Chapter 2-Sa ilog

1476 Words
Lia Maaga siyang nagising upang tulungan si Lola Natty na maghanda ng almusal. Tinolang manok ang niluluto ni Lola , tinulungan naman miya ito sa pagbalat ng mga gulay na isasahog sa tinola. Natutulog pa sina Senyorito Chase sa itaas at si Adrian, napapaisip tuloy siya kung bakit naisipang pumunta sa probinsya ang dalawa eh napaka tahimik naman rito at alam niyang napakalayo ng lugar na ito kumpara sa Manila. Nang luto na ang tinola at lumabas na siya at nagwalis na ng mga tuyong dahon sa labas. Naglinis ng banyo at inalis ang mga d**o na tumutubo sa gilid ng taniman nila. Ito na ang nakasanayan niyang gawin sa tuwing umaga kaya siguro hindi siya tumataba. " Lia!" dinig niyang tawag mula sa kalayuan. Lumabas siya sa bakuiran at nakita ang kan'yang mga kaibigan na sina Jana at Cherry Ann. " Oh, aalis na ba kayo?" tanong niya sa dalawa.Nakapantalon na ang dalawa at nakasuot ng backpack. " Oo, pumunta lang kami rito upang magpaalam sa'yo. Alam mo naman na sa susunod na taon pa ang uwi namin dito.Sana sa susunod na taon, magkasama na tayong tatlo papunta sa Manila." wika ni Cherry Ann. " Sana nga talaga. Pero hayaan n'yo nag-iipon na naman ako sa pag-aaral ko. Sige ma-iingat kayong dalawa ha?" wika niya sa dalawa. Sa susund na linggo pala ay opening of class na naman . Nakaipon ang dalawa para sa pag-aaral ng mga ito, may tiyahin kasi si Jana sa Manila na malapit lamang sa kolehiyong papasukan ng dalawa. Katulad niya ay masipag rin ang dalawa, ang sabi ng mga ito ay magtatrabaho bilang waitress sa gabi at sa umaga nga ay papasok sa kolehiyo. Kulang lang talaga ang pera niya para sa enrolment at sa pamasahe paluwas ng Maynila kaya todo kayod siya ngayon. Kung anu-ano na nga ang ginagawa niya para lamang makapag-ipon. Nagbebenta siya ng gulay , minsan eh naglalako siya ng empanada at may mga araw rin eh kinukuha siyang tindera sa palengke. Ulilang lubos na siya , sina Lola Natty ay kinupkop lamang siya nang mamatay ang mga magulang niya. May dalawang kapatid rin siyang mga babae na nasa siyudad at pinapaaral ng mga tiyahin niya na sa palengke rin ang hanapbuhay. Napakahirap ng buhay nila, walang pera pambili ng masasarap na pagkain at pambili ng bagay na gusto nila kaya naman ipinangako niya sa sarili na magtitiyaga siya sa buhay upang balang araw ay magiging mabuti ang buhay nila. Hindi naman siya naghahangad na magig mayaman,syempre kahit na sino ay maghahangad ng buhay na maayos 'yung nakakakain sa isang araw at nabibili ang mga bagay na gusto. " Salamat Lia, mag-ingat ka rin ha? At ipangako mo na hindi ka muna mag-aasawa? Alam mo na, halos lahat ng mga babaeng kaklase natin eh may asawa na't anak!" sambit naman sa kan'ya ni Jana. Totoo ang sinasabi nito na marami na sa batch nila dito sa probinsya ay nakapag-asawa na. " Oo naman noh, magiging nars pa ako pangako ko 'yan!" aniya sa mga kaibigan. Pangako kasi nila sa isa't isa na uunahin muna ang pag-aaral at magsisikap sila sa upang makamtan ang pangarap balag araw. " Mabuti naman kung ganun. Sige na, aalis na kami ha? Paalam bestfren." naiiyak na wika ni Cherry Ann sabay yakap sa kan'ya. Naiiyak rin siya , wala na kasi siyang makakausap . Wala naman siyang cellphone para kontakin ang mga ito kaya ganun na lamang siya kalungkot na mamamaalam na ang mga kaibigan niya. Isang taon pa bago ulit uuwi sa Zamboanga ang dalawa . " Mag-iingat kayo dun a!" bulong niya habnag niyayakap ang tatlo. Tanaw niya pa rin ang mga ito habang naglalakad palayo. Sa isang bahagi ng puso niya ay may kaunting inggit siyang nararamdaman dahil mag-aaral na ang mga ito pero higit pa rin ang kasiyahan sa puso niya lalo na't isang hakbang na ang gagawin ng mga kaibigan para sa pagkamtan ng mga pangarap ng mga ito. Pagkatapos niyang maglinis ng bakuran ay muli siyang bumalik sa loob ng bahay ng mga Mondragon. Pumasok siya sa kwarto at inayos ang mga damit niya at nina Lola Natty. Medyo marami ang mga labahin niya ngayon dahil apat na araw siyang busy sa paglalako ng mga gulay sa mga karatig na kabahayan. Minsan eh umaabot pa siya sa karatig na barangay na naglalakad lamang dahil walang masyadong bumibili. Kinuha niya ang isang maliit na kahon sa ilalim ng kama niya. Binuksan niya iyon at inilatag ang mga barya at papel sa kanyang kama. Limang daan piso pa lamang ang ipon niya sa loob ng anim na buwan. Napakaraming gulay pa ang kakailangin niyang ibenta para makapag-ipon siya. Kumuha siya ng beinte pesos pambili ng sabon na gagamitin niya sa paglaba mamaya, pagkatapos ay muling ibinalik ang kahin sa ilalim ng kama. Nang lumabas siya ay nagbalot siya ng kanin sa dahon ng saging na kinuha niya kanina, naglagay rin siya ng nilagang talong at okra sa itaas. Baon na niya iyon hanggang tanghalian sa ilog. Mamaya ay dadaan siya sa bahay nina Mang Isko at maghihingi ng mangga, pandagdag sa mga nilagang gulay na uulamin niya. Pagkatapos ilagay sa sako ang mga damit ay naglakad na siya patungo sa ilog. Liblib ang lugar na iyon pero hindi naman malayo ang ilog mula sa bahay ng mga Mondragon, sakop pa nga ng mga ito ang ilog. Umupo siya sa pwesto niya, Sa ilalim ng puno sa tabing ilog. May malaking flat na bato kung saan niya nilagay ang kan'yang palanggana . Hiniwalay niya ang mga tshirt nila sa mga shorts pero inuna muna niyang labhan ang mga panty nila.Sanay na siya sa ganitong buhay pero palagi niyang naiisip na sana balang araw ay makakatikim rin siya ng kaginhawaan. Pagkatapos niyang labhan ang mga damit ay ibinalik niya ang mga iyon sa sako. Sanay na rin siyang magbuhat ng mabigat. Sino pa ang gagawa nun kundi siya lang naman 'di ba? Nang maramdaman ang pagkalam ng sikmura niya ay umupo siya sa buhangin at binuksan ang baon niya. Mabuti na lamang ay may toyo at suka siyang dala upang isasawsaw niya ang mga nilagang gulay na dala. Binalatan na rin niya kanina pa ang manggang hiningi kina Mang Isko. Nagsisimula na siyang kumain nang makaramdam siya naparang may nagmamasid sa kanya sa paligid. Nang luminga siya ay wala naman ibang tao sa paligid. Nagpatuloy siya sa pagkain hanggang sa naubos niya ang mga ito. Muli siyang lumingon sa paligid at nang mapagtantong napakatahimik ay mabilis niyang hinubad ang kan'yang blusa at shorts. Ganito naman siya palagi, nasasayangan siya kapag hindi niya lalabhan ang suot niyang mga damit. May tapis naman siya para takpan ang katawan niya. Nakabra at panty lamang siya sa sandaling iyon. Kumuha siya ng shampoo at ikinuskos sa buhok niya. Sinabon rin niya ang kan'yang katawan, Sa mukha, pababa sa dibdib niya at pababa pa. Ilang minuto rin siyang nagtampisaw sa ilog. Napaka presko ng tubig at napakasarap maligo kahit na buong araw pa siyang mananatili duon ay hindi yata siya magsasawa. Nagsipilyo na rin siya. Nang tapos na siyang maligo ay nagsuot na siya ng tapis, atsaka hinubad na ang bra at panty na suot niya, Nilabhan muna niya iyon at isinilid sa sako. Siniguro niyang hindi mahuhulog ang tapis niya , sa ulo pa naman niya ibibitbit ang sako at sa isang kamay ay ang palangganang dala niya. " Ayyyyy!" napatili siya nang bigla siyang may nakasalubong na tao sa daan. Nahulog tuloy ang sako at pati na rin ang tapis na nakabalot sa katawan niya ay nahulog rin. " S-Sir Adrian!" sambit niya nang makitang tila natulos ang Senyorito mula sa kinatatayuan nito.Nakalimutan niyang hubad siya dahil sa halip na ang tapis ang pulutin niya ay inuna niya ang mga nagkalat na damit na natapon sa sako. Nang maalala ang kahubdan niya ay napatayo na lamang siya sa harap ni Senyorito Adrian. Lumapit ito sa kan'ya at ibinalot ang tapis sa katawan niya. Hindi niya napansin na pinulot na pala nito ang tapis . " S-Salamat po." nahihiyang wika niya. Siguro'y napaka pula na ng mukha niya sa oras na iyon dahil sa kahihiyan. Nakita ba nito ang bubad niyang katawan ? Nakita ba nito ang dibdib niya? Ang p********e niya? " Sir, n-nakita niyo po?" nauutal niyang tanong. " 'Yung alin?" anito. " 'Yung, alam niyo na po ..." " Don't worry baby, I saw it but I am used to seeing naked women!" seryosong sambit nito sa kan'ya. Nakatitig siya sa malalamyaw na mga mata nito. Napakagwapo talaga nito lalo na kapag mas matagal itong ttitigan. " Kailangan ko pong labhan ulit ang mga ito." aniya. " Sige at dahil ginulat kita eh tutulungan na kita okay!" Tumango na lamang siya dahil hanggang ngayon ay hiyang hiya pa rin siya sa tuwing iisipin na nakita na nito ang kahubdan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD