Chapter 8- Mga talong

1356 Words
"Uy,anlaki ng nakuha mong tip ah!" sambit sa kanya ni Kristoff. "Oo nga ,swerte ko ngayong gabi at malaki ang tip na bigay sa'kin.Ika nga eh,nakita ko may natanggap ka ring tip!" aniya rito. "Hmm oo,maliit lang pero sapat na pang ulam namin bukas." natutuwang sambit sa kanya ni Kristoff. "Tandaan mo ha,kailangan nating mag-ipon para sa susunod na pasukan .Susundan natin sina Cherry Ann at Jana sa Manila." paalala niya rito. "Oo,yun ang priority natin .Teka,pupunta tayo sa kaarawan ni Boss Greg ha? Sayang ang pagkakataon,bihira lang tayong iimbitahan sa selebrasyon ng mga mayayaman." "Oo,dadalo tayo." wika niya. Naglalakad na sila ngayon patungo sa looban.Walang ilaw patungo sa looban kaya't isang maliit na lighter na may flashlight lamang ang umiilaw ng daanan. Walang mga bahay ang pinagdadaanan nila dahil napakalaki ng lupain na pagmamay-ari ng mga Mondragon . Pagkalipas ng kalahating oras ay nakarating na sila sa rest house ng mga Mondragon.Tumigil sila ni Kristoff sa tapat ng gate ,ito kasi ay medyo malayo pa ang lalakarin at tatawid pa ito sa ilog. "Paalam na ,mag-iingat ka ah! Bukas na lang ulit." aniya sa lalake. " Oo ,teka kailan ka ulit magtitinda ng gulay?" Tanong nito. "Sa isang araw pa,kapag day off ko na lang. Oh sige na,malayo pa ang lalakarin mo,alis ka na! "Pagtataboy niya rito. Mabilis naman siyang pumasok sa loob ng bakuran.Alas dies y media na ng gabi.Alas dies kasi ang curfew ng videokehan . Tahimik ang bahay nang pumasok siya sa loob,tulog na ang mga tao kaya minabuti niyang magdahan dahan na lang sa paghahakbang para hindi siya makakaistorbo . Papasok na sana siya sa kanyang kwarto nang biglang may humawak sa braso niya. " Senyo---"sambit niya. "Shhh, mag gogood night lang ako." anito sabay halik sa pisngi niya pagkatapos ay umakyat na sa itaas ng pangalawang palapag ng bahay . Sampung minuto na yata simula nang umalis si Adrian ngunit nakatayo pa rin siya sa tapat ng pintuan hawak hawak ang bahagi ng pisngi niya kung saan nito hinalikan. Nakaawang ang mga labi niya dahil hindi siya makapaniwala na gagawin nito ang halikan siya sa pisngi. Bakit ? Siguro ay lasing ito? Bukas ay tatanungin niya si Senyorito Adrian tungkol sa bagay na 'yun . Pumasok na siya sa kwarto at nagpalit ng damit .Itinago niya ang limandaang piso sa maliit na box na taguan niya ng pera at ang limang daan naman na bigay ni Greg ay ibibigay niya sa kanyang Lola Natty. KINABUKASAN ay maaga siyang nagtungo sa gulayan nila.Diniligan niya ang mga talong ,okra at iba ang mga tanim nila.Umuusbong na rin ang tanim niyang patola.Naalala niya na sinabi ng Lola niya na si Senyorito Anton Chase raw ang nagtanim at nagsimulang gumawa ng hardin na ipinagpatuloy lamang niya. "Lia,iha..." lumingon siya nang marinig ang boses ng Lola Natty niya. "La? Magandang umaga po!" aniya rito. "Apo,may sasabihin pala ako sa'yo.Kainausap ako kanina ni Senyorito Anton Chase.Kailangan nating lumipat na muna sa maliit na kubo sa tabing ilog dahil may bisita raw siyang dadalo rito.Araw araw mo na lang bisitahin ang mga gulay rito.Ako ay pinapapunta lang niya upang magluto sa bahay at sa gabi naman ay uuwi na ulit doon sa kubo na pinagawa nila." "Ano pa nga ba ang magagawa natin La kundi ang sundin ang mga amo natin." aniya.Siguro ay gagamitin ang kwarto nila ng mga bisita bilg mga amo. Mas maganda rin naman sa kubo .Malinis at presko naman yon dahil malapit sa ilog.Dalawang beses sa isang linggo ay nililinisan iyon ng Lola niya . Pagkatapos pala niyang maglinis ng gulayan ay ililipat na muna niya ang mga gamit niya sa kubo pati na rin ang mga gamit ng Lola niya. Timing naman at maliligo na rin siya sa ilog. Hindi naman siya sanay na Hindi kikilos. "Sige apo ha,basta mamaya sa kubo na tayo matutulog." paulit ng Lola niya . "Opo La." mahina niyang sagot at ipinagpatuloy ang paglinis ng mga tanim nila. "Ako'y babalik na sa loob apo!" wika nito. Nag focus na siya sa paglinis ng mga d**o na nakapalibot sa mga tanim na talong.Ang lulusog ng mga talong at ang kinis ng balat.Kaya naman mabenta talaga ang talong