit niya sa lalakeng si Greg umano. Ito ang bukod tanging matangkad ,maputi at may itsura sa grupo.May kasama itong apat na lalake nasa tingin niya ay mga bodyguards nito.May bukol kasi ang tagiliran ng mga ito ,halatang may baril.
"Salamat,Miss mukhang masarap itong sisig na 'to,amoy pa lang." nakangiting sambit no Greg sa kanya .Ngumiti lamang siya sa lalake at nagpaalam nang umalis.
"Uy,Lia swerte mo at sina Boss Greg ang sinisilbihan mo! Alam mo ba,siya ang pinakamayaman na heredero dito sa siyudad natin? Tiyak na malaki ang tip n ibibigay sa'yo."sambit sa kanya ni Bea ,kaklase rin nila ito dati sa high school.
Naikwento rin pala sa kanila ni Ma'am Inez bago sila nagsimula na sa ganitong negosyo raw ay may mga customers talaga ang nagbibigay ng tip kaya kailangan raw talaga nilang galingan ang kanilang trabaho lalo na sa paninilbihan sa mga parukyano.
"Okay na rin kahit walang tip,may sweldo na rin naman tayo!" aniya sa kasama.
"Pero mas maigi nang may dagdag tip tayo di ba!" anito.
"Lia,may bagong dating sa table ten.Sumesenyas oh,puntahan mo na!" sambit naman ni Ma'am Inez sa kanya .Si Bea kasi ay kumuha ng beer dahil may dagdag na order sa pinagsisilbihan nito.
Habang palapit siya sa table ten ay lumalapad ang kanyang ngiti nang makita kung sino ang naghihintay sa kanya walang iba kundi si Senyorito Adrian at Senyorito Anton Chase.
" Magandang gabi po ng Senyorito!" bati niya sa mga ito .
Ang akala niya ay wala rito si Senyorito Adrian .Sinabi kasi nito sa kanya na may gagawin ito .
" Magandang gabi rin Lia pero huwag mo naman kaming tawagang Senyorito." paalala sa kanya ni Senyorito Adie.
"Sorry po,A- Adie.." sambit niya.
"Wow,ganun na pala ka close at tawag ka na ni Lia sa nickname mo!" nakangiting wika ni Senyorito Anton Chase sa kanya .
Kung kanina ay halos nakatulos ang mga mata ng mga tao kay Greg na pinaka gwapo sa lahat ng mga parukyano na na doon,ngayon naman ay bigla na lamang bumaling ang mga titig sa dalawang Mondragon na higit namang mas gwapo kaysa Kay Greg.
"Syempre, halos magkaedad lang naman kami." sambit ni Adie sa pinsan.
Humalakhak naman si Senyorito Anton Chase Mondragon sa narinig.
"Lia,isang bucket ng beer 'yung pinakamalamig ." kaagad namang sambit ni Adrian na madilim na ang mukhang nakatingin sa pinsan na tuwang tuwa pa hanggang ngayon.
"Oo nga at 'yung specialty n'yong pulutan!" dagdag pa ni Anton Chase.
Tumango siya sa mga ito at nagpaalam na muna upang ihanda ang mga inorder ng mga ito .
"Ito na po ," wika niya sabay lapag sa isang bucket ng beer sa mesa ng magpinsan."Dadalhin ko lang po ang specialty na pulutan para sa inyo po."
Pagkalipas lang naman ng limang minuto ay luto na ang inorder ng dalawa.Sisig at papaitan ang sinerve niya sa dalawa .
Magkabilaan lang naman ang table six at ten kaya sinisilbihan rin niya sina Greg ng mga orders na dinagdag ng mga ito .
" Miss,what's your name nga pala? " Tanong sa kanya ni Greg pagkatapos niyang ilapag ang isang bucket sa mesa ng mga ito .
"L-Lia po ,sir." tipid niyang sagot.
" Ganda naman ng pangalan mo,katulad mo rin." anito sa kanya .Ngumiti lamang siya Kay Greg ." By the way,I'm Greg Fuentebella." inilahad nito ang palad sa kanya Nahihiya man ay nagkipagkamayan siya rito.Ang nipis at ang kinis ng kamay ni Greg,nakakahiyang makipagkamayan dahil puro kalyo ang kamay niya sa pagtatanim at gawaing bahay.
"Taga saan ka pala Lia?Parang ngayon lang kita nakita rito? Palagi akong nasa barangay na ito." dagdag na tanong ni Greg sa kanya.Nahihiya man ,pilit niya itong sinasagot dahil naaalala niya ang sinabi ni Ma'am Inez na pakitunguhan ng mabuti ang mga customers .Kapag makulit ay habaan ang pasensya ,basta't huwag lang naman sila babastusin.
"Taga looban po ako,malayo po rito."
"Ganun ba,kaya naman pala ngayon ko lang nakita ang kagandahan mo ."anito.
"Miss,Miss..." lumingon siya nang marinig ang malakas na boses ni Senyorito Adie na tumatawag sa kanya.
Hindi na niya nagawang sagutin pa at pansinin pa si Greg na may sinasabi pa sa kanya dahil kay Senyorito Adie na halos mawalan na ng boses sa pagtawag sa kanya .
"Senyo----Ad-Adie?Ano po 'yun?" Tanong niya kaagad sa amo nang bumalik sa mesa ng mga ito.
Si Senyorito Anton Chase ay tahimik lamang habang iniinum ang isang bote ng beer .Nakatingin ito kay Adrian at tila hinihintay kung ano ang sasabihin nito.
"Asin, pahinge ng asin mukhang kulang sa asin ang sisig." anito .
Nagulantang siya sa sinabi nito.Kung kulang sa asin,nakakahiya naman 'yun pa naman ang nirekomenda niyang specialty.
"Hmmm,masarap naman ah.Walang labis at walang kulang ang rekados ng sisig! " singit naman kaagad ni Anton Chase "Baka asukal ,oo Lia asukal ang kailangan ni Adie dahil masyado siyang mapait sa gabing ito!"
"Kung sabagay,wala kang nalalasahan dahil masakit yang puso mo,bro." baling naman ni Adrian Kay Anton Chase .
" Namemersonal ka na ah! Naku Lia,huwag mo na lang pansinin itong si Adie,walang masama sa lasa ng sisig, siya lang ang may masamang balak sa-----" kaagad namang natahimik si Senyorito Anton Chase nang sinubo ito no Adrian ng isang kutsara ng papaitan sa bibig.
"Masyado kang maraming alam!" sambit naman ni Adie sa pinsan.Natawa siya sa kulitan ng dalawa .
"Sir Adie...kukuha lang ako ng asin."
"Lia,hindi ako professor para tawagan mo'kong Sir."
"Adie pala,sorry kukuha lang ako ng asin." kaagad niyang wika at nagpatuloy na't naglakad patungo sa kitchen upang humingi ng asin.
"Salamat,Lia." sambit naman ni Adie sa kanya.
"Wala na po ba kayong hihingiin?" tanong niya.
"Wala na..." sambit ni Adie sa kanya.
Tumango siya rito at tumalikod na.
"Miss Lia, " dinig naman niyang tawag ni Greg sa kanya.
"Yes po,Sir?" Tanong niya sa lalake.
"Huwag mo na'kong tawaging Sir.Sa tingin ko hindi naman nagkakalayo ang edad natin,Lia.Just call me ,Greg." sambit naman nito.
"Okay po,Greg."
"Greg pero may po naman...pinapatanda mo naman ako kaagad,Lia. Iimbitahan ko pala kayo sa kaarawan ko,kinausap ko na si Ma'am Inez ninyo na dadalhin kayong lahat.I want you all present there dahil mas madalas na yata ang pagpunta ko rito." sambit ni Greg sa kanya.
"Ah,maraming salamat po."
"Po?"
"Ay Greg."bawi niya .
Nagtungo na siya sa kitchen at ibinigay ang order sheet ng kabila ring mesa.
" Hoy ,Lia mukhang interesado sa'yo ang Unico heredero ng mga Fuentebella ah? Sabi kanina ni Ma'am Inez ay inimbitahan raw tayong lahat sa kaarawan ni Boss Greg.Kung tutuloy tayo sa birthday niya edi napaka swerte natin dahil makakakakita na tayo ng mansion for the very first time! Alam mo ba na sila lamang ang may mansion sa Zamboanga?Napakayaman nila kaya kung liligawan ka niya,sagutin mo kaagad! sambit naman ni Bea nang makasama niya ito.
"Huy,'ikaw ah yang bibig mo!Liligawan?Naku, impossible! Alam mo,trabaho na lang ang aatupagin natin ah?Huwag na muna yang mga ligaw ligaw na yan! Mag-aaral pa tayo!"
"Ikaw lang,impossible na kong makapag-aral pa dahil ako na ang tumatayong nanay sa mga kapatid ko simula nang sumama sa ibang lalake ang nanay namin!" Napapailing na sambit ni Bea.Bata pa lamang ito ay naging breadwinner na ng pamilya. Nakakaawa talaga si Bea sa totoo lang dahil may anim pa itong mga kapatid na maliliit pa at ang ama naman nito ay naging lasenggero simula nang iniwan ito ng asawa.
"Sumesenyas si Boss Greg sa'yo!" siniko siya ni Bea.Tinatawagan nga siya ni Greg dahil kinukumpas nito ang mga daliri.Hinihingi na nito ang bill.
Lumapit siya rito.Dalawang libo ang bill nina Greg .
"Sige ,Lia sa'yo na ang tip na to!" anito habang inaabutan siya ng two thousand five hundred .
"Five hundred?Ang laki naman po nito ,"
"I insist,that's a tip for tonight .Huwag kang mag-alala,maliit na halaga lang 'yan para sa'kin!" Tumayo ito at nagpaalam na.
"Maraming salamat po!" Nahihiya niyang sambit kay Greg.First time niyang maranasan ang makatanggap ng bigay mula sa ibang tao .
"Wow,sinabi ko na nga sa'yo na malaki magbigay si Boss Greg!" tila nakikiliting sambit ni Bea.
Nang tumingin siya sa gawi nina Senyorito Chase at Adrian ay sumesenyas si Adie sa kanya..
Kinuha niya ang bill sa cashier na hinihingi ni Adie at ibinigay sa mga ito .
One thousand five hundred iyon pero inabutan siya ni Adrian ng dalawang libong piso sabay sabi nitong itago na niya ang sukli.
"A-Adie,hindi ko po ito matatanggap!"
"Kapag galing ba Kay Greg tatanggapin mo?" sambit naman sa kanya ni Adrian.
"Tanggapin mo na 'yan Lia at baka may tao pang magwawala sa videokehan na'to !"
"Magwawala?" sambit niya.Hindi niya maintindihan si Senyorito Anton Chase.
"Oo kaya tanggapin mo na yan.Keep the change,Lia.Uuwi na pala kami ni Adrian,maaga pa ang alis namin bukas." sambit ni Senyor Anton Chase ."Huy,ano na Adie ..tatayo ka ba riyan ?Maaga pa tayo bukas!"
Tinapik nito si Adrian na nakaupo pa rin at nakatingin sa kabilang mesa.
"Maraming salamat ,Adie." sambit niya habang nakatingin sa lalake.
Tumayo ito ngunit nang maglakad ay pagewang gewang na!
"Adie?" Malakas niyang sigaw nang muntik na itong matumba.Nalasing na agad ito?Isang bucket lang naman ang ininum ng dalawa.
Nang humakbang ito ay kaagad niya itong nilapitan at sinalo nang muntik na naman itong matumba at hindi inaasahan ay nagtama ang mga labi nila.Nakayapos ang magkabilang braso ni Adrian sa maliit niyang bewang.
"S-Sorry..." nagawang sambit ni Adrian .
Tumayo siya at lumayo rito habang hawak pa rin ang mga labing dinampian ng mga labi ng binata .Dama niya kanina ang mainit na labi nito , unang halik niya iyon.Aksidenteng halik lang naman iyon pero bolta boltaheng kilig ang hatid sa kanya.Gusto niyang kurutin ang kanyang sarili sa sandaling yon.
"Sorry rin po, lasing ka na po yata..." aniya.
"Yeah,I am..." sagot naman nito .
Nagpaalam na ang dalawa at nang tingnan niya ang mga ito ay diretso naman ang paglakad ni Senyorito Adrian.Ang akala ba niya ay lasing ito?