Pagdating niya sa bahay ay inayos na niya ang mga gulay na ibebenta niya bukas. Maglalako na naman siya ng sitaw ,okra at talong hanggang sa bayan. Hindi siya dapat na tamarin para sa kinabukasan ng kanilang pamilya .Nakita niya kanina na nagmamadaling umalis sina Senyorito Chase at Adrian.Narinig niyang sa susunod na araw ang balik ng mga ito sa Zamboanga .Kapag mayaman nga naman ay pwede lamang na pumaroo't pumarito sa kahit na anong oras na gustuhin ng mga ito .Samantalang siya ay naglalakad lamang patungo sa bayan.Nasasayangan siya sa pamasahe ,pag-iipunan na lamang niya kung maaari .
"Lia!" dinig niyang tawag ng pamilyar na boses sa labas ng bakuran nila.
Si Kristoff iyon ,kaklase nila na katulad niya ay nag-iipon rin para makapag-aral sa susunod na taon .Lumapit siya sa lalake at binuksan ang maliit na gate ng hardin.Gwapo si Kristoff at dahil nagtatrabaho ito sa bukod ay malapad ang katawan nito .Katulad nina Janna at Cherry Ann ay malapit rin ito sa kanya.Minsan nga ay tinutulungan siya nito sa paglalako ng mga gulay.Si Kristoff ang tagabuhat niya kapag mabigat ang mga dala niyang mga gulay.
"Napadalaw ka?" aniya rito.
"Dumaan lang ako,galing kasi ako sa bukid."wika nito.Lumapit ito sa kanya at umupo sa ilalim ng puno ng santol. " May bisita pala kayo?"
Tumango lamang siya rito." Oo,ang may-ari ng lupa at bahay na tinitithan namin nina Lola."sagot niya.
"Nakita ko nga kanina nung dumaan ako.Ang tatangkad at ang kinis noh? Mabuti naman at hindi nagpapalipad hangin sa'yo ? Sa ganda mong iyan, impossible na hindi ka mapapansin."
Natawa naman siya sa sinabi ni Kristoff."Alam mo kapag maririnig ka ng mga amo ni Lola Natty, siguradong pagtatawanan ka lang ng mga 'yon? Hoy,Kristoff! Napakayaman ng mga yon at sobrang gwapo,siguradong maraming mga magaganda at mala artistang mga babae ang nagkakandarapa sa kanila .Ako na yata ang pinakahuling babaeng mapapansin ng mga iyon! Isa pa,nakakahiya yang pinagsasabi mo noh,naku mas mahirap pa ako sa daga at sa itsura kong to? " giit niya sa kaibigan.Tiningnan niya ang kanyang sarili, isa siyang dakilang probinsyana at wala talaga sa isip niya ang sinabi ni Kristoff .
"Tama ka nga at isa pa lolokohin ka lang ng mga yon ! Siyanga pala,dumaan pala ako para sabihin sa'yo may bagong bukas pala na videokehan sa labasan .Naghahanap ng waitress sa panggabi .Nag-apply ako,baka naman gusto mo rin? Dalawang daang piso raw ang sweldo." sambit nito." Simula alas sais lang naman ng gabin Hanggang alas dies!"
Natigilan siya .Dalawang daang piso? Malaki laki na iyon kumpara sa paglalako niya ng gulay.Pwede siyang maglako sa Umaga at waitress naman siya sa gabi.Sa labasan ang sentro ng barangay nila.
"Sige,magpapaalam ako Kay Lola." wika niya rito.
"Huwag kang mag-alala,sabay naman tayong uuwi .Dito rin naman ang dinadaanan ko pauwi!"
"Sige Kristoff,pupunta ako bukas sa labasan kapag payag na si Lola Natty." sambit niya .
"T-Tulungan na kita ...."Tumayo ito at tinulungan siya sa paglagay ng mga gulat sa bayong .
"Malapit na rin pala ang kaarawan mo.Disi siete ka na..."dagdag pa ni Kristoff habang isinisilid ang mga talong sa isang bayong.
"Oo pero hindi ko na iniisip ang kaarawan ko.Wala rin naman akong pang handa !" sagot niya rito .Sa susunod na linggo na pala ang kaarawan niya. Dati kapag kaarawan niya ay naliligo lamang sila sa ilog at nagpipicnic.Walang handa kundi mga prutas at ginataang gulay na may sahog na daing.Iyon lang kasi ang kaya ng Lola niya pero enjoy rin naman dahil maghapon silang nagtatampisaw sa ilog .
Kahit isang cake na sa birthday ay hindi pa siya nakaranas simula pagkabata.Ignorante siya sa cake kaya kapag pupunta sila sa isang selebrasyon ay laking pasasalamat niya kapag nakakain siya ng cake.
"Kaya kayod lang tayo Lia! Patuloy tayong magsikap kahit na mahirap ang buhay." itinaas nito sa ere ang isang kamay at naghig five sa kanya.
"Oo,sumikap lang tayo."
"Kaya magtrabaho na tayo sa videokehan para makakaipon na tayo ng malaking pera ." dagdag pa nito.
Tumango lamang siya sa kaibigan .Totoo ang sinasabi ni Kristoff.Kapag two hundred sa isang duty ang sweldo nila at may six thousand pesos na sila sa isang buwan.Talagang makakaipon siya ng malaking pera para sa susunod na pasukan .
"Maraming salamat sa tulong ha! " pasasalamat niya sa kaibigan .
"Walang anuman, sige aalis na ako." wika nito at nagpaalam na sa kanya .
Pagkatapos niyang ayusin ang mga gulay ay pumasok na ulit siya sa loob ng bahay.Naghahanda na si Lola Natty niya ng tanghalian.As usual ay ginisang gulay ang nakahain.Kaya siguro napakaganda ng kutis niya kahit na morena siya dahil gulay lang palagi ang ulam nila .Purgang purga na siya sa totoo lang .Kapag napapadpad siya sa bayan ay nakakagutom ang amoy ng mga fast food chain sa paligid na ni minsan ay hindi pa niya nagawang puntahan at tikman ang kahit na isang pagkain na binebenta doon.
"La, g-gusto ko po sanang mag apply bilang tagasilbi sa videokehan sa labas.Sayang naman po ang sweldo ,dalawang daan na rin yun.Makakapag-ipon na po ako ng malakit La." aniya sa matanda habang kumakain sila.
"H-Hindi ba delikado apo? Videokehan? Nakow baka bastusin ka ng mga tao ,alam mo na kapag nalasing na ang mga iyon." mahinang sambit ng kanyang Lola.
" Lola,kasama ko po si Kristoff.Mag-iingat po ako pangako La.Atsaka,pls po gusto ko po talagang mag-ipon ng pera para sa susunod na pasukan."
Napaisip ang kanyang Lola." Pero ipangako mo na mag-iingat ka at huwag kang umuwi na walang kasama?"
Tumingin siya sa Lola Natty niya at napangiti siya rito.
"Opo La,pangako ko po 'yan sa inyo! "masayang sambit niya.
"Sige apo, papayag ako.Pasensya ka na talaga dahil hindi ka namin natutulungan sa pinansyal,apo.Kulang talaga eh.Walang Wala tayo!" malungkot na tugon ng matanda.
Hinawakan niya ang isang palad nito." La,okay lang po .Kaya ko po ito,ako po ang aahon sa atin sa kahirapan.Basta po,magtiwala lang po kayo sa akin La."
"Salamat apo.Ipagdadasal ko na sana'y matupad mo ang mga pangarap mo sa buhay balang araw.Ikaw pa ba? Eh napakasipag mong bata ! "
Wala naman talaga siyang ibang hangad sa buhay kundi ang makapag tapos sa pag-aaral. Ayaw niyan ng ganitong buhay,yung salat sa pera at sa marami pang mga bagay .Gusto niya ng maayos at magandang buhay lalo na para sa Lolo at Lola niya .