niya. Nakarinig siya ng yabag na palapit.Siguro bumalik na naman ang Lola niya at muli na naman nitong ipaalala na sa kubo sila matutulog.Hindi na lamang siya umangat ng tingin at nagpatuloy n sa paglinis at pagbungkal ng lupa sa palibot ng puno ng mga talong. "Wow,kaya pala ang lulusog ng mga talong at ang tataba dahil ang galing mo naman palang mag-alaga." Napanganga pa siya nang makita ang mukha ni Senyorito Adrian na nakatayo sa di kalayuan .Kanina pa yata itong nakatitig sa kanya na inakala niyang Lola niya. "Ah oo,Adie.Ang mga tanim lalo na ang gulay ay kailangan talagang araw araw na alagaan." nakangiti niya sambit sa lalake. "Totoo yan.Parang tao lang yan Lia.Dapat araw araw dinidiligan ,tingnan mo itong puno ng patola andaming bulaklak na namumukadkad,araw araw mo kasing dinidiligan.You see this garden,blooming dahil inaalagaan at dinidiligan." may pilyong ngiti ang sumilay sa labi nito . "Adie,kinumpara n'yo naman po sa tao ang mga tanim.Diniiligan po ba ang tao?" pahayag niya. Malakas naman itong tumawa. " Inosente ka pa talaga.Soon ,I will demonstrate to you okay? Kung paano nangyayari 'yun." dagdag pa nito. "Ah sige ,hihintayin ko Adie ." aniya sa lalake na ikinatigil naman nito. Lumapit ito sa puno ng talong. "Napaka healthy nila Adie noh? Ang hahaha at ang tataba...ang kikinis pa." natutuwa niyang sambit nang makitang tila iniinspeksyon ni Adie ang mga talong na mahahaba at Kay lulusog. "Ay oo nga,sobrang taba at haba..ganito rin talaga ang talong ko---" "Ano po?" Nakakalito namang kausap si Adrian. " I mean,ganito talaga ang gusto kong kaining talong.Mahaba,mataba at makinis.Ayaw ko ng reject na talong." "Ah ,pitasin n'yo na po kung ibig niyo nang kainin ." "Sa tamang panahon Lia,pipitasin kit---no,itong talong." "Okay ka lang po ba ? Namumula po kayo?" natarantang sambit niya sa lalake sabay tayo at lapit sa isang balde na may tubig at hinugas ang kamay niya at mabilis na bumaling ulit sa lalake at sinipat ang noo nito.Bigla kasing namula si Adrian ,nakakatakot at baka mataas ang presyon nito. "May lagnat po ba kayo?Ang init ng noo niyo Senyorito."nagawa niyang sambitin.Nagaalala tuloy siya sa lalake.Hinawakan niya ang magkabilang braso nito na sobrang init rin talaga. "Gusto ko na nga talagang magkasakit Lia." anito. "Huwag naman Adie.Magastos po ang magkasakit atsaka,huwag po kayong magbiro ng ganyan,hindi po maganda kung ano ang hinihingi niyo. Becareful what you wish for." Napa-english na tuloy siya sa lalake na tila ba pangiti ngiti pa habang siya naman ay nag-aalala. "Ang akala ko po eh maaga po ang alis ninyo?" "Mamaya pa,maaga pa naman." "Ah sige po,gusto niyo ba ng tubig? Kukuha ako sa loob,ang init niyo po talaga,hindi pa naman mainit ang panahon.May gamot po ako,kukunin ko..." Tatalikod na sana siya ngunit hinawakan siya ni Adrian sa braso ."Huwag na Lia,ibang gamot ang magpapagaling sa'kin." "Ano'ng gamot po?"Tanong niya rito. "Tssk,never mind sige papasok na ko sa loob at maliligo na ..." anito. "Teka po, " kaagad niyang sambit sa lalake." "Yes?" "Ano po 'yan?" Tanong niya sabay turo sa hinaharap nitong bumukol.Ang akala niya ay sumilid ito ng isang talong sa loob ng shorts nito. "Funny,napakainosente mo talaga.All your life,ni hindi ka pa nakakakita ng bumubukol na hybrid na talong!" sambit nito na tila ba tuwang tuwa pa sa kanya sabay talikod sa kanya at naglakad na patungo sa loob ng tahanan. Napailing na lamang siya.Bakit bumubukol? Ang ano ba iyon ni Sir Adrian? possible naman yata dahil wala naman sigurong ganun kalaking "ano" ang isang lalake.Baka naman nagmamalik mata lamang siya at imagination lamang niya iyon? Nakalimutan na tuloy niyang tanungin ang lalake kung bakit ito nag goodnight kiss sa kanya kagabi. Teka nga pala! Naalala niyang ganun pala ang mga mayayaman, may goodnight kiss sa isa't isa.Baka ang akala siguro nito ay kapatid siya nito .Napatango tango siya,oo nga pala mukhang nagkamali lamang talaga si Senyorito Adrian at siya naman ay malisyosa na.Hindi nga pala siya mayaman pala masanay sa mga routines ng mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD